Professional Documents
Culture Documents
Solid Waste – tumutukoy sa mga basurang nagmula sa mga tahanan at komersiyal na establisimyento, mga basura
na nakikita sa paligid, mga basura na nagmumula sa sa sektor ng agrikultura at iba pang basurang hindi nakakalason.
Ayon sa pag-aaral ni Oliveira at mga kasama (2013), ang Pilipinas ay nakalikha ng 39,422 tonelada ng basura
kada araw noong taong 2015. Halos 25% ng mga basura ng Pilipinas ay nanggagaling sa Metro Manila kung saan ang
isang tao ay nakalilikha ng 0.7 kilong basura araw-araw. Nagkakaroon ng suliranin sa solid waste sa bansa dahil sa
iba’t ibang dahilan. Marami ang walang disiplina sa pagtatapon ng basura. Marami ang nagtatapon ng basura mula sa
tahanan kung saan-saan. Tone-toneladang basura ang itinatapon sa mga ilog, estero, kalsada, at bakanteng lote na
lalong nagpapalala sa pagbaha at paglaganap ng mga insekto na nagdudulot naman ng iba’t ibang sakit.
Nakadadagdag pa sa suliranin sa basura ang kakulangan ng kaalaman o di kaya’y di pagsunod sa tinatawag na
waste segregation o pagbubukod ng basura lalo na ang pagbubukod ng basura sa pinagmulan nito. Kung mahigpit
sanang ipinatutupad ito gaya ng patakarang “no segregation, no collection policy” mas madali sana ang
pamamahala sa mga basura. Mababawasan din ang trabaho ng mga waste collector dahil hindi na nila kailangan pang
magsagawa ng waste segregation bago dalhin ang mga nakolektang basura sa mga dumpsite. Ang hindi maayos
na pagtatapon ng basura ay nakaaapekto sa kapaligiran at kalusugan. Dahil may iba’t-ibang pinagmumulan
ang basura, mapanganib para sa mga taong nakatira malapit sa mga dumpsite ang mga ito. Maaaring makakuha sila
ng iba’t-ibang uri ng sakit dala ng mga insekto at pesteng naglipana sa mga basurahang ito.
Ang leachate o katas ng basura ay nakakokontamina sa tubig na maaring pagmulan din ng sakit ng mga
tao. Ang methane gas na galing sa mga dumpsites ay hindi lamang mapanganib sa kalusugan ng mga tao kundi
nagiging sanhi rin ng global warming. Isa pang lumalaking suliranin ng Pilipinas ay ang tamang
pagtatapon ng electronic waste o e-waste tulad ngcomputer, cellphone, at tv. Lumabas sa pagsusuri na
ginawa ng Global Information Society (2010), na humigit kumulang sa anim na toneladang e-waste ang tinatapon sa
landfill na siyang kinukuha ng mga waste pickers upang ipagbili ang anomang bahagi nito na mapapakinabangan.
Subalit ang mga ginagawang pamamaraan tulad ng pagsunog upang makuha ang tanso, at pagbabaklas ng e-waste
ay nagdudulot ng panganib dahil pinagmumulan ito ng mga delikadong kemikal tulad ng lead, cadmium, barium,
mercury, at polyvinyl chloride na nakalalason ng lupa at maging ng tubig (Mooney, Knox, & Schacht, 2011).
✓ Republic Act 9003 (Ecological Solid Waste Management Act of 2000) – Nakasaad sa batas na ito ang
mga alituntunin sa wastong pamamahala ng basura at pagpapatupad ng mga programang nakatuon sa
pakikiisa ng bawat mamamayan upang mabawasan ang basurang itinatapon.
• Pagtatayo ng mga Materials Recovery Facility (MRF) kung saan isasagawa ang waste segregation bago
dalhin ang nakolektang basura sa mga dumpsite.
• Pagtatatag ng National Solid Waste Management Commission at ng National Ecology Center.
• Pagsasaayos ng mga tapunan ng basura.
✓ Sa seksyon 48 ng batas na ito, nakasaad na ipinagbabawal ang pagtatapon o pagtatambak ng anumang uri
ng basura sa mga pampublikong lugar. Kabilang sa mga pampublikong lugar ay mga daan, bangketa,
bakanteng lote, kanal, estero, at parke, harapan ng establisimiyento, maging sa baybay-ilog at baybay-dagat.
