Unang Pangkat. Fil123

You might also like

You are on page 1of 22

Republika ng Pilipinas

Fatima, General Santos City


KOLEHIYO NG AGHAM PANLIPUNAN AT
HUMANIDADES
DEPARTAMENTO NG FILIPINO
Unang Semestre - Akademikong Taon 2023-2024

BATAYANG SIMULAIN SA
PAGSASALIN
Kahulugan, Kahalagahan at Kasaysayan

Isinumite nina:

Peñafiel, Lyca
Ontoy, Angelic Shareena
Escultura, Alliah Marie
Mayo, Dangela Mae
Caberto, Godfrena
Kadatuan, Charity
Mocles, Jessa

Isinumite kay:

Propesor Angeles Ysmael


Republika ng Pilipinas
Fatima, General Santos City
KOLEHIYO NG AGHAM PANLIPUNAN AT
EDFIL
HUMANIDADES
DEPARTAMENTO NG FILIPINO
Unang Semestre - Akademikong Taon 2023-2024

INTRODUKSYON

Alam mo bang maraming mga iskolar ang bagbigay ng katuturan sa pagsasaling-wika?


Lahat ng kanilang mga ideya ay iisa ang tunguhin, at magkakaparehong konsepto pagkat
ang pagsasalin ay isang proseso ng paglilipat-diwa at estruktura mula sa simulaing wika
tungo sa tunguhang wika nang may mataas na konsiderasyon sa aspektong kultural ng
dalawang wikang kasangkot. Hindi pa gaanong karamihan ang aklat o artikulong
tumatalakay sa pagsasaling-wika sapagkat ito ay pambihira. Ang ilan sa mga aklat na
tumatalakay may binanggit din ay kagaya ng “The Principles of Translation” ni Alexander
Tytler, “The Story of Language” ni Mario Pe at nitong huli ay ang aklat na sinulat ni Dr.
Alfonso Santiago.

Sa modyul na ito matatalakay ang mga pagpapakahulugan ng pagsasalin mula sa iba’t


ibang tagasalin sa buong daigdig, mga kilalang eksperto sa pagsasalin at ang kanilang mga
isinalin at ang iba’t ibang yugto ng pagsasalin sa Pilipinas at buong mundo.
Republika ng Pilipinas
Fatima, General Santos City
KOLEHIYO NG AGHAM PANLIPUNAN AT
EDFIL
HUMANIDADES
DEPARTAMENTO NG FILIPINO
Unang Semestre - Akademikong Taon 2023-2024

PAGKILALA
Ang modyul na ito ay maingat na inihanda ng mga mag-aaral ng FIL123 I12-2 para
sa ating mag-aaral na kukuha ng kursong Introduksyon sa Pagsasaling-Wika. Ito ay
modyul ay binubuo ng iba’t-ibang bahagi na magiging gabay nila upang mas maunawaan
ang bawat paksa/aralin at malinang ang kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang proyetong ito ay hindi magiging posible kung wala ang pagtutulungan ng aming
pangkat at mga suporta ng aming pamilya at kaibigan. Sa aming tagapayo, si Prof. Angie
Ysmael, na siyang naging gabay naming at sa pagbibigay ng suporta at karagdagang
impormasyon. Isang taos-pusong pasasalamat sa bawat indibidwal na naging parte ng
proyektong ito.

At higit sa lahat, sa ating Poong Maykapal, sa pagbibigay ng sapat na lakas at


kaalaman, mataas na pasensya, sa gabay at pagbibigay ng biyaya sa aming lahat upang
matapos namin ang modyul na ito.
Republika ng Pilipinas
Fatima, General Santos City
KOLEHIYO NG AGHAM PANLIPUNAN AT
EDFIL
HUMANIDADES
DEPARTAMENTO NG FILIPINO
Unang Semestre - Akademikong Taon 2023-2024

TALAAN NG NILALAMAN
INTRODUKSYON ……………………………………………………………..I
PAGKILALA ……………………………………………………………………II

Pagsasaling-Wika ……………………………………………………………..1
Kahalagahan ng Pagsasaling-Wika ………………………………………….2
Kasaysayan ng pagsasaling-wika sa daigdig ……………………………….5
Panahon ng pagsasalin ng bibliya ……………………………………………6
Kasaysayan sa pagsasaling-wika ng pilipinas ………………………………8
MGA GAWAING INTERAKTIBO AT INTEGRATIBO ……………………..13
MGA TANONG PANGKAISIPAN ……………………………………………14
GAWAING KOLABORATIBO …………………………………………………15
PAGSUSULIT …………………………………………………………………..16
SANGGUNIAN ………………………………………………………………….17
Republika ng Pilipinas
Fatima, General Santos City
KOLEHIYO NG AGHAM PANLIPUNAN AT
EDFIL
HUMANIDADES
DEPARTAMENTO NG FILIPINO
Unang Semestre - Akademikong Taon 2023-2024

PAGSASALING-WIKA

Bawat awtor ng mga aklat sa pagsasaling-wika ay may kanya kanyang


depinisyon tungkol sa kung ano ang pagsasaling-wika. Subalit kapag sinuri ang
kanilang mga depinisyon, iisa lamang ang pangkalahatang ibinibigay. Tingnan
natin ang ilang depinisyon ng pagsasaling-wika ayon sa mga kilalang eksperto o
praktisyuner sa larangang ito. Sipiin natin sa Ingles ang kani-kanilang depinisyon:

“Translation is a process by which a spoken or written utterance takes place in


one language, which is intended and presumed to convey the same meaning as a
previously existing utterance in another language.” (C. Rabin 1958)
“Translation consists in producing in the receptor language the closest natural
equivalent of the message of the source language, first in meaning and secondly
in style.” (E. Nida 1959/1966)
“Translation may be defined as the replacement of textual material in one
language (source language) by equivalent textual material in another language
(target language).” (J.C. Catford 1965)
“Translation is an exercise which consists in the attempt to replace a written
message in one language by te same message in another language.” (P. Newmark
1977)
“Translation is reproducing in the receptor language a text which communicates
the same message as the source language but using the natural grammatical an
lexical choices of the receptor language.” (M. L. Larson 1984)
“Translation is made possible by an equivalence of thought that lies behind its
different verbal expressions.” (T. Savory 1968)

Pansinin na lahat ng depinisyon ay bumanggit sa salitang “meaning” o


“message” na ang ibig sabihin, ang isinasalin ay kahulugan o mensahe mula sa
isinalin tungo sa piangsasalinang wika. Walang depinisyon ang nagsabing ang
isinasalin ay salita. Nangyayari, mangyari pa, na isinasalin ang mga salita upang
sa gayong paraan ay mailipat sa pinagsasalinang wika ang diwa o mensahe mula
sa isinasaling wika. Ngunit ang gayon ay bahagi lamang ng pinakalayunin ng
pagsasalin- ang maisalin ang diwa o
Republika ng Pilipinas
Fatima, General Santos City
KOLEHIYO NG AGHAM PANLIPUNAN AT
EDFIL
HUMANIDADES
DEPARTAMENTO NG FILIPINO
Unang Semestre - Akademikong Taon 2023-2024

mensahe sa teksto. Kung lalagumin natin ang isinasaad ng mga depinisyon sa


itaas, ang maibibigay nating depinisyon sa Filipino ay ganito: Ang pagsasaling-
wika ay ang paglilipat sa pinagsasalinang wika ng pinakamalapit na
katumbas na diwa at esilong nasa wikang isinasalin.
Ulitin natin na ang isinasalin ay diwa at hindi salita. Kung halimbawa’y
nagsasalin ng isang talata, ang isinasalin ay ang diwa ng talata at hindi ang bawat
salita na bumubuo rito. Alam natin na ang kahulugang leksikal ng isang salita ay
malimit na nagbabago kapag ito’y nagging bahagi ng pangungusap, lalo na kapag
ito’y napasama sa isang ekspresyong idyomatiko.
Sa bahaging ito’y mababanggit na ang anumang pagbabago sa estilo,
pagdaragdag, pagbabawas, pagpapalit o pagbabago sa orihinal na diwa ng
isinasalin nang walang malaking dahilan ay maituturing na paglabag na sa
tungkulin ng tagapagsalin. Kung buhay pa ang awtor at maaaring makonsulta o
mahingan ng permiso, isagawa ang gayon bago pasukan ng anumang pagbabago
sa diwa at estilo ang kanyang likha.
Bukod sa mga nabanggit, mayroon pang binibigyang-diin ang mga eksperto
sa pagsasaling-wika sa hangaring maituwid ang kinaugalian nang paraan ng
pagsasalin, lalo na noong mga dakong una. Ang mga sinaunang pagsasalin ay
masasabing napaalipin sa porma ng mensahe. Marami sa mga tagapagsalin
noong araw ang naniwala na wasto ang kanilang salin kapag nailipat nila sa
wikang pinagsasalinan ang sukat at tugma kung tula ang isinasalin o kaya’y ang
balangkas ng mga pangungusap kung prosa naman ang isinasalin. Ang ganitong
uri o paraan ng pagsasalin ay kitang-kita sa mga unang salin sa Bibla.
Subalit sa makabagong kahulugan ng pagsasalin, kung pinagtutuunang
pansin man ang porma ay pangalawa na lamang sa mansahe ng tekstong isinalin.
Alam natin na bawat wika ay may kaniya-kaniyang kakanyahan, may kani-kanyang
sistema ng pagbubuo at pagsusunod-sunod ng mga salita upang magpahayag ng
isang kaisipan. Sa pagsasalin, samakatuwid, ay hindi dapat pabilanggo ang
tagapagsalin sa kakanyahan ng wikang kanyang isinasalin sapagkat my sariling
kakanyahan ang kanyang wikang pinagsasalinan na siya niyang dapat isaalang-
alang.
Hindi na rin nasisiyahan ang mga makabagong tagapagsalin na basta ilipat sa
wikang pinagsasalinan ang diwa o mensaheng nasasaad sa wikang isinasalin.
Para sa kanila, ang mahalaga sa lahat ay ang magiging reaksyon ng babasa ng
salin na dapat sana, hanggat maaari, ay maging katulad halos ng magiging
reaksyon ng babasa ng orihinal na teksto. Tingnan natin ang ilustrasyon sa ibaba:
Republika ng Pilipinas
Fatima, General Santos City
KOLEHIYO NG AGHAM PANLIPUNAN AT
EDFIL
HUMANIDADES
DEPARTAMENTO NG FILIPINO
Unang Semestre - Akademikong Taon 2023-2024

INGLES FILIPINO
(Wikang Isinasalin) (Wikang Pinagsasalinan)

