You are on page 1of 10

DAVAO ORIENTAL STATE UNIVERSITY

INSTITUTE OF EDUCATION AND TEACHERS TRAINING


GUANG-GUANG, DAHICAN, CITY OF MATI, DAVAO ORIENTAL, 8200

“ARALIN 4: ANG PAGTUTURO AT PAGKATUTO NG WIKA”

Isang NARATIBONG-ULAT na ipinasa kay


BB. HASMERA M. PACIO, LPT

Bilang Pagsasakatuparan sa Pangangailangan


ng Asignaturang FIL112
(Mga Natataning Diskurso sa Wika at Panitikan)
ng kursong Bachelor of Secondary Education Major in Filipino
2ND SEMESTER – A.Y 2021-2022

Ipinasa nina:

CRESPINO, ADRIANE G. – FOCAL PERSON

AMPILANON, ROY JHAN C.

BALOG, CRISTINE DIAN A.

GAYTA, ROXSAN JANE M.

PABLO, REHAM A.

QUIROGA, RHEEM M.

TODARA, MARY MAE J.

YBAÑEZ, ALLIANA MARIE D.


NARATIBONG ULAT NG PANGKAT APAT

I. PAGHAHANDA SA E-TALAKAYAN

Noong Pebrero 22, 2022 ay nagkaroon ng birtuwal na pagkikita ang Pangkat apat sa
ganap na alas 10:00 ng umaga hanggang 10:30 ng umaga. Ang isinagawang
pagpupulongay pinamunuan ng Focal Person ng Pangkat apat na si Adriane Crespino.

Katitikan ng Pulong

Petsa : Pebrero 22, 2022

Oras : 10:00 ng umaga - 10:30 ng umaga

Tagapamuno : Adriane Crespino

Mga tatalakayin :

1. Pag-aatas ng mga gawain.

2. Paghahanda para sa Sulating - ulat

3. Mga Estratehiya para sa pagsasagawa ng E-talakayan

1. Sa unang talakayan napagkasunduan ng lahat na gumamit ng roleta para maisaayos at


maging patas ang pagbibigay gawaing gagawin at ng mga paksang tatalakayin ng bawat isa
para sa gaganaping E-talakayan. Ang napiling magbigay Introduksyon ay si Ginoong
Adriane Crespino.

2. Sa puntong ito, napagkasunduan na ang bawat tagapag-ulat o taga-pagsalita ay gagawa


ng Kani-kanilang sulating-ulat para mas mapag-aralan ang paksang tatalakayin at
maibahagi ito ng maayos sa panahong gaganapin ang E-talakayan. At ang mga Sulating-
Ulat ay isusumite kay Ginoong Adriane Crespino upang maisaayos at malipon ang mga ito.

3. Napag-usapan ng pangkat na paghandaan ang dalawang maaaring gagawin para sa


gaganaping E-talakayan. Unang paraan, kinakailangang magkita - kita ang lahat para ma
video at ma record ang mga ulat ng bawat isa upang kung sakaling magkaroon ng problema
sa signal o koneksyon sa panahong isasagawa ang E-talakayan ay makapag-ulat parin ang
lahat ng kasapi. Ang pangalawang paraan naman ay ang pag-uulat ng live. Kinanakailangan
parin na paghandaan ng lahat ang kanilang pag-uulat dahil mas ma-inam na live itong
gagawin.
Noong Marso 28, 2022 bago ang araw ng pagsisimula ng e-talakayan ng pangkat
apat ay naisumite na ang link para sa rehistrasyon, maging ang mga larawan ng
tagapanayam para sa e-talakayan at ang background na maaaring gamitin sa araw ng e-
talakayan.

