You are on page 1of 3

Pointers FILI 101

Sa ibinigay sa aming midterm examination, ang type ng exam ay Tama o Mali kagaya noong
quiz natin na may apat na pagpipilian (15 items), tapos yung 45 items ay Multiple choice. Hindi
specific na nasa modyul ang mga sagot dahil nga situational, ang mailalagay ko lang ay ‘yong
specific na nasa modyul pero ‘yong iba ay situational talaga.

Paki-follow na rin ng PANUTO sa quiz ay nakakarequest naman, napapagbigyan ko naman


kayo. Ngayon ay ako naman ang rerequest. 

-Basahin muli ang tungkol sa Wikang Filipino (iyong nasa ppt, yunit 1)
- Executive Order No. 335
-Alamin kung ano ang primarya at sekundaryang batis gayundin ang mga halimbawa nito.
-Pagkakaiba ng primary at sekundaryang batis
-Alamin ang tungkol sa Focus Group Discussion (para sa mas malinaw na talakay, basahin ang
modyul)
-Pangunahing layunin ng Focus Group Discussion
-Ilan ang kalahok ng Focus Group Discussion
-Pakikipanuluyan, Pagdadalaw-dalaw, pagbabahay-bahay (basahin ang modyul para sa malalim
na pagtalakay nito)
-Ano ang pagkakaiba ng estrukturadong interbyu, di-estrukturadong interbyu semi-
estrukturadong interbyu.
-Alamin ang mga kahulugan ng mga Gawaing Pangkomunikasyon ng mga Pilipino (Tsismisan,
umpukan, talakayan, pagbabahay-bahay pulong-bayan) (basahin muli ang ppt tungkol dito)
- katangian ng mabuting pagtalakay ang isinasaad sa www.
Speaking.pitt.edu/instructor/classdisscussions.html (Alamin ang pagkakaiba-iba, nasa ppt din)
- aksebilidad - pokus
- baryasyon ng ideya - kaisahan
-Aralin ang mga komunikasyong di-berbal (Alamin ang pagkakaiba-iba nito, alalahanin ang mga
ibinigay kong halimbawa rito upang mas maunawaan)
komunikasyon sa pamamagitan ng espasyo
komunikasyon sa pamamagitan ng katahimikan
komunikasyon sa pamamagitan ng paghipo
komunikasyon sa pamamagitan ng oras
-Mga ekspresyong lokal
- kalasti- ang kahulugan nito ay mayabang
-kagaykay- kuliglig

Paalala: Ang karamihan nga ay situational subalit kapag binasa namang mabuti ay madaling
makukuha ang sagot. Karamihan din ay nasa modyul ang tanong (halimbawa yung salitang
Focus Group Discussion) pero dahil nga parang situational ay wala sa modyul ang choices (hindi
ko rin alam kung saan nila yon kinuha ) Pero marami naman ay nasa ating mga ppt ang
pagtalakay kaya madaling mauunawaan ang sitwasyon at yung ibang situational ay kumbaga ay
common sense. Ang ilan doon na situational ay about pananaliksik at fake news. Madaling
makita sa apat na choices ang negative. Magbibigay akong ng ilang sample questions.
Anong hamon ang kinaharap ng sistema ng edukasyon sa antas tersyarya sa ilalim ng
edukasyong K to 12 tungkol sa paggamit ng wika?
A. Ipinokus ito sa pag-unlad ng mga kasanayan sa wikang Filipino
B. Ipinagtuunan nito ang paggamit ng wikang Ingles kaysa sa wikang Filipino
C. Inalis nito ang pagtuturo ng wika sa kurikulum
D. Inilagay nito sa prayoridad ang pagtuturo ng maraming wika

Alin ang dapat isaalang- alang sa paghahanap ng batis ng impormasyon kung pupunta sa isang
aklatan?
A. Gumawa ng sulat sa kinauukulan at magtanong din hinggil sa protocol at patakaran na
pinaiiral sa aklatang natukoy.
B. Rebyuhin ang Dewey Decimal System at Library Congress dahil alin man sa dalawang ito
ay madalas na batayan ng klasipikasyon ng aklat ng pangkalahatang karunungan
C. Ipinagbabawal ang pagpapa-photocopy ng buong aklat, tesis, disertasyon at ilan pang mga
printed na material kung kaya kailangan ang matiyaga at mabilis na pagbabasa kung
maraming sanggunian ang bubulatlatin.
D. Lahat ng nabanggit

. Ayon kay Marshall McLuhan, binabago ng midya ang simbolikong kapaligiran ng mga tao at
naiimpluwensiyahan nito ang kanilang pananaw, karanasan, ugali at kilos kung kaya’t
masasabing “ang midyum ay ang
A. kahulugan C. kaalaman
B. mensahe D. karunungan

Ang mga sumusunod ay mga kahinaan ng Focus Group Discussion maliban sa


A. May dominante sa grupo
B. May nag-aagam-agam na sumalungat sa kasama o itama ang impormasyong ibinibigay ng
iba.
C. May lihim o hidwaan ang mga kalahok
D. Maraming aspekto at anggulo ng isang paksa ang lumalabas at napag-uusapan sa
talakayan.

Sa pagpili ng batis ng impormasyon sa pananaliksik bigyang prayoridad ang online news site na
A. Naglalabas ng mga propagandang nagpapabango sa ngalan ng isang tao, grupo o
institusyon habang bumabatikos sa mga kalaban nito.
B. Pumupuna sa sarili o umaamin ng pagkakamali sa pamamagitan ng komento at
errata.
C. May hayag na kinikilingang tao, grupo, institusyon dahil naglalathala ng mga artikulong
may iba’t ibang panig.
D. Wala sa mga nabanggit.

P.S. : Nag-usap usap kami ng mga kapwa Filipino Faculty at sabi nila ay hindi na sila
magbibigay ng pointers dahil situational naman daw at nadiscuss naman lahat ‘yong topics pero
sa akin ay kahit ‘yong ganto manlang ay makatulong since nabanggit ko naman talaga dati na
magbibigay ako ng pointers  sana ay huwag may makakarating sa akin na complaint na hindi
specific ‘yong binigay na pointers dahil gustuhin ko man ay puro nga situational.    Thank
you <3

You might also like