You are on page 1of 3

BAYANG SINISINTA

Sa parang ng digma, na taboy ng hibang na pakikibaka,


ang handog ng iba ay buhay nang walang alinlanga’t dusa,
walang kailangan kahit saang pook, lungkot o ligaya,
bibitaya’t parang, digmaa’t paghihirap lahat ay iisa, kung
gayon ang nais ng Baya’y tahanang pinakasisinta.
Huling Paalam , ni Dr. Jose Rizal

Sadyang napakalakas ng pangitain ni Dr. Jose


Rizal sinabi niyang “KABATAAN ANG PAG-ASA NG
BAYAN.” Kahit noon pa man ay labis na ang
paghahangad ng KALAYAAN ng ating pambansang
bayani kasama ang mga Pilipinong may malasakit para sa
bansa.
Batay sa Kasaysayan ay natunghayan na ang
maraming pangyayaring naganap na kung minsan ay mahirap maipaliwanag kung saan nagsimula at bakit
naumpisahan.
Isa sa malaking dagok na kinahaharap nating mga Pilipino ay kung kailan matatapos ang kaguluhan
sa Marawi City. Oo nga’t hindi ka taga-Marawi, hindi ka nakakaranas ng kanilang paghihirap ngunit na sa
iyo pa rin ang kanilang pag-asa, humihingi sila ng tulong sapagkat ikaw ang maaring tumugon. Ikaw ang
maaring kumilos para sa kanila.

Ano? May maitutulong ka ba?


Hayaan mo muna akong ikwento sa iyo kung paano nga ba ito nag-umpisa?
Ang labanan sa Marawi ay away sa mga moro, digmaan laban sa droga sa pilipinas at digmaan
laban sa terorismo. Iyan ang tatlong bahagi at naging ugat ng krimen na kinahaharap natin ngayon. Ang
labanan sa pagitan ng Pilipinas at ang tinatawag nating Islamikong Estado ng Iraq at ang Levant.
Mayo 23, 2017 hanggang kasalukuyan ang kaganapang ito sa Marawi, Lanao del Sur at ang estado
nito’y nagpapatuloy pa rin hanggang ngayon.

Sino ba sila?
Ang Islamikong Estado ng Irak at ang Levant ay
itinuturing na teroristang samahan ng mga
pamahalaang kanluranin gaya ng Estados Unidos,
Canada, nagkakaisang kaharian at marami pang iba.
Itinatag ang samahan na ito noong Abril 9, 2013. Sila
ay kasapi ng isang teroristang grupo noong 2014 sa
Irak. Tumiwalag ang pangkat na ito sa nasabing grupo
at ngayo’y tinatawag silang ISIS sanhi ng kanilang
“pagkaberdugo” noong Pebrero 2014.
Sila rin ang pinakamalaking teroristang grupo sa
daigdig, sa kasalukuyan mayroon silang 200,000
terorista sa Irak at sa Syria habang may tinatayang
30,000 terorista naman ang meron sila sa Libya, Ehipto, Pakistan, Afghanistan, Algeria at sa Timog-
Silangang Asya kabilang na ang Pilipinas.
Kilala ang grupo sa kanilang madugong propaganda, kasali ang kanilang pamumugot ng ulo sa
kanilang bihag at kanila na lamang inilalagay sa internet bilang pagpapaalam sa nakararami.
Si Isnilon Hapilon ang pinuno ng Abu Sayaff samantalang sina Omar at Abdullah Maute naman
ang pinuno ng pangkat Maute na naiulat ng namatay.
Ang pangkat na ito ay binubuo ng 500-700
bandido, ang pangkat ng Maute ay may
bilang 300; Abu Sayaff – 60 samantalang
higit 3000 sundalo lamang ang maituturing
na lakas ng ating bansa at sa kasalukuyan ay
129 na ang nagbuwis ng buhay at ngayo’y
900 ang sugatan. Sa pangkat naman ng
nasabing kalaban ay tinatayang 600 ang
napatay at 9 na ang nahuli na ngayo’y nasa
kustodiya na ng mga militar.
Ilan kayang babae, lalake, lolo, lola, ina,
ama o kabataang gaya mo ang natakot,
naghirap, nagka-trauma, at nakitil ang
pagkakataon na tuparin ang pangitain ng ating pambansang bayani. Sana’y hindi sila kabilang sa 100
sibilyan na namatay sa bakbakan maging sa sakit na dulot ng kawalan ng pagkain, maiinom, maayos na
tahanan higit sa lahat ay ang payapang kaisipan.
Sana’y buo pa rin sila, sana’y sama-sama pa rin sila. Sana’y nasa kanila pa ring isip na “may Diyos na
hindi mawawala at magpapabaya sa kalagayan namin ngayon”. Nawa’y hindi sila makalimot.
Sinasabing nag-umpisa ito ng ilunsad ng pamahalaan ng Pilipinas ang opensiba sa lungsod upang
hulihin si Isnilon Hapilon ng grupong Abu Sayyaf. Ito’y matapos na makatanggap ng mga ulat na si Hapilon
ay nasa lungsod. Maaring ito’y upang makipagkita sa mga militante ng pangkat ng Maute.
Sinundan ng madugong bakbakan ng simulan nang pwersa ni Hapilon ang pagpapaputok sa
pinagsamang hukbo ng militar at pulis na
siyang naging dahilang upang lalong
magpatawag ng hukbo mula sa Maute.
Isang armadong pangkat na nanumpa ng
pakikipag-alyansa sa Islamikong Estado ng
Irak at Syria o ISIS ang paniniwalang
responsible sa pagsabog sa lungsod ng
Dabaw noong 2016, ayon sa mga
tagapagsalita ng Militar.
Ano pa nga kaya ang naghihintay sa
kanila? Kung ang mga gusali, lungsod,
Pambansang Estado ng Mindanao, bilibid,
ospital, paaralan, at maging ang kani-
kanilang tahanan ay inokupa na ng mga
bandidong Maute.

