You are on page 1of 23

Naratibong Ulat

Ang seminar workshop na may temang Introduksyon: Ang Pagtataguyod ng Wikang


Pambansa sa Mas Mataas na Antas ng Edukasyon at Lagpas Pa ay isinagawa sa loob ng dalawang
araw. Noong Pebrero 4, 2019 ay nagsimula ang unang parte ng nasabing seminar workshop.
Nagkaroon muna ng maikling programa na pinanguluhan ni Ginoong John Paul Negros bago
nagtungo sa pormal na pagtalakay ng mahahalagang paksa. Matapos ipahayag ni Ginoong Negros
ang layunin ng seminar workshop ay agad naman niyang ipinakilala ang unang tagapagsalita na si
Binibining Nicole Anne Suñer. Tinalakay ni Binibining Suñer ang paksang Pilipino Bilang
Wikang Panturo. Kaugnay nito, ay inilahad niya ang kasaysayan ng wikang pambansa gayon din
kung kailan at paano ito nagsimulang gamitin sa mga pamantasan. Matapos talakayin ang unang
paksa ay ipinakilala naman ni Ginoong Negros ang pangalawang tagapagsalita na si Binibining
Mary Grace Amado. Si Binibining Amado ang naitalagang magsalita hinggil sa paksang
Pagdebelop ng Wika at Edukasyong Pang-wika. Binanggit niya ang limang pangunahing usapin
na may kaugnayan sa paggamit ng Tagalog bilang wikang pambansa ng Pilipinas. Matapos ilahad
ng mga tagapagsalita ang mga mahahalagang impormasyon tungkol sa dalawang paksa para sa
unang araw ng seminar workshop, ay binigyan ng limang minuto ang mga tagapakinig upang
magtanong at humingi ng kalinawan sa ano mang detalye na hindi nila naunawaan. Makalipas ang
limang minuto, ay nagbigay ng gawain ang mga tagapagsalita upang suriin ang kaalaman ng mga
tagapakinig. Hinati sila sa tatlong pangkat at pinabunot ng isang katanungan. Matapos ang
dalawang minutong pagpapalitan ng mga ideya ay inanyayahan ang kinatawan ng bawat grupo na
magsalita at sabihin ang kanilang kasagutan. Sa pagtatapos ng unang araw ng seminar workshop,
ay hindi maipagkakaila na nagging maayos ang daloy ng mga pangyayari mula sa unang parte ng
programa hanggang sa pangwakas na gawain. Sa kabuuan, ang seminar workshop na isinagawa
noong Pebrero 4, 2019 ay naging matagumpay.

Noong Pebrero 7, 2019 ay isinagawa ang pangalawang parte ng seminar workshop.


Katulad ng dati, ay nagkaroon muna ng maikling programa tulad ng pag-awit ng kantang
makabayan, panalangin, pampasiglang gawain at pagpapahayag ng layunin na pinanguluhan pa
rin ni Ginoong John Paul Negros. Pagkatapos nito, ay ipinakilala na ang unang tagapagsalita para
sa pangalawang araw ng seminar workshop na si Ginoong Adan Cabaning Jr. Siya ang itinalagang
magsalita hinggil sa Pagpaplano ng Wika Tungkol sa Pambansang Pagsulong subalit bago niya
tinalakay ang paksa ay nagbigay muna siya ng gawain sa mga tagapakinig upang suriin ang
kanilang paunang kaalaman. Ang bawat grupo ay inatasang punan ang patlang sa bawat
pangungusap na ibinigay ng tagapagsalita. Matapos nilang sagutin ang mga katanungan ay pumili
sila ng isang kinatawan na siyang mag-uulat nito. Kapansin-pansin na kaunting katanungan lamang
ang nasagutan nila ng tama ngunit matapos talakayin ang paksa, ay naging malinaw na sa mga
tagapakinig ang mga impormasyon na noon ay hindi nila higit na maunawaan. Matapos talakayin

