You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

CAVITE STATE UNIVERSITY


Silang Campus
Biga I, Silang, Cavite
🕾 046 513-5706 🕾 046 513-3965
✉ cvsusilang@cvsu.edu.ph

DEPARTMENT OF ARTS AND SCIENCES

INDIVIDUAL PERFORMANCE REPORT

Course Title : KONTEKSTUWALISADONG KOMUNIKASYON


Course Code : GNED 11
Instructor : JESSA S. CADA
Year and Section : BSP 2D
Schedule : TUESDAY 7AM -10AM
Week No. : DECEMBER 15, 2020

PANGKAT 4
TUNGKULIN/RESPONSIBILIDAD/ GINAWA SA
MIYEMBRO NG PANGKAT INAASAHANG PROYEKTO

TARDIO MARK ANGELO A.


(video editor)
TAPIA, AIRA MARIE, P Tagapag-Ulat/Tagapagsalita sa Introduksyon

VALLADA, BEATRICE ERICA V. Nanguna sa panalangin, at tagapagsalita sa


pangwakas na pananalita
(Poster editor and video editor)
VILLAREAL, ALLEN , R Tagapagsalita patungkol sa Ikalawang Diskusyon
ng Paksa
VALENZUELA, KARL ALLEN, S Tagapagsalita Patungkol sa Ikalawang Diskusyon
ng Paksa
RIODIQUE, HARTLYN, E Tagapagsalita Patungkol sa Ikaunang Diskusyon
ng Paksa
SET, CRYSTAL JADE ,M Tagapagsalita Sa Malayang Talakayan at Nagbigay
ng Karagdagang Impormasyon
VILLANUEVA, JUNE, D Tagapagsalita Patungkol sa Ikaunang Diskusyon
ng Paksa
SENINING, LHEANNE JHAMAE Gumawa ng Isang Bidyo Presentasyon Na
nagpapakita ng Paglago ng teknolohiya at
ipinaliwanag ito
Tagapagsalita Sa Malayang Talakayan at Nagbigay
SELUDO, NOREEN STEPHANIE N ng Karagdagang Impormasyon

I. PLANO

Layunin Paksa Uri ng Sitwasyong


Pangkomunikasyon at
Kahulugan nito.
1.Makapagpahayag ng mga
makabuluhang kaisipan sa VIDEO CONFERENCING
pamamagitan ng tradisyonal at SOCIAL MEDIA BILANG PARAAN NG - Isang Uri ng Sitwasyong
Modernong Midyang Akma sa PAGPAPAHAYAG AT PAGLALAHAD Pangkomunikasyon na kung saan ay
Kontekstong Pilipino NG SALOOBIN, HINAING AT ISYUNG nagkakaroon ng pulong ang bawat
2. Maipaliwanag ang kabuluhan ng KINAKAHARAP NG ATING LIPUNAN miyembro ng grupo sa isang Virtual
wikang filipino bilang mabisang na komunidad at naguusap
wika sa kontekstwa-lisadong patungkol sa iisang layunin at paksa.
komunikasyon sa mga komunidad at Ito din ay nakakapagbigay ng
sa buong bansa. kalayaan para sa bawat miyembro
3. Magamit ang wikang filipino sa na mailahad ang kanilang
iba’t ibang tiyak na sitwasyong nararamdaman sa pamamagitan ng
pangkomunikasyon ng lipunang pagpapakita ng samo’t saring
pilipino emosyon sa pamamagitan ng
4. Makapag-ambag sa pagtataguyod kanilang ekspresyon. Ang mga
ng wikang filipino bilang daluyan ng halimbawa nito ay Zoom, Google
makabuluhan at mataas na antas ng Meeting , messenger room at
diskurso na akma at nakaugat sa marami pang iba.
lipunang pilipino, bilang lunsaran sa
mas mabisang pakikipag-ugnayan sa
mga mamamayan ng ibang bansa.
5. Mapalalim ang pagpapahalaga sa
sariling paraan ng pagpapahayag ng
mga pilipino sa iba’t ibang antas at
larangan
6. Makapagmungkahi ng mga
solusyon sa mga pangunahing
suliraning panlipunan sa mga
komunidad at sa buong bansa,
batay sa pananaliksik