✓ National Solid Waste Management Commission – ang nangangasiwa sa pagpapatupad ng mga plano sa
pamamahala ng mga basura o ang tinatawag na Solid Waste Management (SWM) Plan. Ito ay binubuo ng 14
na ahensya mula sa pamahalaan sa pangunguna ng Department of Environment and Natural Resources
(DENR) at 3 naman mula sa pribadong sektor.
Bukod sa DENR, ang sumusunod ay ang mga ahensya ng pamahalaan na bumubuo sa NSWMC:
Materials Recovery Facility (MRF) – Ang pinaglalagyan ng mga nakolektang nabubulok na basura upang gawing
compost o pataba ng lupa. Dito rin pansamantalang inilalagak ang mga balik-gamit (recyclables) na bagay tulad ng
bote, plastic, papel, lata, at iba pa. Isinasagawa rin dito ang pagbubukod ng mga basurang nakolekta mula sa
pinagmulan.
Upang maayos ang pagapapatupad ng waste segregation at resource recovery, kinakailangang
maisagawa ang mga sumusunod:
• Pagbubukod sa mga basurang nabubulok, balik-gamit, special wastes at latak, o tirang basura. Dapat
magkakahiwalay ang kanilang lalagyan.
• Pagsunod sa iskedyul ng pangongolekta ng basura
• Pagkakaroon ng Materials Recovery Facility (MRF)
• Kung may mga special waste o recyclable dapat alam kung saan ito dadalhin o pwedeng ibenta.
Mga pinagbabawal sa Republic Act 9003
• Pagsusunog ng basura
• Pagpapakolekta o pagpayag sa pagkolekta ng hindi pinaghiwa-hiwalay na basura
• Pagtatambak/pagbabaon ng mga basura sa mga lugar na binabaha
• Walang paalam na pagkuha ng recyclables na may nakatalagang mangongolekta.
Ang kagubatan ang siyang nagsisilbing tahanan ng iba’t ibang hayop at organismo na nagpapanatili ng balanse sa
kalikasan. Dito rin nagmumula ang iba’t ibang mga produkto tulad ng tubig, gamot, damit at iba pang pangunahing
pangangailangan ng tao. Dahil sa yamang nakukuha mula rito, mayroong mga industriya na nakapagbibigay ng
trabaho sa mga mamamayan (Philippine Tropical Forest Conservation Foundation, 2013).
Deporestasyon - ayon sa Food and Agriculture (FAO), ito ang pangmatagalan at permanenteng pagkasira ng
kagubatan dulot ng iba’t ibang gawain ng tao. Halimbawa ng gawaing ito ay ang ilegal na pagtotroso, ilegal na
pagmimina, migrasyon, mabilis na paglaki ng populasyon at fuel harvesting.
GAWAIN EPEKTO
Illegal Logging – ang tawag sa illegal na pagputol ng • Nakapagdudulot ng suliranin tulad ng pagbaha,
puno sa kagubatan. Ito ay pinalubha ng kawalan ng ngipin pagguho ng lupa at pagkasira ng tahanan ng
sa pagpapatupad ng mga batas sa illegal logging sa bansa. mga ibon at hayop.
• Ang lumilipat sa kagubatan at kabundukan at
Migration – tumutukoy sa paglipat ng tao sa ibang lugar nagsasagawa ng kaingin (slash-and-burn
upang doon manirahan. farming) na nagiging dahilan ng pagkakalbo ng
kagubatan at pagkawala ng sustansiya ng
lupain dito.
• Dahil sa mabilis na pagtaas ng populasyon, ang
mga dating kagubatan ay ginawang plantasyon,
Mabilis na pagtaas ng populasyon
subdivision, paaralan at iba pang
imprastruktura upang matugunan ang mataas
na demand sa pangunahing pangangailangan.
• Ang mataas na demand sa mga uling sa
Fuel Harvesting o paggamit ng puno bilang
pagluluto ng kahoy sa paggawang produkto ay
panggatong.
nagiging dahilan ng pagputol ng mga puno sa
kagubatan.
