You are on page 1of 3

PILING-LARANG.

I. PAGGANYAK
Gamit ang Venn Diagram, ilahad ang pagkakatulat atpagkakaiba ng paraan ng pagsulat ng mga
manunulat noon at ngayon. Pagkatapos, sagutin ang tanong sa ibaba.

Noon Ngayon

Noon, wala pang papel at


ballpen o lapis na panulat, kaya Ngayon, ang ating pagsusulat ay
ang pagkakatulad ng mas hi-tech na kompara noon.
isinusulat ito sa mga balat ng pagsulat noon at ngayon
Hindi lang ballpen ang pwedeng
hayop, puno o maski sa bato pa ay parehas parin ang
pansulat kundi pwede ka nang
nga. Tapos ang kanilang gamit sulat ng mga tao sa
ngayon at noon na kung magtype sa iyong cellphone o sa
pansulat ay ang tinta gamit ang
saan nagsusulat sila ng iyong computer at i-print mo na
mga matutulis na bagay, mga lang ito sa printer. Pati ang
mga salita upang
balahibo at iba pa bagaman makapagbigay pagpapadala ng sulat ay ibang-
mayroon na ring sistema ng impromasyon sa bawat iba na. Noon, sa mga post office
pagsusulat noon, hindi ito tao o sakanilang mga mo pa ito ipinapadala. Ngayon
gaanong itinuturo hanggang sa kapwa ito ang ay mismong computer na at may
sinakop ng mga Espanyol ang nagsisilbing kuhanan ng gamit pang internet upang
balita ng mga tao
Pilipinas at naiambag na sa atin maisend mo ito
ang kanilang wika at sistema ng
pagsusulat.

III. PAGLALAPAT AT PAGTATAYA:


PANGKALAHATANG PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang panuto sa bawat gawain.
Isulat ng maayos at malinaw ang mga kasagutan sa malinis na papel.
1. Isa-isahin ang iba’t ibang uri ng anyo ng Akademikong Pagsulat at ipaliwanag ang bawat isa.
2. Pumili ng isa sa mga uri ng anyo ng Akademikong Pagsulat at magbigay ng sarili nitong
halimbawa.