Tagabasa A <======================================> Tagabasa B

Ipinakikita sa ilustrayon na kung babasahin ng Tagabasa A ang bersyong


Ingles (orihinal) at babasahin naman ng Tagabasa B ang bersyong Filipino (salin),
ang magiging

reaksyon sana ng dalawang tagabasang ito ay halos magkatulad. (Hindi natin


masasabing magkatulad na magkatulad sapagkat walang pagsasaling ganp o
perpekto.)
Tinawag ito ni Nida (TST 1968:182) na “equivalence of response” na kung
saan ang “receptors of the translation text must respond to the translation text
equivalent to the manner in which the receptors of the source text respond to the
source text.”
Mababanggit na rin na kahit ang karaniwang tanong kung tama ang salin ay
nararapat lamang sagutin ng tanong din na “Para kangino?” Ang ibig sabihin,
maaaring ang isang salin ay angkop sa isang pangkat ng mambabasa subalit
maaaring hindi naman angkop sa ibang pangkat. Sa ganitong simulain, ang isang
piyesa ng literature ay maaaring magkaroon ng iba’t ibang “tamang salin.”
Linawin natin na hindi nangangahulugang hindi na isasaalang-alang ng
tagapgasalin ang porma ng kanyang isinasalin. Ang pagsasaalang-alang sa diwa
at sa porma ng isinasaling teksto ay napakahalaga. Kaya lang, may mga
pagkakataong maaaring isakripisyo ang porma ngunit hindi kailanman ang diwa
ng isinasalin.

KAHALAGAHAN NG PAGSASALING-WIKA

Ayon kay Bienvenido Lumbera (1982), ang mga layuning nagbubunsod sa


pagsasaling-wika ay ang sumusunod:

1. Pagpapalaganap ng kaalaman o kaisipang nakapaloob sa akda;


2. Pagbibigay-liwanag sa kasaysayan at kultura ng ibang bansa o panahon;
at
3. Pagpapakilala sa mga bagong mambabasa ng isang akdang itinuturing na
makabuluhan ng isa o ilang tao.
Republika ng Pilipinas
Fatima, General Santos City
KOLEHIYO NG AGHAM PANLIPUNAN AT
EDFIL
HUMANIDADES
DEPARTAMENTO NG FILIPINO
Unang Semestre - Akademikong Taon 2023-2024

Napakaraming kaalaman at karunungang mababasa at mapag-aaralan sa


kasalukuyang panahon ang bunga ng pagsasaling-wika. Halimbawa na lamang ay
ang kasaysayan at kultura ng iba’t ibang lipunan at lipi sa mundo na ating napag-
aaralan dahil may mga manunulat na nag-abalang magsalin ng mga ito sa ating
wika upang ating maunawaan.

Ayon sa isa nating Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan na si Virgilio


Almario (2013), kasintanda ng limbag na panitikan sa bansa ang pagsasalin sa
atin. Patunay rito, aniya, ang Doctrina Christiana na siyang salin ng mga batas,
dasal, at gawain ng katolisismo para sa mga sinaunang Pilipino. Ang naturang
dokumento ang kilaiang pinakaunang dokumento ng nailimbag sa Filipino noong
1593.

Kung titingnan ang panahon nito, maipagpapalagay na ang pagsasalin ay di


lamang bahagi ng pag-aaral natin ng mga prosesong nakapaloob sa panitikan.
Masasabi na ang pagsasalin ay may malaking impluwensiya sa ating kasaysayan
bilang mga Pilipino at sa pagsisimula ng ating pagsasabansa.

Ang kahirapan o kadakilaan sa pagsasaling-wika ay nababatay rin sa uri ng


paksang isinasalin, bukod sa anyo at layunin. May karaniwang paksang pang-
araw-araw na madaling isalin. Gayundin, may mga anyong pampanitikan na tulad
ng tula na may kahirapan isalin ngunit nagdudulot naman ng kasiyahan sa
nagsasalin sapagkat higit na nagpapakilala ng katotohanang ang pagsasaling-
wika ay isang sining.

Hal.

Each citizen must aim at personal perfection and social justice through education.
(orihinal)

Bawat mamamayan dapat may layunin sa personal na kaganapan at panlipunang


katarungan sa pamamagitan ng edukasyon. (saling literal)

— Manuel L. Quezon
Republika ng Pilipinas
Fatima, General Santos City
KOLEHIYO NG AGHAM PANLIPUNAN AT
EDFIL
HUMANIDADES
DEPARTAMENTO NG FILIPINO
Unang Semestre - Akademikong Taon 2023-2024

KASAYSAYAN NG PAGSASALING-WIKA SA DAIGDIG

Ang pagsasaling-wika ay sinasabing kasintanda na rin halos ng panitikan. Sa


Europe, ang kinikilalang unang tagasaling-wika ayon kay Savory, ay isang aliping
Griyego na nagngangalang Andronicus. Isinalin niya nang patula sa Latin noong
240 B.C. ang Odyssey ni Homer na nasusulat sa wikang Griyego. Maaaring hindi
si Andronicus ang kauna-unahang tagasaling-wika subalit sa kanyang salin ng
Odyssey ang kinagiliwang basahin ng marami, kayat siyang nabuhay ng matagal.
Ang totoo’y may mga pahina pa diumano ang nasabing aklat ang matatagpuan
magpahanggang ngayon sa ilang museo sa Europe. Ang unang pagsasaling ito
ay sinundan pa ng ibang pagsasalin:

ANDRONICUS- kinikilalang unang tagapagsalin sa Europa. Isinalin niya sa nang


patula saWikang Latin ang Odyssey ni Homer na nakasusulat sa Wikang Griyego
noong 240 B.C.

NAEVIUS at ENNIUS – gumawa ng mga pagsasalin sa Latin ng mga dulang


Griyegokatulad ng mga naga a!nasulat ni Eurides.

Nakatulong nang malaki sa pagunlad ng mga bansa sa Europa ang


pagsasaling-wika sa pamamagitan ng pagsasalin ng iba’t ibang sangay ng
panitikan. Halimbawa ang mabilis na pag-angat ng bansang Arabia mula sa
kamangmangan noong ikalawa

hanggang ikasiyam na siglo ay dulot ng pagsasaling-wika na isinagawa mula sa


wikang Griyego nanoon ay principal na daluyan ng iba’t ibang karunungan.