• Sa mga kagubatan kadalasan matatagpuan ang
deposito ng mga mineral tulad ng limestone,
Ilegal na Pagmimina
nickel, copper o ginto. Dahil dito,
kinakailangang putulin ang mga puno upang
maging maayos ang operasyon ng pagmimina.
BATAS PROBISYON
Batas Republika Bilang 2706 • Itinatag ang Reforestation Administration.
• Layunin nito na mapasidhi ang mga programa para sa reforestation ng
bansa.
Presidential Decree 705 • Ipinag-utos ang pagsasagawa ng reforestation sa buong bansa kasama
ang pribadong sektor.
• Ipinagbawal din ang pagsasagawa ng sistema ng pagkakaingin.
Batas Republika Bilang 7586 • Idineklara ang ilang pook bilang national park kung saan ipinagbawal dito
National Integrated Protected ang panghuhuli ng hayop, pagtotroso, at iba pang komersyal na gawain
Areas System Act of 1992 ng tao.
Batas Republika Bilang 8749 • Itinataguyod nito ang pagtugon sa suliranin sa polusyon sa hangin sa
Philippine Clean Air Act of 1999 pamamagitan ng pakikipagtulungan ng mga mamamayan at mga
industriya.
Batas Republika Bilang 9072 • Layunin ng batas na ito na ingatan at protektahan ang mga kuweba at
“National Caves and Cave ang mga yaman nito bilang bahagi ng likas na yaman ng bansa.
Resources Management and
Protection Act”.
Batas Republika Republika • Binibigyang proteksyon ng batas na ito ang pangangalaga sa mga wildlife
Bilang 9147 resources at sa kanilang tirahan upang mapanatili ang timbang na
“Wildlife Resources Conservation kalagayang ekolohikal ng bansa.
and Protection Act”
Batas Republika Bilang 9175 • Ipinagbawal ng batas na ito ang paggamit ng chainsaw upang matigil ang
“The Chainsaw Act” ilegal na pagtotroso at iba pang gawaing nakasisira ng kagubatan.
• Ang batas na ito ay naglalayong protektahan at ingatan ang mga yamang
gubat sa pamamagitan ng tinatawag na Sustainable Forest Manangement
(SFM).
Republic Act 8371 • Batas na nagtataguyod at kumikilala sa Karapatan ng mga katutubo at sa
“Indigenous People’s Rights Act” kanilang kontribusyon sa pangangalaga sa kapaligiran.
(IPRA)
Proclamation No. 643 • Ipinahayag ang June 25 bilang Philippines Arbor Day.
• Hinakayat ang pakikiisa ng lahat ng ahensya ng pamahalaan, pribadong
sektor, paaralan, NGO, at mga mamamayan upang makihalok sa
pagtatanim ng puno.
Executive Order No. 23 • Ipinatigil ang pagputol ng puno sa natural at residual na kagubatan.
Ipinag-utos din ang paglikha ng anti-illegal logging task force.
Executive Order No. 26 • Ipinahayag ang pangangailangan sa pagtutulugan ng iba’t ibang ahensya
ng pamahalaan para sa National Greening Program.
PAGKU-QUARRY o QUARRYING
Ito ang paraan ng pagkuha ng mga bato, buhangin, graba at iba pang mineral mula sa lupa sa pamamagitan
ng pagtitibag, paghuhukay, o pagbabarena. Ginagawa ang pagku-quarry sa mga bundok at sa mga tabing dagat.
Ginagamit sa paggawa ng mga gusali, kalsada, tulay, bahay, at marami pang iba ang mga bagay na nagmumula sa
pagku-quarry. Malaki ang ambag ng gawaing ito sa pag-unlad ng mga pamayanan dahil dito nanggagaling ang mga
kagamitang panangkap na kinakailangan sa pagpapagawa ng mga pasilidad at serbisyo sa mga komunidad.
Nagbibigay din ito ng trabaho, partikular ang mga inhinyero, mekaniko, at iba pa at sa negosyo particular sa
konstruksiyon. Sa kabilang banda ay mayroon naman itong masamang dulot sa kapaligiran gaya ng polusyon sa
hangin na dulot ng alikabok at usok na nagmumula sa quarry site. Bukod sa polusyong dulot nito, maaari ring
pagmulan ito ng mga sakit sa baga. Nasisira rin ang katubigan dahil sa mga basura o quarry waste na naitatapon
dito. Ang pagkasira ng biodiversity at ecological balance ang pinakamatinding epekto ng quarrying.
