You are on page 1of 5

IKATLONG PANGKAT

"Problema sa maintenance ng MRT-3 at Tagas ng Minahan sa Kalikasan"


Panimula : (Jacob Cervantes)
Magandang araw po sa inyong lahat, sa aming guro na si Gng. Jessa Cada at kapwa ko mag-aaral at Commented [JC1]: Hindi pa po ako GNG.
maging sa aming mga tagapakinig. Kami ang pangkat tatlo na nagmumula sa BSHM 3A at kami ay
magpiprisinta ng mga paksa patungkol sa patuloy na pag-usbong ng mga aberya sa MRT-3 at kung
paano ito nakakaapekto sa pang araw-araw na pamumunay ng mga Pilipino, tatalakayin din namin
ang problema sa minahan dahil sa tagas at pag-abuso nito sa ating kalikasan at kung ano ang mga
posibleng mangyari kung ito ay hahayaan lamang ng mga tao.
MC Cedric Sabal: Bago po tayo mag-umpisa sa aming diskusyon ay nais po muna namin na tayo ay
manalangin na pangungunahan ni Bb. Kyla Fernandez.
Panalangin : (Kyla Fernandez)
Magandang araw po sa inyong lahat, tayo po ay mag dasal. Panginoon. Pinupuri ka namin
panginoong Diyos. Maraming salamat po sa lahat ng biyaya na ipinagkaloob mo saamin. Maraming
salamat di po panginoon at nandirito pa kami sa aming kinakatayuan sa buhay. Maraming salamat din
po sa mga pagkain na inihahain namin sa araw-araw panginoon.Humihingi po ako ng kapatawaran sa
mga kasalan nagawa namin sainyo Panginoon.Hinihingi ko rin po ng kapatawaran ang mga taong nag
kasala ng lubos sainyo panginoon.Sana mapatawad nyo po kame panginoon sa aming mga kasalan na
nagawa at sa mga kasalan na magagawa palang namin. Nawa’y gabayan nyo pa po kame sa araw-
araw, at gabayan nyo rin po kame sa mga desisyon na aming gagawin iyon lamang po an gaming
panalangin sa ngalan ni Hesus, Amen.
Introduksyon : (Danica Arzadon)
Ang programang ito ay tumatalakay sa kung ano ang mga naging epekto ng desisyon ni DOTC sec.
Abaya sa umanoy paghati niya sa pitong kompanya ng maintenance ng ating MRT noong 2015.
Tatalakayin din dito ang tungkol sa iresponsableng pagmimina ng kompanya ng Philex at kung paano
ito nakaapekto sa mga mamamayan ng Benguet at sa ating kalikasan. Atin nang sisimulan ang
talakayang ito upang inyong mas lalong maintindihan itong ang mga nasabing paksa.
Diskusyon: (Jacob Cervantes, Rafael Nicomedes at Kyla Fernandez)
Rafael Nicomedes: Pagkatapos ng kontrata sa pagitan ng APT Global at ng DOTC para sa
maintenance service provider ng MRT ay agad silang humanap ng pwedeng humawak sa operasyon
na mangyayari. Nabuo ang kaisipan na multi-disciplinary approach o yung pag hahati-hati ng
maintenance ng MRT sa ibat-ibang kompanya ito ay nagmula kay DOTC Sec. Abaya noong 2015
kasama rin sa kontrata ang problema sa elevator at escalator na hindi naman napapakinabangan. Ito ay
lubos na problema sa mga PWD na hirap sa paglakad at nakakaapekto sa mabilisang pag galaw,
pahirap ito para sa kanila. Marami sa mga Pilipino ay pinangakuan na sa taong 2016 ay maaayos na
ang probema sa MRT ngunit ito ay malabo. May mga samahan na kumontra sa pagkahati ng
maintenance dahil mas malaki ang epekto nito dahil magkakaroon ng mas matagal na delay, mas
makabubuti di umano kung isang kompanya lamang ang hahawak rito. Nawawala ang single point of
responsibilities na siyang mismo ang may hawak sa lahat ng problema. Nag pahayag din ang ibat-
ibang kompanya tungkol sa kanilang maintenance contract sa DOTC. Sa pag sapit ng 2017 ang mga
elevator at escalator ay patuloy ng gumagana.
Jacob Cervantes: Nangako ang DOTR na pagagandahin at aayusin ang serbisyo ng MRT3 noong
2016 pero batay sa bidyo napanood ko tungkol dito na noong 2017 pa nakalabas ay walang nangyari
at ganoon parin ang sitwasyon. Nagsimula ang sunod sunod na aberya dahil noong 2015 nagtapos ang
contrata ng APT Global na nagaalaga o nagpapanatili sa Kabuoan ng MRT 3 at pinalitan ito ng mga
kompanya na magaalaga at magpapanatili ngunit imbis na bumuti ay lalo itong nakasama. Ayon kay
Usec Cesar Chavez ay lalo itong makakasama sa MRT 3 dahil maraming kumpanya ang nakahawak
dito at tila wala raw “Single Point of responsibility”.
Kyla Fernandez: Ayon sa aking napanood nangako ang DOTR na magagaing maayos ang kanilang Commented [JC2]: ANO ANG IYONG NAPANOOD, SINO
serbisyo sa MRT 3 noong 2016 ngunit wala paring nang yayari at di parin ito maisagawa ang kanilang Ang nagsasalita, kanino nanggaling, ano ang channel, maari
panganko at ganun parin ang sitwasyon sa MRT 3. Nawa’y bigyan ng pansin nila ito dahil maraming mo bang ilagay dito….
pilipino ang nasakay sa kanilang transportasyon. Nag hanap sila ng magaalaga at mag papanatili ng
MRT 3 ngunit mas lalo itong lumala dahil ilang kumpanya na ang may hawak dito.
Intermisyon (Danica Arzadon at Rafael Nicomedes)
MC Cedric Sabal : Bago tayo dumako sa pangalawang paksa ay MAY inihandang presentasyong
tula ng aming pangkat na pinamagatang "Ingat Yaman " at "Iwasan natin" na isinulat ng aming
miyembro na si Daniel joy Ambata at Lea Alcantara. Commented [JC3]: MAY TINANGGAL AKO DITO. Ito na
ang sabihin ninyo.
"Ingat Yaman" (Danica)
Sa Perlas ng Silanganan
Kay raming yamang mineral ang matatagpuan
Ginto, pilak at marami pang iba ay matatagpuan sa kabundukan
Kaya't pagmimina ay laganap sa ating kapaligiran

