You are on page 1of 1

Lomibao, Raneniel S.

BSCE 1-5
2020-10994-MN-0
Kabanata 3
Ang Kabuluhan ng Pagsasalin sa Kontekstong Filipino
Ang pagsasaling-wika ay hindi na bago sa kaalaman ng karamihan. Ang gawaing ito ay nakaugat
na sa pamumuhay ng mga tao. Sapagkat, ilan sa mga babasahing akda, pananaliksik mula sa iba’t
ibang panig ng mundo, mga pelikula mula sa mga istasyon ng telebisyon ay ginagamitan nito.
Kaya naman masasabing ang pagsasaling sa kontekstong Filipino ay isang makabuluhan na
proseso ayon sa pananaw ng lahat.

Sa pagpapalawig, ang pagsasalin ay naglalayong padaliin ang komunikasyon sa pagitan ng bawat


tao, mas pinaiigting nito ang malalim na pagkakaunawaan at pagkakaintindihan. Sapagkat, sa
pamamagitan ng pagsasalin, ang mga akda at pananaliksik ng dayuhan ay nauunawan ng mga
Filipino. Nagiging angkop para sa mga mamamayan ng bansa at nagagamit ng maayos ang mga
naisaling instrumento. Halimbawa na lamang nito, ay ang mga palabas na mula sa iba’t ibang
panig ng mundo na dahil sa pagsasalin ay kinakaaliwan ng maraming Pilipino.

Bukod pa rito, mahalaga sa Pilipinas ang pagsasalin sa kadahilang ito ay binubuo ng mahigit
pitong libong isla na binubuo ng mahigit kumulang 134 na pangkat etniko at 110 na diyalekto.
Marami sa mga Pilipino ang hindi ganap nakakaintindi ng Tagalog—ang unibersal na diyalekto
ng bansa—kaya naman isa ito sa mga dahilan na ang pagsasalin ay makabuluhan hindi lamang sa
pagitan ng mga dayuhang wika kundi pati na rin sa mga diyalektong nabuo sa Pilipinas.

Bilang pagtatapos, ang kabuluhan ng pagsasalin sa kontekstong Filipino ay ang layunin nitong
mapadali ang pagkakabuklod ng mga karatig-bansa sa Pilipinas at ang mga mamamayan nito.
Maisaayos ang mga akda at pananaliksik noon, sa kasalukuyan at maiugnay sa hinaharap, at
lubos na maunawaan ang mga isinaling instrumento nang sa gayon ay magamit sa pagpapaunlad.

You might also like