II. PAGSASALAYSAY

A. UNANG BAHAGI

Maraming pinagdaan ang aming pangkat sa pagsasagawa ng Isang presentasyon patungkol sa


aming napiling paksa. Ang una ay nagkaroon kami ng isang pulong sa pamamagitan ng paggamit ng Vidyo
conferencing na kung saan ay nagusap-usap kami at nagbigay ng sariling ideya patungkol sa limang paksa na
napunta sa aming pangkat. Inilista namin ang bawat komento ng miyembro ng grupo at pinagsama sama ito upang
mabuo ang iisang paksa na napili namin at ito ay pinamagatang “SOSYAL MEDYA BILANG PARAAN NG
PAGPAPAHAYAG AT PAGLALAHAD NG SALOOBIN, HINAING, AT ISYUNG KINAKAHARAP NG LIPUNAN”. Matapos
namin mabuo ang napagkasunduan naming paksa ay nagkaroon na ng pagplaplano kung ano nga ba ang ilalahad
namin sa aming magiging diskusyon. Nagusap usap muli ang bawat miyembro at lahat sila ay naglahad ng kanilang
ideya hanggang sa mabuo ang aming plano at nagkaroon na ng pagbibigay ng kanya kanyang gawain ang lider ng
pangkat. Nang matapos namin ang plano ay nagsagawa kami ng isang script na kung saan ang bawat miyembro ay
kanya kanyang gumawa ng kanilang sasabihin at pinagsama sama sa iisang dokumento. Naging maayos ang takbo
ng pagsasagawa namin ng script at ng plano subalit ng humantong na sa pagrerecord o pagsisimula naming
magvidyo ay dito na kami nagkaroon ng problema. Akala namin noon ay madali lamang ang Video Conferencing
dahil para lamang itong isang pagtuturo ng guro na may mga studyanteng nakikinig subalit habang kami ay
nagkakaroon na ng recording ay unti unting naglabasan ang mga problemang pumipigil samin upang matapos agad
ang gawain. Humantong pa nga ito sa pagbabago ng plano pero nagawan naman ito ng paraan. Ang pangunahing
naging problema ay ang pagdidisconnect ng mga tagapagsalita habang tinatalakay ang kani-kanilang parte sa plano
at dahil nga dito ay putol putol ang bawat sinasabi ng mga tagapagsalita at maaring maging hindi kaaya-aya sa aming
magiging manonood. Natahimik ang bawat isa pero nakaisip ng paraan na kung saan ay magrerecord nalang ang
bawat isa at idadaan nalamang sa pageedit ng vidyo na nagawa naman ng ayos at naging kaaya-aya sa aming
manonood. Habang kami ay nagplaplano at nagsasagawa ng recording ay hindi namin ito minadali bagkos ay inisip
namin ang mararamdaman ng mga manonood at kung ang presentasyon ba namin ay makakatulong at magiging
kaaya-aya sa kanila. Hindi pumasok sa aming isipan ang mga salitang”Okay lang yan ng matapos na” bagkos ay”
Hindi ito sapat at kailangan pa nating galingan upang maging makabuluhan ang ating presentasyon”

B. IKALAWANG BAHAGI

Nagagalak sa tuwa ang bawat miyembro ng grupo ng malaman namin na ang aming presentasyon ay
ibabahagi na sa iba. Nakaramdam ng kaba ang bawat isa at pinagdadasal na sana ay maging maayos ang takbo ng
isinagawa naming programa. Takot at pagiisip na baka walang manood sa aming presentasyon . Kaba at takot ang
bumalot saming lahat . Nang magsimula na ang pagere ng aming vidyo ay unti unti nang tumataas ang bilang ng mga
manonood at unti- unting gumagaan ang aming pakiramdam. Tuwa at saya ang naramdaman ng bawat isa habang
nakikita nila ang bunga ng paghihirap na kanilang pinagdaanan sa pagsasagawa ng presentasyon. Habang umeere
ang vidyo ay nakikita namin ang bawat komento ng mga inimbitahan ng bawat miyembro kasama na dito ang mga
kamagral , kaibigan at pati narin ang mga magulang na sumusuporta sa aming ginawa na tila ba naging makabuluhan
ang isinagawa naming programa. Napansin namin ang samo’t saring kumento na nagmumula sa aming manonood at
ang mga komento na ito ay nagpagaan ng aming pakiramdam at nagbigay samin ng tuwa sapagkat naging kaaya-aya
para sa kanila ang aming munting presentasyon. Kung sa una ay kaba at takot ang aming naramdaman, napaltan ito
ng galak at tuwa sapagkat naging maayos ang takbo ng aming presentasyonAkala namin ay kaunti lamang ang
manonod sa aming presentasyon subalit lumagpas ito ay hindi makapaniwala ang bawat isa na nagtagumpay kami sa
aming programa. Nang matapos na ang presentasyon, ay tila di mawala ang ngiti sa mga mukha ng bawat isa dahil
ito ang naging bunga ng aming pinaghirapan. Malaki ang naging tulong ng aming kurso sa pagsasagawa ng gawaing
ito. Isa na dito ay ang pagiisip namin sa maaring maramdaman ng aming manonood kapag napanood na nila ang
aming presentasyon sapagkat bilang studyante ng sikolohiya ay nararapat lamang naming isipin ang maaring
maramdaman ng iba at ano nga ba ang magiging epekto nito sa kanila. Sa pagpili ng paksa, inisip ng bawat isa kung
makakatulong nga ba ang impormasyong ninanais naming ibahagi at kung magiging makabuluhan ba ito .
Pinagisipan ng bawat isa kung mapapalawak ba ng presentasyong ito ang kaalaman ng bawat isa at kung
makakatulong ba ito upang maging mulat sila sa nangyayari sa ating bansa. At dahil din sa gawaing ito, ay mas
lumawak ang aming pasensya, kaalaman at marami din kaming natutunan sa aming mga pinagdaanan sa
pagsasagawa ng munting programa. MAs lumawka ang aming kamalayan at naging mulat din kami sa mga
nangyayari sa aming kapaligiran. Tila ba ang gawaing ito ay mas pinaigting o pinatibay pa ang aming kursong napili

