You are on page 1of 11

Republic of the Philippines

CAVITE STATE UNIVERSITY


Silang Campus
Biga I, Silang, Cavite
🕾 046 513-5706 🕾 046 513-3965
✉ cvsusilang@cvsu.edu.ph

DEPARTMENT OF ARTS AND SCIENCES

INDIVIDUAL PERFORMANCE REPORT

Course Title : KONTEKSTUWALISADONG KOMUNIKASYON


Course Code : GNED 11
Instructor : JESSA S. CADA
Year and Section : BSP 2D
Schedule : TUESDAY 1pm – 5pm
Week No. : DECEMBER 8, 2020

PANGKAT 5
TUNGKULIN/RESPONSIBILIDAD/ GINAWA SA
MIYEMBRO NG PANGKAT INAASAHANG PROYEKTO

VILLANUEVA III, JUANITO LIDER / TAGAPAGDALOY NG PROGRAMA

RONULO, AIZELL JANE KALIHIM / PANGUNAHING TAGAPAGSALITA

ACUBA, SHIRLEY PANGUNAHING TAGAPAGSALITA

SAMSON, MAY ANN PANALANGIN

SERASPI, ALLIAH MARIE BIDYONG INTRODUKSYON

TORRES, PAULA MAE PANGHULING PANANALITA

TORRES, SOPHIA VERA PANGBUNGAD NA PANANALITA

TADEO, JESSICA INTERMISYON

TOLEDO, LOVELYN INTERMISYON

I. PLANO
Layunin Paksa Uri ng Sitwasyong
Pangkomunikasyon at
Kahulugan nito.
1. MAILARAWAN ANG MGA PAGSASAGAWA NG FORUM,
GAWAING LEKSYUR, AT SEMINAR
PANGKOMUNIKASYON NG EPEKTO NG PANDEMYA SA - Pagtalakay sa isang isyu na
MGA PILIPINO SA IBA'T- MENTAL NA KALUSUGAN NG MGA dadaluhan ng mga
IBANG ANTAS AT MAG-AARAL tagapakinig sa pamamagitan
LARANGAN. ng/ng mga tagapagsalita na
2. MAKAPAGMUNGKAHI NG bibigyang linaw o
MGA SOLUSYON SA MGA tatalakayin ang
PANGUNAHING kinapalolooban ng isyung
SULIRANING PANLIPUNAN nais italakay o napili.
SA MGA KOMUNIDAD AT SA
BUONG BANSA BATAY SA
PANANALIKSIK.
3. MAKAPAGPAHAYAG NG
MGA MAKABULUHANG
KAISIPAN SA
PAMAMAGITAN NG
TRADISYONAL AT
MODERNONG MIDYANG
AKMA SA KONTEKSTONG
PILIPINO.
4. MAKAGAWA NG MGA
MALIKHAIN AT
MAPANGHIKAYAT NA
PRESENTASYON NG
IMPORMASYON AT
ANALISIS NA AKMA SA
IBA'T-IBANG KONTEKSTO.
5. MAPALALIM ANG
PAGPAPAHALAGA SA
SARILING PARAAN NG
PAGPAPAHAYAG NG MGA
PILIPINO SA IBA'T-IBANG
ANTAS AT LARANGAN.
6. MAISAALANG-ALANG ANG
KULTURA AT IBA PANG
ASPEKTONG PANLIPUNAN
SA PAKIKIPAGPALITANG-
IDEYA.

