You are on page 1of 4

FIL 316 MAIKLING KUWENTO AT NOBELANG FILIPINO-Gawain 3: Finals

Pangalan: Louie Jay D. Lleno Petsa: Mayo 3, 2021


Taon at Seksyon: BSED-Filipino/3D Iskor:

A. Sagutin

1. Anong taon o panahon higit na umunlad ang nobela? Bigyan ng isang


komprehensibong paliwanag.

 Ang panahon na higit umunlad ang nobela ay noong Panahon ng Amerikano sa


kadahilanang ang panahon na ito ay marami ang mga lumabas at nailimbag na
nobela. Sa panahon din ito ay marami ang manunulat.

2. Anong paksa ang higit na namayagpag sa panahon ng Bagong Lipunan? Bakit?

 Ang paska na higit na namayagpag sa panahon ng Bagong lipunan ay ang pag-


ankin ng mga ari-arian ng mga mananakop at ang mga pakikibaka ng mga
manggagawang Pilipino.

B. Magsaliksik hinggil sa mga nobelang nagwagi sa Gawad Palanca sa mga nakaraang


taon. Gawin gabay ang tsart sa ibaba. Iugnay sa pang-araw-araw na buhay ang paksa
sa Nobela.

Mga Makabagong Akdang naisulat Taon ng Paksa sa Kaugnayan sa


Nobelista Pagkawagi sa Nobela Kasalukuyan
gawad Palanca

Juan Cruz Reyes TUTUBI, 1981 Tungkol ito sa Sa panahon ngayon


TUTUBI, ‘WAG mga ay bawa na tayong
KANG PAHULI pangyayari lumabas dahil sa
SA MAMANG noong Batas pandemya at
SALBAHE Militar mayroon din tayong
curfew na kung saan
bawal na lumabas
ang mga tao kapag
lampas na sa curfew
hour.

Lilia Quindoza- ANG 1999 Tungkol ito sa Sa panahon ngayon


Santiago KAULAYAW NG kahalagahan ay maraming mga
AGILA ng ating bata ang mulat sa
kalikasan at realidad at maagang
sa mga nagtatrabaho upang
bumubuo nito. may makain sila.
Tungkol rin ito
sa kung paano
mamulat sa
totoong
realidad.

C. Magbigay ng isang kilalang manunulat sa bawat panahon. Ipaliwanag ang


mahahalagang impormasyon hinggil sa kaniya at ilang mahahalagang kaalaman hinggil
sa kanilang mga akda.

PANAHON NG KASTILA

PAMAGAT NG NOBELA: URBANA AT FELISA


Impormasyon tungkol sa may akda: PADRE MADESTRO DE CASTRO ipinanganak sa
Binan Laguna, noong unang hati ng ika-19 na dantaon. Nag-aral siya sa Colegio Real
de San Jose, naging kura sa cathedral ng Maynila at pagkatapos ay sa Naik, Kabite.
Bukod sa Urbana at Feliza ay isinulat din niya ang “Platicas Doctrinales” (1864), “
Exposicion de las Siete Palabras en Tagalo” at “Novena a san Isidre en Tagalog” atbp.
Sa pamamagitan ng “Urbana at Feliza “ ay natagurian siyang “ Ama ng Tuluyang
Klasika sa Tagalog”

Mahahalagang pangyayari sa akda


na hindi malilimutan. Ipaliwanag:
 Tumatalakay sa mga kagandahang-asal na dapat gawin sa mga okasyon, pang-
araw-araw at sa lipunan na sa mga kabataan. Dahil kung ano ang kilos mo ang
siyang tingin sayo ng iba at dito ka maigagalang.
 Ang pagpapahalaga sa pananampalataya sa Diyos, kung saan makikita natin
ang mga panyo ni Urbana kay feliza sa kanyang liham.