II. ULAT SA PANAHON NG ISKEDYUL NG E-TALAKAYAN

Noong Marso 29, 2022 ay ginanap ang e-talakayan ng pangkat apat. Bago paman
sinimulan ang e-talakayan ng pangkat apat ay maagang naisumite ng focal person na si
Ginoong Adriane Crespino ang link para sa e-talakayan na gaganapin sa Google Meet.
Naisumite rin ang link para sa atendans bago paman ang oras ng e-talakayan at naisara sa
ganap na 2:40 ng hapon. Sinimulan ang e-talakayan sa pagbati ng tagapagdaloy na si Bb.
Rheem Quiroga sa lahat ng kalahok lalo na kay Bb. Hasmera Pacio. Matapos ay nagsimula
ang tagapagsalita sa kanyang paunang salita at ipinakilala ng tagapagdaloy ang kanyang
sarili. Ngunit bago sinimulan ang pormal na talakayan ay pinangunahan muna ito ng isang
birtuwal na presentasyon ng panalangin, na sinundan ng Pambansang Awit – ang Lupang
Hinirang, kasunod naman ay ang DORSU HYMN. Pagkatapos ng birtuwal na presentasyon
ay nagbigay ng paalala at paanyaya ang tagapagdaloy. Kasunod nito ay ipinakilala ng
tagapagdaloy si Ginoong Adriane Crespino. para sa pagbigay ng pambungad na pananalita.
Bago dumako sa unang tagapanayam ay nagkaroon muna ng laro na tinatawag na
Gibberish para sa motibasyon, at bago sinimulan ang laro ay ipinaliwanag muna ng
tagapagdaloy kung ano ang kahulugan ng salitang Gibberish at ibinigay ang mekaniks ng
laro. Gumamit ng online roleta ang pangkat apat sa pagpili ng limang manlalaro. Pagkatapos
ng motibasyon ay ipinakilala ng tagapagdaloy ang unang tagapanayam para sa paksang
KAHULUGAN AT KAYARIAN NG WIKA na si Binibining Cristine Dian Balog. Matapos ang
pagtatalakay ng unang tagapanayam ay nagbigay ng implikasyon ang tagapagdaloy tungkol
sa paksang itinalakay ng tagapanayam. Sinundan ito ng isang presentasyon mula sa piling
mag-aaral ng Batsilyer ng Sekondaryang Edukasyon Mayoryang Filipino. Pagkatapos ng
presentasyon ay may ipinakitang larawan ang tagapagdaloy at ito ay hinulaan ng mga
kalahok. Ang ipinakitang larawan ay larawan ng mga tagapanayam noong sila ay bata pa.
Matapos ang paghuhulaan ay ipinakilala ang ikalawang tagapanayam na si Binibining
Roxsan Jane Gayta para sa paksang Angkop na Estratehiya sa Pagkatuto ng Wika Ayon sa:
Batang Mag-Aaral, May Edad na Mag-Aaral at Tinedyer na Mag-Aaral. Matapos ang
pagtatalakay ng ikalawang tagapanayam ay nagbigay ng implikasyon ang tagapagdaloy
tungkol sa paksang itinalakay ng tagapanayam at pinanood ang isang presentasyon upang
mapawi ang mga antok ng mga kalahok. Pagkatapos ng presentasyon ay hinulaan naman
ng mga kalahok kung sino ang nasa larawang ipinakita. Sumunod ang pagpapakilala sa
ikatlong tagapanayam na si Ginoong Roy Jhan Ampilanon para sa paksang Teorya ng
Pagkatuto ng Wika. Matapos ang pagtatalakay ng ikatlong tagapanayam ay nagbigay ng
implikasyon ang tagapagdaloy tungkol sa paksang itinalakay ng tagapanayam at hinulaan
ng mga kalahok ang ipinakitang larawan. Dahil sa kakulangan sa oras ay hininto muna ang
pagtatalakay at ipinagpatuloy noong Marso 31, 2022.

Noong Marso 31, 2022 ay ipinagpatuloy ng pangkat apat ang e-talakayan. Maagang
isinumite ang link sa Googe Meet para sa pagpapatuloy. Kasunod nito ay binating muli ng
tagapanayam ang lahat ng lumahok at sinimulan itong muli sa pamamagitan ng isang
birtuwal

na presentasyon ng panalangin, na sinundan ng Pambansang Awit – ang Lupang Hinirang,