II. PAGSASALAYSAY

A. UNANG BAHAGI
 TALAAN NG MGA NAPAG-USAPAN SA PAGPAPLANO NG ISINAGAWANG GAWAIN
Unang Hakbang
- Pagpili ng tema at paksang nais italakay ukol sa mga napapanahong isyung lokal. Ang
pangkat 5 ay pumili ng isang paksa na makaka-ugnay ang lahat, bilang ang inaasahang
tagapakinig ay mga estudyante, ninais ng aming pangkat na pumili ng paksang tatalakay
sa napapanahong isyu ngayon na makaka-ugnay ang mga estudyante at higit sa lahat ay
hindi nalalayo sa aming kursong kinukuha. Kaalinsabay nito ang mga layuning nais
naming ipakita hinggil sa napiling paksa.
Ikalawang Hakbang
- Matapos na makapili ng paksang itatalakay, ang sumunod na hakbang ay ang pagpili ng
sitwasyong pangkomunikasyon na naaayon sa layunin ng aming paksa at ito nga ay ang
pagsasagawa ng forum or seminar. Bilang mga mag-aaral ng Sikolohiya, higit kaming
nakaaalam tungkol sa aming paksa, kaya maigi na lamang na ang pagbibigay
impormasyon sa iba, sa mga tagapakinig ang sentro ng aming gagawing aktibidad na
hindi nga naman nalalayo sa pagsasagawa ng seminar.
Ikatlong Hakbang
- Matapos na makapagdesisyon, isinunod namin ang pagtatalaga ng mga tungkulin at
responsibilidad sa bawat miyembro. Unang-una na rito ay ang magiging tagapagsalita na
iniatang namin sa dalawa naming miyembro sapagkat nais namin na hatiin ang diskusyon
sa dalawang parte upang mas matalakay ng bawat tagapagsalita ang paksa at
magkaroon sila ng pokus sa parte ng diskusyon na kanilang tatalakayin. Ganoon din sa iba
pang mga tungkulin at responsibildad sa ibang miyembro. At ang sunod ay ang paggawa
ng programa na wala namang nakitang problema.
Huling Hakbang
- Matapos makapagplano, ang iskrip naman ang isinunod ng aming pangkat, sa oras na ito
ay naaprubahan ng aming guro, isinagawa na namin ang pagkuha ng bidyo ng bawat
parte ng mga miyembro sa nasabing programa, ipinasa sa lider na siyang mamamahala sa
aming bidyo upang makasagawa ng isang produktong ipapasa sa guro at ipapanood sa
aming mga naanyayahang tagapakinig.
 MGA PROBLEMANG KINAHARAP NG PANGKAT
Sa katotohanan, walang naging malaking problema ang nakaharap ng pangkat sapagkat naging
mabilis ang pagtugon ng bawat isa sa kanilang mga gampanin at ni isa ay hindi nakitaan o
naringdan ng mga reklamo, maluwag sa loob ng bawat isa na tinanggap ang mga responsibilidad
na iniatang ng aming lider. Kung mayroon mang naging problema, ito ay napakaliit lamang, tulad
na lamang ng internet connection na siya namang naging problema rin ng ibang mga pangkat.

B. IKALAWANG BAHAGI

 PANGYAYARING NAGANAP HABANG UMIERE ANG BIDYO


Habang umiere ang bidyo, ang aming grupo ay nagsimula nang magkumento upang
makasalamuha ang mga manonood, mapa-biro man o tanong, ito ay aming sinasagot. Ang iba rin
sa amin ay patuloy ang pangangalap ng tagapagkinig upang mas maipalaganap pa ang aming
mga layunin sa pagbuo ng ganitong programa na kung saan ay itinatalakay ang pangangalaga
hindi lamang sa ating pisikal, ngunit gayun din sa ating mental na kalusugan lalo na sa panahon
ngayon ng pandemya.
 ANG AMING NARARAMDAMAN SA ORAS NG PAG-ERE NG AMING BIDYO
Bago ang aming bidyo, bagaman ikahuli ang aming pangkat sa pagpapanood nito, nakaramdam
kami ng kaba at agam agam dahil baka wala nang manood sa aming presentasyon dahil sa kami
nga ay ang huling pangkat at palalim na ang araw, marami na ang dapat gawin sa bahay, ngunit
napaawi din naman iyon ng umeere na ang bidyo namin at nakita rin namin kung gaano ka aktibo
ang mga manonood sa panahon nang pag-ere at may mga magagandang kumento kami na
natatanggap na labis namin na aming kinasisiya.
 ANG AMING KURSONG SIKOLOHIYA AT ANG TULONG NITO SA PAGSASAGAWA NG BIDYO
Isang napakalaking tulong ng aming kurso na Sikolohiya sa pagsasagawa ng naturing aktibidad,
Ito ay nakatulong upang mas paliwigin ang aming mga karanasan sa paraang pagkakaroon ng
diskusyon ukol sa nasabing paksa ukol sa mental na kalusugan. Nakatulong din ito upang mas
mabigyan namin ng linaw kung bakit nga ba napakahalaga ng aming tinatalakay at ito ay
ginamitan namit ng mga tamang terminolohiya upang mas lalong maintindihan ang aming mga
pinaparating sa diskusyon.

