You are on page 1of 4

AGENDA:

• Pagbuo ng plano para sa mga gawaing preparasyon sa Business Enterprise Simulation


(BES)
• Pagdami ng bilang ng mga taong lumiliban sa klase at ang kulang ng partisipasyon
Katitikan:

Ateneo de Davao University


Pagpupulong ng Filipino 13 (Berthieu)
Ika- ng Agosto, 2020 Oras ng Pagpupulong: 3:00 PM

Panalangin: Ang nanguna sa panalangin ay ang class beadle ng Berthieu na si Bb. Charlaine
Anthonette Funcion
Paunang Pananalita: Ipinangunahan ni Bb. Phoebe Aia Aquino ang agenda tungkol sa mga
isyung kinakaharap ng klase at para mabigyan ng maayos na solusyon.
Mga Talaan ng Dumalo sa Pagpupulong:
Mga Dumalo Di Nakadalo
Natalie Grace G. Adtoon Andrei Gabriel T. Galarosa
Divine Grace L. Aguilar Julia Danielle T. Bama
Aubrey Julia Marie G. Alia Isaac Wyndel S. Go
Samantha Rose L. Andao Mohammad Radzen O. Gemoto
Phoebe Aia B. Aquino Leonard Jose B. Gumapac
Maria Angelica C. Barrientos EJ D. Labuguen
Eissa T. Basa Sophia Mae E. Ledesma
Don Carlo L. Calibo Nikka Jane Q. Legaspi
Diane Cyra T. Codizar Jlou O. Manangan
Kate Noelle B. Cutillar Isabella L. Matheu
Francis Mari P. Dailisan Ivory Kaye N. Melocoton
Loushel Anne L. Diazon Enrico Miguel T. Tan
Charlaine Anthonette V. Funcion Ivan Paul Velez
Kobe Ivan E. Gales Vylette Raine B. Vidal
Alyanna Louise R. Venus Justine G. Tonacao
Risalin L. Abeysinghe

Deklarasyon ng Kurom: Ayon sa beadle ng klase na si Bb. Charlaine Anthonette Funcion, 31


ang dumalo sa pagpupulong at 0 ang lumiban. Tinanggap ito ng kurom at opisyal at nagsimula na
ang pulong.
Pagsususog sa Adyenda:
• Pagbuo ng plano para sa mga gawaing preparasyon sa Business Enterprise Simulation
(BES)
• Pagdami ng bilang ng mga taong lumiliban sa klase at ang kulang ng partisipasyon
Binigyang mosyon ni Bb. Phoebe Aia Aquino.

Pormal na Pagpupulong:
Unang Isyu: Pagbuo ng plano para sa mga gawaing preparasyon sa Business Enterprise
Simulation (BES)
Mga Komento:
Bb. Legaspi: Ayon kay Bb. Nikka Jane Legaspi, kailangan din na may ugaling
pagpapakatawa ang brand name upang makakuha pa ng ibang mga buyer.
G. Dailisan: Ayon kay G. Francis Mari Dailisan na kung pipili ng pangalan para sa
produkto, dapat hindi ito madaling makalimutan ng mamimili dahil ang brand name ang
siyang mag rerepresenta ng produkto. Para naman sa supplier ay manufacturer, dapat
pumili ng may magandang reputasyon para tiyak na maganda ang kalidad ng produkto.
Bb. Labuguen: Sa pananaw ni Bb. EJ Labuguen, dapat ay mag canvas tayo ng iba’t-ibang
suppliers at i-kumpara ang kanilang mga presyo at kalidad upang makuha natin ang pinaka
magandang supplier.
Mga Suhistyon:
Bb. Aguilar: Ayon kay Bb. Divine Grace Aguilar, ang napili nilang brand name ay “Oh
Tote”. Dahil sa pangalan pa lang malalaman na kung ano ang produktong ibebenta at ang
pangalan ay napaka-catchy.
Bb. Diazon: Ayon, kay Bb. Loushel Anne Diazon, ang napili nilang brand name ay “Tote
Picks”. Upang tumatak sa isipan ng mga mamimili kung anong produkto ang binebenta.
Idinagdag ni Bb. Diazon na makakahanap ng maganda at murang supplier at manufacturer
sa pamamagitang ng product test na kung saan gagawa ng produkto ang manufacturer at
pagdedesisyonan kung maganda ba ang kalidad. Ang napili nilang supplier at
manufacturer ay “IRB Concepts and Designs Advertising” at “Nelyn Handicrafts” dahil
napatunayan nilang maganda ang kalidad ng kanilang tote bags sa mababang halaga.
G. Velez: Ayon kay G. Ivan Paul Velez, ang napili nilang pangalan para sa produkto ay
“Tote-tally”. Ito ay dahil isa sa mga factor ng pagpili ng pangalan ay ang humor kaya ito
ang kanilang desisyon.
Bb. Andao: Ayon kay Bb. Samantha Rose Andao tungkol sa magtatahi ng produkto, sa
Aplen Bag Supply magpatahi. Tumawag siya sa tindahan at ang sabi nil ana ang presyo
para sa labor ay magbabase sa sukat at telang gagamitin.
Pinal na Napagkasunduan:
Sa isinagawang pagboboto, may labing-anim na bumoto para sa brand name na “Oh Tote”,
dalawa naman sa “Tote Picks”, at walo naman sa “Tote-tally. Ang supplier at manufacturer
ng produkto ay IRB Concepts and Designs Advertising at Nelyn Handicrafts. Binigyan ng
Mosyon nina Bb. Eissa Basa at Bb. Nikka Jane Legaspi ang pinal na napagkasunduan.