1
ang unang paksa, ay ipinakilala ni Ginoong Negros ang pangalawang tagapagsalita na si
Binibining Ella Millennia Libres. Tinalakay ni Binibining Libres ang paksang Mga Misyon para
sa Komisyon sa Wikang Pilipino. Nakapaloob sa paksang ito ang isyu hinggil sa pagtanggal ng
asignaturang Filipino sa mga Unibersidad at kung ano ang magiging epekto nito sa mga
mamamayan. Matapos talakayin ang mga paksang nabanggit ay binigyan na ng pagkakataon ang
mga tagapakinig na magtanong. Ang ilan sa mga tanong na kanilang ibinigay ay ang mga
sumusunod: “Ano-ano ang mga posibleng dahilan kung bakit namamatay ang isang partikular na
lengguwahe?”, “Anong mga paaralan sa ibang bansa ang nagtuturo ng asignaturang Filipino?”
Ang mga katanungang ito ay sinagot ng mga tagapagsalita na sina Ginoong Cabaning at Binibining
Libres.

Sa panghuling parte ng seminar workshop, ay nagpahayag ng pampinid na mensahe si


Binibining Nicole Anne Suner. Nagpasalamat siya sa lahat ng dumalo at binigyang diin din niya
ang kahalagahan ng pagmamahal sa wikang Filipino hindi lang upang maipamalas ang pagiging
makabayan kundi upang patuloy na pahalagahan ng mga mamamayan ang sakripisyo ng mga
bayaning Pilipino para makalaya ang bansa mula sa kamay ng mga dayuhan at maranasan ang
tunay na kalayaan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng sariling pagkakakilanlan.

2
UNANG ARAW NG SEMINAR

Sa ika-4 ng Pebrero 2019, nagsimula ang unang parte ng


Seminar Workshop na may Temang “Introduksyon:
Ang Pagtataguyod ng Wikang Pambansa sa Mas Mataas
na Antas ng Edukasyon at Lagpas Pa”. Nagkaroon ng
Registration at maikling programa na pinamunuan ni
Ginoong John Paul Negros.

3
UNANG TAGAPAGSALITA

Tinalakay ng unang tagapagsalita na si Binibing


Nicole Anne Suñer ang paksang “Pilipino bilang
Wikang Panturo”.

4
IKALAWANG TAGAPAGSALITA

Tinalakay ng ikalawang tagapagsalita na si Binibining


Mary Grace Amado ang paksang “Pagdebelop ng Wika
at Edukasyong Pang-wika”.

5
OPEN FORUM AT GAWAIN

Matapos ang pagtalakay sa dalawang paksa ay


binigyan ng pagkakataon ang mga tagapakinig na
magtanong sa mga tagapagsalita. Makikita rin sa
mga larawang ito ang pagbigay ng Gawain sa mga
tagapakinig kung saan kanilang tinalakay ang
paksang nabunot nila.

6
IKALAWANG ARAW NG SEMINAR

Noong ika-7 ng Pebrero 2019, pinagpatuloy


ang ikalawang parte ng Seminar Workshop
kung kailan ipinakilala ang mga bagong
tagapagsalita.

7
IKATLONG TAGAPAGSALITA

Tinalakay ng ikatlong tagapagsalita na si Ginoong


Adan Cabañing Jr. ang paksang “Pagpaplano ng
Wika ukol sa Pambansang Pagsulong”.

8
IKA- APAT NA TAGAPAGSALITA

Tinalakay ng ika-apat na tagapagsalita na si


Binibining Ella Millennia Libres ang paksang
“Mga Misyon Para sa Komisyon sa Wikang
Pilipino”.

9
OPEN FORUM AT GAWAIN

Matapos ang pagtalakay sa mga paksa ay binigyan ng


pagkakataon ang mga tagapakinig na magtanong sa
mga tagapagsalita. Makikita rin sa mga larawang ito
ang pagbigay ng Gawain sa mga tagapakinig kung saan
ibinahagi sa klase ang kanilang naunawan sa kabuuang
Seminar.

10
PANGKATANG LARAWAN

Sa huling bahagi ng Seminar Workshop,


iginawad ng mga tagapamuno ang sertipiko
ng paglahok sa mga tagapakinig.