Iresponsableng pagmimina isa sa sumisira sa ating kalikasan


Huwag abusin ang likas na yaman
Upang hindi danasin ang kahirapan
At mawala ang ating kabuhayan

"Iwasan natin"(Rafael)
Lahat tayo makatao
Kung pumwerhisyo ay todo
Gagawa ng probelemang di makatao
Ang ginagawa mo ay para lamang sa iyo

Sa pag mimina ay iwasan


Upang peligro ay maiiwasan
Huwag kang matakot magsalita
Gawin mo ang tama

Huwag abusuhin nating mga tao


Ang maling pagmimina ay iwasan mo
Mga maling gawa ng tao
Lahat tayo ay apektado

Ang ating magandang kayaman


Ay ating kalikasan
Ang gawa ng diyos ay ingatan
Upang tayo ay magandang kinabukasan

MC Cedric Sabal: Nagustuhan nyo po ba ang inihandang tula nina Binibining Daniel at Lea?
Maraming salamat sa pakikinig sa simple naming patalastas. Ngayon ay atin ng ipagpapatuloy ang
diskusyon patungkol sa ikalawang paksa.
Pagpapatuloy ng Diskusyon (Danica Arzadon, Daniel Joy Ambata, Lea Alcantara at Cedric Sabal)
Daniel Joy Ambata: Noong Agosto ng taong 2015, nagkaroon ng mine spill sa Padcal, Itogon
Benguet, bumigay ang imbakan ng dumi ng isang kumpanyang nagmimina roon ito ay ang Philex
Mining Corporation. Naglabas o nagluwal ito ng kabuuang 20 million metric tons ng dumi.
Itinuturing ang Philex Mining Spill na "biggest mining disaster" sa pilipinas base sa dami ng dumi na
nilabas nito. Ang pag tagas ng dumi ng minahan na ito ay nag dulot ng panganib at problema lalong
lalo na sa mga taong naninirahan dito at sa ilog na sobrang napinsala nito. Isa na rito ang balog creek
o river na siyang pinagdaluyan ng tailings o dumi na nanggaling sa minahan. Makikita sa tabi ng ilog
na ito ang makakapal na dumi na kahit dalawang buwan na ang nakakalipas ay hindi pa rin tuluyang
naaalis o nasosolusyunan. Ang bunganga ng balog river ay 2.5 km lamang ang layo sa bumigay na
imbakan ng dumi ng Philex Mining at ang Balog River ay konektakdo sa Agno River. Ang tubig na
nanggagaling sa dalawang ilog na ito ay siyang pinanggagalingan ng tubig sa reservoir ng San Roque
Multi-Purpose Dam, ang dam na ito ay may tatlong pakinabang sa mga naninirahan doon.
Pangingisda, Irigasyon, at Kuryente. Makikita sa ilang bahagi ng Balog Creek at Agno River ang pag-
iiba ng kulay ng tubig roon na tila ba'y nahahaluan ng kulay puti ang tubig. Ang magiging epekto ng
pagbabaw ng reservoir ng Dam ay magkakaroon ng krisis sa elektrisidad na lubos na makakaapekto sa
mga naninirahan doon. Isa pa sa problema ay ang materyal o dumi na nanggaling sa minahan ay isang
hazardous material. Maaapektuhan nito ang mga mamamayan ng naninirahan sa may baba ng San
Roque Dam, dahil dito sila umaasa ng irigasyon na ginagamit sa pagsasaka na gaya na lamang ng
palay. Kung ang nakakalasong tubig na nanggagaling sa Dam ay siyang gagamitin sa mga pananim,
maaaring ang pagkain na ito ay magkaroon ng lason. Ayon nga sa pagsusuri ng BIFAR sa isda na
nanggaling sa ilog na naapektuhan ng tailings ng minahan ay hindi ligtas sa kalusugan ng mga tao ang
pagkain ng mga isdang nanggaling doon dahil maaaring mag dulot ito ng cancers at iba pang sakit sa
