You are on page 1of 3

Paggamit ng wikang Filipino sa asignaturang pampalakasan

Seksyon 1. Sa paggamit ng wikang Filipino sa asignaturang


pampalakasan mas mauunawaan at mas maiintidihan lalong lalo
na ng mga kabataan. Sa pamamagitan ng paggtuturo ng wikang
Filipino hindi lang magagamit ang wikang atin, nabubuhay din
nating ang wikang atin na unti unti ng nakakalimutan ng
nakararami.

Seksyon 2. Layunin ng batas na ito ang mga sumusunod:

1.Layunin ng batas na ito na ipaalam sa mga kabataan at mag


aaral na simulan nating buhayin ang ating wika sa
pamamagitan ng asignaturang pampalakasan.

2.Layunin nito na magkaroon ng pagkakaunawaan at magandang


ugnayan sa mga mag aaral at para mas mapadali pa nito ang
ating pagkakaintindi sa asignaturang pampalakasan.

3.Layunin ng samahang ito na palawakin pa ang kaalaman ng


mga mag aaral sa asignaturang pampalakasan gamit ang wikang
Filipino mapa-publiko man o pribadong eskwelahan.
Seksyon 3. Sapagkat, ang batas na ito ay makakatulong para
buhayin ang ating sariling wika, hindi lang sila nag enjoy
sa pag eehersisyo ay natutunan pa nilang gamitin ang
sariling atin. Dahil habang tumatagal ang wikang dapat
kagigisnan ng susunod pang henerasyon ay unti unti ng
napapalitan ng ibang wika lalo na ng wikang Ingles, dahil sa
panahon ngayon nakakalimutan na ng mga kabataan kung paano
bigkasin ng maayos ang pagbilang at tamang paggamit ng
wikang Filipino sa asignaturang pampalakasan dahil sa
nakasanayan na nilang gamitin ang wikang Ingles.

Sapagkat, kung nagkakaunawaan ang bawat isa mas mapapadali


ang paggamit at mas mapapahalagahan ang sarili nating wika
dahil mas magandang pakingggan at sambitin ang wikang atin.
Dahil sa pamamagitan nito unti unti nating naipagmamalaki
ang wikang ating kinamulatan.

Sapagkat, ang wikang Filipino ay lubos na mahalaga para sa


ating mga mamamayan. Sa paaralan malalaman natin ang
importansya ng wikang pambansa. Ang isang bansa na may
sariling wika ay nangangahulugan ito ng kalayaan. Ang wikang
Filipino ay isang paraan ng komunikasyon para
magkaintindihan ang bawat Pilipino. Ang wikang Filipino ay
sumisimbolo sa kultura nating mga Pilipino lung sino at ano
tayo. Gayundin sa asignaturang pampalakasan mahalagang
naituturo sa mga mag aaral sa wikang Filipino para mas
madaling maunawaan at maintindihan lalong lalo na ng mga
kabataan.
Isinumite:

KGG. Jon Leevi V. Palaac KGG. Mica N. Mulawin

Mambabatas Mambabatas

KGG. Joshua R. Luce KGG. Dexter Alquizar

Mambabatas Mambabatas

KGG. Kent Fedilici KGG. Beverly Famis

Mambabatas Mambabatas

KGG. Mark Angelo S. Solas

Punong Hukuman

You might also like