You are on page 1of 10

MATAAS NA PAARALAN NG RIZAL

KATITIKAN
NG
PULONG
Ipinasa ni:

Aerone Rafael M. Balayanto

Ipinasa kay:

Bb. Michelle Layson


PANIMULA:

Kahulugan ng Katitikan ng Pulong

~Ang katitikan ng pulong ay isang akademikong sulatin na naglalaman ng mga tala, rekord o
pagdodokumento ng mga mahahalagang puntong nailahad sa isang pagpupulong. Sa wikang
Ingles, tinatawag itong “minutes of meeting”.

~Ito ay isang mahalagang dokumento sa isang pagpupulong. Isinusulat dito ang tinatalakay sa
pagpupulong ng bahagi ng adyenda. Nakasulat din kung sino-sino ang dumalo, anong oras nag
simula at nag wakas ang pagpupulong gayundin ang lugar na pinagganapan nito. Ito ang nag
sisilbing tala ng isang malaking organisasyon upang maging batayan at sanggunian ng mga
bagay na tinatalakay.

Mga Bahagi ng Katitikan ng Pulong

1. Heading – Nakapaloob rito ang pangalan ng organisasyon o samahan na magsasagawa ng


pagpupulong. Makikita rin dito ang lokasyon kung saan magaganap ang pulong, ang petsa at ang
oras kung kailan magsisimula ang pulong.

2. Mga Kalahok o Dumalo – Nakapaloob dito ang mga pangalan ng mga dumalo sa
pagpupulong kasama na rin ang mga hindi nakadalo o lumiban. Nakalagay rin ang namuno sa
daloy ng pagpupulong.

3. Pagbasa at pagpapatibay ng nagdaang katitikan ng pulong – Makikita rito kung ang


nagdaang katitikan ng pulong ay napagtibay o may mga pagbabagong naisagawa rito.

4. Action items o usaping napagkasunduan – Dito makikita ang mga mahahalagang detalye sa
paksang pinagusapan sa pagpupulong. Makikita rin dito kung sino ang namuno sa pagtalakay ng
usapin. Nakapaloob rin sa bahaging ito ang mga hindi pa natapos na proyektong bahagi ng mga
nagdaang pulong.
5. Pabalita o patalastas – Hindi ito kadalasang makikita sa katitikan ng pulong ngunit
nakapaloob sa bahaging ito ang mga suhestiyon o adyenda ng mga kalahok para sa susunod na
pagpupulong.

6. Iskedyul ng susunod na pulong – Makikita rito ang petsa, oras at lokasyon ng susunod na
gaganaping pagpupulong.

7. Pagtatapos – Makikita rito kung anong oras nagtapos ang pagpupulong.

8. Lagda – Inilalagay sa bahaging ito ang pangalan ng kumuha ng katitikan ng pulong at kung
kailan ito isinumite.

Layunin ng Katitikan ng Pulong

1. Naipababatid sa ibang kasapi ang mga naganap sa pulong lalo na sa mga hindi nakadalo sa
nakaraang pulong.

2. Nagsisilbing gabay upang maalala ang lahat ng detalye ng napag-usapan sa nakaraang


pulong.

3. Maaaring maging bahagi ng kasaysayan sa paglipas ng panahon.

4. Hanguan ng mga impormasyon/detalye para sa mga susunod na pulong.

5. Nagsisilbing ebidensya sakaling magkaroon ng pagtatalo sa dalawa o higit pang kasapi ng


organisasyon.

6. Nagsisilbing paalala sa mga responsibilidad at gampanin ng bawat kasapi.

Gamit ng Katitikan ng Pulong

1. Nagsisilbi itong opisyal na tala hinggil sa napagpasyahan sa pulong.

2. Naidodokumento nito ang mga kapasyahan at responsibilidad ng bawat miyembro ng pulong.

3. Nagsisilbi itong paalala sa mga miyembro kung ano ang mga inaasahang gawain na
nakaatang sa kanila, gayundin ang mga takdang petsa na inaasahan nilang matapos ang gawain.

