You are on page 1of 15

Republic of the Philippines

MINDANAO STATE UNIVERSITY


General Santos City
-ooo0ooo-
COLLEGE OF EDUCATION
Bachelor of Secondary Education Department

Detalyadong Banghay-Aralin sa Filipino 8

Pangalan ng Guro: Lamoste, Roger Jr. P., Illustrisimo, Ivy, Mayo, Dangela
Oras ng Pagtuturo: MTH 9:00 AM – 10:30 AM

I. Mga Layunin:
 Natutukoy ang mga Elemento at Bahagi ng Maikling Kuwento.
 Nakasusulat ng isang kuwento tungkol sa sariling karanasan gamit ang
mga elemento at bahagi ng kuwento.
 Nakapaglalahad ng mga hakbang upang mapayaman ang maikling
kuwento sa Pilipinas.

II. Paksang Aralin


 Paksa: Mga Elemento at Bahagi ng Maikling Kuwento
(Filipino Grade 9)
 Sanggunian: https://www.studocu.com/ph

https://www.studocu.com/ph/document/wesleyan-university-
philippines/filipino/mga-bahagi-ng-maikling-kwento/29093838

https://www.studocu.com/ph/document/wesleyan-university-
philippines/filipino/mga-elemento-ng-maikling-kwento/29093844

 Kagamitan: Laptop, Visual Aids, Power Point Presentation, Television


Republic of the Philippines
MINDANAO STATE UNIVERSITY
General Santos City
-ooo0ooo-
COLLEGE OF EDUCATION
Bachelor of Secondary Education Department

Detalyadong Banghay-Aralin sa Filipino 8

III. Pamamaraan
Pamaraan Gawain ng Guro/Mag-aaral
a. Panimulang Gawain  Panalangin
 Pagbati
 Pagtatala ng mga lumiban sa klase
 Pagbibigay ng pamantayan sa loob ng klase

Sasabihin ng guro ang mga pamantayan sa klase:

1. Umupo ng maayos at iwasang matulog sa klase.


2. Makinig nang mabuti sa guro o sa kaklaseng
nagsasalita.
3. Makilahok sa mga gawain at talakayan sa klase.
4. Itaas ang kanang kamay kung sasagot at hintaying
matawag ng guro, iwasang sumagot kung hinid
tinatawag.
5. Mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng mga
cellular phones habang nasa klase.

 Ano ang ating tinalakay noong nakaraan?


 Ano ang Tula?
 Sino ang makapagbibigay ng mga Anyo, Uri, at
Elemento ng Tula?

 Pagbabalik-aral
Republic of the Philippines
MINDANAO STATE UNIVERSITY
General Santos City
-ooo0ooo-
COLLEGE OF EDUCATION
Bachelor of Secondary Education Department

Detalyadong Banghay-Aralin sa Filipino 8

b. Pagganyak “Story Time”


Babasahin ng klase ang maikling kuwentong
pinamagatang “Ang Tatlong Biik”, sa pamamagitan ng
iba’t ibang emosyon.

May tatlong biik na nagdesisyong maglakbay


upang hanapin ang kanilang kapalaran. Napag-
usapan ng mga biik na kapag nakakita sila ng
maayos na lugar para sa kanila ay sisimulan na
nilang magtayo ng bahay.

May pagkatamad ang unang biik kung kaya't


nagtayo siya ng sarili niyang bahay na gawa sa
mga dayami. Isang araw dumating ang isang
malaking lobo, sa isang malakas na pag-ihip
lamang ay napatumba nito ang bahay na ginawa
ng unang biik.

Sa takot na makain ng lobo ang unang biik ay


nagtatakbo siya patungo sa ikalawang biik.

Wais naman si pangalawang biik kaya nagtayo


siya ng kanyang bahay na gawa sa kahoy at
pawid, ngunit nang dumating nanaman ang
malaking lobo, natulad lamang ang kanyang
bahay sa naunang biik. Sa takot ng dalawang
biik ay nagtatakbo naman sila patungo sa bahay
Republic of the Philippines
MINDANAO STATE UNIVERSITY
General Santos City
-ooo0ooo-
COLLEGE OF EDUCATION
Bachelor of Secondary Education Department

Detalyadong Banghay-Aralin sa Filipino 8

ng ikatlong biik.