kasunod naman ay ang DORSU HYMN. Pagkatapos ng birtuwal na presentasyon ay
nagbigay muli ng paalala at paanyaya ang tagapagdaloy. Sinundan kaagad ito ng
pagpapakilala sa ikaapat na tagapanayam na si Bb. Mary Mae Todara para sa paksang
Balarilang Filipino sa Kasalukuyan. Matapos ang pagtatalakay ng ikatlong tagapanayam ay
nagbigay ng implikasyon ang tagapagdaloy tungkol sa paksang itinalakay ng tagapanayam
at hinulaan ng mga kalahok ang ipinakitang larawan. Pagkatapos ay dumako na sa ika-
limang tagapanayam na si Bb. Reham Pablo para sa paksang Kritikal na Pag-iisip sa Mga
Diskursong Filipino. Matapos ang pagtatalakay ng ikatlong tagapanayam ay nagbigay ng
implikasyon ang tagapagdaloy tungkol sa paksang itinalakay ng tagapanayam at hinulaan
ng mga kalahok ang ipinakitang larawan. Matapos ang paghuhula ay ipinakilala na ng
tagapagdaloy ang panghuling tagapanayam na si Bb. Alliana Marie Ybañez para sa paksang
Isyung Pangwika sa Kasalukuyan.

Matagumpay na naibahagi ng mga tagapanayam ang mga paksang kanilang


itinalakay. Ang mga kalahok sa e-talakayan ay aktibong nakilahok sa tuwing ang mga
tagapanayam ay mayroong itatanong sa kanila. Pagkatapos ng pagbabahagi ng lahat ng
tagapanayam ay nagbigay si Ginoong Roy Jhan Ampilanon ng implikasyon at sinundan ito
ng pagbibigay ng e-sertipiko kay Bb. Hasmera Pacio at sa lahat ng mga kalahok na
nakapagrehistro lalo na ang mga aktibong nakilahok sa talakayan. Dahil sa kakulangan ng
oras ay muling ipinagpatuloy ang e-talakayan ng pangkat apat noong Abril 05, 2022. At sa
pagpapatuloy ay dumako kaagad sa tanong-sagot, sa puntong ito ay nabigyan ng
pagkakataon ang bawat pangkat na makapagtanong sa mga naitalakay na paksa.

Para sa ebalwasyon, ang mga focal person lamang ng bawat pangkat ang
makapagbibigay ng komento at puna. Ang komento at puna ng mga focal person ng bawat
pangkat ay positibo, inilahad din nila ang paghanga sa PowerPoint Presentation ng pangkat
apat, at naaliw sila sa mga gawain o laro kung saan ito ay nakapawi sa kanilang mga antok.
Panghuli ay ang paglalapat na gawain na isinagawa sa pamamagitan ng google form,
sapagkat nagahol sa oras kaya’t hindi naisagawa ang quiz bee. Habang ang ebalwasyon,
komento at puna ni Bb. Hasmera Pacio ay naibigay niya noong Abril 02, 2022. Kung saan
hinangaan niya ang kahusayan ng bawat kasapi ng pangkat apat lalo na ang focal person
sa kanyang pagiging responsible at epektibong tagapamuno ng pangkat. Inilahad din ni Bb.
Pacio ang kahusayan ng tagapagdaloy at ng mga tagapagsalita o tagapanayam sa kanilang
mahusay at maliwanag na pagbabahagi ng mga paksa.

Sa kabuuan, ay nakamit nga ng pangkat apat ang layunin na maipaliwanag at


mailahad ng mga tagapagsalita o tagapanayam ang paksang naiatas sa kanila ng may
kahusayan at kalinawan. Gayundin, ang pagtatagumpay ng daloy ng e-talakayan na siyang
tunay ngang nakamtan.

III. PAGBABAHAGI NG PANGKAT 4 SA DALOY NG KANILANG E-TALAKAYAN


Tunay ngang hindi madali ang paghahanda para maisakatuparan ang isang e-
talakayan sapagkat ito ay hindi rin naging madali sa pangkat apat. Ngunit kahit ganoon pa
man, ang pangkat apat ay nagpapasalamat sa lahat ng nakilahok sa kanilang e-talakayan.