PAGMIMINA o MINING
Pagmimina – isang proseso ng paghuhukay at pagkuha ng mga bagay mula sa lupa. Ang anumang materyal na
hindi malilikha at mapapalago ay kailangang minahin. Ang pagmimina ng mga bagay mula sa lupa ay tinatawag
na ekstraksyon, paghango, o paghugot.
Ang pagmimina o mining ay ang gawain kung saan ang iba’t ibang mineral tulad ng metal, di-metal, at
enerhiyang mineral ay kinukuha at pinoproseso upang gawing tapos na produkto. Maraming minahan sa Pilipinas. Sa
mga key biodiversity areas tulad ng Palawan, Mindoro, Sierra Madre, at Mindanao matatagpuan ang 23 malalaking
minahan sa bansa ayon sa 4th Philippine National Report to the Convention on Biological Diversity (2009).
Sa kabila ng mga benepisyong nakukuha mula sa pagmimina ay marami itong masamang dulot
sa kalikasan.
• Ang mga ilog, lawa, at iba pang anyong tubig ay nakokontamina at nalalason. Dahil sa kemikal na kumakalat sa
mga ilog, nagkakaroon ng mga fishkill, katulad ng nangyari sa Leyte na sumira sa kabuhayan ng mga
mangingisda.
• Ang mga minahan sa mga lugar na may mataas na banta ng pagguho ay nagdudulot ng trahedya. Marami nang
mga minahan ang gumuho na naging dahilan ng pagkamatay ng marami.
• Ang mga inabandonang minahan naman ay nagdudulot pa rin ng banta ng pagguho dahil nanatili pa rin itong
nakatiwangwang at hindi naaayos.
BATAS PROBISYON
• Ito ay naisabatas noong 1995 upang makapagbigay ng makabuluhang
panlipunan at pangkapaligirang kaligtasan mula sa pagmimina kasama
Philippine Mining Act ang obligasyon ng mga industriyang nagsasagawa nito. Ang batas na
ito ay nilikha upang masubaybayan ang operasyon ng pagmimina sa
buong bansa kasabay ng pangangalaga sa kalikasan.
• Ipinatupad ito upang mapagtibay ang proteksiyong pangkapaligiran,
masuportahan ang responsableng pagmimina, at makapagbigay ng
Executive Order No. 79
karampatang revenue-sharing scheme kasabay ng paglago ng
industriya ng pagmimina.
• Layunin nitong ayusin ang mga makatuwirang pananaliksik sa
pagmimina, at masubaybayan ang paggamit ng mga yamang mineral.
Philippine Mineral Resources
Tinitiyak nito ang pantay-pantay na benepisyong maibibigay ng
Act of 2012
pagmimina sa estado ng Pilipinas, sa mga katutubo, at sa mga lokal na
komunidad.
CLIMATE CHANGE
Ang Pilipinas ay naitala bilang pang-apat sa sampung bansa na pinaka- naapektuhan ng Climate Change ayon
sa 2016 edisyon ng Global Climate Risk Index (Sönke, Eckstein, Dorsh, & Fischer, 2015). Dahil sa climate change mas
lumakas, dumalas, at nagiging unpredictable ang pagkakaroon ng mga natural na kalamidad tulad ng bagyo, pagbaha
at malalakas na ulan na nararanasan sa Pilipinas.
Ang climate change ay tumutukoy sa pagbabago ng klima sa buong mundo. Ito ay naramdaman simula
noong kalagitnaan ng ika-20 na siglo. Ayon sa Climate Change at Pagpapalayan (2014), “ito ay ang abnormal na
pagbabago ng klima tulad ng pag-init o paglamig ng temperatura, at tuluy-tuloy at malakas na pag-
ulan sa isang lugar”.
Dapat protektahan at isulong ng pamahalaan ang karapatan ng mga mamamayan sa isang balanse at malusog na
kapaligiran (Artikulo 2 Seksiyon 16 ng 1987 Konstitusyon ng Pilipinas). Ito ang batayan sa paglikha noong
Hulyo 27, 2009 sa Republic Act No. 9729 na kilala bilang Climate Change Act of 2009.