May pangkat ng mga Eskolar sa Syria na nakaabot sa Baghdad at doon ay


isinalin nila sa Wikang Arabia ang mga sinulat ni Aristotle ,Plato, Galen,
Hippocrates at marami pang ibang kilalang pantas. Kaya nakilala ang Baghdad
bilang isang paaralan ng pagsasaling-wika. Ngunit dumating ang panahon na
nabaling ang atensiyon/kawilihan ng mga eskolar sa ibang bagay na pang-
intelektuwal katulad ng pagsusulat ng mga artikulong pampilosopiya. kaya
pagkaraan ng tatlong siglo ay napalitan ng Toledo ang Baghdad bilang sentro ng
karunungan at pagsasaling-wika.

ADELARD – nagsalin sa Latin ng mga sinulat ni Euclid na noon ay nasusulat sa


Wikang Arabic
Republika ng Pilipinas
Fatima, General Santos City
KOLEHIYO NG AGHAM PANLIPUNAN AT
EDFIL
HUMANIDADES
DEPARTAMENTO NG FILIPINO
Unang Semestre - Akademikong Taon 2023-2024

RETINES– isinalin sa wikang Latin ang Koran noong 1141.

1200 AD- Sa panahong ito, umabot sa Toledo ang mga orihinal na teksto ng mga
literaturang nakasulat sa Wikang Griyego. Dahil dito, lumabas ang dakilang saling
ng Liber Gestorum Barlaam et Josaphat na orihinal ng nakasulat sa wikang
Griyego. Ayon kay Savory, sa panahong ito umabot sa pinakatuktok ang
pagsasaling-wika. Noon rin nagsimula ang pagsasalin ng bibliya.

JACQUES AMYOT- isang Obispo sa Auxerre at kinikilalang “Prinsipe ng


Pagsasaling-wika” sa Europa. Isinalin niya sa wikang Aleman ang “Lives of
Famous Greek and Romans” noong 1559. Ang salin na itosa wikang Aleman ang
pinagkunan ni SIR THOMAS NORTH (pinakadakila sa mga tagapagsalin sa
Inglatera) ng salin sa Ingles noong 1579.

JOHN BOURCHIER- isang tagapagsaling nakilala sa Inglatera noong 1467-1553.


Isinalin niya ang Chronicles ni Froissart sa wikang Aleman.

ELIZABETH I at II- Ayon kay Savory, ang panahon ng unang Elizabeth ang
itinuring na unang panahon ng pagsasaling-wika sa Inglatera at ang panahon ng
Ikalawang Elizabeth ang pinakataluktok ng pagsasaling-wika sa Inglatera.

Sa panahon ng Elizabeth II (1598-1616), nailathala ang mga salin ni George


Chapman sa mga isinulat ni Homer.Lumabas naman noong 1603 ang salin ni John
Florio sa Essays ni Montaigne na kasing husay ng Plutarch ni North. At noong
1612 ay isinalin naman ni Thomas Shelton ang Don Quixote.

1792- nailathala ang aklat ni Alexnader Tytler na may pamagat na Essay on the
Principles of Translation na nagbigay ng tatlong panuntunan sa pagsasalin.

1. Ang isang salin ay kailangang katulad na katulad ng orihinal sa diwa o


mensahe.
2. Ang estilo at paraan ng pagkasulat ay kailangan katulad sa orihinal.
3. Ang isang salin ay dapat maging maluwag at magaang basahin tulad ng sa
orihinal.

PANAHON NG PAGSASALIN NG BIBLIYA

Totoo ang sabi ni Savory na kapag pagsasaling-wika ang pinag-usapan, hindi


maiiwasang mabanggit ang pagsasalin ng Biblia dahil sa dalawang kadahilanan.
Ang una ay sapagkat ang paksa sa Biblia, lalo na sa Matandang Tipan, ay
tumatalakay sa tao- sa
Republika ng Pilipinas
Fatima, General Santos City
KOLEHIYO NG AGHAM PANLIPUNAN AT
EDFIL
HUMANIDADES
DEPARTAMENTO NG FILIPINO
Unang Semestre - Akademikong Taon 2023-2024

kanyang pinagmulan, sa kanyang layunin at sa kanyang destinasyon. Sa loob ng


di na halos mabilang na henerasyon, ang Biblia ang siyang nagiging sanggunian
ng tao hinggil sa katuturan ng kanyang pagkabuhay. Sa mga dahoon din ng Biblia
hinahanap ng tao ang mga panuntunang dapat niyang sundin upang mabigyan ng
katuturan ang kanyang buhay sa daigdig na ito. Kaya nga’t masasabing ang mga
doktrinang nasaad sa Biblia ay nakahuhubog nang Malaki sa katauhan ng tao. Ito
ang dahilan kung bakit itinuturing na naiiba ang Biblia sa ibang aklat. Ang
ikalawang dahilan kung bakit naiiba ang Biblia sa karaniwan sa larangan ng
pagsasaling-wika ay ang di-mapasusubaliang kataasan ng uri ng pagkakasulat
nito.

Ang orihinal na manuskrito o teksto ng Bibliya ay sinasabing wala na. Ang


kauna-unahang teksto nito ay nasusulat sa wikang Aramaic ng Ebreo at ito ang
pinaniniwalaang pinagmulan ng salin ni Origen sa wikang Griyegon nak ilala sa
tawag na Septuagint gayon din ang salin ni Jerome sa wikang Latin.