mga taong kokonsumo nito. Dahil nga sa kapabayaan ng naturang minahan, nagdulot ito ng
napakaraming problema hindi lamang sa pangkabuhayan ng mga naninirahan doon ngunit pati na rin
sa ating kalikasan gaya na lamang ng pagkakaroon ng polusyon sa hangin at kontaminassyon ng
tubig.
Danica Arzadon: Minahan ang isa sa pangunahing dahilan kung bakit nasisira ang ating kalikasan.
Base sa bidyo na aking napanood sa programang "Failon ngayon" na pinamagatang "Tagas ng
minahan part 1" ay talaga namang mababatid ang masamang epekto ng pagmimina sa ating bansa. Sa
tagal ng panahon ng pagmimina ng naturang kumpanyang Philex Mining ay umabot sa 20.6 million
metric tons ng tailings o latak ng mina ang tumagas sa ilog. Malaki ang naging epekto nito hindi
lamang sa kalikasan kundi pati narin sa mga taong naniniran malapit sa minahan. Narumihan ang
tubig ng Balog river at Agno river na siyang pinangagalingan ng tubig na reservoir ng San Roque
multipurpose dam. Ang dalawang ilog na ito ay may malaking pakinabang sa mga taong naninirahan
roon na kung saan ito ang kanilang ginagamit sa kanilang mga pananim upang pandilig, at dito rin sila
kumukuha ng kanilang pagkain at pangkabuhayan gamit ang pangingisda. Maging ang kanilang
kuryente ay kinukuha rin nila sa San Roque multipurpose dam. Paano na lamang kung tuluyan nang
masira at mamatay ang dalawang ilog na pinagkukuhanan ng tubig ng San Roque dam. Mawawalan
ng pangkabuhayan ang mga lokal na naninirahan malapit sa naturang minahan at maging ang
kuryenteng kanilang ginagamit ay tuluyan naring mawawala. Kung walang kikibo, walang
magbabago, patuloy na masisira at mawawala ang pinaka iingat-ingatan nating yaman na syang
bumubuhay at nagbibigay pangkabuhayan sa bawat mamamayang naninirahan doon. Hindi lamang
mamamayan kundi pati narin ang ating gobyerno ay nararapat lamang na kumilos at huwag maging
bulag at bingi sa mga hinaing ng mga taong mas higit na pinahahalagahan at ipinaglalaban ang ating
kalikasan sa mga tao at gawaing di kanais-nais. Ang pagmimina ay hindi masama kung ito ay
sumusunod sa mga alituntunin, patakaran at sa ating batas. Gaya nga ng sinabi ng mga propesyunal na
inhinyero, hindi isandaang porsiyento ang kasiguraduhan na magiging ligtas ang pagmimina, mayroon
at mayroon itong magiging problemang di maiiwasan ngunit kung tapat, marunong sumunod at
resposable ang grupo ng tao o kumpanyang nagmimina ay mas mapahahalagahan at maiingatan ang
ating kalikasan.
Lea Alcantara: Nitong Oktubre 13, 2012 nabalitaan natin at nakita kung gaano ka iresponsable ang
mga nagminina sapagkat dito natin makikita ang peligro na maaring magkontiminasyon mula sa tagas
ng minahan at pagkasira ng kalikasan sa pagmimina. Ayon kay Itogon Mayor Oscar Camantiles,
uma-bot sa 34 na pamilya ang lubhang naapektuhan ng nangyaring tailings spill at nadamay dito.
Bukod sa pag-iimbestiga ni Ted sa PHILEX ay bu-bu--weltahan niya rin ang mga pasaway na
minahan na bagamat suspendido na ay patuloy pa rin sa pagmi-mina. tila sila ay nagsisihan sa
