You are on page 1of 12

Republika ng Pilipinas

Fatima, General Santos City


KOLEHIYO NG AGHAM PANLIPUNAN AT
HUMANIDADES EDFIL
DEPARTAMENTO NG FILIPINO
Ikalawang Semestre - Akademikong Taon 2022-
2023

SANAYANG AKLAT
SA
INTRODUKSIYON
NG PAG-AARAL
NG WIKA FIL120

TEORITIKONG LINGGWISTIKA:
SINTAKS
SEMANTIKA
PRAGMATIKA

IKALAWANG PANGKAT

IPINASA NINA:
MAMANGCO, SAHARA A.
SAMPOLING, LAICA C.
SANSALUNA, LYNLYN C.
GANDA, JELENE K.

IPINASA KAY:
PROF. ANGELES YSMAEL

1
Republika ng Pilipinas
Fatima, General Santos City
KOLEHIYO NG AGHAM PANLIPUNAN AT
HUMANIDADES EDFIL
DEPARTAMENTO NG FILIPINO
Ikalawang Semestre - Akademikong Taon 2022-
2023

INTRODUKSIYON
Sa paglipas ng maraming panahon, nagkakaroon ng pagbabago ang
wika. Ang mga kulturang ating napag-aaralan o natutuklasan ay may kahulugan.
Ang mga katuturang ibinibigay ngayon sa isang salita ay maaaring lumago,
lumawak o maiba sa isang partikular na panahon. Kung mapapansin natin ang
paraan ng komunikasyon sa panahon ngayon ay masasabi nating napaka-
epektibo ng pagbabahagi ng mga opinyon, ng ideya, mga saloobin at
damdamin..
Ang Teoritikong Linggwistika ay isang sangay ng linggwistika na sumisiyat sa
likas na katangian ng wika nang walang pagtatangi para sa mga praktikal na
paggamit. Kinapapalooban ito ng mga iba’t ibang elementong ponetika,
ponolohiya, morpolohiya, sintaks, semantika at pragmatika.
SINTAKS
Ang salitang sintaks ay nagmula sa salitang latin na syntaxis, sa pranses
na syntanxe, sa Griyego na syntassein na nangangahulugang magkasama at
taksis na nangangahulugang pagkakaayos. Sa kabuuan, Ang sintaks ay ang
pag-aaral o pag-uugnay-ugnay ng mga salita para makabuo ng mga parirala,
sugnay at mga pangungusap. Mahalagang mapag-aralan ang pagbubuo na ito
upang mas magamit nang tama at tiyakang mga salita at maging malinaw ang
kahulugan nito. Mas nabibigyan din ng diin ang nais sabihin ng tao dahil sa mga
pangungusap na kanyang binibigkas.
Halimbawa:
 Karagatan ay lumangoy mga ang isda sa.
 Kapag inayos mo ang mga salitang ito, makakabuo ka ng Isang
pangungusap na malinaw at naiintindihan ng lahat ang mensaheng nais
mong ipabatid.
 Ang mga isda ay lumalangoy sa karagatan.
ANG PANGUNGUSAP
Ang pangungusap ay lipon ng mga salita na nagpapahayag ng isang
buong diwa. It ay maaaring isang salita lamang o lipon ng mga magkakaugnay
na salita na nagpapahayag ng buong diwa o kaisipan. Ang pangungusap ay may
2 at di-pagpapanaguri.
dalawang uri. Ito ay ang pagpapanaguri
ANG PAGPAPANAGURI
Tinatawag na pagpapanaguri ang pangungusap na may
simuno/sabjek/tapik/paksa at panaguri/koment/predikeyt. Ang simuno ang pinag-
Republika ng Pilipinas
Fatima, General Santos City
KOLEHIYO NG AGHAM PANLIPUNAN AT
HUMANIDADES EDFIL
DEPARTAMENTO NG FILIPINO
Ikalawang Semestre - Akademikong Taon 2022-
2023

uusapan. Ang panaguri ang nagsasaad ng tungkol sa simuno


ANG SIMUNO
Ang ang ay nagpapakilala sa simuno at ipinakita na rin ang mga panghalili
sa mga iyon na mga panghalip panao at pamatlig.
Maaaring pariralang nominal (pangalan at panghalip), pang-uri, pandiwa, pang-
abay,eksistensyal o pang-ukol ang simuno. Pinangungunahan ito ng marker na
ang parirala ang tawag sa lipon ng mga salitang walang simuno’t panaguri.

