You are on page 1of 4

SULIRANING PANGKAPALIGIRAN

1. Suliranin sa Solid Waste

- Municipal Solid Waste (MSW) o Solid Waste ay mga basurang nagmumula sa mga tahanan,
komersiyal na establisimyento, mga institusyunal at mga industriyal.

A. Residensyal (Residensyal Waste) – Ayon sa National Solid Waste Management Report, 2018,
itinuturing na malaking bahagdan ng basura ay nagmumula sa mga kabahayan o tahanan.
Umabot sa 56.7% ng basura ay nagmumula sa mga kabahayan. Ilan sa mga halimbawa nito ay
ang mga gulay, prutas, plastic, mga natitirang pagkain, at mga Waste Electrical and Electronic
Equipment (WEEE).

B. Komersiyal o Commercial Waste – Mga basura na nagmumula sa mga pribado at pampublikong


establisimyento. Bumubuo ng halos 27.1% ng basura, ayon sa NSWM Report, 2018.

C. Institusyunal o Institutional Waste – Bumubuo ng 12.1% ng mga basura. Nanggagaling sa mga


pampublikong opisina, ospital, paaralan, at sector ng agrikultura.

D. Industriyal o Industriyal Waste – Ayon sa NSWM Report, 2018, 4.1% ay nagmumula sa mga
pabrika.

2. Uri ng mga Basura

A. Biodegradable (Nabubulok) – Ito ay ang mga klase ng basura na nabubulok at maaring ibaon sa
lupa upang gawing pampataba. Ayon sa NSWM Report, 2018, Ito ay ang pinakamalaking
bahagdan ng basura. Umabot ito sa kabuuang bahagdan na 53.2%.
B. Recyclable – Mga basurang maaaring gamitin muli o gamitin upang makagawa ng bagong
produkto. Ito ang may pinakamalaking uri ng basura na itinatapon ayon sa pag-aaral. Ang mga
basurang ito ay bumubuo sa 27.78% na bahagdan sa kabuuang lawak na 4.1% hanggang 53.5%.
C. Special Waste – Ito ay ang mga basurang ginagamit ng mga tao tulad ng refrigerator, telebisyon,
syringes, electronic waste, atbp. Ito ay bumubuo sa 1.92% - 9.2% ng kabuuang basura.
D. Residual Waste – Ito ay ang mga tira-tirang basura na madalas nanggagaling sa mga pabrika at
sektor ng agrikultura.
Electronic Waste (E-Waste)
Ito ay tinatawag din na Waste Electrical and Electronic Equipment (WEEE). Ang E-Waste ay
nagtataglay ng lead, cadmium, mercury, barium at polyvinyl chloride na nakakalason ng lupa at
tubig.

REPUBLIC ACT 9003 (SOLID WASTE MANAGEMENT ACT OF 2000)

Naglalayon na magkaroon ng legal na batayang proseso ng pamamahala ng solid waste


sa bansa. Isa sa mga result nito ay ang pagkakaroon ng Material Recovery Facility,
pagsasagawa ng waste segregation, memorandum of agreement, at ang pagkakaroon ng
Best Practices sa iba’t-ibang lugar.

IBA PANG NON-GOVERNMENT ORAGANIZATIONS:

1. Mother Earth Foundation – tumutulong sa pagtatayo ng mga MRF sa mga barangay.


2. Clean and Green Foundation – pagpapatayo ng mga Orchidarium and Butterfly Pavillon,
Gift of Trees, Green Choice Philippines, Piso para sa Pasig at Trees for Life Philippines.
3. Bantay Kalikasan – paggamit ng mass media upang mamulat ang mga mamamayan sa
suliraning pangkapaligiran. Nanguna sa Reforestation ng La Mesa Water Shed at Pasig
River Rehabilitation Project.
4. Greenpeace – naglalayong baguhin ang pananaw ng tao sa pagtrato at pangangalaga ng
kalikasan.
Karagdagan Impormasyon:

Ang National Capital Region (NCR) na may tinatayang 12 milyong populasyon ang
pinakamalaking producer ng mga basura. Umaabot sa 3,466,469 na tonelada ng basura ang
naitala noong nakaraang taon. Ito ay 85% ng kabuuang basura sa buong bansa.
Papel at paperboards ang bumubuo sa malaking porsyento ng mga materyales sa mga
MSW (Municipal Solid Waste), na nasa 23.1% ng kabuuang basura. Ang mga papel at
paperboards ay bumaba mula 87.7 milyong tonelada noong taong 2000 sa 67.4 milyong
tonelada noong taong 2018.
Sa ngayon, mga plastik ang pinakamalaking problema. Tinatayang 2.7 milyong tonelada
ng plastik ang itinatapon sa kapaligiran. Ang 20 porsyento nito ay napupunta sa mga karagatan
na siyang sumisira sa mga nilalang sa dagat.
Ang Electronic Waste (E-Waste) o tinatawag din na Waste Electrical and Electronic
Equipment (WEEE) ay ang mga basurang may kinalaman sa electrical at mga appliances tulad ng
mga baterya, telebisyon, circuit boards, cellphone, atbp. ay nagtataglay ng mga metal na
nakakalason hindi lamang sa mga karagatan at kalupaan kundi sa ating mga tao rin. Ang pag-
digest ng mga lasong ito ay nagdudulot ng komplikasyon at sakit na minsan ay nauuwi sa
pagkaospital o hindi kaya’y pagkamatay.
Ang Republic Act 9003 (Solid Waste Management Act of 2000) o kilala rin sa tawag na
Ecological Solid Waste Management Act of 2000 ay naglalayong protektahan ang kalusugan ng
mga mamamayan at ng kapaligiran, mga paraan upang i-maximize ang paggamit ng mga
mahahalagang pinagkukunan, conserbasyon, at pagbawi ng mga likas na yaman. Ipinapatupad
din nito ang tamang paghihiwalay ng basura, pangongolekta, transportasyon, imbakan,
treatment, at pagtatapon ng solid wastes. Kabilang din sa layunin nito ang paghikayat sa mga
pribadong sektor na makilahok sa solid waste management.
Ang Material Recovery Facility (MRF), minsan tinatawag na Materials Reclamation
Facility o Materials Recycling Facility ay isang planta na naghihiwalay at naghahanda ng mga
single-stream recycling materials na ibenta sa mga end buyers. Ilan sa mga inihihiwalay ng mga
MRF ay ang mga plastics, cardboards (OCC), papel tulad ng newspapers, magazines, at iba pang
klase ng papel, karton, mga bote, at mga lalagyan na metal kasama nag aluminum at steel cans.
Ang single-stream recycling ay tumutukoy sa Sistema na kung saan ang lahat ng paper
fibers, plastic, metals, at iba pang lalagyan ay inilalagay sa iisang collection truck imbes na
paghiwa-hiwalayin habang kinokolekta.
May dalawang klase ang MRF; Clean at Dirty MRF
Ang Clean MRF ay nagpoproseso lamang ng mga residensyal at commercial na single-
stream recycling materials. Kinukuha ang mga napapakinabangang materyales na inilagay mo sa
iyong curbside recycling bin na kinukuha bawat lingo o higit pa. Mas mataas na tyansa ng
recovery rate kaysa dirty MRF.
Ang Dirty MRF naman ay nagpoproseso ng residensyal at komersiyal na basura ay
naglalayong hanapin ang mga napapakinabangang materyales na tinapon nang hindi tama. Pag
ito ay sinama sa Clean MRF, ang benipisyo ng Dirty MRF ay para sa kabutihan ng
pangkalahatang pagbawi (recovery) ng mga napapakinabangang materyales ngunit ang
downside nito ay kinakailangan ng malaking pondo para dito at kailangan ng maraming manu-
manong trabaho para alisin ang basura at ang mga natutunaw na recyclables tulad ng mixed
paper at OCC (Cardboard), na maaaring ma-kontamina o kontaminado.
May isa pang paraan ng MRF ngunit nabibilang ito sa Dirty MRF at ito ay tinatawag na
Wet MRF na kung saan ang tubig ay kasama sa paghihiwalay at paglilinis ng mga recycling
streams, at sa ibang sitwasyon, sinisimulang tunawin ang ilang mga organikong basura para sa
anaerobic digestion facility.
Ang waste segregation ay ang paghihiwa-hiwalay ng mga nabubulok sa hindi nabubulok
at napapakinabangang basura.

Lugar Best Practices


Sto. Tomas, Davao del Norte No Segregation, No Collection
No Orientation & Implementation of Ecological
Solid Waste Management, No Issuance of
Municipal Permit
Municipal-wide composting & livelihood projects
Quezon City Pioneering LGU in Dumpsite Conversion with
Methane Recovery for Power Generation
Barangay Bagumbuhay, Project 4 Quezon City Garbage = Points
Teresa, Rizal Residual Waste Management
Bago City, Negros Occidental Takakura Waste Composting
Sta. Rosa, Laguna Basuranihan – coined from basura (waste) and
bayanihan (cooperative effort)
Calatagan , Batangas Eco-Bank project
Magarao, Camarines Sur Zero Basura Olympics
Marikina City Food Waste Truck Program
Taguig City 4 o’clock Habit

You might also like