11
MGA TAGAPAMUNO NG SEMINAR
WORKSHOP

Makikita sa larawang ito ang mga tagapamuno ng


seminar kasama ang kanilang guro na si Binibining
Georgette Kempis na siyang patunay na naging
matagumpay ang pagdaos ng nasabing Seminar.

12
PERSONAL NA IMPORMASYON
Pangalan: Adan A. Cabañing Jr.
Edad: 18
Kaarawan: Oktubre 16, 2000
Address:Brgy. Casandig Paranas Samar
PANG-EDUKASYONG KARANASAN
Primarya: Casandig Elementary School
Sekondarya: Casandig National High School
Kolehiyo: Leyte Normal University

PERSONAL NA IMPORMASYON
Pangalan: Nikki V. Giban
Edad: 19
Kaarawan: Setyembre 23, 1999
Address: Brgy. Lupig Sta. Rita Samar
PANG-EDUKASYONG KARANASAN
Primarya: Lupig Primary School
Sekondarya: Tominamos Integrated School
Kolehiyo: Leyte Normal University

PERSONAL NA IMPORMASYON
Pangalan: John Paul Negros
Edad:19
Kaarawan: Nobyembre 26, 1999
Address: Brgy. 110 Utap Tacloban City
PANG-EDUKASYONG KARANASAN
Primarya: Leyte Normal University
Sekondarya: Leyte National High School
Kolehiyo: Leyte Normal University

13
PERSONAL NA IMPORMASYON
Pangalan: Lea May U. Compayan
Edad: 18
Kaarawan: May 11, 2000
Address: Brgy. 12 blk. 14 lot 26 Montview Residence
PANG-EDUKASYONG KARANASAN
Primarya: Pondol Mullti-grade School
Sekondarya: Canipaan National High School
Leyte National High School
Kolehiyo: Leyte Normal University

PERSONAL NA IMPORMASYON
Pangalan: Mary Grace Amado
Edad: 19
Kaarawan: Enero 24, 2000
Address: Jaro Leyte
PANG-EDUKASYONG KARANASAN
Primarya: Uguiao Elementary School
Sekondarya: Boenvenido Guillera Celebre National High School
Kolehiyo: Leyte Normal University

PERSONAL NA IMPORMASYON
Pangalan: Ella Millennia N. Libres
Edad: 19
Kaarawan: Pebrero 3, 2000
Address: 131 Osmeña St. Brgy. Poblacion Kananga Leyte
PANG-EDUKASYONG KARANASAN
Primarya: Primona Holy Infant Academy Inc.
Sekondarya: Kananga National High School
San Lorenzo Ruiz College of Ormoc
Kolehiyo: Leyte Normal University

14
PERSONAL NA IMPORMASYON
Pangalan: Agnes Picardal
Edad: 19
Kaarawan: Pebrero 18, 2000
Address: Brgy. 105 San Isidro Suhi Tacloban City
PANG-EDUKASYONG KARANASAN
Primarya: San Fernando Central School
Sekondarya: Leyte National High School
Kolehiyo: Leyte Normal University

PERSONAL NA IMPORMASYON
Pangalan: Gia Andrea Candaza
Edad: 18
Kaarawan: Hunyo 28, 2019
Address: Brgy. Poblacion District 1 Barugo Leyte
PANG-EDUKASYONG KARANASAN
Primarya: St. Peter Elementary School
Sekondarya: St. Joseph Academy Inc.
Sta. Rosa Barugo Inc.
Kolehiyo: Leyte Normal University

PERSONAL NA IMPORMASYON
Pangalan: Nicole Anne Suñer
Edad: 19
Kaarawan: Nobyembre 14, 1999
Address: Blk. 29 Lot 7 Sun Alley V&G Subdivision
PANG-EDUKASYONG KARANASAN
Primarya: Rizal Central School
Sekondarya: Leyte National High School
Kolehiyo: Leyte Normal University

15
Introduksyon: Ang Pagtaguyod ng Wikang Pambansa sa Mas Mataas na Antas ng
Edukasyon at Lagpas Pa
Ulat ni: Nicole Anne Suñer
Ang Pilipino Bilang Wikang Panturo
 1968-1969, unang pormal na pagsubok sa paggamit ng Pilipino sa pagtuturo ng mga kurso.
Ilang mga propesor sa Unibersidad ng Pilipinas ang nagpasimula niyo.
 1969- pinagtibay ang patakaran na lantarang nagpapahintulot na gamitin ang Pilipino bilang
wikang panturo sa Unibersidad.