a.) Pariralang Nominal


• Nagkaisa ang mga taong-bayan • Nagkaisa sina Juan
• Nagkaisa sila • Nagkaisa ang mga ito
b.) Pariralang Pang-uri
• Kailangan ang matalino • Si Haring Solom ang matalino.
• Hinahangaan ang masisipag
c.) Pariralang Pang-ukol
• Awa ang nasa Diyos • Paglilingkod ang para sa kanya
• Gawa ang nasa tao • Hindi nakalabas ang nasa sa silid
d.) Pariralang Eksistensyal
• Mabuti rin ang may sasakyan • Mainam ang may sariling bahay
• Malungkot ang walang kaibigan
e.) Pariralang Pandiwa
• Madali ang magsalita • Mahirap ang gumawa
• Nagtatalo ang mga naghuhukay
f.) Pariralang Pang-abay
• Paghandaan natin ang bukas • Pangako niya ang paluhod na paglakad
• Kalimutan na natin ang kahapon
ANG PANAGURI
Nagsasaad ng aksyon, katayuan o katangian ng simuno. Ito ay maaaring
maging isang pandiwa na nagsasaad ng aksiyon o pang-uri/pang-abay na
nagsasaad ng katangian o katayuan ng simuno.
a.) Panaguring Pandiwa
Karaniwan sa panaguri ng pangungusap
3
ay pandiwa. Ito ang nangyayari
sapagka’t ang pandiwa ay siyang nagpapahayag ng kilos at Gawain ng isang
simuno.
Halimbawa:
Republika ng Pilipinas
Fatima, General Santos City
KOLEHIYO NG AGHAM PANLIPUNAN AT
. HUMANIDADES EDFIL
DEPARTAMENTO NG FILIPINO
Ikalawang Semestre - Akademikong Taon 2022-
2023

• Siya ay bumili ng pataba.


• Siya ay nagbabasa ng mga aklat tungkol sa paghahalaman.
• Aani siya ng maraming gulay sa taong ito.
b). Panaguring Pang-uri
Bukod sa pandiwa, ang pang-uri ay malimit ding gamitin sa panaguri. Ang pang-
uri sa gayong gamit ay nagsasaad, hindi ng kilos ng simuno, kundi ng uri nito.
Halimbawa:
• Ang mga talutot ng sampagita ay puti.
• Ang bulaklak na ito ay mabango.
• Ang palawit ng kuwintas ay mabilog.
c.) Panaguring Pangngalan
Bukod sa pandiwa at pang-uri, ang pangngalan ay ginagamit din sa panaguri.
Ang pangngalang ginagamit sa panaguri ay nagpapakilala kung sino o ano ang
simuno.
• Si Lydia ay anak ng isang manggagamot.
• Ang matalik niyang kaibigan ay si Myrna.
• Siya ay dentista sa aming paaralan.
d.) Panaguring Panghalip
Ang panghalip ay ginagamit ding panaguri. Ito ay humahalili sa pangngalan.
Halimbawa:
•Ang aklat na ito ay kanya.
•Ang nakuha mong lapis ay akin.
•Ang hinahanap mong tao ay ako.
URI NG PANGUNGUSAP AYON SA ANYO AT GAMIT
1. Pasalaysay / Paturol
Ang pangungusap na nagpapahayag ng kaisipan, pangyayari o katotohanan. Ito
ay ginagamit ng bantas na tuldok (.)
Halimbawa:
• Umuunlad ang buhay ng kanilang pamilya dahil sa mga anak na nakapagtapos
ng pag aaral.
• Noong ika-2 ng Pebrero, 1993 pumutok ang bulkang Mayon.
• Si Presidente Fidel V. Ramos ang pumalit
4
kay Presidente Corazon Aquino.
• Si Supremo Soledad Suarez ang namumuno sa Iglesia Mistika.
2. Pautos
Pakiusap ang nagpapahayag ng pag-uutos o pakikiusap na karaniwang
Republika ng Pilipinas
Fatima, General Santos City
KOLEHIYO NG AGHAM PANLIPUNAN AT
HUMANIDADES EDFIL
DEPARTAMENTO NG FILIPINO
Ikalawang Semestre - Akademikong Taon 2022-
2023

nilalagyan ng kuwit (,) kapag may tinatawag at nagtatapos sa tuldok (.).