PANAHON NG AMERIKANO

PAMAGAT NG NOBELA: BANAAG AT SIKAT


Impormasyon tungkol sa may akda: LOPE K. SANTOS ay isinilang noong Septyembre
25, 1879 sa Barrio Pineda Buwayang Bato, Pasig, Rizal. Dahilan sa kanyang angking
katalinuhan ay natamo niya ang pinakamataas na karangalan. Natapos din siya sa
pagkamanananggol sa Escuela Derecho. Siya rin ang kinilalang pinakatanyag na
nobelista at makata sa kanyang panahon. Dahilan sa kanyang katanyagan ay naatasan
siyang magsalin ng Saligang Batas ng Pilipinas para sa UNESCO. Siya rin ang
nagbigay ng pagkakataong magsalin sa Wikang Tagalog ang mga talumpati
pampasinaya nina dating pangulong Jose P. Laurel at Manuel Roxas.

Mahahalagang pangyayari sa akda


na hindi malilimutan. Ipaliwanag:
 Ang tinutukoy na “Banaag at Sikat” sa nobela ay ang posibilidad ng malawakang
pagbabago sa lipunan , at ang pagbabagong ito ay may kaugnayan sa
distribusyin ng kayamanan, oportunidad, at makapangyarihan.
 Maaaring munting sinag mula sa malayo ang nakikita ni santos noon, at siyang
ipinaloob niya sa diwa nina Delfin at Felipe na inaasahang magpapasa rin ng
gayong diwain sa kani-kaniyang anak.
 Ang ipinunlang kaisipan ng awtor ay masasabing napapanahon na at sumisikat
na sa kaisipan ng bagong henerasyon nasa alaala na lamang ang gaya ng
Colorum at HUKBALAHAP sa harap ng Bagong Hukbong Bayan at
Bangsamoro.

PANAHON NG BAGONG LIPUNAN

PAMAGAT NG NOBELA: GINTO ANG KAYUMANGGING LUPA


Impormasyon tungkol sa may akda: DOMINADOR MIRASOL
Mahahalagang pangyayari sa akda
na hindi malilimutan. Ipaliwanag:
 Isinulat ang akda para ipamukah sa mga mambabasa ang katotohanan ng buhay
kung saan ang mahihirap ay palaging api at talunan. Layunin din ng akdang ito
na huwag mawalan ng pag-asa sa kahit anong pagsubok ang dumating sa ating
buhay.
 Dapat maging matatag, matiyaga, at may pangarap dahil ito ay makatutulong sa
pagkamit ng mga tagumpay.
 Ipinakita rin dito kung paano unti-unting nalampasan ng mga pangunahing
tauhan ang mag abalakid sa buhay, ang tema ay napapanahon dahil tulad ng
akda, noon pa man hanggang ngayon ay suliranin pa rin ng maraming
kababayan natin ang usapin sa lupain.

PANAHON NG KONTEMPORARYO

PAMAGAT NG NOBELA: GAPO


Impormasyon tungkol sa may akda: LUALHATI TORRES BAUTISTA ipinanganak
noong Disyembre 2, 1946 sa Tondo Manila. Anak ni Esteban Baustita at Gloria Torres,
sila ang nakaimpluwensiya na maging manunulat si Lualhati dahil tinatangkilik nila ang
composing, pagkanta at pagsulat ng mga tula.Siya ang naging bise presidente ng
Screen writers Guild of the Philippines; pinuno ng kapisanan ng mga Manunulat ng
Nobelang Popular, chair ng University of the Philippines Creative Writing Center taon
1986.
Mahahalagang pangyayari sa akda
na hindi malilimutan. Ipaliwanag:
 Ang pamagat na “Gapo” ay pinaikling pangalan mula sa Olonggapo, kung bakit
ito ang pamagat ay malinaw na sinasabi na ang buong takbo ng istorya ay nasa
mga pangyayari sa Olonggapo.
 Ang mga Pilipino sa Gapo ay biktima ng diskriminasyon at pang-aalipin ng mga
Amerikanong mapang-abuso. Ang pamagat ay naghahatid ng mga kahalagahan
na magbigay pansin ang mag pangyayari sa Olonggapo.
 Sa sitwasyon ang mga pangunahing tauhan ay sina Mike, Magda, Modesto, Ali
at nating mga Pilipino na di hamak na sangkot sa istoryang ito ay tila nay pumitik
sa ating balikat, tila may kumurot sa ating mag puso at an gating dati’y tila
napakatamis na panlasa’y tila pumait, umalat.

You might also like