I.
Sintesis – ito ay ang buod o pinakamaikli pero pinaka importanteng impormasyon galing sa
isang kwento o pangyayari. Hindi ito isang panibagong kwento ngunit ang pinakaikling
pagsasadula ng mga importanteng ganap sa isang kwento.
Buod – ito ay ang pinaikli o pinaiksing bersyon ng isang teksto. Ito ay maaaring
pinanood,pinakinggan o nakasulat. Sa pagbuod pinipili dito ang mga pinaka-mahahalagang ideya
at mga sumusoportang ideya o datos.
Abstrak – karaniwang gamit sa pagsulat ng akademikong papel na kalimitan ding inilalagay sa
mga tesis, pananaliksik, mga pormal na papel siyentipiko, at mga teknikal na papel, mga lektyur,
at pati sa mga report. Layunin nitong mapaikli o mabigyan ng buod ang mga akademikong papel.
Talumpati – akademikong sulating na nagpapaliwanag ng isang paksang naglalayong
manghikayat, tumugod, mangatwiran at / o magbigay ng mga kabatiran o kaalaman. Maaaring
pormal at nakabatay sa uri ng mga tagapakinig at may malinaw ang ayos ng ideya.
Rebyu – Kadalasan itong ginagamit upang tukuyin ang ginawang pagbabago o pag-iba maaaring
sa aklat, sulat o liham at iba pang na bagay. At ito ang detalyadong pagsusuri ng isang pelikula,
kwento, o akda. Ginagawa ito ng isa na may akda upang malaman ang tingin ng iba sa kaniyang
ginawa.
Replektibong Sanaysay – isang uri ng sanaysay kung saan nagbabalik tanaw ang akda at siya ay
nagninilay. Nangangailangan ito ng reaksyon at ng mga opinyon. Ito rin ay isang uri ng panitikan
na nakapasailalim sa isang anyong tuluyan o prosa.
Posisyong Papel - Naglalayong maipaglaban kung ano ang alam na katotohanan.Dapat ay
nagtatakwil ng kamalian o mga kasinungalingang impormasyon. Ito ay nararapat lamang na
isulat sa pormal at organisadong pagkakasunod-sunod ng mga ideya.
lakbay sanaysay – ito ay mga uri ng sulatin kung saan ang may akda ay nagbibigay ng
paglalarawan ng kaniyang mga naranasan, gabay, o damdamin sa paglalakbay. Maaring maging
replektibo o impormatibo ang pagsulat ng isang lakbay sanaysay.
Pictorial essay – isang sulatin o educational article na naglalayong magpahayag ng isang
partikular o higit pa na mga tema sa pamamagitan ng mga larawan. At mas maraming litrato ang
laman ng sanaysay kaysa sa mga salita. Pero dapat organisado at may makabuluhang
pagpapahayag sa mga litrato. Maaring may 3-5 na pangungusap ang paliwanag sa bawat
larawan.
Bionote – Ginagamit naman ito para sa personal na profile ng isang tao. Maaaring nakalagay rito
ang mga academic career ng isang tao o kaya naman iba pang impormasyon ukol sa kanya.
Dapat ay hindi katha at may makatotohanang paglalahad sa isang tao.
Panukalang Proyekto – isang kahilingan para sa pondo o iba pang pangangailangan mula sa
isang nagbibigay ng pondo o suporta para maisagawa ang ninanais gawin. Ang kahilingang ito
ay karaniwang nasa anyo ng isang kasulatan na binibigyang-katuwiran ng kalakip nitong plano.
Agenda – ito ay talaan ng mga pag-uusapan sa isang pormal na pulong. Sumusulat ng agenda
upang bigyan ng impormasyon ang mga taong kasangkot sa mga temang pag-uusapan at sa mga
usaping nangangailangan ng pansin at pagtugon. Binibigyang-halaga rin dito ang
rekomendasyon na lulutas sa isang isyu
katitikan ng pulong – ito ay ang dokumentong nagtatala ng mahahalagang diskusyon at
desisyon. Ibinabatay sa adyendang unang inihanda ng tagapangulo ng lupon na maaaring gawin
ng kalihim, typist, o reporter sa korte maaaring maikli at tuwiran o detalyado.

II.
HALIMBAWA NG ABSTRAK

Pambansang Wika at Isyu ng Intelektuwalisasyon

Tinatalakay sa artikulong itoang isyu ng wikang Filipino bilang midyum ng intelektuwalisadong


wika. Mula rito, nagkaroon ng diskusyon sa problema. Binigyang diin ang mga pananaw na
angwikang Filipino ay isang wikang hindi kayang maipahayag ang mga kaisipan. Dagdag
pa rito, sinabi rin na ang dahilan nito ay ang kanluraning kaisipan. Mula rito, sinabi na ang mga
may pribilehiyo at nakapapasok sa mga unibersidadlamangang nakaiintindi samga
kaalaman; nahiwalay ang unibersidad sa taong bayan. Ang pagkakabuo ng “Sikolohiyang
Pilipino”—koleksiyon ng mga masteral na tesis at disertasyonng Unibersidad ng
Pilipinasmula 1974 hanggang sa kasalukuyan—ang naging dahilan sa pagsulat sa wikang
Filipino, na nakapagpalaya sakanila mula sa dayuhang teorya at nakapag-isip ng orihinal na
ideya sa pagsusuri sa lipunang Pilipino. Mula rito, binigyang diin ang tungkulin ng unibersidadat
ng mga intelektuwal. Sinabi na ang unibersidad ang may tungkulin sa pagpapalaganap,
pagsulong at pagpapayaman ng wikang Filipino upang magkaroon ng oportunidad ang masang
Pilipino na makalahok sa mga intelektuwal na diskurso. Tungkulin naman ng mga intelektuwal
ang pagwasak sa alyenasyon ng unibersidad, ang pagpapalaganap ng kaalaman at pagtulong
sa paghasa ng isipan ng masang Pilipino sa pagiging kritikal at malikhain.

You might also like