Karaniwang nilalagyan ng panlaping maki-at paki ang mga salitang-ugat na
pandiwa upang magpahayag ng pakiusap at paggalang.
Halimbawa:
• Magsaing ka.
• Tumakbo kana.
• Jose, pakikuha mo naman ang baso. Makiraan nga. Ilarawan mo ito.
• Mely, Pakidala naman ito roon.
3. Patanong
Ang nag-uusisa o nagtatanong, nilalagyan ng bas a loob ng pangungusap
onilalagyan ng tinatawag na panghuling tanong pagkatapos ng pangungusap at
nagtatapossa pananong (?). Ang ba ang kataga o marker na patanong.
Halimbawa:
Sino ang pangulo ng samahan?
Pangit ba ako?
Kapalit-palit ba ako?
4. Padamdam
Ang nagpapahayag ng masidhing damdamin na nagtatapos sa padamdam (!).
Halimbawa:
• Salamat po Diyos ko! • Naku po!
• Nanalo ako! •Talagang mahiwaga!
URI NG PANGUNGUSAP AYON SA KAYARIAN
1. Payak - Payak ang pangungusap kapag nagpapahayag ng isang diwa,
maaaring tambalan angsimuno at panaguri na pinag-uugnay ng at.
Halimbawa:
• Mega star si Sharon.
• International star si Lea.
• Mang-aawit si Sharon at si Lea.
• Artista at mang-aawit Sina Lea at Sharon.
2. Tambalan – Ang pangungusap ay may higit sa dalawang kaisipan at binubuo
ng dalawa o higit pang sugnay na nakapag-iisa. Ginagamitan ito ng pangatnig na
magkatimbang. Ang mga pangatnig 5na magkatimbang ay at, pati, saka, o, ni ,
maging, ngunit.
Halimbawa:
• Mega star si Sharon at international star si Lea.
Republika ng Pilipinas
Fatima, General Santos City
KOLEHIYO NG AGHAM PANLIPUNAN AT
HUMANIDADES EDFIL
DEPARTAMENTO NG FILIPINO
Ikalawang Semestre - Akademikong Taon 2022-
2023

• Naghihimala ang Birhen sa Agoo at naghihimala rin ang Birhen sa Lipa.


• May kapansanan siya subalit napaglabanan niyang lamang ang pagsubok sa
buhay.
• Matanda na siya datapwat malakas pa ang tuhod niya.
3. Hugnayan - pangungusap na binubuo ng isang sugnay na makapag-iisa at
sugnay na di makapag-iisa. Pinag-uugnay ito ng mga pangatnig na kung,nang,
upang, dahil, sapagkat, habang,bago, kapag,kasi, kaya, para at iba pa. Makikita
rito ang ugnayang sanhi at bunga
Halimbawa:
• Kung may pananalig ka sa sarili, magtatagumpay ka.
• Habang nasa kabundukan pa ang Bundok Pinatubo ang lahar malaking
panganib angdarating.
• Nararapat puntahana ang mga makasaysayang pook upang maisadiwa ang
mganagawang kabayanihan ng ating kalahi.
• Kilalanin natin ang katangian ng ating bansa.
DI-PAGPAPANAGURING PANGUNGUSAP
May mga pangungusap na walang simuno ngunit may ipinahahayag na buong
diwa, samakatuwid walang ang marker na matatagpuan dito. May mga
pangungusap namang walang panaguri ngunit may diwa rin. (Sa Ingles may
simuno ang mga pangungusap na ito maliban sa padamdam at amenidad.

a.) Penomenal - Nagsasaad ng kalagayan ng panahong dulot ng kalikasan.


Nababanghayang nasa unang hanay dahil mga pandiwa ang mga ito.
Halimbawa:
• Umuulan. • Umaaraw.
• Lumilindol. • Bumabaha.
• Maulap. • Kumukulog.
b.) Temporal - na nagsasaad ng kalagayang panandalian o panahunan lamang.
Halimbawa:
• Bukas na. • Taglagas na.
• Tagsibol na. • Mayo na.
c.) May modal - na nangangahulugan6 ng gusto, nais, ibig.
Republika ng Pilipinas
Fatima, General Santos City
KOLEHIYO NG AGHAM PANLIPUNAN AT
HUMANIDADES EDFIL
DEPARTAMENTO NG FILIPINO
Ikalawang Semestre - Akademikong Taon 2022-
2023