pagguho nito. Maging maingat sila sa pagmimina at isipin kung ano ang magiging kalalabasan na ito
kung ito ba ay mabuti o ikakasama ng kalikasan at mamayan.
Cedric Sabal: Akin lang idadagdag na impormasyon sinisisi ng mining company ang kalikasan dahil
sa pag ulan ng malakas kaya daw may natagas at sabi naman ng impleyado ay luma na ang dam kaya
ito tumagas at hindi rindaw handa ang kompanya ang sa nangyaring pag tagas ng ng malawakan ang
aking natutunan sa napanuod ko ay mag doble ingat at maging mapanuri sa kalikasan para maiwasan
ang mga gantong problema at hindi na lumala dahil maraming mapipirwisyong mamamayan.
Pagtatapos(lahat ng miyembro)
Daniel Joy Ambata: Dito na po nagtatapos an gaming diskusyon sa mga paksa patungkol sa
problema sa MRT at pag tagas ng minahan sa kalikasan. Taos puso po naming ipinaaabot ang aming
pasasalamat sa mga panauhing dumalo na naglaan ng kanilang oras at lakas na siyang naging daan sa
tagumpay ng aming munting hinandang programa. Muli, kami ay nagpapasalamat sa inyong
pagsuporta. Pagpalain nawa tayong lahat ng Poong Maykapal.
Lea Alcantara: Kami po ay nagpapasalamat sa inyong pakikinig at sa aming pagtatapos naway may
natutunan po kayo at maging aral sa atin upang makaiwas sa anumang peligro na pwedeng mangyari
sa ating bansa. Maraming salamat po sa inyong lahat.
Jacob Cervantes: Salamat po sa pakikinig sa amin na talakayin ang mga importanteng paksang ito.
Pagpalain at Gabayan po tayo ng Diyos. Maraming salamat po
Kyla Fernandez: Maraming salamat po sa inyong pakikinig. Nawa’y may natutunan kayo sa aming
mga itinalakay sa inyo. Maraming salamat po.
Rafael Nicomedes:Maraming Salamat po sa mga nakibahagi sa aming talakayan sa mga tumulong sa
pag sasagawa at maging matagumpay na naiganap. Pagpapasalamat sa aming guro, sa bawat isa sa
amin upang magbigay kaalaman sa inyo at sa inyo na rin po na nag laan ng oras upang makiisa . Kami
po ay nagpapasalamat muli hanggang sa muli po kami po ang group 3 ng BSHM 3A salamat.
Danica Arzadon: Nais kong pasalamatan ang lahat ng mga taong naglaan ng kanilang isang oras sa
gawaing ito. Kundi dahil sa inyo ay hindi makukumpleto ang programang ito. Nawa ay may
natutunan kayo sa aming ginawang programa. Nais ko ring pasalamatan ang aking mga miyembro
dahil kundi rin sa kanila ay hindi maidaraos ng maayos ang gawaing ito. At sa aming guro na nag-atas
sa amin ng proyektong ito maraming salamat po Bb. Jessa Cada.

PARA sa pangkalahatang komento, kaya wala masyadong pagbabago ay naging malaman ang paksa,
may ugnayan o kaisahan ang mga impormasyon samakatuwid ay naging mahusay ang tagapagpadaloy
ng programa.
HILING KO LAMANG
Na bago magsalita ang mga tagapanayam ay MAARI BANG MAGHANDA KAYO NG MGA
PAUNANG SASABIHIN BAGO NINYO UMPISAHAN ANG INYONG MGA ILALAHAD.
2 o 3 pangungusap na magdadala sa iyo sa paksang iyong sasabihin.

Palutangin ang halaga ng inyong ibinibigay na impormasyon


Sikapin na ang inyong mga tagapakinig ay may matatandaan sa inyong mga sinabi.

You might also like