4. Nababatid din kung sino-sino ang aktibo at hindi aktibong nakadadalo sa pulong.

5. Tumatayo bilang dokumentong batayan para sa susunod na pulong.

Mga Katangian ng Katitikan ng Pulong


1. Ito ay dapat organisado at ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga puntong napag-usapan sa

pulong at nararapat na ito ay obhetibo.

2. Organisado, obhetibo at sistematikong katitikan ng pulong

3. Nagsisilbing opisyal at legal na kasulatan ng samahan, kompanya o organisasyon.

4. Maaaring magamit bilang prima facie evidence sa mga legal na usapin o sanggunian

5. Isinasagawa nang pormal, obhetibo, at komprehensibo o nagtataglay ng lahat ng

mahahalagang detalyeng tinalakay sa pulong.

Kahalagahan ng Katitikan ng Pulong


~Nagsisilbing paglalagom sa mahahalagang tinalakay ang katitikan ng pulong. Mahalaga ang
pagsulat nito upang matiyak at mapagbalik-tanawan ang mga usapin at isyung tinalakay at
kailangan pang talakaying muli mula sa pagpupulong na naganap na. Dito makikita ang mga
pagpapasiya at mga usaping kailangan pang bigyang-pansin para sa susunod na pulong. Ito ay
nagsisilbing kopya sa lahat ng komunikasyon na nangyari sa loob ng pagpupulong at magagamit
upang magresolba ng isang problema kung sakaling magkaroon man ng pagtatalo sa pagitan ng
miyembro ng pulong

Mga Anyo ng Katitikan ng Pulong

1. Ulat ng Katitikan – Sa ganitong anyo ng katitikan, ang lahat ng detalyeng napag-usapan sa


pulong ay nakatala. Maging ang pangalan ng mga taong nagsalita o tumalakay ng paksa kasama
ang pangalan ng mga taong sumang-ayon sa mosyon isinagawa.
2. Salaysay ng Katitikan – Isinasalaysay lamang ang mahahalagang detalye ng pulong. Ang
ganitong anyo ng katitikan ay maituturing na isang legal na dokumento.

3. Resolusyon ng Katitikan – Nakasaad lamang sa katitikan na ito ang lahat ng isyung


napagkasunduan ng samahan. Hindi na itinatala ang pangalan ng mga taong tumalakay nito at
maging ang mga sumang-ayon ditto. Kadalasang mababasa ang mga katagang
“Napagkasunduan na ...” o “Napagtibay na ...”.

Mga Nararapat Gawin ng Taong Magsusulat ng Katitikan ng Pulong


1. Kung kakayanin ay hindi maaring maging participant o kalahok ang kukuha ng katitikan ng
pulong sa mismong pulong.
2. Pumwesto o umupo malapit sa tagapamuno o presider ng pulong
3. Kinakailangang may sipi ng mga dumalo at mahahalagang impormasyong kakailanganin sa
pagpupulong
4. Nakatuon lamang ang atensyon sa nakatakdang adyenda.
5. Siguraduhing ang ginawang katitikan ng pulong ay tumpak at kumpleto ang mga detalye
HALIMBAWA

KOMISYON SA WIKANG FILIPINO


ARAW NI BALAGTAS 2005
Katitikan ng Pulong

Kailan: Enero 13, 2005


Saan: MESLA Canteen
Oras: 11:00 n.u

Mga Dumalo:
1. Irma P. Canilao 5. Nora G. Bangalan-Rifareal
2. Norlina Mama-Paguio 6. Zenaida T. Cinco
3. Leonida B. Villanueva 7. Rosalina C. Matienzo
4. Leticia F. Macaraeg 8. Rosie A. Martinez
Pinanguluhan sa umaga ni Dr. Rosalina C. Matienzo at sa hapon naman ni Bb. Leonida B.
Villanueva ang pulong para sa Araw ni Balagtas 2005 bilang mga tagapangulo ng nasabing pagdiriwang.
Tinalakay ang mga sumusunod na adyenda:
1. Petsa ng Pagdiriwang
Ang Abril 2, 2005 na Araw ni Balagtas ay natapat sa araw ng Sabado, kaya napagkasunduan ng
lupon na sa Abril 5, 2005, Martes, gawin ang pagdiriwang at palatuntunan. Hindi pinili ang Abril 4, 2005,
Lunes, dahil kung may dapat pang gawin ay wala ng oras para asikasuhin ang iba pang maliit na detalye
na dapat sa pagdiriwang.