Halimbawa:
• Gusto niya ng kapangyarihan. • Ibig mo ng katanyagan, di ba?
• Nais ko ng kotse.
d.) Eksistensyal - Nagpapahayag ng pagkamayroon o wala.
Halimbawa:
• May pangulong babae.
• Walang dumating.
e.) May ka ang pandiwa - na nangangahulugan ng katatapos na pagganap ng
kilos.
Halimbawa:
• Kakakain lang ni Letty.
• Katatawag lang ni Annie.
f.) Padamdam na pangungusap.
Halimbawa:
• Aray! • Saklolo!
• Naku! • Holdaper!
• Aba!
g.) Paghanga - ginagamitan ito ng panlapi para sa kaantasang pasukdol na
napaka-, ng kay, atng ang na sinusundan ng salitang-ugat.
Halimbawa:
• Napakaganda ni Gemma!
Sa kabuuan, mahalagang pag-aralan ang sintaks dahil sa pamamagitan
nito ay maayos at malinaw nating maitawid ang mensaheng nais iparating sa
kausap. Malaki ang papel na ginagampanan ng sintaks sa isang komunidad dahil
kung maayos at tama ang pagkakapili natin sa mga salita, maiiwasan ang
pagkakaintindihan at magkaroon ng isang mapayapang lipunan.

SEMANTIKA
Ayon kay Gonzales (1999), ang semantika ay isang pag-aaral kung paano
nabibigyang kahulugan ang mga salita batay sa paggamit nito sa pangungusap o
pahayag. Dagdag pa niya, ito ay ang proseso ng pag-iisip, kognisyon at
konseptuwalisasyon. Kapag sinasabi7 nating kognisyon, ito ay pag-unawa sa
pamamagitan ng isip, karanasan, at pandama. Ang konseptuwalisasyon naman
ay nagpapahiwatig ng pagbuo, konstruksyon at organisasyon ng mga ideya na
nakuha mula sa karanasan at pag-unawa sa kung ano ang pumapaligid sa atin.
Republika ng Pilipinas
Fatima, General Santos City
KOLEHIYO NG AGHAM PANLIPUNAN AT
HUMANIDADES EDFIL
DEPARTAMENTO NG FILIPINO
Ikalawang Semestre - Akademikong Taon 2022-
2023

Ito ay sentro ng pag-aaral ng komunikasyon.


Ang semantika ay isang pag-aaral, kung paano ang isang salita ay
masusuri at mabibigyan ng pagpapakahulugan (Tayag, 2016). Sa simpleng
pagtaas o pagbaba ng tono ng isang tagapagsalita sa kaniyang pakikipag-usap
ay nagkakaroon o nagbibigay ng ibang kahulugan.
Ang tono ay ang pagtaas at pagbaba ng tinig sa pagbigkas ng pantig ng
isang salita. Halimbawa; [Ikaw.] at [Ikaw?].
Ang antala naman ay ang saglit na pagtigil sa pagsasalita upang lalong
maging malinaw at mabisa ang kaisipang ipinapahayag. Halimbawa:
 Hindi siya si Ryan /
 Hindi / siya si Ryan//
 Hindi siya / si Ryan //
Sa tuwing iba ang intonasyon ng mga sinasabi natin, nagbibigay ito ng ibang
kahulugan para sa mga taong kausap natin. Kapag masaya ang pangungusap
ang ating sasabihin dapat ay masaya rin ang pagkabigkas ng mga ito, gayundin
kapag ang sasabihin ay malungkot.
Halimbawa:
 Napakasaya ng araw na ito!
 Nakikiramay ako.
Ayon sa aklat nina Cardenas, Autero et al., may dalawang (2) dimension ng
pagbibigay kahulugan sa isang salita.
1. KONOTASYON/KONOTATIBO
Ito ay tumutukoy sa ekstrang kahulugang taglay ng isang salita depende sa
motibo ng taong gumagamit nito. Ito rin ang kahulugang ibinibigay sa sa mga
salita, parirala o pangungusap na hindi tuwirang isinasaad. Sa madaling salita,
malalim ang kahulugan ng salita. Ang konotasyon ay isang paraan ng
pagpapakahulugan kapag ito ay nagtataglay ng mga emosyon o pansaloobing
pahiwatig, subhektibo ng ganitong paraan sa pagpapakahulugan o may
iniuugnay pang ibang kahulugan.
2. DENOTASYON/DENOTATIBO
Batay kay Porter G. Perin, isang dalubwika, tinatawag niya ang denotasyon
ng ‘’core meaning’’, sapagkat ito ay may
8 paniniyak at walang pasubali. Kinikilala,
tinatanggap at sinasang-ayunan ng mga tao.
Ang denotasyon ay nagtataglay ng neutral o obhektibong kahulugan ng
mga termino. Tumutukoy din ito sa literal na pagpapakahulugan sa mga salita.
Republika ng Pilipinas
Fatima, General Santos City
KOLEHIYO NG AGHAM PANLIPUNAN AT
HUMANIDADES EDFIL
DEPARTAMENTO NG FILIPINO
Ikalawang Semestre - Akademikong Taon 2022-
2023