Tatlong pinakadakilang salin sa Biblia:

• Saint Jerome (Latin)


• Martin Luther (Aleman)
• Haring James (Ingles-Inglatera)

Samantalang ang kauna-unahang salin sa ingles ng Bibliya ay isinagawa ni


John Wycliffe. Ang unang salin ng mga Katoliko Romano ay nakilala sa tawag na
Douai Bible. Si William Tyndale ang nagsalin sa Ingles ng Bibliya buhat sa wikang
Griyegon na salin naman ni Erasmus. Hindi naging katanggap-tanggap ang salin
dahil sa masalimuot na mga talababa.

Hindi natapos ni Tyndale at ipinagpatuloy ni John Rogers (Thomas Metthew)


at nailathala noong 1537. Nirebisa ito ni Richard Taverner noong 1539. Muli itong
nirebisa ni Coverdale at tinawag itong Great Bible.

Ilan sa mga kinilalang bersyon ng salin ng Bibliya ay ang:

Geneva Bible (1560)- Ito ay isinagawa nina William Whittingham at John Knox.
Ginamit ang Bibliya na ito sa pagpapalaganap ng Protestantismo. Tinagurian itong
“Breeches Bible”.

Authorized Version- Ito ang nagging pinakamalaganap at hindi na


malalampasan. Nakilala ito dahil sa nagging panuntunan na ang pagsasalin ay
dapat mging matapat sa
Republika ng Pilipinas
Fatima, General Santos City
KOLEHIYO NG AGHAM PANLIPUNAN AT
EDFIL
HUMANIDADES
DEPARTAMENTO NG FILIPINO
Unang Semestre - Akademikong Taon 2023-2024

orihinal na diwa at kahulugan ng Banal na Kasulatan. Ayon ito sa lupong binuo ni


Haring James sa pagsasalin ng Bibliya. Taong 1881 lumabas ang English Revised
Version.

The New English Bible (1970)- ang nagging resulta ng pagrebisa ng Authorized
Version. Maituturing naman na pinakahuling salin ng Bibliya. Ito ay inilimbag ng
Oxford University.

Sa dinami-dami ng mga pagsasaling isinagawa sa Bibliya, kinailangan pa rin


ang muling pagsasalin dahil sa mga sumusunod na dahilan:

1.) Marami nang mga natuklasan ang mga arkeologo na naiiba sa diwang
nasasaad sa maraming bahagi ng mga unang salin;
2.) Nagging marubdob ang pag-aaral sa larangan ng linggwistika na siyang
nagging daan ng pagpapalinaw ng maraming malabong bahagi ng Bibliya;
3.) Ang sinaunang wikang ginamit sa klasikang English Bible ay hindi na halos
maunawaan ng ksalukuyang mambabasa bukod sa kung minsan ay iba na
ang inihahatid na diwa.

KASAYSAYAN SA PAGSASALING-WIKA NG PILIPINAS

Ang kasaysayan ng pagsasaling-wika sa Pilipinas ay mahahati sa limang yugto:


Panahon ng Kastila; Panahon ng Amerikano; Panahon ng Patakarang Bilinggwal;
Panahon ng Pagsasalin ng Panitikang Di-Tagalog at Panahon ng Afro-Asian
Literature.

A. Unang Yugto ng Kasiglahan (Panahon ng Kastila)

Ang pagsasaling-wika sa Pilipinas ay masasabing nagsimulang magkaanyo noong


panahon ng pananakop ng mga Kastila, kaugnay ng pagpapalaganap ng
Kristyanismo. Kinailangan ng mga panahong yaon na isalin sa Tagalog at sa iba
pang katutubong wika sa kapuluan ang mga katesismo, mga akdang panrelihiyon,
mga dasal at iba pa, sa ikadadali ng pagpapalaganap ng Iglesia Catolica Romana.
Ngunit hindi naging konsistent ang mga Kastila sa pagtuturo ng wikang Kastila sa
mga Pilipino, dahil ayon sa kanilang karanasan sa pananakop, higit na nagiging
matagumpay ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa pamamagitan ng paggamit
ng wika ng mga katutubo at naging mas katanggap-tanggap sa mga katutubo ang
marinig na ginagamit ng mga prayle ang kanilang katutubong wika sa pagtuturo
Republika ng Pilipinas
Fatima, General Santos City
KOLEHIYO NG AGHAM PANLIPUNAN AT
EDFIL
HUMANIDADES
DEPARTAMENTO NG FILIPINO
Unang Semestre - Akademikong Taon 2023-2024

ng salita ng Diyos. Ang ikatlong dahilan na hindi lantarang inihayag ng mga Kastila
ay ang pangamba na kung matuto ang mga Pilipino ng wikang Kastila ay maging
kasangkapan pa nila ito sa pagkamulat sa totoong kalagayan ng bansa. Sa
paglisan ng kapangyarihang Espanyol sa Pilipinas, nagpatuloy pa rin ang
pagsasalin ng mga piyesang nasa wikang Kastila.

Narito ang ilan sa mga salin sa Tagalog ng mga akdang panrelihiyon na


hinalaw ng awtor sa isang lathalain ng dating Surian ng Wikang Pambansa-
Tagalog Periodical Literature, Teodoro A. Agoncillo: Angeles, Roman de los.
“Buhay ni Sta. Maria Magdalena” (saling patula mula sa “Historia de un Martir de
Golgota.” Maynila: Imprenta de Fajardo, 1907)

Garcia, Vicente. “Ang Pagtulad Cay Cristo” (mula sa “The Imitation of Christ”
ni Thomas a Kempis; Maynila: Imprenta de Santos y Bernal, 1880).