Batay sa malinaw na pagpapakita sa Unibersidad ng Pilipinas sa di mapigilang pananagumpay ng


Pilipino bilang wikang panturo at batay din sa matatag na paniniwalang ang Pilipino ay kasiya-
siya at kanais-nais na gamitin bilang pangunahing wikang panturo sa ating mga paaralan (bagama’t
ang ilan sa ating mga guro ay maaring kapos pa rin dito o kulang ng lakas ng loob upang
umpisahang gamitin sa kanilang pagtuturo, mayroong tatlong iminumungkahing probisyon upang
pagtibayin ang isang bagong pambansa o konstitusyonal na patakaran sa edukasyon:

1. Ang Pilipino ang gagawing pangunahing wikang panturo sa anumang kurso o asignatura sa
lahat ng paaralan sa Pilipinas pati na sa mga kolehiyo at Unibersidad.
2. Ang pangunahing layunin ang pangkalahatang edukasyon sa Pilipinas ay ang pagbubuo,
paglilinang at pagpapaunlad sa mga mag-aaral ng kakayahan sa pagsulat, pagsalita at pag-iisip
sa Pilipino ng mabisa.
3. Lahat ng mga paaralan sa Pilipinas ay dapat na magpakuha sa lahat ng mga mag-aaral ng mga
kurso sa Pilipino na magpapaunlad at magpapayaman sa kanilang kakayahan at kaalaman sa
wikang ito.

16
Introduksyon: Ang Pagtaguyod ng Wikang Pambansa sa Mas Mataas na Antas ng
Edukasyon at Lagpas Pa
Ulat ni: Mary Grace Amado
PAGDEVELOP NG WIKA AT EDUKASYONG PANGWIKA
USAPIN BLG.1 – Ang gamit sa Tagalog bilang wikang pambansa, laban sa panukalang inihapag,
upang magdevelop ng isang pinaghalong wikang pambansa mula sa pangunahing bernakular.
 Commonwealth Act No. 184- 1934 konstitusyon- Tagalog ang batayan ng wikang pambansa.
 1959, ang wikang pambansa na batay-sa-tagalog ay naging “Pilipino.”
 Demetrio Quirino Jr. , “Ang Pilipino ay 100% Tagalog pa rin, na walang ibang layunin kundi
ang manligaw.”

1973, nagsimula ang paglikha ng isang wikang pambansa sa kikilalaning Filipino.

Amalgamasyon- pinaghalong wikang pambansa.

Batasang Pambansa ng Parliamentary Bill No. 7199- inakda ni Pacifacador at sampu pang iba.
Layon nito na isabatas ang Ingles, bilang pang-internasyonal na lingguwahe at nag-iisang medyum
ng instruksiyon sa kolehiyo.
USAPIN BLG.2- Ang pagsaalang-alang sa paggamit ng Tagalog bilang midyum ng instruksiyon
habang hinihintay ang pagdevelop ng isang pinaghalong wikang pambansa.

 D.O. No. 25, s. 1974 na tumutupad sa diwa ng NBE Resolution No. 73-7. Ipinapakahulugan
ang rekonsiderasyon bilang posibleng pagbubura ng Pilipino-hindi-Tagalog bilang midyum ng
instruksiyon.

 Ganap, wasto, at hustong pagpapatupad ng patakaran sa edukasyong bilingguwal.

 Kailangang balangkasin ang isang bagong gramatika, kailangang idesenyo ang isang
masinsing diksiyonaryo, kailangang idevelop ang isang kakatwang idiyoma at retorika.

USAPIN BLG.3- Ang muling pagsaalang-alang sa paggamit ng Tagalog bilang midyum ng


instrukyon kaugnay sa paghina ng kakayahan ng mga mag-aaral na makipagtalastasan sa Ingles.
 Apat na baryabol:

1. Metodolohiya – muling suriin at rebisahin upang umangkop sa pangangailangan ng mga mag-


aaral.

