You are on page 1of 2

REPUBLIKA NG PILIPINAS

KAGAWARAN NG EDUKASYON
LUNGSOD NG QUEZON
OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY
EZPERANZA ST, LAGRO HILLTOP, QUEZON CITY

KATITIKAN NG PULONG NG FATIMANIANS YOUTH ORGANIZATION NG OUR LADY OF FATIMA


UNIVERSITY

Ika-17 ng Disyembre, 2022


Ika-9:00 ng umaga
Sa Room 407, HS Building ng Our Lady of Fatima University
DUMALO

• Santos, Ken Ahmir - PRESIDENTE


• Pachoro, Jheann- BISE-PRESIDENTE
• Salcedo Jr, Romeo B. – KALIHIM
• Felizarta, Rhodel - MIYEMBRO
• Embile, Mark – MIYEMBRO
• Singson, Robert – MIYEMBRO
• Mga iba pang kasapi ng FYO (Fatimanians Youth Organization)

HINDI DUMALO

• Condes, Lhucky - MIYEMBRO


• Besmonte, Troy Rollins – MIYEMBRO

PANUKALANG ADYENDA:

• PAMIMIGAY NG NOCHE BUENA PACKAGE SA PAYATAS, QUEZON CITY

1. PAGSISIMULA NG PULONG
Itinayo ang pagpupulong ng bise-president ng FYO (Fatimanians Youth Organization) na si Gng.
Jheann Pachoro sa ganap na ika-10:00 ng umaga . Sinimulan ito sa isang panalangin at pag-awit
ng pambansang awit na Lupang HInirang . Sinundan ito ng roll-call attendance na isinagawa ng
kalihim na si Ginoong Romeo B. Salcedo Jr.

1. PAGPAPATIBAY NG PANUKALANG ADYENDA


- Binuksan ang pagpupulong sa pangunguna ni Mr. Robert Singson sa isang maikling mensahe
kung bakit mamamahagi ng Noche Buena Package ang organisasyong ito.
- Nagpahayag naman ng kanyang mensahe si Ginoong Mark Embile. Patungkol sa kung ano ang
mga maaring matanggap ng mga mapapalad na pamilyang makakakuha ng package.
- Pormal na sinimulan ni Ginoong Rhodel Felizarta ang adyenda – pamimigay ng noche Buena
package. Iminungkahi rin niya kung paano ang magiging daos ng bigayan ng package upang hind
imaging magulo at maiwasan na may mangyaring sakuna. Ang mga makakakuha ay kailangan
may maipakitang stub para makuha ang Noche Buena Package. Bukod pa rito, Iminungkahi niya
rin sa mga security officer ng organisasyon na mariing bantayan ang mga package at lalong lalo na
ang mga taong makakatanggap ng package.

2. ISKEDYUL NG SUSUNOD NA PULONG


- Disyembre 20, 2022

3. PAGTATAPOS NG PULONG
- Pormal na natapos ang pagpupulong sa ganap na ika-1 ng hapon sa pagbibigay salamat ng
president ng organisyason sa mga dumalo sa pulong na ito. Ipinahayag niya rin na inaasahan nya
aang lahat ay makakadalo sa bigayan ng Noche Buena Package sa darating na ika-25 ng
Disyembre taong 2022.

Inihanda ni:

ROMEO B. SALCEDO JR.


Kalihim – FYO
Nagpatotoo:

KEN AHMIR SANTOS


PRESIDENTE - FYO

You might also like