You are on page 1of 2

LEARNING ACTIVITY SHEET # 1

I.PANGUNAHING IMPORMASYON

Pangalan : ______________________________________________ Iskor: _______________________

Baitang/Pangkat: ________________________________________ Petsa:_______________________


 Pamagat ng Gawain: SULIRANING PANGKAPALIGIRAN: Solid Waste
 Sanggunian: file:///C:/Users/user/Desktop/RA_9003_2015_final.pdf
 https://youtu.be/dnzaCaM0XnA?si=rOVcip6GsXdhx6ss (DepEd TV)
I. TALANG HALAW NA KAISIPAN:

Suliraning Pangkapaligiran : Solid Waste

 Ang Solid Waste ay tumutukoy sa anumang basura, mga kalat, mga duming tinanggal sa isang water treatment facility, o
kahit ang mga duming tinanggal sa air pollution control facility, o anumang bagay na itinapon.
 Ang Batas Republika bilang 2003 na kilala bilang Ecological Solid Waste Management Act of 2000 , ang solid waste ay
ang tinatapong basura na nanggagaling sa kabahayan at komersyal na establisimyento,mga non hazardous na basurang
institusyunal at industriyal mga basura na galing sa lansangan at konstruksyon, mga basura na nagmumula sa sektor ng
agrikultura at iba pang basurang hindi nakakalason.
 Ayon sa National Solid Waste Managent Status Report (2008-2018) , ang Municipal Solid Waste (MSW) ay nagmumula
sa residensyal, komersyal, institusyunal, at Industriyal na establisimyento . Ayon sa ulat ang pinakamalaking
pinanggagalingan ng basura ay sa kabahayan ay ang kitchen waste gaya ng tirang pagkain, mga pinagbalatan ng prutas
at gulay at mga garden waste tulad ng damo at mga dahon.
 Nasa higit 40,000 toneladang basura ang itinatapon sa buong bansa kada araw, katumbas ng higit 4,000 malalaking
garbage truck, ayon sa DENR.
 Nasa 9,000 tonelada rito ay galing umano sa Metro Manila.
 Isa sa pangunahing suliranin sa solid waste ay ang kawalan ng disiplina sa pagtatapon ng basura . Marami ang
nagtatapon ng basura kung saan- saan kaya’t tone-toneladang basura ang tinatapon sa mga ilog, estero , kalsada at sa
bakanteng lote na nagpapalala ng pagbaha at paglaganap ng insekto na na nagdudulot ng iba’t ibang sakit.
 Nakadagdag pa sa suliranin sa basura ang kakulangan sa kaalaman ng kahalagahan ng waste segregation o pagbubukod
-bukod ng basura na sisimulan sa tahanan. Kung mahigpit sanang pinatutupad ang “No Segregation, No Collection
Policy” ay madali sanang pamahalaan at gagaan ang trabaho ng waste collector dahil hindi na sila magbubukod-bukod
sa halo-halong uri ng naipong basura bago dalhin sa landfill.
 Maaari rin magdulot ng sakit sa mga taong malapit sa landfill o dumpsites. Lumilikha ng mga insekto at pesteng
naglipana sa mga ito na magdadala ng iba’t ibang sakit sa mga tao malapit sa dumpsites.
 Ang katas ng basura ay magkokontamina sa tubig na maaari rin pagmulan ng sakit .
 Ang methane gas na galing sa mga dumpsites ay hindi lamang mapanganib sa kalusugan ng mga tao kungdi nagiging
sanhi ng global warning.
 Sa MRF din pansamantalang nilalagay ang mga balik gamit o recyclables na materyales gaya ng papel,
plastic, aluminum, maging mga gamit na gulong, atbp

III. Gawain: Basahin at unawain ang teksto sa itaas at ilapat sa mga hinihingi ng Environmental Issue Map.

Environmental Issue Map: Problema sa mataas na bilang ng solid waste.


Sanhi – Suriin ang mga pinagmulan ng suliranin sa solid waste.
Epekto- Suriin ang naging epekto sa iba’t-ibang aspekto ng pamumuhay .
Kaugnayan- Suriin ang kaugnayan nito sa mga likas na yaman ng bansa.
Tunguhin : Suriin ang epekto nito kung magpapatuloy ang ganitong suliranin sa kapaligiran.
Rekomendasyon: Suriin kung ano ang nararapat na pagtugon ng bawat pamilya upang makontrol ang suliranin
sa solid waste.
Environmental Issue Map: Solid Waste

SANHI

EPEKTO

KAUGNAYAN TUNGUHIN REKOMENDASYON

You might also like