Ang ikatlong biik ay masipag at matalino.


Nagtayo siya ng bahay na gawa sa bato.

At hindi nga nagtagal ay dumating na ang


malaking lobo. Hinipan nito ng paulit-ulit ang
bahay ng ikatlong biik, ngunit hindi siya
nagtagumpay. Naiisip ng lobo na magdaan sa
chimineya upang makapasok sa loob.

Dahil sa nangyari sa naunang dalawang bahay


ng mga biik. Naglagay sila ng apoy at nagsalang
doon ng mainit na tubig upang sa gano'n ay
mapaso at masunog ang lobo kung sakali mang
dumaan ito sa chimineya. At ganoon nga ang
nangyari, nagdaan sa chimineya ang lobo at
doon tuluyang napaso. Nagtatakbo ang lobo sa
sakit at hindi na muling nagbalik.

 Pagpapabasa ng mga layunin sa mga mag-aaral.


Republic of the Philippines
MINDANAO STATE UNIVERSITY
General Santos City
-ooo0ooo-
COLLEGE OF EDUCATION
Bachelor of Secondary Education Department

Detalyadong Banghay-Aralin sa Filipino 8

 Paglalahad ng
Layunin
c. Paglalahad ng bagong Tatanungin ng guro ang mga mag-aaral kung mayroon
ba silang kaalaman tungkol sa mga elemento at bahagi
aralin
ng maikling kuwento.

 Ano-ano ang mga elemento ng maikling


kuwento?
 Mayroong ilang bahagi ang maikling kuwento?

Tatalakayin ng guro ang mga elemento at mga bahagi


ng maikling kuwento.

Mga Bahagi ng Maikling Kuwento

Mayroong tatlong bahagi ang Maikling Kuwento.


Ito ang Simula, Gitna at Wakas.

1. Simula - Kabilang sa simula ang mga tauhan,


tagpuan, at suliranin. Sa mga tauhan nalalaman kung
sino-sino ang magsisiganap sa kuwento at kung ano
ang papel na gaganapan ng bawat isa. Maaaring bida,
kontrabida o suportang tauhan. Sa tagpuan nakasaad
ang lugar na pinangyarihan ng mga aksyon o mga
insidente kasama na dito ang panahon kung kailan
Republic of the Philippines
MINDANAO STATE UNIVERSITY
General Santos City
-ooo0ooo-
COLLEGE OF EDUCATION
Bachelor of Secondary Education Department

Detalyadong Banghay-Aralin sa Filipino 8

naganap ang kwento. At ang bahagi ng suliranin ang


siyang kababasahan ng problemang haharapin ng
pangunahing tauhan.

2. Gitna - Ang gitna ay binubuo ng saglit na kasiglahan,


tunggalian, at kasukdulan. Ang saglit na kasiglahan ang
naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga
tauhang masasangkot sa suliranin. Ang tunggalian
naman ang bahaging kababasahan ng pakikitunggali o
pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa
mga suliraning kakaharapin, na minsan ay sa sarili, sa
kapwa, o sa kalikasan. Samantalang ang kasukdulan
ang pinakamadulang bahagi kung saan makakamtan ng
pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng
kanyang ipinaglalaban.

3. Wakas - Ang wakas ay binubuo ng kakalasan at


katapusan. Ang kakalasan ang bahaging nagpapakita
ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kwento mula sa
maigting na pangyayari sa kasukdulan, at ang
katapusan ang bahaging kababasahan ng magiging
resolusyon ng kuwento. Maaring masaya o malungkot,
pagkatalo o pagkapanalo. Gayun paman, may mga
kuwento na hindi laging winawakasan sa pamamagitan
ng dalawang huling nabanggit na mga sangkap. Kung
minsan, hinahayaan ng may-akda na mabitin ang
Republic of the Philippines
MINDANAO STATE UNIVERSITY
General Santos City
-ooo0ooo-
COLLEGE OF EDUCATION
Bachelor of Secondary Education Department

Detalyadong Banghay-Aralin sa Filipino 8

wakas ng kuwento para hayaan ang mambabasa na


humatol o magpasya kung ano sa palagay nito ang
maaring kahinatnan ng kuwento.

