You are on page 1of 2

Akademikong Pagsulat

Kahulugan:

 Ito ay isang pagsulat na naglalayong linangin ang mga kaalaman ng mga mag-aaral kaya ito
tinawag naintelektwal na pagsulat.
 Isang intelektwal na pagsulat na nagtataas sa antas ng kaalaman ng mga mambabasa.
 Layunin nito na maipakita ang resulta ng pagsisiyasat o pananaliksik na ginawa

Konsepto:

Ayon kay Karen Gocsik (2004), ang mga mahahalagang konsepto ng Akademikong pagsulat ay ang mga
sumusunod:

 Ang akademikong pagsulat ay ginagawa ng mga iskolar at para sa mga iskolar.


 Ang akademikong pagsulat ay nakalaan sa mga paksa at mga tanong na kinagigiliwan
ngakademikong komunidad.
 Ang akademikong pagsulat ay dapat maglahad ng importanteng argumento.

Mga halimbawa ng akademikong pagsulat:

 Akademikong sanaysay  Annotated na katalogo


 Konseptong papel  Panunuring pampanitikan
 Tesis  Antolohiya
 Aklat  Pasalitang testimonya
 Artikulo (maaaring pahayagan, magasin  Mga tinipong sulatin (e.g., tula,
atbp.) sanaysay, at talumpati)

Katangian ng Akademikong Pagsulat:

1. Kompleks – Kinakailangang Maraming makukuhang leksyon ang mga mambabasa at maging


malawak sa bokabularyo. Nararapat na bigyang oras sa pagsasaliksik.
2. Pormal – Kinakailangang naaayon sa salaysay ang magiging gamit ng mga salita. Mahigpit na
tinututulan ang paggamit ng mga balbal na salita.
3. Tumpak – Kinakailangang sigurado at buo ang konsepto ng sinusulat, walang labis o kulang.
4. Obhetibo - Ang pokus nito ay kadalasang mga impormasyon na nais ibigay at mga argumentong
nais gawin, sa halip na manunulat mismo o ang kanyang mambabasa.
5. Eksplisit - Responsibilidad ng manunulat na gawing malinaw sa mambabasa kung paano ang iba't
ibang bahagi ng teksto ay nauugnay sa isa't isa.
Sources:

https://www.scribd.com/doc/79166019/Akademikong-Pagsulat

https://www.elcomblus.com/ang-kahulugan-katangian-at-layunin-ng-akademikong-pagsulat/

https://www.slideshare.net/ChristineMayGutierre1/akademikong-pagsulat-191832296

https://www.scribd.com/document/413877592/Katangian-Ng-Akademikong-Pagsusulat

You might also like