You are on page 1of 3

Phil-IRI Form 1 Pretest

Pangalan: _____________________________________

Baitang at Pangkat: ___________

Pagganyak: Ano ang mga ginagawa mo sa mga basurang nasa loob ng inyong
bahay?
Basura: Isang Malaking Problema
Inihahanda na ni Kune ang mga basura tulad ng plastic, bote,
garapa at mga lumang magasin at dyaryo galing sa kanilang bahay na
ipagbibili niya kay Mang Pedring na magbobote. Napatigil siya nang
matawag ang kanyang pansin ng isang Editoryal tungkol sa Basura ng
Pilipino Star Ngayon, na ipinalabas noong Nobyember 19, 2000. Ito ang
ilan sa kanyang nabasa:
Problema ang basura sa Metro Manila ngayon at lalo pang magiging
ga-bundok sa hinaharap kung hindi kikilos ang pamahalaan. Nagbabala
ang Greenpeace, isang international campaign group, na lulubha ang
problema sa basura sa Metro Manila kung hindi gagawa ng estratehiya
ang pamahalaan tungkol dito. Isinusulong ng grupo ang paraan ng
recycling at composting kaysa sa tradisyonal na dump, bury, burn.
Sa mga nakaraan naming editoryal, madalas naming sabihin na ang
composting ay isang magandang paraan para malutas ang problema sa
basura. Ang sapat lamang gawin ay katulungin ang Department of
Agriculture upang maisulong ito at matiyak na makikinabang ang mga
magsasaka.
Matapos mabasa ang artikulo, napaisip si Kune at tiningnang muli
ang mga bagay na ipagbibili na sana niya. May ilan sa mga yun na maari
pa nilang magamit sa ibang bagay. Dali-dali niyang ibinukod ang mga
Gr. VI
Bilang ng mga Salita: 204

Mga Tanong:

Literal

1 Ano ang pamagat ng tekstong inyong binasa?


________
Sagot: Basura: Isang Malaking Problema
2 Sino ang nagbabala tungkol sa lumulubhang problema
sa basura?
________
Sagot: Greenpeace
3 Saang pahayagan nabasa ni Kune ang Editoryal?
Sagot: Pilipino Star Ngayon

Pagpapaka- 4 Bakit kaya magiging malaking problema ang basura


hulugan
sa Metro Manila kung di ito masusulusyunan?
________
Maaaring Sagot:
Dudumi ang Metro Manila.
Maraming magkakasakit dahil sa basura.
Babaho ang paligid sa Metro Manila.
(Tanggapin ang iba pang katulad na mga sagot.)
5 Bakit kaya mas maganda ang composting at recycling
kaysa sa dump, bury, burn bilang solusyon sa pagtatapon
ng basura?
________
Maaaring Sagot:
Dahil magiging pataba sa lupa ang mga nabulok
na bagay mula sa compost.

Hindi lahat ng bagay ay patapon na, maaaring


magamit pa sa ibang paraan ang mga bagay
sa tingin natin ay di na magagamit.
(Tanggapin ang iba pang katulad na mga sagot.)
Paglalapat 6 Sa paanong paraan mo kaya magagamit ang mga
gulong ng sasakyan ibang paraan?
________
Maaaring sagot:
Gagawing duyan.
Gagawing taniman ng halaman.

Gagawing bakod.
(Tanggapin ang iba pang katulad na sagot.)

7 Magbigay ng mga bagay sa inyong bahay o dito


sa ating silid-aralan na patapon na, pagkatapos
ay umisip ng paraan kung paano pa ito maaaring
pakinabangan upang di maitapon?
________
Maaaring sagot:
Mga balat ng kendi, gagawing artipisyal na mga
bulaklak.
Basyong bote, gagawing flower vase.
Balat ng saging at iba balat ng gulay
o prutas, ibabaon sa lupa upang maging pataba.
(Tanggapin ang iba pang katulad na sagot.)
8 Nakita mong magsisiga ang iyong kaibigan sa kanilang
bakuran, kabilang sa kanyang susunugin ay mga plastic
na bote. Ano ang gagawin mo?
________
Maaaring sagot:
Tatawagin ko siya at sasabihing huwag niyang
isamang sunugin ang mga boteng plastik.
Makakasira ito ng ozone layer.
Pagsasabihan ko siya at sasabihing pwede pang
gamitin ang plastik ng bote bilang lagayan ng inumin
o ipagbili para maging pera.
(Tanggapin ang iba pang katulad na sagot)

You might also like