Mga Elemento ng Maikling Kuwento

Mayroong labing-isang elemento ang maikling


kuwento. Ito ay ang mga sumusunod:

1. Panimula - Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga


mambabasa. Dito rin kadalasang pinapakilala ang iba
sa mga tauhan ng kuwento.

2. Saglit na Kasiglahan - Naglalahad ng panandaliang


pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin.

3. Suliranin - Ito ang problemang haharapin o


kinahaharap ng tauhan o mga tauhan sa kuwento.

4. Tunggalian - Ang tunggalian ay may apat na uri:

•Tao laban sa tao


•Tao laban sa sarili
•Tao laban sa lipunan
•Tao laban sa kapaligiran o kalikasan
Republic of the Philippines
MINDANAO STATE UNIVERSITY
General Santos City
-ooo0ooo-
COLLEGE OF EDUCATION
Bachelor of Secondary Education Department

Detalyadong Banghay-Aralin sa Filipino 8

5. Kasukdulan - Sa kasukdulan nakakamtan ng


pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng
kanyang ipinaglalaban.

6. Kakalasan - Ito ang tulay sa wakas ng kuwento.

7. Wakas - Ito ang resolusyon o ang kahihinatnan ng


kuwento.

8. Tagpuan - Dito nakasaad ang lugar na


pinangyarihan ng mga aksyon o mga insidente. Kasama
din dito ang panahon kung kailan naganap ang
kuwento.

9. Paksang Diwa - Ito ang pinaka-kaluluwa ng maikling


kuwento.

10. Kaisipan - Ito naman ang mensahe ng kuwento.

11. Banghay - Ito ay ang mga pangyayari sa kuwento.

Mga Tanong:
1. Ilang elemento mayroon ang maikling kuwento?
2. Anong elemento ng kuwento ang nagsasaad ng lugar
na pinangyarihan ng mga kaganapan.
3. Saang bahagi ng kuwento nagtatapos ang lahat ng
Republic of the Philippines
MINDANAO STATE UNIVERSITY
General Santos City
-ooo0ooo-
COLLEGE OF EDUCATION
Bachelor of Secondary Education Department

Detalyadong Banghay-Aralin sa Filipino 8

pangyayari.
d. Pagtatalakay (Gawain) Gawain 1: KILALANIN MO NGA AKO!

Panuto: Balikan sa binasang maikling kuwento sa


pagganyak at tukuyin ang mga elemento at bahagi ng
kuwento base sa mga gabay na tanong sa ibaba.

1. Sino-sino ang mga karakter sa kuwento?


2. Saan nagganap ang mga pangyayari sa
kuwento?
3. Sa anong partikular na bahagi ng kuwento ang
nagbigay saiyo ng kawilihan?
4. Ano ang kinahinatnan ng kuwento?
5. Ano ang kinaharap na problema ng kuwento?
6. Paano sinumulan ang kuwento?
7. Ano ang nangyari sa kalagitnaan ng kuwento?
8. Paano nagwakas ang Kuwento?
e. Paglinang (Gawain) Gawain 2: KUWENTO MO YAN EH!

1. Hahatiin ang mga mag-aaral sa (3) tatlong pangkat.


Ang pangkat Perdo, Juan at Luna.
2. Susulat ang bawat pangkat ng kuwento patungkol sa
buhay ng isa nilang ka grupo na kakikitaan ng
inspirasyon.
3. Bibigyan lamang ang mga mag-aaral ng (15-20)
labinlimang minute hanggang dalawangpung minuto
Republic of the Philippines
MINDANAO STATE UNIVERSITY
General Santos City
-ooo0ooo-
COLLEGE OF EDUCATION
Bachelor of Secondary Education Department

Detalyadong Banghay-Aralin sa Filipino 8

para sa gawaing ito.