C. IKATLONG BAHAGI

 ANG AMING NATUTUNAN


Natutunan namin ang kahalagahan ng pagsasagawa ng ganitong aktibidad sapagkat hindi
lamang nito layunin na ibahagi ang aming kaalaman sa naturang isyu kundi maibahagi rin namin
ito sa iba na dumadanas ng katulad na isyu. Natutunan din namin ang kahalagahan ng pagkakaisa
bilang isang grupo, pagtutulungan at maging ang pagbibigay suporta hindi lamang sa aming
kagrupo kundi pati sa ibang kamag aral na nagsagawa din ng katulad na gawain. Marami kaming
natutunan pero ang higit sa lahat ay ang pag-unawa sa bawat isa, sa pakikinig at pag-alalay lalo
na sa mga nahihirapan, hindi lamang makapasa ang nais ng bawat isa, ngunit maging ang suporta
ng iba na siyang mag-aakay sa iba na gumawa ng may pagpapasensiya at buong kagiliwan. Dito
natutunan din namin na humawak ng responsibilidad lalo na sa panahon ngayon ng pandemya na
siyang bumawas sa pakikipagkomunikasyon ng bawat isa.
 ANG AKTIBIDAD AT ANG KAUGNAYAN NITO SA AMING KURSO
Ang kurso ng sikolohiya ay nangangailangan din ng ganitong mga aktibidad sapagkat ito ay amin
ding kakailanganin sa mga hinaharap na panahon. Ang komunikasyon ay may mga sitwasyon
upang makapagtalakay ng paksa na siya namang makikita sa kursong sikolohiya. Mula sa mga
pagpaplano at paggawa ng ganitong aktibidad, ay isang pag-eensayo sa mga hinaharap na mga
gawain na naka-ugnay sa aming kurso.

III. ISKRIP (PAKILAGAY KUNG MAARI ANG PDF NA IWINASTO NG GURO : yung pdf po ang ilalagay dito)

III. ISKRIP (PAKILAGAY KUNG MAARI ANG PDF NA IWINASTO NG GURO : yung pdf po ang ilalagay dito)

Isang napakagandang araw po sa lahat ng ating mga manonood, gaya ng nabanggit mula sa mga naunang
tagapagsalita, ang magiging paksa ng ating pagtitipon na ito ay tumatalakay sa napapanahong isyu ng
edukasyon, ito ay ang “Epekto ng New Normal System ng Edukasyon o ang Pandemya sa Mental na
Kalusugan ng mga mag-aaral”. Sa panahon ng Pandemyang ito, ang ating kalusugan ay ang higit na dapat
nating bigyang halaga, at kung pag-uusapan ang kalusugan, hindi lamang ang ating pisikal na kalusugan ang
dapat bigyang pansin ngunit maging ang ating mental at panlipunang kalusugan.