2. Distansiyang sosyal- ang hindi pagpahintulot na gamitin ang wikang Ingles.

3. Salik pangguro- pagpapahusay ng kanilang kompetensi sa Ingles.

4.Aktitud- kinakailangang gayakin ang mga estudyante na matuto ng Ingles.

17
USAPIN BLG.4- Mga dulog sa “Intekstwalisasyon ng Tagalog,” i.e. ang gamit nito sa malawak
na kaalaman upang ang isang taong nagsasalita lamang sa Tagalog ay hindi mahihirapan sa
pagbasa ng mga aklat sa anumang sabjek na interes niya.
 Department Order Blg. 25, s. 1974 na pumigil sa intekstwalisasyon ng Pilipino sa buong
panahon na ipinatutupad ito. Ipinag-utos na ang matematika at siyensiya ay magiging
esklusibong larang ng Ingles.

 Malawakang produksiyon ng mga aklat, magasin, pamphlet, brosyur, at iba pa.

 Paggamit ng wikang Pilipino sa orihinal na saliksik at pag-aaral.

 Pondo para sa mga proyekto.

USAPIN BLG.5- Iba pa


Suporta ng gobyerno sa mga hakbang para sa pagdevelop ng wikang pambansa.

Ang MECS ay walng ganap na suporta. Isang paglabag sa Presidential Memorandum Circular Blg.
172, na pinagtibay noong 27 Marso 1968.

 Kakulangan sa pondo ang paulit-ulit na hadlang sa SWP.

 Re-ebalwasyon sa sistema ng edukasyon.

18
Introduksyon: Ang Pagtaguyod ng Wikang Pambansa sa Mas Mataas na Antas ng
Edukasyon at Lagpas Pa
Ulat ni: Adan Cabañing Jr.
PAGPAPLANO NG WIKA SA PAMBANSANG PAGSULONG
 1959- unang ginamit ang terminolohiyang Pagpaplanong Wika (PW).
 Batas Komonwelt Blg 184 -ang batas na lumikha sa Surian ng Wikang Pambansa (SWP) at
nagtakda ng mga tungkulin at kapanagutan nito, mapagsisino ang hugis ng mga planong
naaangkop sa patakarang pangwika- ang pagpili ng isang umiiral na katutubong wika na
mapagbabantayan ng lilinanging wikang pambansa (WP).
 Mahistrado Norberto Romualdez- ang “Ama ng batas ng wikang Pambansa”.
 170- humigit kumulang na dayalekto at linnguwahe meron ang Pilipinas.
 35- namatay na mga dayalekto at wika.
 135 - na lamang ang natira.
 Walong Pangunahing Wika
a) Waray
b) Tagalog
c) Cebuano
d) Pangasinense
e) Kapampangan
f) Bicolano
g) Hiligaynon
h) Ilocano
 Mga Patay na Wika
a) Inagta Isarog- Camarines Sur(1 katao)
b) Arta- Quirino (10 katao)
c) Inata- Negros Occidental (29-30 katao)
d) Alta- Nueva Ecija (90 pamilya)
e) Alta kabulowan- Gabaldon, Nueva Ecija (35 pamilya)
12 na Rason kung Bakit Hindi Dapat Mawala ang Filipino sa Kurikulum at Panatilin ito at
Patuloy na Gamitin:
1.Sapagkat ito ay nasa Konstitusyon ng Plipinas na nakatala sa Artikulo XIV, Seksyon 6.
“The national language of the Philippines is Filipino… The Government shall take steps to initiate
and sustain the use of Filipino as a medium of official communication and as language of
instruction in educational system”.
2. Ang paggamit ng Wikang Filipino bilang medyum sa kolehiyo ay mas magiging epektibo kung
ito ay ituturo bilang asignatura at disiplina.

