You are on page 1of 5

DEPARTMENT OF EDUCATION

Region VII

Division of Southern Leyte

District of Hinunangan I

CANIPAAN NATIONAL HIGH SCHOOL

ANO NA BA ANG KALAGAYAN O SITWASYON NG WIKANG FILIPINO SA MGA


KABATAAN SA KASALUKUYANG PANAHON

Ipinasa kay Bb. April S. Macion

Ipinasa nina

Kristine Rovie G. Duyagit

Maxilou S. Masing

Jackie P. Bagacay

James Roldan B. Humangit

Leonie E. Dadap

Jhon David Tarong

Kimberly M. Pan

Noah A. Astrologo

S.Y. 2022-2023
PANIMULA

Maraming mahahalagang aspeto sa ating buhay na nagagamit natin lalo na sa pang

araw-araw. Isa na rito ang wika na karaniwang ginagamit sa pakikipagtalastasan. Ito ay

nagbibigay daan sa atin upang maipahayag ang kanya kanyang iniisip at

nararamdaman, ang bawat isa'y nagkakaintindihan sa pamamagitan ng paggamit ng

wika. Tayo'y may iba't ibang relihiyon, kultura at pinagmulan. Ngunit sa kabila ng lahat

tayo ay pinag isa ng wikang Filipino. Talagang ang wikang Filipino ay may malaking

papel sa pagpapanatili ng pagkakaisa at pag-uunawaan ng lahat ng tao sa ating bansa.

Ang wika ay hindi lamang kumakatawan sa isang tao. Ito ay hindi lamang isang paraan

para sa pagpapahayag ng mga sariling saloobin, opinyon, mga personal na

obserbasyon at halaga ng kanyang mga katangian ay isang sisidlan na siyang

nagpapahayag ng mga aspeto ng isang komunidad o bansa. Ang wika ay kumakatawan

din sa pangunahing pagpaparating sa iba ng panlipunang pagkakakilanlan. Sa maikling

salta, ang wika ay tumutulong na mapanatili ang mga damdamin ng kultura, sining at

pagkabansa ng isang bayan. Ngunit batid sa ating lahat na may mga suliranin

pagdating sa usapin ng wika dito sa ating bansa sapagkat may mga indibidwal na mas

tinatangkilik ang wikang banyaga. Kaya't ang tanong ng nakakarami "Ano nga ba ang

kalagayan ng wikang Filipino sa kasalukuyan?" Wikang Filipino, Kamusta ka?


KATAWAN

A. Kahalagahan ng pag-aaral na ito

Malinaw na ang wika ay isang mahalagang kasangkapan na ginagamit upang

maiparating ang mga nasasaloob na ideya at damdamin ng isang tao. Hindi lamang ito

isang paraan ng pakikipag-usap sa kapwa kundi ginagamit din ito upang

makipagkaibigan, makipagtalakayan at maibahagi ang iba't ibang opinyon at kaisipan.

Ang kabuluhan ng pag-aaral na ito ay upang mabigyang pansin ang kalagayan ng

wikang Filipino sa kasalukuyan, magsilbing tulong sa mga susunod na mananaliksik

ukol sa paksang ito, upang malaman kung ano ang kinakailangang dagdag kaalaman

ng kabataan patungkol sa wikang Filipino lalo na't halos lahat ng kabataan pati na rin

ang mga nasa katamtamang gulang ay nakatutok na sa social media

B. Sakop ng pag-aaral

Saklaw ng pag-aaral na ito ang mga kabataang nasa edad 13 hanggang 19. Sapagkat

ang paksa ay nagtatanong kung ano ang kalagayan ng wikang Filipino sa mga

kabataan sa kasalukuyang panahon. Nasa edad 13-19 ang mga kabataang nararapat

na pagtanungan ng aming inihandang survey.


KONKLUSYON

Ang wikang Filipino sa kasalukuyan ay patuloy na nagbabago ayon sa mga

karanasan at kaisipan ng makabagong kabataan, nagbabago rin ito ayon sa mga

naipapasok na mga salitang mula sa ibang bansa at kultura , alam naman nating

may ibat ibang linggwaheng nauuso sa panahon ngayon katulad na lamang ng

salitang kanto , salitang bakla at pagpapaikli ng mga salita.

Base sa aming ginawang survey nangunguna ang wikang Filipino bilang wikang

madalas na ginagamit sa pakikipagtalastasan, ito rin ang madalas na wikang

ginagamit sa mga pinapanood na pelikula, palabas pantelebisyon, at video sa

YouTube. Ngunit hindi rin nalalayo ang wikang Ingles ito ay pumapangalawa sa

bilang. Sa ginawa naming pananaliksik, natamo namin ang kaalamang sa kabila

ng lahat marami parin sa mga kabataan ang tumatangkilik sa ating sariling wika.

You might also like