Lope, Pedro. “Manga catotohanang tunay sa tauong Cristiano, nang caniyang


alalahanin sa arao arao ang caniyang pinagmulan, at caniyang sasapiting…” (mula
s “Verdades eternas” ni Carlos Gregorio Resignoli: Maynila: Imprenta de Colegio
de Santo Tomas, 1847)

Sa bahaging ito’y malalagom natin na ang nagging tuon ng mga


isinasagawang pagsasalin noong panahon ng Kastila at tungkol sa mga
materyales na panrelihiyon, kaugnay ng pagpapalaganap ng Kristyanismo.

B. Ikalawang Yugto ng Kasiglahan (Panahon ng Amerikano)


Nang pumalit ang america sa España bilang mananakop ng Pilipinas,
nabago n rin, mangyari pa, ang papel na ginampanan ng pagsasaling-wika. Ang
nagging isa sa pangunahing kasangkapan ng panankop noong panahon ng
Kastila ay krus o relihiyon; noong panahon naman ng Americano ay aklat o
edukasyon sa pamamagitan g wikang Ingles.

Dapat banggitin sa bahaging ito, kung sabagay, na kahit hindi na sakop


ng España ang Pilipinas, nagpatuloy pa rin ang pagsasalin ng mga piyesang
orihinal na nasusulat sa wikang Kastila, kaalinsabay ng mga pagsasalin sa
wikang pambansa ng mga nasusulat s Ingles. Narito ang ilan sa mga salin na
hinalaw din sa aklat ni Agoncillo.

Ang Tagalog Periodical Literature ni Agoncillo ay nakapagtala ng mga


sumusunod na salin: Maikling Nobela:10, Maikling Kwento: 109, Drama:19,
Nobela:87,Tula:51,Panrelihiyon:109.
Republika ng Pilipinas
Fatima, General Santos City
KOLEHIYO NG AGHAM PANLIPUNAN AT
EDFIL
HUMANIDADES
DEPARTAMENTO NG FILIPINO
Unang Semestre - Akademikong Taon 2023-2024

Dula

Mariano, Patricio, “Rizal” (mula sa 4-na-tagpong dula ni Juan Utor y Fernandez;


ipinalabas sa Rizal Theater, Disyembre 30,1909)

Maikling Nobela

Laksamana, Francisco, “Dugo sa Dugo” (mula sa “ Lucha de razas” ni Bradon,


sa TALIBA,1912)

Tula

Silvestre, Aniceto F. “Aking Ina” (mula sa “Mother of Mine” ni Kipling. ANG


MITHI, Hunyo 25,1921)

Tinio, Rolando at Mira Solganik. “Mga tula ni Robert Rozhdestvensky”


(tuwirang salin mula sa wikang Ruso; Maynila: Sagisag, Ang Magasin ng Pilipino,
Agosto 1975).

Isa sa mga tagasaling marami ang naisaling klasikong akda ay si Rolando


Tinio. Ang mga dulang isinalin niya ay ipinalabas sa mga piling teatro sa
Kamaynilaan lalo na CCP.

Isang magandang proyekto rin ang isinagawa ng National Bookstore (1971)


kung saan ipinasalin ang mga popular na nobela at kwentong pandaigdig at
isinaaklat upang magamit sa paaralan. Ang ilang halimbawa ay ang mga
kwentong “Puss N’ Boots”, “Rapunzel”, “The Little Red Hen” at iba pa. Ang
Goodwill Bookstore naman ay naglathala ng koleksyon ng mga klasikong
sanaysay nina Aristotle, Aquinas, Kant at iba pa. Ang Children’s Communication
Center naman ay nagsalin at naglathala ng mga akdang pambata tul ad ng “Mga
Kuwentong Bayan Mula sa Asia, Rama at Sita”, Palaso ni Wujan”, “Mga Isdang
Espada” at iba pa.

Naging masigla noon ang pagsasalin sa wikang Pambansa, lalo na ng mga


akdang klasika. Ang panahong ito ang maituturing na ikalawang yugto ng
kasiglahan sa pagsasaling-wika sa Pilipinas- nang pumalit sa España ang America
bilang bagong mananakop.

C. Ikatlong Yugto ng Kasiglahan (Patakarang Bilinggwal)


Ang ikatlong yugto ay ang pagsasalin sa Filipino ng mga materyales
pampaaralan na nasusulat sa Ingles tulad ng mga aklat, patnubay,
Republika ng Pilipinas
Fatima, General Santos City
KOLEHIYO NG AGHAM PANLIPUNAN AT
EDFIL
HUMANIDADES
DEPARTAMENTO NG FILIPINO
Unang Semestre - Akademikong Taon 2023-2024

sanggunian, gramatika at iba pa. Kaugnay ito ng pagpapatupad sa


patakarang bilinggwal sa ating sistema ng edukasyon. Ayon sa Department
Order No. 25, s. 1974, higit na marami ang mga kursong ituturo sa Filipino
kaysa Ingles. Nangangahulugan, samakatwid na lalong dapat pasiglahin
ang mga pagsasalin sa Filipino ng mga kagamitang pampagtuturong
nasusulat sa Ingles. Ang ilan sa mga halimbawang isinalin sa panahong ito
ay ang mga gabay pampagtuturo sa Science, Home Economics, Good
Manners and Right Conduct, Health Education, at Music. Isinalin din ang
Tagalog Reference Grammar, Program of the Girl Scouts of the Philippines
at iba pa.