Madalas itong tinatawag na ‘’dictionary meaning’’ na ang ibig sabihin ay tahas,


aktwal, tiyak o tuwirang kahulugan.
Mga Halimbawa:
SALITA KONOTASYON DENOTASYON

Bola Matamis na dila Laruan na hugis bilog

Pusang itim Nagbabadya ng Uri ng hayop,


kamalasan nangangalmot, kulay itim
at ngumingiyaw
Itim Kamatayan Kulay

Pagputi ng uwak Hindi na matutuloy o Pumuti ang uwak


hindi na mangyayari

Mahalagang malaman ang tungkol sa semantika at ang gamit nito dahil sa


pamamagitan nito ay nabibigyan natin ng kahulugan ang bawat salita. Malaki
ang naitutulong nito dahil napagbubuklod ng semantika ang bawat tao tungo sa
pagpapanatili ng relasyon ng isa’t isa. Maaari rin makasisira sa komunikasyon sa
pagkakataong hindi inaayos ang intonasyon ng isang pahayag na maaaring
maiba ang interpretasyon ng tagatanggap ng mensahe.

PRAGMATIKA
Ang pragmatiks ay isang sangay ng lingguwistika na inilalarawan bilang
pag-aaral ng ugnayan ng mga anyong lingguwistiko at mga gumagamit nito. Ito
rin ay pag-aaral kung paano naiimpliwensyahan ng konteksto ang paraan ng
paghahatid ng impormasyon ng mga pangungusap. Samakatuwid, ito ay pag-
aaral ng aktwal na pagsasalita.
Konsern ng pragmatiks:
 Konsern ng pragmatiks kung paano ginagamit ng tao (tagapagsalita) ang
wika sa konteksto ng isang partikular na paraan kung paanong ang
panahon (time), Lugar (place) at sosyal na relasyon (social relationship)
sa pagitan ng tagapagsalita at tagatanggap ay nakaaapekto sa paggawa
ng aksyon. 9

 Konsern dito ang pagkilala o distinksyon sa pagitan ng *ano ang


kahulugan ng pangungusap ( sentence meaning) sa *kahulugang nais
iparating ng tagapagsalita (speakers meaning). Kung paanong ang mga
Republika ng Pilipinas
Fatima, General Santos City
KOLEHIYO NG AGHAM PANLIPUNAN AT
HUMANIDADES EDFIL
DEPARTAMENTO NG FILIPINO
Ikalawang Semestre - Akademikong Taon 2022-
2023

konteksto ay nakaiimpluwensya sa interpretation ng simbolo at


ekspresyon ay mahalagang tingnan.

Sinasabi na ang pragmatiks ay binubuo ng tatlong iskil sa pagsasalita. Ito ay ang


mga sumusunod:
1. Paggamit ng Wika para sa iba’t- ibang pamamaraan.
Halimbawa: Pagbati, Pagbibigay ng impormasyon, Paghingi ng pahintulot at
Pagsasabi ng pangako
2. Pagbabago sa paggamit ng Wika base sa pangangailangan o inaasahan ng
kausap.
Halimbawa: Pakikipag usap sa bata kaysa sa matanda, Ang Pagbibigay ng sapat
na impormasyon sa isang di-gaanong kakilala.
3. Pagsunod sa panuntunan ng kombersasyon o narativ.
Halimbawa: Pagkukuwento, Pag-uulat hinggil sa aklat na binasa,
Pagsasalaysay ng pangyayaring naganap sa buong maghapon

