You are on page 1of 2

KATITIKAN NG BUWANANG PULONG NG BAITANG 12 NG STEM SEKSYON

AMPERE, NA GINANAP SA MLANG SENIOR HIGHSCHOOL BUILDING, NOONG


IKA-15 NG DISYEMBRE, 2022

Dumalo
G. John Ever Muyco Pangulo
Bb. Ariane Shayne Biñas Pangalawang Pangulo
Bb. Sarah Nicole Barsubia Kalihim
Bb. Shennah Veera Daniel Katulong ng Kalihim
Bb. April Joy Guarino Ingat-Yaman
Bb. Janna Villafuerte Tagasuri
G. Ihlann Planas Tagapagbalita
Bb. Sophia Otto Tagapamayapa
Bb. Sophia Abrio Miyembro
Bb. Rubelyn Oberio
Bb. Pamela Ambag
Bb. Judy Ann Oro

Di Dumalo
Bb. Arabela Cabana miyembro
Bb. Meakella Javier miyembro

Ang pagpupulong ay itinayo ni G. John Ever Muyco, ang Pangulo sa ganap


na 2:15 ng hapon. Pinasimulan ito sa pamamagitan ng pambungad na panalangin
na ipinagkaloob ni Bb. April Joy Guarino, ang Ingat-Yaman. Kasunod ng panalangin
ay ang pambungad na pananalita ng pangulo.
At nagpatuloy ang pagpupulong sa pagtatanong ni G. Muyco sa mga kasapi
ukol sa posibleng proyekto na maaaring isagawa sa para sa mga Out of School
Youth o nasa distanced or modular learning, edad 6-12 na taong gulang. Nagkaroon
ng botohan sa pagitan ng dalawang proyekto; (1) Share a book drive, (2) School
Supplies Pantry. Nanguna bilang may pinakamaraming boto ang proyektong “School
Supplies Pantry”, na iminungkahi ni G. Ihlann Planas. Ayon sa kanya, malaking
tulong ang magagawa ng pamimigay ng mga school supplies sa mga kabataan
sapagkat sa pamamagitan nito ay masisimulan nila ang pag-aaral o homeschooling,
at hindi na iisipin ng mga magulang ang gastusin kaakibat ng pangunahing
edukasyon.
Ang sumunod na pinag-usapan ay ang lugar kung saan gaganapin ang
proyektong napili. Muling nagkaroon ng botohan sa pagitan ng barangay Tinaguan
at barangay Inas. Naitala ang may pinakamaraming boto ang barangay Tinaguan na
paggaganapan ng iminungkahing proyekto ang dahilan nito ay upang mas madali
ang pagbibigay ng mga school supplies at ito rin ang lugar na may pinakamaraming
nakatira na out of school youth. Dagdag pa rito, mas maliit ang badget na
maggagasta kung dito gaganapin ang proyekto.
Napagkasunduan rin na ang badget na ilalaan para sa proyektong ito ay
nagkakahalagang P 10,000, ang buong badget ay ibibili ng mga school supplies
tulad ng papel, lapis, notebook, envelop bag, ballpen, at pangkulay. Ito ay lilikumin
sa pamamagitan ng gcash donations, facebook fund raising, solicitations, at pag-
aambagan ng seksyon Ampere. Ito ay naitakda bilang badget sa loob ng limang
buwan.
Ang proyekto ay sisimulan sa loob ng Disyembre. Sa unang dalawang linggo
magsisimula ang pagngangalap ng badget at sa kasunod na dalawang linggo naman
magsisimula ang aktwal na pagsasagawa ng proyekto.
Natapos ang pagpupulong sa pangwakas na pananalita ni G. Muyco at ang
pangwakas na panalangin ni Bb. Sophia Otto sa ganap na 2:25 ng hapon.

Inihanda ni:

Sarah Nicole J. Barsubia


Kalihim

Nagpapatotoo:

Ariane Shayne Z. Biñas


Pang. Pangulo

You might also like