You are on page 1of 2

Overview of the lesson

Bawat isa sa atin ay may kakayahang makabuo at magproseso ng mga katanungang sino, ano,
bakit, at paano sa mga sitwasyon na kinbibilangan natin. Maging sa pagbasa at pagsulat, itong mga
katanungang ito ang pumupukaw sa atin upang makagawa ng mga bagay na may proseso upang
makakuha ng isang resulta. Sa pagsasaalang-alang sa mga katanungang ito, nabibigyan tayo ng linaw
upang maintindihan pa nang mas maigi ang bawat sulatin na ating binabasa at mga sulating ating
sinusulat. Ang sakop na aralin na ipapahayag sa report na ito ay ang mga sumusunod:

Mga Teorya at Modelo ng Pagbasa at Pagsulat


A. Teoretikal na Modelo
B. Mga Teorya at Proseso
C. Proseso ng Pagsulat
D. Mga UIri ng Pagsulat

Inaasahan na sa dulo ng araling ito ay maunawaan na ang mga Teorya at Proseso sa Pagbasa at Pagsulat
at matukoy at naipaliwanag ang pagkakaiba ng; tradisyunal na Pagtingin sa Pagbasa, Simpleng Pagtingin
sa Pagbasa at Modernong Pagtingin sa Pagbasa.

Teoretikal na Modelo

.
Mahalaga ang linggwistika dahil tinutulungan nito ang mga tao na ihatid ang mga pinagmulan ng
mga salita at wika, ang kanilang mga makasaysayang aplikasyon, at ang kanilang kaugnayan sa
modernong panahon. Kung pinagsama-sama, ang diskarteng ito sa pagtuturo ng wika ay tumutulong sa
mga tagapagtanggap ng mensahe na magkaroon ng mas mahusay at mas malalim na pag-unawa sa
kanilang kausap na magkakaroon ng direktang epekto sa kanilang mga pang araw-araw na gawain. Ang
lingguwistikong transaksyon naman o ang transaksyunal na wika na ginagamit sa paggawa ng
transaksyon na mayroong resulta. Mahalaga ito upang maipahayag nang may tugunin at epektibong
komunikasyon sa pagitan ng mambabasa at manunulat.

Mayroong apat na bahagi ang naguugnay sa bawat indibidwal sa modelong transaksyon o


transaksyunal na teorya ng pagbasa at pagsulat. Ayon kay Clark (2016), ito ay ang pagbasa, pagsulat,
karanasan at komunikasyon sa pagitan ng manunulat at mambabasa.

Ang lingguwistikong transaksyon ay maiiuugnay sa karanasan ng mga mambabasa at at


manunulat. Dahil sa lingguwistikong transaksyon naipapaphayag ang isang mensahe na may kaakibat na
resulta or kahihinatnan. Makikita rito na ang mga karanasan ng mambabasa at manunulat ay may
tuguning epekto sa kanilang pagbasa at pagsulat. Ang mga karanasan ay tumutukoy sa araw-araw
nating interaksyon o transaksyon sa ating kapaligiran o lipunan. Dahil dito, mas yumayabong at mas
nabubuhay ang wika nating nagbibigay daan sa linggwistikong transaksyon. Dahil sa linggwisitkong
transaksyon, naaapektuhan nito ang paraan ng ating pagbabasa, pagsusulat at pakikisalamuha sa ibang
tao.

Ang modelong ito ay nagpapahiwatig na kapwa ang mambabasa at ang teksto ay may
mahalagang papel sa pagbuo ng kahulugan. Ang kahulugan ay ginawa sa pamamagitan ng tuluy-tuloy na
transaksyon sa pagitan ng mambabasa at ng teksto, gamit ang potensyal na kahulugan ng teksto at ang
tipon ng karanasan ng mambabasa. Ang pagunawa ay resulta ng transaksyon sa pagitan ng mambabasa
at mga salitang kanyang nababasa.

Ang halimbawa nito ay makikita pagdating sa pag unawa sa binabasa, ang mga nakalimbag na
salita ay mahalaga ngunit ang kalaman at karanasan ng mambabasa ay ang nagdadala sa kaniya sa
proseso ng paggawa ng kahulugan sa isang teksto. Gayundin sa pagsulat na kung saan mayroong
pagsasagawa at nagdadala ng impormasyon sa isang bagay na syang nagkakaroon ng resulta sa isang
ideya o impormasyon (Efferent) at pagsasaalang alang sa pangkalahatang damdamin ng isang teksto
(estetiko). Dito, papasok ang komunikasyon sa pagitan ng manunulat mambabasa. Mahihinuha rin na
ang magkaakaibang karanasan ang mga mambabasa ay maypananagutan sa iba’t ibang interpretasyon
ng mambabaasa sa mga sulatin.

Kung kaya naman ay umusbong ang mga pamantayan na magbibigay ng nagkakasundong


desisyon sa kung ano ang interpretasyon ng partrikular na pahayag. Bukod dito maitatalakay rin sa
report na ito ang proseso ng pagsulat at mga uri nito na magbibigay ng inaring-ganap na dahilan sa
kabuuan ng aralin.

You might also like