C. IKATLONG BAHAGI

Maraming natutunan ang aming pangkat mula sa pagsasagawa ng gawaing ito. Isa na dito ay ang
paglawak ng aming kaalaman patungkolsa pagsasagawa ng maayos na programa. Sa paggawa namin ng plano at ng
script para sa aming presentasyon ay nalaman namin kung paano nga ba ang tama at nararapat na gawin upang
makabuo ng isang maayos ay makabuluhang presentasyon. Natuklasan din namin ang mga bagay na hindi pa namin
nalalaman tungkol sa sarili namin. Isa na dito ay ang pagiging isang tagapagsalita na tila akala namin ay hindi namin
kaya, na wala kaming lakas ng loob upang magbahagi ng aming kaalaman at magsalita sa harap ng maraming tao.
Pagdududa ang bumalot sa aming lahat sapagkat para sa amin ay imposibile naming magawa ng maayos ang
gawaing ito. Subalit ng magsimula na kaming kumilos, at gumawa ng aming presentasyon ay unti unti naming
natuklasan na mayroon pala kaming taglay na angking kakayanan sa pagsasalita at paggawa ng isang makabuluhang
programa. Dahil sa gawaing ito ay nagkaroon ng lakas ng loob ang bawat isa na magsalita at magbahagi ng kanilang
saloobin at kaalaman sa iba. Mula sa pagiisip ng impossible, dahil sa gawaing ito ang lahat ng pagdududa ay nawala
at napalitan ng tiwala sa sarili. Hindi lamang natuto ang aming manonood sa isinagawa naming presentasyon bagkos
ay lumawak din ang aming kalaman patungkol sa aming napiling paksa. Na kung dati ay wala pa kaming kaalaman
patungkol sa limang paksang napunta sa aming pangkat at dahil sa gawaing ito ay nagkaroon kami ng bagong
kaalaman na maari din naming magamit sa pangaraw-araw naming pamumuhay. At Dahi sa gawaing ito ang mga
bagay na akala namin na hindi namin kaya, magagawa pala namin at mas pinagtibay pa nito ang aming sarili. Paa
samin, ang gawaing ito ay malaking tulong sa aming kinuhang kurso dahil kinakailangan namin ng lakas ng loob,
tapang na makipagusap sa ibang tao. Dahil bilang isang magaaral ng sikolohiya, kinakailangan na maging isa kaming
mahusay na tagapagsalita sa tuwing magbabahagi kami ng kaalaman sa iba lalo na ang mga bagay patungkol sa
mental na kalusugan. Di lang sa pagsasalita bagkos ay kinakailangan din naming maging mahusay na tagapakinig lalo
na sa mga hnaing at nararamdaman ng iba. At dahil sa gawaing ito, hindi lamang nito napalawak ang aming kaisipan,
nabigyan din kami nito ng panibagong kakayahan upang maging isang mahusay na magaaral ng sikolohiya.

III. ISKRIP (PAKILAGAY KUNG MAARI ANG PDF NA IWINASTO NG GURO : yung pdf po ang ilalagay dito)

Pangkat Apat Script 2D

IV. LARAWAN AT KAPSYON

Unang larawan: Proseso ng Pagpaplano Ikalawang Larawan: Draft sa Pagsasagawa ng Vidyo


Ikatlong Larawan: Larawan habang umeere Ikaapat na Laawan: Pakikipag-ugnayan sa Manonood
sa pamamagitan ng Live chat

Ikalimang Larawan: Komento ng Manonood Ikaanim na Larawan: Karagdagang Komento ng


Manonood
V. LARAWAN NG REHISTRASYON PARA SA MANONOOD O REGISTRATION FORM

VI. LARAWAN NG EBALWASYON (MAY SAGOT NG MANONOOD)


Inihanda nina: Ilagay ang lahat ng miyembro (with e-signature)

Tardio Mark Angelo A.


Lider, Pangkat 5

Bb.Vallada, Beatrice Erica V Bb. Tapia, Aira Marie P.

Bb. Villareal, Allen Villanueva, June D

Valenzuela, Karl Allen Bb. Senining, Lheanne Jhamae

Bb. Seludo, Noreen Stephanie Bb. Set, Crystal Jade

Riodique, Hartlyn E.

Kalihim, Pangkat4

Isinangguni kay:

Bb. Jessa S. Cada


Guro, Kontekstuwalisadong Komunikasyon

You might also like