4. Mula sa kuwentong naisulat, ang bawat grupo ay
pipili ng isang kinatawan upang magbahagi ng naisulat
nilang kuwento sa harap ng buong klase.
5. Pagkatapos nilang mailahad ang kuwento ay
ibabahagi nila ang mga natukoy nilang elemento at
bahagi ng maikling kuwento.
6. Bibigyan lamang ng limang minuto ang mga
estudyante para ilahad ang kanilang gawa.

Panuto: Sumulat ng Maikling kuwento gamit ang buhay


ng isa ninyong kaklase na kakikitaan ng ispirasyon.
Tukuyin ang Elemnto at Bahagi ng Kuwento na makikita
sa Kuwneto. Ilahad ito sa klase pagkatapos.

 Babasahin ng guro ang pamantayan sa pagsulat


at paglalahad ng kuwento.
Republic of the Philippines
MINDANAO STATE UNIVERSITY
General Santos City
-ooo0ooo-
COLLEGE OF EDUCATION
Bachelor of Secondary Education Department

Detalyadong Banghay-Aralin sa Filipino 8

Gabay na Tanong:
1. Sino ang pinag-uusapan sa Kuwento?
2. Ano ang mga kinaharap na pagsubok ng tauhan
sa kuwento?
3. Saan naganap ang kuwento?
4. Ano ang naging sulosyon o kasagutan sa
kinaharap na problema ng tauhan.
5. Paano natapos ang kuwento?
6. Ano ang pinaka masalimuot o magandang
pangyayari sa kuwento?
f. Paglalapat  Bilang isang mag-aaral maglahad ng mga
posibleng hakbang upang mapayaman ang
maikling kuwento sa Pilipinas
 Paano natin mas mapapayaman ang maikling
kuwento?
 Bakit dapat nating pagyamanin ang mga maikling
kuwento?
 Bakit mahalaga ang pagsulat ng mga maikling
Republic of the Philippines
MINDANAO STATE UNIVERSITY
General Santos City
-ooo0ooo-
COLLEGE OF EDUCATION
Bachelor of Secondary Education Department

Detalyadong Banghay-Aralin sa Filipino 8

kuwento?
g. Paglalahat  Ano-ano ang mga bahagi at elemento ng
kwento?
 Bakit mahalaga ang mga elemento at bahagi ng
maikling kuwento sa pagbuo nito?
 Kung ang isang kuwento ay mawawalan ng isang
elemento tulad ng tunggalian, matatawag pa rin
ba itong isang kwento? Pangatwiran.
 Magbigay ng isang elemento ng maikling kwento
na sa tingin mo ay napakahalaga. Pangatwiran.

IV. Pagtataya Panuto: Isulat sa patlang ang salitang MAHAL kung


ang pahayag ay Tama at isulat naman ang salitang DI
MAHAL kung ito ay Mali.

MAHAL 1. Ang banghay ay ang pagkakasunod-sunod


ng mga pangyayari sa kwento.
MAHAL 2. Ang paksa ay ang pangunahing pinag-
uusapan sa isang akda gaya ng kuwento, sanaysay,
balita, talumpati at iba pang kaugnay na tekstong
maaaring nabasa, napakinggan o napanood.
MAHAL 3. Ang tagpuan ay isang elemento ng maikling
kuwento na tumutukoy sa lugar kung saan naganap ang
mahahalagang pangyayari sa kuwento.
DI MAHAL 4. Ang simula ang nagbibigay ng kahulugan
at ng pangunahing ideya o mensahe sa kabuoan ng
Republic of the Philippines
MINDANAO STATE UNIVERSITY
General Santos City
-ooo0ooo-
COLLEGE OF EDUCATION
Bachelor of Secondary Education Department

Detalyadong Banghay-Aralin sa Filipino 8

kuwento.
MAHAL 5. Ang wakas ay binubuo ng kakalasan at
katapusan.
V. Takdang-Aralin Panuto: Magsaliksik at pumili ng isang maikling
kuwento, himayin ang mga bahagi at elemento ng
maikling kuwento. Isulat ito sa isang buong malinis na
papel at ipasa ito sa susunod na pagkikita.

