You are on page 1of 2

Down Town

Bilang Isang Kabataan, kami ay Nagtulungan at nagbigay ng Oras upang ma solusyunan Ang mga
problemang pang Kapaligiran na Nagdudulot ng Pagkasira sa Kalikasan At kabuhayan ng mga Tao.
Napili Namin Ang Lugar na makikita at dinadayo ng karamihan, nararapat lamang na ito ay malinis at
ligtas para sa lahat.

Inobserbahan namin ang Down Town sa loob ng Apat (4) na Oras at nagtanong-tanong sa mga
mamamayan kung ano sa tingin nila ang pinakamalaking Problema sa lugar at kung ano dapat ang
solution dito.

Lugar: Downtown
Mamamayan na tinanong: Labing Limang (15) tao
Time of Observation: Apat (4) na oras

BILANG NG MGA TAONG SINURI


Improper Waste Management - 5
Baha - 3
Mga Nagtitinda na Kumakalat - 2
Polusyon sa Hangin, Trapiko, - 2
(Pagpapabuti sa Kalsada)
Mga Taong Pagalagala - 1
(Walang tirahan)
Pag-ayos ng Mga Banyo - 1

Base sa aming pag-obserba at pagtatanong sa mga tao Doon, halos Karamihan sakanila ay basura Ang
sinasabing problema,(2) ikalawa naman ay Ang Baha na ang sanhi ay mga basura na kumakalat, at
kakulangan ng drainage canal. May mga nagsasabi din na, may mga taong kung saan-saan umiihi kaya
mabaho dito at Ang dahilan Dito ay Ang kakulangan ng mga banyo na malinis at mga pulubing
natutulog kung saan-saan, Nangangamba Rin Ang mga Mamayan Dito dahil sa mga nakawang halos
araw-araw nangyayari.

Plano Para sa Basura:

—Ang Gobyerno Ay magtakda ng mga tao na maglilinis sa plaza Araw Araw.

—Mabuti kung gayahin natin ang patakaran katulad sa Korea o Japan kung saan Mandatory Ang
paghiwalayin Ang mga ibat-ibang uri basura at sanayin na e recycle Ang mga basura na pwede pang
magamit.

— Pag-patupad ng Batas kung saan mumultahin kung sino man ang Hindi sumunod Dito, Batas para sa
mga tao na tinatapon lang ng mga basura kung saan-saan.

—Magdagdag ng basurahan at lagyan ito ng label.


Plano Para sa Baha:
— Mag dagdag ng mga Drainage canal para kung umulan ay Hindi babaha sa daan.

—Pwede Rin tayong Gumawa ng katulad sa Japan pero mas maliit, na tinatawag nilang "Metropolitan
Area Outer Underground Discharge Channel" Kung saan Pupunta Dito Ang mga tubig Baha.

— Pwede Tayo gumawa ng sistema kung saan Ang tubig galing ulan ay sasaludin natin, at ilalagay sa
underground Facilities, at e-reserba at gamitin kung kailan man natin ito kailangan.

Plano sa mga Nagtitindang Pasaway at kumakalat:


— Bigyan sila ng malapad na Lugar o market kung saan sila pwedeng pumwesto at magtinda dahil Ang
mga tao naman ay Pupunta kung saan Ang mga nagtitinda.

Trapiko, Polusyon:

— Limitahan Ang mga sasakyan at ugaliing pagandahin Ang mga pampublikong sasakyan para mas
komportable at maaliwalas ito, kung mapapatupad ito mas maliit ang sasakyang pribado dahil mas
pipiliin nilang sumakay na lang sa publikong sakayan.

— Ayusin ang daan at lagyan ng harang Ang bike lane, dahil minsan ginagamit ito ng mga sasakyan o
kaya ginagawang paradahan, mas magiging ligtas ito sa mga taong gustong gamitin Ang bisekleta
pang Transportasyon.

Mga Taong pagala-gala:


— Pagawan sila ng Lugar Para tulugan at tirhan nila, pwede Rin bigyang trabaho sila katulad ng pag
linis sa mga Plaza o daan upang malinis Dito.

Pag-ayos ng mga Banyo:


— Magdagdag ng mga Banyo at para mapanatili itong malinis ay magtakda ng mga taong mag linis
Dito, katulad din kung paano may nakatakdang maglinis sa Kapaligiran.

You might also like