2. Venue ng Pagdiriwang
Pangunahing binigyan ng tuon ng lupon ang mungkahi ni Chair Nita P. Buenaobra na ganapin
ang pagdiriwang sa isang maliit na teatro o sa auditorium ng CCP. Inilahad ni Gng. Zenaida T. Cinco na
ang Tanghalang Aurelio Tolentino ng CCP ang akma sa pagdiriwang.

Iminungkahi ng lupon na kung hindi makuha ang teatro sa CCP, ang mga sumusunod na venue ang
titingnan:

1. Auditorium ng Camp Crame sa Lungsod ng Quezon


2. Camp Aguinaldo sa Lungsod ng Quezon
3. Army and Navy Club sa Roxas Boulevard

Napagkaisahan ng lupon na pasyalan ang mga iminungkahing venue sa Enero 17, 2005, Lunes, sa ganap
na ika-9:00 ng umaga ang Tanghalang Aurelio Tolentino sa CCP at ang Army and Navy Club na
parehong nasa Roxas Boulevard. Sa Enero 18, 2005 naman ang Auditorium ng Camp Crame o ng Camp
Aguinaldo

3. Pakikipag-ugnay sa Samahang Balagtas


Nailahad ng lupon na ang Samahang Balagtas ay lagi ring nagkakaroon ng pagdiriwang tuwing
Araw ni Balagtas. Kaya, upang maiba naman ang pagdiriwang sa taong ito, naisip ng lupon na baka
maaring magsanib ang palatuntunan ng Komisyon ng Wikang Filipino at ng Samahang Balagtas.

Inilahad ni Binibining Villanueva na kailangang makipag-ugnay sa pangulo ng samahan na si


Kongresista Joaquin Chipeco. Tatawagan muna niya ito upang mag-set ng appointment dito.

Sa pakikipag-ugnay sa Samahang Balagtas, dapat mapaloob sa programa ang paggagawad ng


mga nagwagi sa Timpalak sa Tula at ang pagbibigay ng Gawad Parangal sa mga piling tao na may
malasakit sa Panulaang Pilipino.

4. Timpalak sa Araw ni Balagtas


Tinalakay din ng lupon na kung maari ay magkaroon ng Timpalak sa Balagtasan at pipili ng Hari
ng Balagtasan ngunit isinasantabi muna ito para sa susunod na taon ng padiriwang dahil gahol na sa
panahon sapagkat kailangan pang humanap ng sponsor para sa gantimpala. Iminungkahi rin ng lupon na
baka maaring ipa-sponsor ang nabanggit na timpalak sa Samahang Balagtas gaya ng Timpalak sa
Collantes sa Tula

Inilahad ni Binibining Villanueva na tinanong ni G. Michael Coroza na kung sa baguhan lamang


ibinibigay ang titulong Makata ng Taon. Paano naman ang mga nasa kategoryang propesyonal na
lumalahok sa timpalak.

Binanggit ang isang pangyayaring ang isang kalahok ay sumali sa Timpalak sa Tula ng KWF na
nanalo sa mga kategoryang baguhan at propesyunal. Kaya kailangang ayusin ang panuntunan ng
patimpalak upang hindi ito mangyari pa sa susunod na timpalak.

Iminungkahi ni Dr. Leticia F. Macaraeg na dapat linawin ang mga panuntunan sa baguhan at
propesyunal na kategorya.