19
3. Ang Pilipinas ay bahagi ng ASEAN integration, kung saan dapat na linangin at pagyamanin ng
Pilipinas ang ating kultura upang ito ay maibahagi sa lahat.
4. Upang mas palawakin pa ang kaalaman ng mga estudyante sa Junior High at Senior High.
5. Ito ay nakatala sa College Readiness Standards (CRS) : Skills for Filipino Language and
Philippine Literature ng CHED na nasa kanilang Resolusyon No. 298-2011, at kasama na roon
ang Wikang Filipino bilang kursong lilinangin.
6. Nananatiling mababa ang porsyentong nakukuha ng Filipino sa National Achievement Test
(NAT) lalong lalo na sa High School, ito ay nanatiling malaking hamon sa DepED.
7. Hindi lahat ng laman sa Kurikulum ng Senior High School ang naaabot sa kolehiyo.
8. Ang Wikang Filipino ay ginagamit ng 99% na mamamayan ng Pilipinas.
9. Ang mga bansang nasa K-12 program kabilang ang Malaysia, America, at Indonesia ay
nagpapatupad ng mandatory courses kabilang dito ang Pambansang wika ng bansa.
10. Ang mga asignaturang Filipino ay Multi- Disciplinary.
11. Ang wikang Ingles ay epektibong ginamit na medyum bilang panturo taong 1906 at
magpahanggang ngayon. Samantalang ang wikang Filipino ay epektibong nagamit bilang medyum
na panturo sa buong bansa taong 1996.
12. Ang Wikang Filipino ay itinuturo sa mahigit 80 paaralan, uniberisdad, at institusyon sa labas
ng bansa.

20
Introduksyon: Ang Pagtaguyod ng Wikang Pambansa sa Mas Mataas na Antas ng
Edukasyon at Lagpas Pa
Ulat ni: Ella Millennia N. Libres

KOMISYON NG WIKANG FILIPINO


 Nilikha ng Batas Republika Blg. 7104 noong Agosto 14, 1991
 Tagapagpaganap ng ahensiya: Virgilio S. Almario
 Iniatas ng Saligang Batas ng Pilipinas, na magsagawa, magugnay at magtaguyod ng mga
pananaliksik para sa pagunlad, paglaganap at preserbasyon ng Filipino at ng iba pang mga
katutubong wika ng Pilipinas.
MGA MISYON PARA SA KOMISYON SA WIKANG FILIPINO
a) Pambansang Kaisahan
b) Pambansang Kaunlaran
c) Wika ng Karunungan
Marso 2013
 Wikang Filipino: Wika ng Dangal at Kaunlaran
 Sa ilalim ng programang, Sulong: Dangal ng Filipino, unang naganap and reorganisasyon ng
KWF.
Medyo Matagalang Plano (Medium Term Plan)
a) Sangay ng Edukasyon at Networking (SEN)- tungkulin nito ang pagbatid sa madla ang mga
kalakaran, patakaran at programang pang wika upang mapahusay ang paraan ng pagtuturo ng
mga guro sa isang panig at maunawaan ng mga estudyante o pangkalahatangpubliko sa
kabilang panig.
b) Sangay ng mga Literatura at Araling Kultural (SLAK)- tungkulin nito ang pangangalap,
pagrepaso, at pagaaral sa mga literatura at kulturang nasusulat sa Filipino at iba pang wika sa
rehiyon, bukod sa mga nasusulat sa Ingles at iba pang internasyonal na wika.
c) Sangay ng Salita at Gramatika (SSG)- nakatuon ito sa pangkalahatang at espesyalisadong pag-
aaral ng salita mula sa Filipino at mga katutubong wika at pawing may kaugnayan sa
lingguwistika.
d) Sangay ng Salin (SS)- nakatuon ito sa pag-aaral ng mga teorya at praktika tungo sa pagsasalin
sa Filipino at wika ng Filipinas, na inaasahang ultimong bunga ay makabuo ng mahusay na sa
salin sa Filipino at ibang katutubong wika.
Sa taong 2014;
 Bisyon: Filipino: Wika ng Pagkakaisa
 Pangunahing layunin nito ay ang estandardisasyon o pagkakaisa gamit ang Filipino sa
pagsulat.
 Ang layuning ito ay nagresulta sa pagtulong ng KWF sa pagsasaayos ng mga ortograpiya sa
19 ng sariling wika sa programang MTB-MLE ng DepEd na pinagbisa noong SY 2012-2013.