Ikalawang Isyu: Pagdami ng bilang ng mga taong lumiliban sa klase at ang kulang ng
partisipasyon
Mga Komento:
G. Calibo: Ayon kay G. Don Carlo Calibo, hindi na sinusunod ng mga mag-aaral ang
patakaran na sumulat sa Form of Foreseen Absence. Dahil dito mas napaparami ang gawain
ng beadle kung saan kailangan niya pang isa-isahin ang mga pumasok. Dahil din dito,
nawawalan ng importansya ang Form of Foreseen Absence.
Bb. Ledesma: Batay sa obserbasyon ni Bb. Sophia Mae Ledesma, may ibang umaalis sa
link kapag ang guro ay nagpapa-oral. May iba rin na hindi na pumapasok kapag sa tingin
nila ay walang gagawing importante. May iba din naman na bigla-biglang nawawalan ng
internet o kuryente, kaya siguro hindi masyadong nagagamit ang form dahil dito.
Mga Suhistyon:
Bb. Barrientos:Iminungkahi ni Bb. Maria Angelica Barrientos na may isang itinalagang
mag-aaral na hihingi ng listahan ng mga estudyante na wala o nakalampas ng sesyon ng
klase mula sa class beadle pagktapos ng araw ng klase. Pagkatpos ay magpapadala siya ng
direktang mensahe sa mga mag-aaral na absent upang puhunan ang form at tiyakin na
naitala ang kanilang kawalan o absence.
Bb. Alia: Dagdag ni Bb. Aubrey Julia Marie Alia, kung sakaling ibabalewala ng mag-aaral
ang direktan mensaheng ipinadala sa kanila, ipapaalam ito sa class adviser at ang class
adviser ang magbibigay ng mensahe sa lumiban na estudyante. At kung sakaling
binalewala pa rin ito, automatic na hindi excused ang mag-aaral sa kanyang pagliban.
Bb. Basa: Iminungkahi ni Bb. Eissa Basa na kung hindi mapupuna ang Form of Foreseen
Absence, dapat mabigyan ng suspensyon galing sa Prefect of Discipline (POD). Sa
ganitong paraan mauudyukang punain ng mga mag-aaral ang form.
G. Go: Ang suhistyon ni G. Isaac Wendyl Go ay dapat ipaalam ito sa mga magulang ng
estudyante kapag walang dahilan kung bakit lumiban. Sa ganitong paraan malalaman ng
kanyang mga magulang kung umaayos ba siya sa kanyan pag-aaral.
G. Tan: Dagdag pa ni G. Enrico Miguel Tan sa suhistyon, imbes na ang beadle lang ang
gagawa ng attendance, dapat may dalawa hanggang tatlo pang representante sa klase na
tutulong sa class beadle.
Bb. Venus: Dagdag rin ni Bb. Alyanna Louise Venus, time-to-time, susuriin ng guro ang
mga mag-aaral kung ang mga mag-aaral ay nakikinig pa rin sa pamamagitan ng pag on ng
kanilang mic at camera. O di kaya’y magtatanong ang guro sa mga estudyante tungkol sa
kanilang paksang tinatalakay.
Pinal na napagkasunduan:
Sa isinagawang pagboboto, ang inihain na suhistyon na magkaroon ng assistant beadle ang
may pinakamaraming boto na nakatala ng labing pito na boto. Inihain nina Bb. Divine
Grace Aguilar at Bb. EJ Labuguen ang mosyon.