BATAS/PROGRAMA PROBISYON
• Nakasaad sa batas na ito ang pagbalangkas ng pamahalaan ng mga
Republic Act No. 9729 programa at proyekto, mga plano at estratehiya, mga patakaran, ang
Climate Change Act of 2009 paglikha ng Climate Change Commission at ang pagtatatag ng National
Framework Strategy and Program on Climate Change.
• ang tanging ahensya na may tungkuling makipag-ugnayan,
Climate Change Commission
bumalangkas, sumubaybay at sumuri ng mga programa at mga
pagkilos hinggil sa pagbabago ng klima.
• binuo upang pagaanin ang masamang epekto ng climate change at
Philippine Task Force on
magsagawa ng isang mabilis na pagsusuri ng mga epekto nito sa
Climate Change (PTFCC)
bansa.
DISASTER MANAGEMENT
• Ayon kay W. Nick Carter (1992), ito ay isang dinamikong proseso na sumasakop sa pamamahala ng
pagpaplano, pag-oorganisa, pagtukoy ng mga kasapi, pamumuno, at pagkontrol.
• Binigyang diin nina Ondiz at Rodito (2009), na ang disaster management ay tumutukoy sa iba’t ibang gawain
na binuo upang mapanatili ang kaayusan sa panahon ng sakuna, kalamidad, at hazard.
• At ayon naman sa Red Cross Disaster Management Manual, ito ay isang ahensiya na may administratibong
desisyon, at gawain patungkol sa bawat yugto ng isang sakuna.
Mapapansin sa mga kahulugan na ang pamamahala sa kalamidad (disaster management), ay hindi lamang
tumutugon pagkatapos ng kalamidad, bagkus gumagawa din ng mga hakbang upang muling makabangon at
manumbalik sa dating pamumuhay ang mga tao sa isang komunidad.
TERMINO KAHULUGAN
• Anthropogenic Hazard o Human-Induced Hazard – ito ay tumutukoy sa mga hazard na bunga ng mga
gawain ng tao. Ang maitim na usok na ibinubuga ng mga pabrika at mga sasakyan ay ilan sa mga halimbawa ng
anthropogenic hazard.
• Natural Hazard – ito naman ay tumutukoy sa mga hazard na dulot ng kalikasan. Ilan sa halimbawa nito ay ang
bagyo, lindol, tsunami, thunderstorms, storm surge, at landslide. Ipinakikita sa kasunod na larawan ang
pagbabalita sa pagdating ng isang malakas na bagyo.
Mga pinsala sa tao, ari-arian, at buhay dulot ng isang kalamidad o sakuna. Ang
mababang kapasidad ng isang pamayanan na harapin ang panganib na dulot ng
RISK
kalamidad ay nagiging dahilan ng mas mataas na pinsala. May dalawang uri ito, ang
human risk at structural risk.
Binigyang-diin dito na mahalaga ang aktibong pakikilahok ng lahat ng sektor ng isang lugar upang:
• mabawasan o mapababa ang epekto ng mga hazard at kalamidad.
• magkaroon ng mas maayos na plano na tutugon sa panahon ng kalamidad upang mailigtas ang mas maraming
buhay at ari-arian sa halip na umasa lang sa tulong galing sa pambansang pamahalaan.
• mabigyan ng karampatang solusyon ang iba’t ibang suliranin na dulot ng kalamidad dahil sa mas organisadong
plano na gawa ng lahat ng sektor ng pamayanan.
Layunin ng CBDRM:
• Bumuo ng isang pamayanang handa at matatag sa pagharap sa mga hamong pangkapaligiran na nakasalalay
sa mabuting pagpaplano, pagtataya, at paghahandang nakapaloob sa disaster management plan.
Maging disaster-resilient ang mga pamayanan at maayos na maisagawa ang Community-Based Disaster and
Risk Management Approach.
CBDRM APPROACH
BOTTOM–UP APROACH
• Ang pagtukoy, pag-aanalisa, at paglutas sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran na nararanasan sa isang
pamayanan ay nagmumula sa mga mamamayan at iba pang sektor ng pamayanan.