D. Ikaapat na Yugto ng Kasiglahan (Pagsasalin ng mga Katutubong


Panitikang Di-Tagalog)
Kinailangan ang pagsasalin ng mga katutubong panitikang di-Tagalog
upang makabuo ng panitikang pambansa. Ang tinatawag nating
“pambansang panitikan” ay panitikan lamang ng mga Tagalog sapagkat
bahagyang-bahagya na itong kakitaan ng panitikan ng ibang pangkat-
etniko ng bansa. Upang maisakatuparan ito nagkaroon ng Proyekto sa
Pagsasalin ang LEDCO (Language Education Council of the Philippines) at
SLATE (Secondary Language Teacher Education) ng DECS at PNU noong
1987 sa tulong ng Ford Foundation. Inanyayahan sa isang kumperensya
ang kinikilalang mga pangunahing manunulat at iskolar sa pitong
pangunahing wika ng bansa (Cebuano, Ilocano, Hiligaynon, Bicol, Samar-
Leyte, Pampango at Pangasinan. Pinagdala sila ng piling materyales na
nasusulat sa kani-kanilang bernakular upang magamit sa pagsasalin. Sa
proyektong ito, nagkaroon din ng pagsasalin sa ilang Chinese-Filipino
Literature, Muslim at iba pang panitikan ng mga minor na wika ng bansa.

Nagkaroon din ng Pagsasalin ang GUMIL (Gunglo Dagiti Mannurat nga Ilocano.
Pumili ang mga manunulat na Ilocano ng mahuhusay na kwento sa wikang Iloco

at isinalin sa Filipino, pagkatapos ay ipinalimbag ang salin at tinawag na


KURDITAN. Sa pamamagitan ng pagsasalin, ang mga kwentong orihinal na
sinulat sa Iloco ay nalagay na sa katayuan upang mapasama sa pambansang
panitikan sapagkat meron nang bersyon sa wikang pambansa.
Republika ng Pilipinas
Fatima, General Santos City
KOLEHIYO NG AGHAM PANLIPUNAN AT
EDFIL
HUMANIDADES
DEPARTAMENTO NG FILIPINO
Unang Semestre - Akademikong Taon 2023-2024

E. Ikalimang Yugto ng Pagsasalin (Pagsasalin ng Panitikang Afro-Asian)


Ang panahong ito ay nakatuon sa pagsasalin ng mga panitikang Afro-
Asian. Kinailangan ang pagsasaling ito dahil kasama na sa kurikulum ng
ikalawang taon sa hayskul ang pagtuturo ng Afro-Asian.
Ayon kay Isagani Cruz, “Para tayong mahihina ang mga matang mas
madali pang makita ang malayo kaysa mga likha ng mga kalapit bansa
natin.” Ang pagsasama sa kurikulum ng panitikang Afro-Asian ay
masasabing pagwawasto sa pagkakamali sapagkat noong mga nakaraang
panahon mas binigyang halaga ang pagsasalin ng panitikang Kanluranin at
hindi ng panitikan ng mga kalapit na bansa.
Kaugnay nito nagkaroon ng pagsasalin ng isang pangkat ng mga
manunulat ng mga piling panitikan ng mga kalapit na bansa (pinondohan
ng Toyota Foundation at Solidarity Foundation) na tinawag na Transalation
Project.
Samantala, may ilan ring pangkat o institusyong nagsasagawa ng mga
proyektong pagpapaunlad ng wikang pambansa, ito ay ang NCCA (National
Commission on Culture and Arts) at PETA (Philippine Educational Theatre
Association). Isinalin naman ng Komisyon sa Wikang Filipino ang mga
karatula ng iba’t ibang departamento at gusali ng pamahalaan, dokumento,
papeles para sa kasunduang panlabas, Saligang Batas at iba pa. Sa kabila
ng mga kasiglahang nabanggit, ang pagsasaling-wika bilang isang sining
ay hindi pa gaanong nakakalayo sa kanyang kuna o duyan, lalo na kung
ihahambing sa antas ng kaunlaran sa larangang ito sa ibang kalapit-bansa
natin sa Silangang Asia. Ang isa pang hindi naisasagawa hanggang sa
ngayon ay ang paghahanda ng isang talaan ng mga tagapagsaling-wika o
registered translators. Maaaring isagawa ng Komisyon sa Wikang Filipino
ang paghahanda ng kinakailangang mga instrumento sa pagsusulit at
sistema o prosedyur sa pagwawasto at iba pang bahagi ng proseso. Ang
pagtatatag ng samahan sa pagsasaling-wika ay maaaring makatulong nang
malaki sa pagpapasigla ng mga gawain sa larangang ito.
Republika ng Pilipinas
Fatima, General Santos City
KOLEHIYO NG AGHAM PANLIPUNAN AT
EDFIL
HUMANIDADES
DEPARTAMENTO NG FILIPINO
Unang Semestre - Akademikong Taon 2023-2024

MGA GAWAING INTERAKTIBO AT INTEGRATIBO

Gawaing Interaktibo

Batay sa mga inilahad sa ulat, itatanong ng mga tagapag-ulat kung ano ang
mga batayang konsepto sa pagsasalin na dapat tandaan. Itatanong din kung ano
ang gamit ga pagsasaling-wika sa komunikasyon at sa pagpapaunlad sa
panlipunang aspeto nito.

Gawaing Integratibo
Mula sa mga batayang konsepto ng pagsasalin, ang kahalagahn, kasaysayan
nito, suriin at analisahin ang mahalagang gampanin nito sa paghubog ng
kaalaman, kasanayan at kawilihan ng mga mag-aaral upang mapahalagahan ang
pagtatamo at pagkatuto ng wika.
Republika ng Pilipinas
Fatima, General Santos City
KOLEHIYO NG AGHAM PANLIPUNAN AT
EDFIL
HUMANIDADES
DEPARTAMENTO NG FILIPINO
Unang Semestre - Akademikong Taon 2023-2024

MGA TANONG PANGKAISIPAN

1. Bakit kinakailangan ang pagsasalin?

2. Bakit kailangang alam ng isang tagasalin ang dalawang wikang


kasangkot?

