You are on page 1of 4

SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

KATITIKAN NG PAGPUPULONG NOONG IKA-26 NG PEBRERO


TAONG 2019 NA GINANAP 10:55 NG UMAGA SA SILID PULUNGAN NG MAIN
CAMPUS.

Mga Dumalo :

Daloy ng Usapan:

1) Pambungad na Panalangin

2) Pagbigay ng agenda

3) Pagtalakay sa una at ang pangalawang aytem

4) Pagbibigay suhestyon sa magiging tema at ang pondo para sa mga aktibidad

5) Botohan

6) Pagpaplano ng mga gagawin upang maisakatuparan ang mga suhestyon

7) Pagwawakas ng Pagpupulong

Layunin
1. Pagpaplano sa magiging tema sa “Linggo ng Kabataan”
2. Paghahanda sa mga gagawing aktibidad at paghahanap sa kinakailangang pondo
I. Pagsisimulang Pulong
Pinangunahan ni Bb. Evan Miñoza ang pagpupulong, ang punong-guro ng USJ-R
SHS, sa 11:35 ng umaga na sinimulan sa panalangin at pagkanta ng Pambansang awit.
Sumunod ay ang roll-call galing kay Bb. Demi Oroc at pagkatapos ay ipinahayag niya
na ang pagpupulong ay korum.

II. Pagbasa sa Nakaraang Pagpupulong


Nagpatuloy ang pagpupulong sa pagbasa ni Bb. Demi Oroc, ang Kalihim sa
nangyaring pagpupulong ng katitikan. Iniulat niya kung ano ang napagusapan ng mga
kasapi noong nakaraang pagpupulong tungkol sa iba’t ibang paligsahan at aktibidad na
mangyayari para sa Linggo ng Kabataan. Ang “Linggo ng Kabataan” ay mangyayari
sa ika-9 ng Marso sa Covered Court ng Barangay Pasil, kung saan dadalo ang mga
kabataan na nasa edad na 12-18 na taong gulang. Natapos ang pagpupulong sa alas-4
ng hapon, unang araw ng Pebrero taong 2019.

III. Pagpapatibay ng Panukalang Adyenda


Pagkatapos banggitin ng kalihim ang Katitikan ng nakaraang pagpupulong,
pinangunahan ni Bb. Satsat ang mosyong pagtitibay sa nakaraang pagpupulong na
sinususugan ni Bb. Solis.
Ang pagpupulong ay ipinagpatuloy ni Bb. Miñoza sa pamamagitan ng paghingi
ng suhestyon sa mga kasapi ukol sa tema at paghahanap ng pondo para sa Linggo ng
Kabataan.
Binuksan ni Bb. Satsat ang pagpupulong sa pagbibigay ng mosyon na
sinuportahan ni Bb. Vasquez at inimungkahi nya na magbigay ng suhestyon kung ano
ang magiging tema at gagawing aktibidad pati na rin sa paghahanap ng pondo para sa
Linggo ng Kabataan. Si Bb. Togonon ay nagbigay ng suhestyon para sa tema na
“Kabataan, umaksyon para sa bayan” dahil magiging tumpak daw ito sa darating na
okasyon sapapagkat panahon ito kung saan makikilahok ang mga kabataan sa mga
gawain ng barangay at tiyak na makakaimpluwensya sa kanila upang maging
partisipado at tumugon sa mga problema ng kumunidad. Inimungkahi rin ni Bb.
Illustrisimo na ang magiging tema ay “Tiwala sa Sarili: Susi ang Kabataan sa
Magandang Kinabukasan” sapagkat maipapakita ng kabataan ang tiwala sa kanilang
sarili at ang ibang kakayahan na tiyak magdadala sa kanila sa tagumpay.
Nagkaroon ng botohan at apat sa limang dumalo ang bumoto sa temang “Tiwala
sa Sarili: Susi ang Kabataan sa Magandang Kinabukasan” at napagkasunduan na yan
ang gamiting tema para sa darating na Linggo ng Kabataan.

IV. Buod ng Pagpapupulong


Inilahad ng kalihim na si Bb. Oroc na sa pagpupulong na ito ay nailatag lahat
ng mga suhestiyon sa tema na kanilang gagamitin sa pagdiwang ng "Linggo ng
Kabataan". Pinag-usapan din kung saan sila kukuha ng pondo para sa gagawing
aktibidad. Napagkasunduan ng kanilang organisasyon na ang tema na kanilang
gagamitin ay " Tiwala sa Sarili: Susi ang Kabataan sa Magandang Kinabukasan" at
ang kanilang programang gagawin upang makalikom ng pondo sa “Linggo ng
Kabataan” ay ang Chroma o ang Color Fun Run.

V. Iskedyul ng Susunod na Pulong


Ang susunod na pagpupulong ay gaganapin sa ika-25 ng Marso taong 2019 sa
kanilang silid-pulungan.

VI. Pagtatapos ng Pulong


Sa ganap na 11:33 NU pormal na idineklara ni Bb. Evan Miñosa ang pagwawakas

ng pagpupulong.

Inihanda nina : Inaprubahan ni :

You might also like