Gayundin, nagpapasalamat ang pangkat apat kay Bb. Hasmera Pacio sa oportunidad na ito
sapagkat ito ay nagbigay ng bagong karanasan lalo na ng mga bagong kaalaman.
Masasabing ang mga mungkahing ibinigay ni Bb. Pacio ay naging epektibo ay nagsilbi
bilang gabay upang maging maayos ang daloy ng e-talakayan ng bawat pangkat. Mula sa
pagbuo ng outline, pag-iisip ng mga maaaring gawin para sa e-talakayan, paggawa ng
presentasyon, pagsagawa ng e-talakayan at hanggang sa matapos ito ay hindi madali,
lalong lalo na sa tuwing nakararanas ng paghina o maging pagkawala ng internet
connection. Naging sulit at nasuklian ang lahat ng paghahanda at pagsisikap ng pangkat
apat sapagkat ang komento at puna sa sa daloy ng e-talakayan ay positibo kung saan ito ay
nakagagaan sa pakiramdam.

2. ATTACHMENTS (Dokumentasyon)
Mga Larawan sa na ganap na E-Talakayan
Registration Form
Sa ganap na 9:15 ng umaga sa araw ng Lunes, Marso 28, 2022, naibahagi ni
Gg. Adriane Crespino ang registration form sa lahat. Sinara ang link ng form sa araw
ng Martes, Marso 29, 2022 sa ganap na 2:30 ng hapon. Mayroong 29 na mga
kalahok ang nakapag bigay ng tugon sa registration form.

Link ng dokumento:
PANGALAN
ROY JHAN C. AMPILANON FLORINA C. MASANGAY

MARC LENSON L. ETANG ROXSAN JANE M. GAYTA

DINDO B. AGBONES JOCELLE JOY M. ALICAWAY

MARK ANDRIE M.CATALUÑA JUPITH M. GALVEZ

HASMERA M. PACIO ROMAN JOHN PARING II

Michelle P. Ybañez RODA P. LINTUAN

GUADA JANE CUBELO JEFF LOYD S. SUMAMBOT

KATHERINE V. ABREGANA FRANKLIN D. MANDABON

CLAUDINE C. MEJARES Clarince Rieta

IRISH JANE P. MAMONTAYAO GIERSH CARMATHELE JAN PRIGENE


O. ROSA
RHEEM M. QUIROGA ARIEL B. BAUTISTA

FERNAND M. TIBAY Zaiton S. Untua

RAY-ANNE L. CAUGMOC ETCHING TEDORO UBOD

MYLA G. BALILAHON IRENE O. MAYBANO


JENNA MAE BALUG

https://docs.google.com/spreadsheets/d/
1qLUQ10qYviSIhEt6aNZofcIcUtl6vgSqsTRyeNAWNQU/edit?usp=sharing

Attendance Form
Sa ganap na 2:21 ng hapon sa araw ng Martes, Marso 29, 2022, binuksan
ang link para sa attendands ng mga kalahok. Sinara ito sa ganap na 2:40 ng hapon
sa parehong araw. Nakakuha ng 22 na tugon mula sa mga kalahok.
Link ng dokumento:
https://docs.google.com/spreadsheets/d/
1qLUQ10qYviSIhEt6aNZofcIcUtl6vgSqsTRyeNAWNQU/edit?usp=sharing

PANGALAN

AMALIA ROSE R. MAYNOSON JEFF LOYD S. SUMAMBOT

Clarince Rieta JOCELLE JOY M. ALICAWAY

Claudine C. Mejares JOLINA B. AUDAN

ETCHING T. UBOD JUPITH M. GALVEZ

FERNAND M. TIBAY MARC LENSON L. ETANG

FLORINA C. MASANGAY Michelle P. Ybanez

FRANKLIN D. MANDABON MYLA G. BALILAHON

GIERSH CARMATHELE JAN PRIGENE O. RAY-ANNE L. CAUGMOC


ROSA

GUADA JANE CUBELO RODA P. LINTUAN

IRENE O. MAYBANO ROMAN JOHN PARING II

IRISH JANE P. MAMONTAYAO Zaiton S. Untua


Resulta ng Pagsusulit
Isinagawa ang pagsusulit sa pamamagitan ng paggamit ng Google Form.
Ibinigay ang link sa mga kalahok sa ganap na oras 3:57 ng hapon sa araw ng
Martes, Abril 5, 2022. Nakakuha ng 24 na tugon mula sa mga kalahok at kasabay
nito ay ang resulatng kanilang nakuha sa pagsususlit.

