You are on page 1of 2

Jepsani, Jerome P.

1 BS MATHEMATICS

I) LAYUNIN

 Maipaliwanag ang kabuluhan ng talakayan sa pang araw araw na buhay .


 Magamit ang talakayan sa ibat ibang paraan.
 Mapalalim ang talakayan sa sariling paraan ng pagpapahayag ng mga pilipino.

II) PAKSA

TALAKAYAN: Masinsinang Palitan at Talaban ng Kaalaman

III) DISKUSYON/TALAKAYAN

 Pagbibigay ng kahulugan ng Talakayan


 Paglalahad ng ibat ibang paraan ng Talakayan
o Pormal
o Impormal
o Mediated
Pagpapaliwanag ng ibat ibang bentahe ng mediated na talakayan
 Pagpapaliwanag ng layunin ng talakayan
 Pagpapaliwanag ng kahalagahan at ibat ibang dapat isa alang alang sa sa
Talakayan

IV) KONKLUSYON

Magkakaroon lamang ng talakayan sa pamamagitan ng dalawa o higit pang mga kalahok,


at ang sinabing talakayan ay ginagawa sa ibat ibang paraan, pormal, impormal at
mediated. Pormal karaniwang nagaganap sa mga pagpupulong, palabas sa TV at naririnig
na programa sa radyo karaniwang merong tagapagpadaloy (facilitator), ang impormal ay
karaniwang nagaganap sa tsismisan, umpukan na mismong mga kalahok ang
namamahala, samantalang ang mediated naman ay lahat ng talakayan gamit ang midya.
Gamit nga ang mga paraan na ito sa talakayan nabubuksan ang mga isyu na kinakaharap
ng tao maging isyu ng bansa at doon ay nabibigyan ito ng angkop na desisyon at aksyon
at ito ay makakamit lamang gamit ang bukal sa loob na pagpapalitan at bahaginan ng
opinyon, kaalaman at proposisyon ng mga kalahok sa isang talakayan.

V) MAIKLING PAGSUSULIT

Panuto: Itala kung ang mga sumusunod ay PORMAL, o IMPORTAL na talakayan.

1) Klase sa eskwelahan na pinangungunahan ng guro.


2) Seminar na nagpapaliwanag ng paglaban sa kahirapan sa bahay nayon.
3) Pagtatanong mo sa kaklase mo kung anong sagot sa inyong pagsusulit.
4) Pakikibalita sa iyong kaibigan

Panuto: Isulat kung WASTO o MALI ang pangungusap.


1) Ang talakayan ay pwedeng mangyari sa isa at higit pang mga kalahok.
2) Sa impormal na talakayan karaniwang may itinakdang tagapagpadaloy
(facilitator) upang matiyak ang kaayusan ng diskusyon sa talakayan.
3) Ang mediated na talakayan ay talakayan na ginagamitan ng midya.
4) Isa sa layon ng talakayan ay maresolba at makagawa ng aksiyon at desisyun sa
isyu na kinakaharap ng pamayanan.
5) Ang talakayan ay hindi nagagamit sa pananaliksik
6) Ayon kay San Juan at Soriaga (1985), sa lipunang pilipino mas madalas mangyari
ang harapan kaysa mediated na paraan.

You might also like