Ayon nga sa World Health Organization o WHO, masasabing Healthy kung ang isang tao ay may kumpletong
pisikal, mental at panlipunang kalusugan at walang iniindang sakit o kahinaan. Isa sa masasabi nating
highlight ng taong ito, sa gitna ng pandemya ay ang pagbubukas muli ng mga klase sa lahat ng antas sa ilalim
ng bagong paraan ng pagkatuto o ang tinatawag nga nating New Normal System. Ang New Normal System
ay isang bagong paraan ng pamumuhay nating mga Pinoy sa gitna ng pandemya, na kung saan ang lahat ay
binago at ang mga dating gawi ay hindi na magagawa, isa sa mga naapekto ng New Normal System na ito ay
ang paraan ng edukasyon na hindi lamang nakaapekto sa mga mag-aaral ngunit maging sa mga guro at mga
nangunguna sa pang-nasyunal na edukasyon. Isa sa mga naging isyu nito ay ang paghingi ng ilan sa mga
estudyante ng Academic Freeze o ang pansamantalang pagtigil ng mga klase. Isa sa mga nagiging dahilan ng
iba ay ang stress, pagkatakot at pagkabalisa na naidudulot ng mga modules at online classes na
nagpapahirap pa lalo sa pag-aaral ng mga mag-aaral. Ayon sa UNICEF Philippines, Normal lamang na
makaramdam ng takot at pagkabalisa sa panahon ng COVID-19, lalo na’t tumatagal ang krisis na ito. Bukod sa
pag-alaga ng ating kalusugan upang makaiwas sa coronavirus, mahalaga rin na alagaan natin ang ating
mental health habang nananatili sa loob ng bahay. Huwag hayaang malugmok sa mga negatibong naiisip at
huwag mahihiyang humingi ng tulong kung kailangan mo ito.

Paano ko aalagaan ang aking mental health sa panahon ng COVID-19?


Tips para sa mga kabataan
1. Napag-iinitan ka ba ng mga magulang mo at palagi kang pinapagalitan? Imbis na mainis lang, kausapin sila
ng masinsinan at gawing pagkakataon ang pagkakasama-sama sa bahay para makipag-bonding sa mga
magulang. Makipagkwentuhan nang mas makilala at maunawaan ninyo ang isa’t isa.

2. Miss mo na ba ang barkada? Gamitin ang social media, video call, chat o text para kumustahin at makausap
ang mga kaibigan. Makinig sa mga mga kwento, naiisip at nararamdaman ng isa’t isa. Let’s survive this
together!

3. Maghanap ng pagkakaabalahan o mapaglilibangan. Subukan mong matutunan ang isang hobby, skill, o
talent. Nakakatulong ito sa pagbawas ng anxiety sa panahong ito. Kahit wala ka sa school, pwede ka pa ring
matuto ng mga bagong bagay.

4. Gumawa ng routine at sikaping sundin ito. Pwede kang tumulong sa gawaing bahay sa umaga, mag-
practice ng pagtugtog sa hapon, at magbasa para linangin ang kaisipan sa gabi. Gawin ang mga bagay na
nagpapasaya sa iyo. Huwag rin kalilimutang mag-relax at magpahinga.

5.Gumalaw-galaw at magpapawis. Mag-exercise. Gawin ang mga dance challenge sa TikTok o YouTube.
Yayain rin ang mga kasama mo sa bahay na sumali sa video para mas masaya! Nakakatulong ang exercise at
paggalaw ng katawan sa pagpapalakas ng resistensya laban sa COVID-19 at iba pang mga sakit.

6. Kahit may na-miss kang mga milestone sa buhay dahil sa quarantine, tulad ng graduation o birthday
celebration, kaya mo pa ring lumikha ng memories. Ipagdiwang ang mga achievements at special occasions
sa sariling paraan. Mag-photoshoot, vlog, mini-ceremony, at virtual celebration sa social media kasama ang
iyong mga kaibigan at kamag-anak.
7. Maging isang smart at responsableng netizen. Dahil virtual na ang karamihan sa ating connections, maging
maingat at mapanuri online. Suriin ang mga impormasyon at nakakasalamuha online. Mag-share lamang ng
mga makabuluhang bagay.