21
PROYEKTONG ATLAS FILIPINAS
 Maglalaman ito ng mahalagang impormasyon tungkol sa bawat wika gaya ng deskripsyon,
mga baryasyon, at distribusyon ng mga wika sa rehiyon at sa buong bansa.
Ang programang ito ay mayroong dalawang sanga:
a) pagbuo ng isang bagong mapa ng bansa na nagtataglay ng kaukulang pagbabago sa ispeling
ng mga pook na katutubo ang pangalan alinsunod sa palabaybayang Filipino.
b) pagmamapa sa mga wika ng Filipinas, na isang saliksik hinggil sa tunay na bílang ng mga
katutubong wika at sa sitwasyon ng mga komunidad na nagsasalitâ ng mga ito.
Sa ngayon, binabalikat ng KWF ang pangangalaga sa mga wika at panitikang katutubo sa
pamamagitan ng sumusunod:
(1) kumperensiya ukol sa mga wika at panitikang rehiyonal
(2) antolohiya ng mga akdang pampanitikan sa katutubong wika na may katapat na salin sa Filipino
(3) Timpalak Uswag Darepdep, isang kontest sa pagsulat ng tula at kuwento para sa mga kabataan
at gámit ang kaniláng katutubong wika.
CHED Memorandum no. 20 series of 2013
“GENERAL EDUCATION CURRICULUM: HOLISTIC UNDERSTANDINGS,
INTELLECTUAL AND CIVIC COMPETENCIES”
• Batay sa nasabing memorandum na ito, ang asignaturang Filipino ay hindi na ituturo sa mga
estudyante pagkatungtong nila ng kolehiyo kapag naipatupad ang K-12 na programa.
• Nasa memorandum din na ang mga General Education courses ang ipapatupad sa pagtuturo ng
mga Grade 11 at 12 na mga estudyante.
Tanggol wika
 ang alyansang nanguna sa pakikibaka laban sa pagpaslang ng Commission on Higher
Education (CHED) sa Filipino, Panitikan at Philippine Government and Constitution subjects
sa kolehiyo at kapatid na organisasyon ng Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Kasaysayan
(Tanggol Kasaysayan), grupong nagtataguyod ng pagkakaroon ng required at bukod na
asignaturang Philippine History/Kasaysayan ng Pilipinas sa hayskul – at paglalatag ng mga
susing argumento at mga dokumento kaugnay nito.

“Hindi Ingles lang ang wika ng karunungan” bukod pa sa pagtatanghal na “Hindi wika
lang ng mangmang ang Filipino.”

22
TALA NG EBALWASYON
Nicole Anne Suñer Mary Grace Amado Adan Cabañing Ella Millennia Libres
(Tagapagsalita Blg. 1) (Tagapagsalita Blg. 2) (Tagapagsalita Blg. 3) (Tagapagsalita Blg. 4)

4.37 3.62 4.6 5


4.26 3.81 2.6 3.32
4.1 3.8 4.78 4.18
3.96 3.86 3.98 4.64
4.72 4.27 3.34 4.34
5 4.76 3.4 3.92
5 4.4 4.06 4.72
5 4.4 4.3 5
3.24 2.28 3.9 4.65
4.9 3.9 3.57 4.77
3.54 3.54 4.48 4.88
4 3.76 3.18 4.53
4.8 4.5 3.8 4.55
4.72 4.49 4.47 4.84
3.65 3.35 3.52 4.62
4.11 3.96 3.72 3.27
4.2 3.6 3.94 4.34
4.88 4.20 4.5 4.2
4.9 4.46 4.4 5
5 4.8 3.02 4.72
4.68 4.85 3.07 4.00
4.69 4.46 4.54 4.6
4.4 4.54 3.25 4.3
4.72 4.3 3.33 4.86
5 3.6 3.2 3.68
4.22 4.4
4.88 3.46
KABUUAN: 120.94 109.91 94.95 110.93
KATAMPATAN: 4.47 4.07 3.79 4.43
DESKRIPSYON: Mahusay Mahusay ng Mahusay
Mahusay Bahagya

23

You might also like