3. Bakit kailangang isaalang-alang ang mahahalagang konsepto ng


pagsasalin?

4. Mayroon bang mahalagang ambag ang pagsasalin sa pagtamo at


pagkatuto ng wika?

5. Bukod sa pakikipagkomunikasyon, saang aspeto o disiplina pa


binibigyang kahalagahan ang pagsasalin?
Republika ng Pilipinas
Fatima, General Santos City
KOLEHIYO NG AGHAM PANLIPUNAN AT
EDFIL
HUMANIDADES
DEPARTAMENTO NG FILIPINO
Unang Semestre - Akademikong Taon 2023-2024

GAWAING KOLABORATIBO

Bawat grupo ay gagawa ng maikling repleksyong papel na


kinapapalooban ng mga natalakay na kahulugan, kahalagahan at
kasaysayan ng pagsasaling-wika at magbibigay ng repleksyon mula dito.
Hindi bababa sa 2 talata at hindi lalampas sa 3. Isusulat ang mga gawa sa
isang Yellow Paper at ipapasa sa susunod na pagkikita.

PAMANTAYAN
Nailahad ng maayos ang kaisipan at 15%
damdamin
May malinaw na punto at pagkakasunod- 10%
sunod ng ideya
Kaalaman sa Wika 5%
Kabuoan 30%
Republika ng Pilipinas
Fatima, General Santos City
KOLEHIYO NG AGHAM PANLIPUNAN AT
EDFIL
HUMANIDADES
DEPARTAMENTO NG FILIPINO
Unang Semestre - Akademikong Taon 2023-2024

PAGSUSULIT

Pangalan: Puntos:
Taon/Kurso/Pangkat: Petsa:

PANUTO: Basahing mabuti ang mga pahayag at ibigay ang wastong sagot sa mga
hinihingi nito. Isulat ang inyong sagot sa papel

IDENTIPIKASYON

1. “Translation is made possible by an equivalence of thought that lies behind its different
verbal expressions.” ______________
2. Ang __________ ay ang paglilipat sa pinagsasalinang wika ng pinakamalapit na
katumbas na diwa at esilong nasa wikang isinasalin.
3. “receptors of the translation text must respond to the translation text equivalent to the
manner in which the receptors of the source text respond to the source text.” __________
4. Ang na siyang salin ng mga batas, dasal, at gawain ng katolisismo para sa mga
sinaunang Pilipino. _______
5. Kinikilalang unang tagapagsalin sa Europa. Isinalin niya sa nang patula saWikang Latin
ang Odyssey ni Homer na nakasusulat sa Wikang Griyego noong 240 B.C. __________
6. Ang pinakataluktok ng pagsasaling-wika sa Inglatera . __________
7. Ang nagging resulta ng pagrebisa ng Authorized Version. Maituturing naman na
pinakahuling salin ng Bibliya. Ito ay inilimbag ng Oxford University. _____________
8. Isa sa mga tagasaling marami ang naisaling klasikong akda ay si__________. Ang mga
dulang isinalin niya ay ipinalabas sa mga piling teatro sa Kamaynilaan lalo na CCP.
9. Ang pagsasaling-wika sa Pilipinas ay masasabing nagsimulang magkaanyo noong
panahon ng pananakop ng mga Kastila, kaugnay ng pagpapalaganap ng __________.
10. . Ayon sa Department Order No. 25, s. 1974, higit na marami ang mga kursong ituturo
sa Filipino kaysa Ingles. ___________

PAGPAPALIWANAG
10-20.
Bakit mahalaga ang pagsasalin sa pagpapaunlad ng wika?
Republika ng Pilipinas
Fatima, General Santos City
KOLEHIYO NG AGHAM PANLIPUNAN AT
EDFIL
HUMANIDADES
DEPARTAMENTO NG FILIPINO
Unang Semestre - Akademikong Taon 2023-2024

Mga Sanggunian

Santiago, A. 0. (2002). Sining ng Pagsasaling-wika (sa Filipino Mula sa


Ingles) (3rd ed., pp. 54-56). Re Book Store, Inc.
(MSU-GSC LIBRARY)

(n.d.). Pagsasalin ng Teksto (kahalagahan ng Pagsasalin). Elcomblus.com.


Retrieved September 5, 2023, from https://www.elcomblus.com/pagsasalin-
ng-teksto/

Santiago, A. 0. (2002). Sining ng Pagsasaling-wika (sa Filipino Mula sa


Ingles) (3rd ed., pp. 1-6, 20). Re Book Store, Inc.

Santiago, A. 0. (2002). Sining ng Pagsasaling-wika (sa Filipino Mula sa


Ingles) (3rd ed., pp. 23-38). Re Book Store, Inc.

K. (2015, July 18). Ang Kasaysayan ng Pagsasalingwika sa Daigdig at sa


Pilipinas. Kitzibatan.Wordpress. Retrieved September 8, 2023, from
https://kitzibatan.wordpress.com/2015/07/18/ang-kasaysayan-ng-
pagsasalingwika-sa-daigdig-at-sa-pilipinas/
Republika ng Pilipinas
Fatima, General Santos City
KOLEHIYO NG AGHAM PANLIPUNAN AT
EDFIL
HUMANIDADES
DEPARTAMENTO NG FILIPINO
Unang Semestre - Akademikong Taon 2023-2024

You might also like