• Ang pamumuno ng lokal na pamayanan ang pangunahing kailangan para sa grassroots development kasama
na ang mga lokal na pamahalaan, pribadong sector, at mga NGO’s.
• Nabibigyan ng pansin ang magkakaibang pananaw ng iba’t ibang grupo sa isang pamayanan na makatutulong
sa paglaban sa mga hazard at kalamidad.
• Ang karanasan at pananaw ng mga taong nakatira sa isang disaster-prone area ang nagiging pangunahing
batayan ng plano.
• Ang pagkilala sa mga pamayanan na may maayos na pagpapatupad ay isa sa mga salik upang maipagpatuloy
ang matagumpay na bottom-up approach.
• Kailangan ang maingat at responsableng paggamit ng mga tulong-pinansyal.
• Ang matagumpay na bottom-up strategy ay natatamo dahil sa malawakang partisipasyon ng mga
mamamayan sa komprehensibong pagpaplano at pagbuo ng desisyon.
TOP–DOWN APROACH
• Ipinapaubaya sa mas nakatataas na tanggapan o ahensiya ng pamahalaan ang lahat ng mga gawain tulad ng
pagpaplano hanggang sa pagtugon sa panahon ng kalamidad. Halimbawa: Ang isang barangay na nakaranas
ng sakuna at kalamidad ay aasa lamang ito sa tulong at desisyon na Pambayan o Panlungsod na Pamahalaan.
• Karaniwan ang sistemang ito ay laging binabatikos at nakatatanggap ng mga kritisismo sa kadahilanang
napapabayaan ang mga mamamayang may mataas na posibilidad na makaranas ng epekto ng kalamidad at
kadalasang hindi naibibigay ang mga pangangailangan ng mga tao.
• Kadalasan ang pananaw lamang ng namumuno ang nabibigyang-pansin sa paggawa ng plano kung kaya’t
limitado ang pagbuo sa disaster management plan.
• Ang mga karanasan, pananaw, at pangangailanagan ng mga mamamayan ay hindi rin nabibigyan ng pansin.
Sa kabuoan, nagiging mabagal ang pagtugon sa mga pangangailangan ng mga mamamayan sanhi ng hindi
pagkakasundo ng Pambansang Pamahalaan at ng Lokal na Pamahalaan tungkol sa mga patakaran at
hakbangin na dapat gawin sa panahon o pagkatapos ng kalamidad.
Ang kalakasan ng dalawang approach ay napakahalaga sa pagpaplano ng disaster risk management. Ang mga pananaw ng mga
namumuno sa pamahalaan ay dapat at mahalagang maisaalang-alang dahil sa kanilang kaalaman sa mga sistemang ipinapatupad
ng disaster management.
Magkakaroon ng holistic na pagtingin sa kalamidad at hazard sa isang pamayanan kung magsasanib ang dalawang approach.
Mainam din na isaalang-alang ang pananaw at karanasan ng mga mamamayan sa pagbuo ng disaster risk management.
DISASTER PREVENTION AND MITIGATION
Sa bahaging ito ng disaster management plan, tinataya ang mga hazard at kakayahan ng pamayanan sa pagharap
sa iba’t ibang suliraning pangkapaligiran. Mula sa mga impormasyon na nakuha sa pagtataya ay bubuo ng plano upang
maging handa ang isang pamayanan sa panahon ng sakuna at kalamidad.
1. HAZARD ASSESSMENT
• ito ay tumutukoy sa pagsusuri sa lawak, sakop, at pinsala na maaaring danasin ng isang lugar kung ito ay
mahaharap sa isang sakuna o kalamidad sa isang partikular na panahon.
• Sa pamamagitan ng hazard assessment, natutukoy kung ano-ano ang mga hazard na gawa ng kalikasan o gawa ng
tao na maaaring maganap sa isang lugar.
• Pisikal na Katangian ng Hazard
✓ Lawak – sakop at tagal ng epekto ng hazard
✓ Saklaw – pagtukoy kung sino ang maaapektuhan ng hazard
✓ Predictability – panahon kung kailan darating ang hazard.
✓ Manageability – kakayahan ng komunidad na harapin ang hazard upang mabawasan ang pinsala.