Kakayahang Pragmatiko
Ang kakayahang pragmatiko ay mabisang nagagamit ang yaman ng wika
upang makapagpahayag ng mga intensyon at kahulugang naayon sa konteksto
ng usapan at gayundin, natutukoy ang ipinapahiwatig ng sinasabi, di-sinasabi at
kinikilos ng kausap.
Kung ang isang tao ay may kakayahang pragmatik natutukoy nito ang
kahulugan ng mensaheng sinasabi at di-sinasabi, batay sa ikinikilos ng taong
kausap. Natutukoy din nito ang kaugnay ng mga salita sa kanilang kahulugan,
batay sa paggamit ng kontesksto.
Mahalaga ang kakayahang pragmatiko bilang daan sa pagiging epektibo
nang pakikipagtalastasan,sapagkat nililinaw nito ang relasyon sa pagitang ng
intensyon ng nagsasalita o nagpapahatid ng mensahe at ang kahulugan nito.
Mahalaga ring matutunan ang kasanayang sa pagtukoy sa mga pakiusap,
magalang na pagtugon sa mga papuri o paumanhin, pagkilala sa mga biro at
pagpapadaloy ng mga usapan. Samakatuwid,kailangang matukoy ang maraming
kahulugan na maaring dalhin ng isang10pahayag batay sa iba’t ibang sitwasyon.
Sa pangkalahatan,ang pragmatiko ay mahalaga sapagkat ito'y nag-aaral
sa ugnayan ng mga ipinapakitang senyales o paraan ng paghahayag, at pati na
ng mga taong gumagamit nito.
Republika ng Pilipinas
Fatima, General Santos City
KOLEHIYO NG AGHAM PANLIPUNAN AT
HUMANIDADES EDFIL
DEPARTAMENTO NG FILIPINO
Ikalawang Semestre - Akademikong Taon 2022-
2023

Bukod dito, ang pragmatiko din ay nag aaral sa kung paano nagbabago ang
kahulugan ng salita hindi lamang sa kung paano ito ginagamit kundi pati na rin
sa paraan ng paggamit nito sa pagsasalita, kaalaman ng kausap at ang gustong
ipahiwatig ng tagapag-salita.

KONKLUSIYON
Sa bawat araw ng ating pakikisalamuha, tayo ay nakakapag-tipon ng mga
maraming impormasyon na nagmumula sa iba’t ibang tao. Ito man ay tungkol sa
edukasyon, sa politika, sa medisina o kahit sa anong disiplina na kung saan sa
pamamagitan ng wika ay umuunlad ang ating kaalaman patungkol dito. Habang
tayo ay nabubuhay sa mundo, ugaliin natin ang pakikitungo sa isa’t isa upang
lumago at mapatibay ang koneksiyon para sa isa’t isa.

Ang mga natalakay tungkol sa teorikong linggwistika ay malaki ang naging


gampanin sa atin bilang tao na kung saan nagagamit natin ito sa ating
pakikipagtalastasan. Dahil din sa linggwistika ay nalalaman natin ang
kaparaanan sa pagpapaunlad ng pagkilala sa kabatiran ng wika. Ipinapakita rito
ang mga mahahalagang proseso sa masistemang pag-aaral ng wika.

11
Republika ng Pilipinas
Fatima, General Santos City
KOLEHIYO NG AGHAM PANLIPUNAN AT
HUMANIDADES EDFIL
DEPARTAMENTO NG FILIPINO
Ikalawang Semestre - Akademikong Taon 2022-
2023

Talasanggunian
Batoon, L. I. . . (2020). PRAGMATIKS. Mindanaogeneralsantoscityu. Na
retrieved sa link na https://www.academia.edu/44455480/PRAGMATIKS
KWF: Sintaks Ng Filipino Jessie grace Rubrico, PhD. (2015, January 1).
Academia.edu - Share research. Na retrieved sa link na
https://www.academia.edu/83168324/KWF_SINTAKS_ng_FILIPINO_Jessie_Gra
ce_Rubrico_PhD
TagalogLang. (2021). KOGNISYON. TAGALOG LANG. Na retrived sa link na
https://www.tagaloglang.com/kognisyon/
Batoon, L. I. . . (2020). SEMANTIKA. Mindanaogeneralsantoscityu. Na retrieved
sa link na https://www.academia.edu/44303278/SEMANTIKA
Sanchez, M. (n.d.). Kahulugan ng Konsepuwalisasyon - Ensiklopedya - 2023.
Warbletoncouncil. Na retrived sa link na
https://tl.warbletoncouncil.org/conceptualizacion-1188

12

You might also like