Link ng dokumento:
https://docs.google.com/spreadsheets/d/
1qLUQ10qYviSIhEt6aNZofcIcUtl6vgSqsTRyeNAWNQU/edit?usp=sharing
PANGALAN Score
CLARINCE RIETA 14/15
Claudine C. Mejares 13/15
DINDO AGBONES 13/15
ETCHING T. UBOD 14/15
FLORINA C. MASANGAY 15/15
FRANKLIN MANDABON 14/15
Giersh Rosa 14/15
GUADA JANE CUBELO 13/15
IRENE MAYBANO 14/15
IRISH JANE P. MAMONTAYAO 15/15
JENNA MAE BALUG 15/15
JOCELLE JOY ALICAWAY 15/15
Jolina B. Audan 13/15
JUNE REY E. GALANIDA 13/15
JUPITH M. GALVEZ 14/15
KATHERINE ABREGANA 14/15
MARC LENSON L. ETANG 15/15
Mark Andrie M. Cataluña 15/15
MICHELLE P. YBAÑEZ 15/15
MYLA G. BALILAHON 13/15
RAY-ANNE L. CAUGMOC 15/15
RODA LINTUAN 15/15

ROMAN JOHN PARING II 14/15


ZAITON S. UNTUA 14/15

Gawain bago ang pagtatalakay ng bawat paksa


Ang naging estratihiya ng tagapagdaloy na si Bb. Rheem Quiroga sa
pagpapakilala ng mga tagapanayam ay naglahad siya ng mga larawan ng mga
tagapanayam noong sila ay mga bata pa. Pinahulaan ng tagapagdaloy kung sinong
tagapanayam ang nasa larawang nakapaskil sa iskren. Dagdag pa rito, nagbahgi rin
ng talento ang mga kasapi ng BSED Filipino sa pamamagitan ng pagkanta. Hindi rin
nakalimutan ng tagapagdaloy ang pagbigay ng kanyang implikasyon bawat paksang
ipinapahayag ng mga tagapanayam.

KILALANIN MO!

TALENTONG PILIPINO

GEBBERISH CHALLENGE
Untua, Zaiton - 10 puntos
Agbones, Dindo - 10 puntos
Cubelo, Guada Jane - 10 puntos
Paring, Roman John - 5 puntos
Caugmoc, Ray-anne - 10 puntos
Sumambot, Jeff Lyod - 5 puntos
Mandabon, Franklin - 10 puntos

Aktibong nakilahok sa pagsagot ng mga Katanungan


Balilahon, Myla - 10 puntos
Mandabon, Franklin - 10 puntos
Agbones, Dindo - 10 puntos
Galanida, June Rey - 8 puntos
Ybanez, Michelle - 8 puntos
Maybano, Irene - 10 puntos
Etang, Marc Lenson - 10 puntos

TANONG-SAGOT

Pangkat 1 - Galanida, June Rey


Ibinahagi ni Gg. June rey ang katanungan ng unang pangkat. Nais nilang malaman
kung mahalaga ba na magkaroon ng terminolohiya ang mga salita sa larangan ng
Agham at Teknolohiya.

Pangkat 2- Masangay, Florina


Ibinahagi ni Bb. Florina ang katanungan ng unang pangkat. Nais nilang malaman
kung alin sa apat na teoryang naibahagi ng Pagkatuto ng wika ang mas epektibo.

Pangkat 3 - Maybano, Irene


Ibinahagi ni Bb. Irene ang katanungan ng ikatlong pangkat. Kanilang nais mabigyan
linaw kung sa anong ang mas epektibong pamamaraan sa pagtuturo wika sa mga
may-edad na mag-aaral.

Pangkat 5 - Balilahon, Myla


Ibinahagi ni Bb. Myla ang katanungan ng ikalimang pangkat. Nais nilang linawin
kung sa paanong paraan naisasakatuparan ang estratihiya ng pagkatuto ng wika
ayon sa may edad na mag-aaral.

You might also like