• Temporal na Katangian ng Hazard
(Ito ay tumutukoy sa kung gaano karami ang naganap na hazard)
✓ Frequency – dalas ng pagdanas ng hazard
✓ Duration – tagal kung kailan nararanasan ang hazard
✓ Speed of onset – bilis ng pagtama ng hazard
✓ Forewarning – panahon oras sa pagitan sa oras ng pagtama ng hazard sa isang lugar
✓ Force – lakas na dulot ng hazard tulad ng hangin, tubig, flashflood at iba pa.
• Dalawang mahahalagang proseso sa pagsasagawa ng hazard assessment:
✓ HAZARD MAPPING – ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagtukoy sa mapa ng mga lugar na maaring
masalanta ng hazard at mga elemento tulad ng gusali, taniman, kabahayan na maaring mapinsala
✓ HISTORICAL PROFILING – gumagawa ng historical profile o timeline of events upang makita kung ano ang
mga hazard na nararanasan ng isang komunidad, gaano ito kadalas at alin sa mga ito ang pinakamapinsala.
2. VULNERABILITY ASSESSMENT
• tinataya nito ang kahinaan o kakulangan ng isang tahanan o komunidad na harapin o bumangon sa pinsalang
dulot ng hazard.
• Ang pagiging vulnerable ng isang lugar ay nangangahulugang mayroon itong kakulangan sa mga nabanggit na
kategorya. Bunga nito, nagiging mas malawak ang pinsala na dulot ng hazard.
• Halimbawa, kung ang isang komunidad ay walang pakialam sa mga programang pangkaligtasan ng kanilang
pamahalaan, hindi nila alam ang kanilang gagawin sa panahon ng sakuna o kalamidad. Ang mga mamamayang ito
ay matatawag na vulnerable dahil sila ang mga posibleng maging biktima ng sakuna o kalamidad.
• Sa pagsasagawa ng Vulnerability Assessment, kinakailangang suriin ang mga sumusunod:
✓ People at Risk – tinutukoy ang mga grupo ng tao na maaaring higit na maapektuhan ng kalamidad.
✓ Location of People at Risk – tumutukoy ito sa lokasyon o tirahan ng mga taong natukoy na vulnerable.
✓ Elements at Risk – tumutukoy ito sa tao, hayop, mga pananim, bahay, kasangkapan, kagamitan para sa
transportasyon at komunikasyon at pag-uugali na higit na maapektuhan ng kalamidad.
3. CAPACITY ASSESSMENT
• sinusuri nito ang kapasidad ng komunidad na harapin ang anumang hazard. Sa pagsasagawa nito itinatala ang
mga kagamitan, imprastruktura, at mga tauhan na kakailanganin sa panahon ng pagtama ng hazard o kalamidad.
• Kategorya ng Capacity Assesment:
✓ Pisikal o Materyal – tumutukoy sa materyal na yaman (halimbawa pera, likas na yaman)
✓ Panlipunan – kawalan ng kakayahan ng grupo ng tao sa Lipunan (halimbawa matatanda, kabataan, may-
sakit, mga buntis)
✓ Paguugali Tungkol sa Hazard – paniniwala o gawi na nakahahadlang sa pagiging ligtas ng komunidad
(halimbawa: paghahanda ng emergency kit, pagiging kalmado sa panahon ng sakuna)
4. RISK ASSESSMENT
• Kung ang Disaster prevention ay tumutukoy sa pag-iwas sa mga hazard at kalamidad, sinisikap naman ng mga
gawain sa disaster mitigation na mabawasan ang malubhang epekto nito sa tao, ari-arian, at kalikasan.
• Ito ay tumutukoy sa mga hakbang na dapat gawin bago ang pagtama ng sakuna, kalamidad at hazard na may
layuning maiwasan o mapigilan ang malawakang pinsala sa tao at kalikasan.
• Dalawang Uri ng Mitigation:
✓ Structural Mitigation – tumutukoy sa mga paghahandang ginawa sa pisikal na kaayusan ng isang komunidad
upang ito ay maging matatag sa panahon ng pagtama ng sakuna.
✓ Non-Structural Mitigation – tumutukoy sa mga ginagawang paghahanda at pagpaplano ng pamahalaan
upang maging ligtas ang komunidad sa panahon ng sakuna.