Gabay na Tanong:
1. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?
2. Saan ang tagpuan o naganap ang mga
pangyayari?
3. Ano ang mga suliraning kinaharap ng mga
pangunahing tauhan sa kuwento?
4. Sino o ano ang naging katungali ng tauhan sa
kuwento?
5. Ano ang naging wakas ng kuwento?
6. Ibigay ang pagkakasunod-sunod ng pangyayari
sa kuwento.

Ipapasa ang takdang aralin sa Ika-14 ng


Disyembre.
Republic of the Philippines
MINDANAO STATE UNIVERSITY
General Santos City
-ooo0ooo-
COLLEGE OF EDUCATION
Bachelor of Secondary Education Department

Detalyadong Banghay-Aralin sa Filipino 8

Pamantayan sa para sa presentasyon


PAMANTAYAN 4 3 2 1
Nilalaman Napakahusay, Mahusay, Hindi gaanong Hindi maayos ang
nailahad nang napagsunod-sunod maayos ang pagkakalahad at ang
maayos ang mga ang mga pangyayari pagkakalahad at ang pagkakasunod-
pangyayari: mula ngunit may pagkakasunod- sunod ng mga
simula, gitna, at kalabuan sa ibang sunod ng mga pangyayari.
wakas kung kaya’t bahagi. pangyayari.
napakalinaw ng
daloy ng storya.
Paglalahad Mabisa at Mahusay ang Sapat ang Hindi malinaw ang
napakahusay ng ginawang kagalingang ipinakita mensaheng nais
naging paglalahad paglalahad ng mga sa paglalahad ng ipabatid sa mga
ng mga detalye at impormasyon mga detalye at mambabasa.
impormasyon; buo at maging ang taglay mensaheng
malalim ang mga na kabuluhan ng nagkukubli sa
mensahe sa likod ng mensaheng kuwento.
bawat kabanata na ipinapabatid sa mga
nais ipabatid sa mga mambabasa.
mambabasa.

Pamantayan sa para sa pagsulat ng kuwento.

PAMANTAYAN 4 3 2 1
Paksang Diwa Makabuluhan, Makabuluhan,ngunit Hindi malinaw ang Hindi naiparating na
orihinal ang ideya at hindi masyadong nais iparating ng tunguhin ng
napalutang ang nais malinaw ang nais kuwento. kuwento.
iparating ng kuwento iparating ng kuwento.
Bisang Kahanga-hanga ang Malinaw ang Bahagya ang Hindi gaanong
Pampanitikan pagpapahayag ng pagpapahayag ng pagiging malinaw ng matukoy kung ano
mga kapaki- mga aral at ideya na pagpapahayag ng ang nais na itimo sa
pakibang na aral na nais ipaunawa sa mga mga kapaki- isip at damdamin ng
nais itatak sa isip at mambabasa. pakinabang na aral mga mamababasa.
damdamin ng mga na nais ipapulot sa
mambabasa. mga mambabasa.
Gramatika/ Kapansin-pansin Wasto ang paggamit Hindi gaanong Kapuna-puna ang
Pagkasulat ang lubos na ng mga salita, nagpakita ng paggamit ng hindi
kahusayan sa gramatika, tayutay at angking kagalingan angkop na mga
paggamit ng mga idyoma sa paglalahad sa pagpili at salita, gramatika,
salita, gramatika, ng mga nilalaman ng paggamit ng tayutay at idyoma na
tayutay at idyoma sa akda wastong mga salita, nakapagpagulo sa
paglalahad at gramatika, tayutay ilang mga bahagi ng
pagkakaugnay- at idyoma sa akdang nobela.
ugnay ng mga paglalahad ng mga
pangyayari sa loob nilalaman ng akda.
ng katha.
Republic of the Philippines
MINDANAO STATE UNIVERSITY
General Santos City
-ooo0ooo-
COLLEGE OF EDUCATION
Bachelor of Secondary Education Department

Detalyadong Banghay-Aralin sa Filipino 8

You might also like