Iba pang mga Usapin/Bagay:


Unang Isyu: Mga katanungan sa Yearbook Guidelines
Mga Komento:
Bb. Abeysinghe: Magagawan po ba ng ibang paraan upang makuha ang Electronic
Yearbook na hindi magbabayad ng malaking halaga?
Bb. Cutillar: Dahil hindi hinikayat na pumunta pa ng studio, pwede bang ipasa ang
graduation photo kahit hindi maganda ang kalidad ng larawan?
G. Gemoto: Kailangan bang bumili ng yearbook o pwedeng hindi bumili? At mas mababa
ba ang aming babayarin dahil ito ay Electronic Yearbook?
Bb. Matheu: Pinal na ba ang desisyon na ang yearbook ay electronic o magkakaroon ng
hard copy na yearbook?
Mga Suhistyon:
Bb. Aquino: Ayon kay Bb. Aquino tungkol sa katanungan ni Bb. Abeysinghe, hindi na
mababago ang presyo ng yearbook dahil marami ang binayaran sa pagpapagawa ng
yearbook.
Bb. Aquino: Ayon kay Bb. Aquino tungkol sa katanungan ni Bb. Cutillar, pwede ipasa
kahit hindi maganda ang kalidad ng larawan dahil ang publisher na ang bahala sa pag-edit
ng mga larawan.
Bb. Aquino: Ayon kay Bb. Aquino tungkol sa katanungan ni G. Gemoto, pwedeng hindi
bumili ng yearbook, pero hinihimok ang lahat na bumili.
Bb. Aquino: Ayon kay Bb. Aquino tungkol sa katanungan ni Bb. Matheu, pinal na talaga
na ang makukuha natin ay electronic yearbook.
Pinal na napagkasunduan:
Walang pinal na napagkasunduan ukol sa isyu na ito, wala ring naghain ng mosyon.

Ikalawang Isyu: Pagkilala ng ipinadalang email ukol sa Virtual Christmas Party


Mga Komento:
Bb. Bama: Sa araw ng Christmas Party, mayroon bang eksaktong oras para tapusin ang
lahat o tayo ang magpapasya ng oras?
Bb. Manangan: Tungkol sa ating program, ano ba ang maaaring gawin kung sakaling
walang intermission number?
G. Gales: Kapag may difficulties, pwede bang i-send nalang ang letter? Baka kasi mawala
ang internet connection.
G. Galarosa: Bukod sa letter, maari din ba na magbigay ng regalo?
Bb. Codizar: Kailangan ba na color coding ang susuotin para sa Christmas Party?
Mga Suhistyon:
Bb. Aquino: Ayon kay Bb. Aquino tungkol sa katanungan ni Bb. Bama, walang hindi pa
kumpirmado kung anong oras matatapos ang Christmas Party, pero half day lang ito at
hindi ganoon katagal.
Bb. Aquino: Ayon kay Bb. Aquino tungkol sa katanungan ni Bb. Manangan, kung walang
maibigay o maipakita na intermission number, maghanda nalang ng video clip na aabot ng
limang minuto.
Bb. Aquino: Ayon kay Bb. Aquino tungkol sa katanungan ni G. Gales, sa
napagkasunduan, imbes na physical gift ang ibigay, virtual letter card nalang.
Bb. Aquino: Ayon kay Bb. Aquino tungkol sa katanungan ni G. Galarosa, pwedeng
magbigay ng regalo dahil ito ay optional naman.
Bb. Aquino: Ayon kay Bb. Aquino tungkol sa katanungan ni Bb. Codizar, para sa susuotin,
pwede lang suotin ang pangtaas kung ano ang makikita sa camera.
Pinal na napagkasunduan:
Sa isinagawang pagboboto, dalawampu’t isa ang bumoto na dapat magreply sa email kung
natanggap bai to. Walang naghain ng bosyon batay sa napagkasunduan.

Iskedyul ng Susunod na Pagpupulong:


Walang petsang itinakda para sa susunod na pagpupulong.

Pagtatapos ng Pagpupulong:
Ipinangunahan nina Bb. Charlaine Anthonette Funcion at G. Francis Mari Dailisan ang
paghain ng mosyon. At opisyal na nagtapos ang pagpupulong sa oras na 4:30 pm.

Kobe Ivan E. Gales


Pangalan ng Tagapagtala ng Katitikan

Pagpapatibay: Napag-alaman ni
Phoebe Aia A. Aquino Joan Grace Allawan-Palconit, PhD
Charlaine Anthonette V. Funcion Pangalan ng Guro
Pangalan ng mga Opisyal ng Klase

You might also like