8. Tumulong sa mga gawaing bahay hangga’t makakaya, lalo na’t kung nahihirapan ang pamilya mo sa
panahong ito dahil sa pagkawala ng trabaho o kakulangan ng pangtustos sa mga pangarawaraw na
pangangailangan. Survive as one family tayo!

9. Kailangan mo ba ng kausap? Hindi ka nag-iisa. Makipag-chat o text sa mga kaibigan o kamaganak. Kung
nakakaramdam ka ng anxiety, may handang makinig sa iyo!

10. Nalulungkot ka ba sa sitwasyong dala ng COVID-19 at sa mga balita tungkol dito? Maging boses ng
kabataan at magbigay-inspirasyon sa iba! Nakararanas tayong lahat ng lungkot at hirap dahil sa krisis na ito.
Makakatulong ang pag-unawa sa isa’t isa, at pag-share ng saya at pag-asa. Upang labanan ang mga
negatibong epekto ng pandemikong ito, kailangan nating tiyakin na ang ating mga mag-aaral ay mayroong
suportang pangkalusugan sa pag-iisip na kinakailangan upang makayanan ang mga pagkalugi at mga
pagbabago sa nakaraang taon. Ang paglalagay ng pokus sa mabuting kalusugan ng isip ay isang bagay na
dapat unahin sa gitna ng pandemya.

Karagdagang payo upang maging mabuti ang ating mental na kalusugan ay ang pagmumuni-muni at yoga.
Ang pagmumuni-muni at yoga ay napakahalagang gawi na sa pamamagitan ng kontroladong paghinga at
pagtuunan matulungan kahit na ang pinakabatang mag-aaral na harapin ang kanilang pagkabalisa at
pagkalito sa panahong ito ng pagkagambala. At sa kaso ng yoga, ang pagkakataon para sa pisikal na pag-
eehersisyo ay nagdudulot ng mas maraming mga benepisyo sa isip. Maaaccess ng lahat ang mga
pamamaraan na ito - lalo na ang mga nagtatrabaho o natututo mula sa bahay (online class) - sa pamamagitan
ng mga online na video, libreng app, at iba pang mga online na gabay.

Sa mga payong ito, nawa ay ang lahat o nakararami ay matulungan sa panahon ngayong pandemiya. Dahil
ang mga ganitong perspektibo at aktibidad ay napakaimportante sa ating kalusugan di lamang sa mental at
pisikal bagkus sa pangkabuuang kalusugan. Maraming Salamat po!

IV. LARAWAN AT KAPSYON


TAKE Nth NA PO, HUMAHANAP PA NG TAMANG
PAGPAPLANO
TIYEMPO

Unang larawan: Proseso ng Pagpaplano Ikalawang Larawan: Draft sa Pagsasagawa ng Vidyo


Ikatlong Larawan: Larawan habang umeere Ikaapat na Larawan: Pakikipag-ugnayan sa Manonood
sa pamamagitan ng Live chat

KOMENTO NG MANONOOD

Ikalimang Larawan: Komento ng Manonood Ikaanim na Larawan: Karagdagang Komento ng


Manonood

V. LARAWAN NG REHISTRASYON PARA SA MANONOOD O REGISTRATION FORM


VI. LARAWAN NG EBALWASYON (MAY SAGOT NG MANONOOD)

Inihanda nina:

G. Juanito Villanueva III


Lider, Pangka 5

Bb. Aizell Jane Ronulo


Kalihim, Pangkat 5

Bb. Shirley Acuba

Bb. May Ann Samson


Bb. Alliah Marie Seraspi

Bb. Lovelyn Toledo

Bb. Paula Mae Torres

Bb. Sophia Vera Torres

Bb. Jessica Tadeo

Isinangguni kay:

Bb. Jessa S. Cada


Guro, Kontekstuwalisadong Komunikasyon

You might also like