Ngayon! May naisip ka na bang itutugon?


Hayaan mo naman ngayon na GISINGIN KITA!

Sapagkat napakapalad mo, hindi mo alam ang pakiramdam na nasa ganung kalagayan, malayo ka sa
krimen, sa bisyo ng ibang kabataan, sa kahirapan na araw-araw pilit nilang nilalampasan, hindi ka rin
expose sa drugs maging sa child labor. You are guided by the words of God, A PEACEFUL MIND, may tirahan
ka na ginagabayan na iyong pangalawang magulang (guro at madre), patuloy na ibinibigay ang iyong
pangangailangan, kasuotan na nakatutulong upang bihisan ang iyong pagkatao, kaibigan na handang makinig
at suportahan ka sa iyong pangarap at EDUKASYON na magdidikta kung sino ka sa darating pang panahon.
Iyan din marahil ang inaasam ng bawat indibidwal na may problema ngayon.
Tingnan mo ang isang agilang lumilipad sa himpapawid at sumasabay sa ihip at lamig ng hangin.
Masdan mo kasi kailangan mong tingnan ang ganda. Ngunit paano ba sila nakalilipad ng gayun katayog?
Iyon ay dahil sa kanilang mga pakpak na tinutulungan ng hangin upang lalo pang tumaas. Kung iyong
iisipin, kung wala ang mga biyayang iyon ng hangin ay mananatili siya sa ibaba.
Kung kaya’t kailangan natin ng suporta maging nang tulong, maaring hindi pinansyal ngunit kayang
kaya natin tulungan sila sa paraang magpapahalaga tayo sa kung anong mayroon tayo ngayon at ang higit
sa lahat ay huwag kang maging kontento na ang banal na tao lamang ang marunong magdasal, ang
marunong lumapit sa Panginoon.

Nakapanayam ko ang isang mag-aaral dito sa Boystown,

“dito ko nakilala ang nag-iisang Diyos na kung saan para sa akin ay kakaiba at hindi ko lubos na
maunawaan, sa tulong ng Sisters of Mary School-Adlas, Inc. ay nabigyang linaw ang lahat. Tinuruan
ako ng maayos na pagdarasal.”

“Masaya dahil nakapag-aral ako ng maayos at libre at gayundin sa mga bagay na wala ako na di ko
lang nakuha physically but also emotionally and spiritually.”

“Lubos ang aking pasasalamat kay Fr. Al at sa mga madre dahil itinatag at ipinagpatuloy pa nila ang
ganitong institusyon na nagbago sa maraming buhay ng kabataan na hirap at kapus-palad. Nais ko
silang pasalamatan dahil sa kanilang mga ginawa at pagmamalasakit na kanilang ipinakita sa mga
batang gaya ko.”
(panayam kay G. Axl Rose Villanueva)

Maaatim na natin ang pangitain ni Dr. Jose Rizal kung tayong magulang, pangalawang magulang,
mga madre at mga taong nakapaligid sa kanila ay may iisang adbokasiya kung paaano natin huhulmahin
ang kani-kanilang pag-uugali. Tulungan natin sila, maging ang mga guro at madre sa paraan ng kanilang
pamumuhay na hindi kailanman mabubura sa kanilang puso at isipan kung paano nagnanais si Fr. Al sa
kanyang sinabi na “You are not created to be fat little ducks waddling in the mud, but to be an eagle
destined to rise and explore the kingdom of God”
Sa isang pamayanan dapat nagkakaisa ang lahat ng tao. Ang makabuluhang misyon, magandang
layunin at mataas na ambisyon ay dapat kasama sa kanilang mga plano para sa ikauunlad ng kanilang
pamayanan. Nagkakaisa, nagtutulungan at magkakabigkis tungo sa isang magandang simulain.

You did not choose me, but I chose you and appointed you so that you might go
and bear fruit—fruit that will last—and so that whatever you ask in my name the
Father will give you.
John 15:16

Tumawag ka lang at Siya’y tutugon


Maaring hindi pa ngayon ngunit sa tamang panahon
~Bb. JSC

You might also like