5. Paksa ng Pagdiriwang
Nagbigay ng ilang mungkahing paksa si Chair Nita P. Buenaobra para sa Araw ni Balagtas 2005. Narito
ang mga paksa:

1. Mga Aral ni Balagtas sa Krisis na Kinakaharap ng Bansa


2. Mga Kaisipan ni Balagtas: Gintong Pamana ng Bansa
3. Aral ni Balagtas sa Pagharap sa Dambuhalang Tsunami
4. Obra Maestra ni Balagtas: Hamon sa Paglutas ng mga Suliraning Pambansa
5. Si Balagtas Bilang Modelong Rebolusyonaryo sa Panulaang Pilipino
Binasa ng lupon ang mga mungkahing paksa ngunit hindi pa tinalakay ang mga ito. Kaya aalamin
muna ang iba’t ibang nagging paksa sa mga nagdaang taon ng pagdiriwang ng Araw ni Balagtas bago
bumuo ng paksa para sa taong 2005.
6. Pagpili ng guest speaker para sa pagdiriwang
Iminungkahi ang mga sumusunod na speaker para sa pagdiriwang ng Araw ni Balagtas 2005, ang
pagkakalista ay ayon sa preperensiya ng lupon:

1. Dr. Galileo Zafra


2. G. Randy David
3. Pangalawang Pangulong Noli De Castro
4. Kongresista Joaquin Chipeco – Pangulo ng Samahang Balagtas
5. Kalihim Roberto Pagdanganan – Kagawaran ng Turismo

7. Mga Komite sa Araw ni Balagtas 2005


Napagkaisahan ng lupon na ang pagpili ng mga tagapangulo ng bawat komite ay gagawin sa
paraan ng pagpili ng tao at hindi sangay. Ang tagapangulo ang bahala nang pumili ng mga kagawad na
bubuo ng kanyang komite.

LUPONG TAGAPAGPAGANAP
Mga Tagapangulo:

Dr. ROSALINA C. MATIENZO


Administrative Officer V

Bb. LEONIDA B. VILLANUEVA


OIC, Sangay ng Pagsasalingwika

Mga Kagawad:

Gng. NORA G. BANGALAN-RIFAREAL


Puno, Sangay ng Ibang mga Wika sa Pilipinas

Dr. NORLINA MAMA-PAGUIO


Puno, Sangay ng Leksikograpiya

Dr. LETICIA F. MACARAEG


OIC, Sangay ng Lingguwistika

Gng. ZENAIDA T. CINCO


OIC, Sangay ng Impormasyon at Publikasyon
Bb. IRMA P. CANILAO
Kalihim
Iba’t Ibang Komite sa Pagdiriwang ng Araw ni Balagtas 2005

Mga Komite Tagapangulo

Timpalak sa Tula - Gng. Pinky Jane S. Tenmatay


Venue - Gng. Zenaida T. Cinco
Palatuntunan at Paanyaya - Gng. Sheilee B. Vega
Gawad - Bb. Brenda Jean M. Postrero
Pagtanggap - Dr. Leticia F. Macaraeg
Memorandum - Gng. Nora Bangalan-Rifareal (CSC, DepEd, CHED)
Broadcast Media - Bb. Jesusa A. Opulencia
Print Media - Bb. Miriam Palawan
Dahong Pang-alaala - Bb. Sandor B. Abad
Streamer at Video - G. Gregory Miles Granada
Lingkurang Panlahat - Dr. Rosalina C. Matienzo

Ang bawat tagapangulo ang bahalang gumawa sa memorandum ng kani-kanilang komite at


maghanda na rin ng kaukulang badyet na kailangan. Itinindig ang pulong sa ganap na ika-3:00 ng hapon.
Napagkaisahan ng lupon na tuwing Huwebes ng bawat linggo ang mga susunod pang mga pulong bago
sumapit ang araw ng pagdiriwang.
Inihanda ni:

(Lgd.)
IRMA P. CANILAO
Kalihim, Araw ni Balagtas 2005
Iminungkahing Pagtibayin:

Lupong Tagapagpaganap

(Lgd.)
Dr. ROSALINA C. MATIENZO
Tagapangulo

(Lgd.)
Bb. LEONIDA B. VILLANUEVA
Ka-Tagapangulo

(Lgd.) (Lgd.)
Gng. NORA G. BANGALAN-RIFAREAL Dr. NORLINA MAMA-PAGUIO
Kagawad Kagawad
(Lgd.) (Lgd.)
Dr. LETICIA F. MACARAEG Gng. ZENAIDA T. CINCO
Kagawad Kagawad

You might also like