You are on page 1of 50

TUNAY NA MAHUSAY

Pagharap ng mga Guro sa


pagsubok ng magkaibang
asignaturang panturo sa kanilang
kadalubhasaan

Ihinada ng Unang Pangkat


11 STEM B
KABANATA I
ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NG PAG-AARAL
PANIMULA

Pag-usbong ng bagong kurikulum na nagbubungsod sa


pagkakaroon ng salik sa pagitan ng mga asignaturang itinuturo ng
mga guro. Ang isa sa mga bagay na naging bunga ng mabilis na
pag usbong ng kurikulum ay ang “job mismatch”o pagsulong sa
isang trabaho na hindi napagaralan o tinapos sa iyong pag-aaral. Sa
pangkat ng mga guro, mayroong tinatawag na “out-of-field
teaching” o pagtuturo ng isang guro sa asignaturang hindi niya
dinalubhasa.
KALIGIRAN NG PAG AARAL

Pagtukoy sa pinagmulan ng mga suliraning makakaharap ng


mga guro sa pagtuturo ng asignaturang hindi nila dinalubhasa.
BATAYANG TEORITIKAL
Mga teoryang naglalaman ng mga detalyeng konektado sa
ginagawang pag-aaral. Ito ay mga sumusunod:

Teorya ni Lev Vygotesky na Zone of Proximal Development Zone


 Na kung saan pumapaloob ang mga gawaing higit sa kayang
gawin ng mga mag aaral mag isa. Nakapaloob din dito ang
scaffolding o gabay.
Teorya ni Jean Pjaget na Theory of Cognitive Development
Ayon dito ng mga mag aaral ay mas natututo pag ito’y kanilang
ginagawa imbis na sinasabi lang. Nakapaloob dito ang Schema,
ito ang mga bagay o kaalamang iyo ng naranasan at natutuhan.

Teorya ni B.F. Skinner na Behaviorism


Binibigyang diin dito na ang mga positibong komento at
pagbibigay ng gantimpala sa mga mag aaral ay nagdudulot ng
magandang impluwensya upang sila ay matulak upang magpursigi
sa mga gawain samantalang ang mga negatibo o ang pagpaparusa
ay nagtutulak at nag uudyok upang sila ay mawalan ng gana.
Teorya ni Jerome Bruner na Theory on learner’s varied world perception
Na ang mga ideya ngayong iyong nilalathala ay mula sa mga karanasan
at kaalamang dati mo pang nalaman at natutuhan.
Teorya ni Benjamin Bloom na Bloom’s Taxonomy
Dito naisasalaysay at nailalahad na ang mga bagay ay nagmumula‘t
nag uumpisa muna sa kaalaman at mapapalawak pa ito sa pamamagitan ng
pagsusuri.

Teorya ni Howard Gardner na Multiple Intelligence (1983)


Na ang bawat tao ay may maraming paraan upang matuto.
Ang pananaliksik na ito
ay ginamitan ng INPUT-
PROCESS-OUTPUT
model upang mailahad
ng mas maayos ang
bawat hakbang na
gagawin.
LAYUNIN NG PAG-AARAL
Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay maipabatid sa
administrasyon ng paaralan ang epekto sa guro at mga estudyante ng
pagtuturo ng guro ng asignaturang hindi naka ayon sa kanilang
pagkadalubhasa.

Mithiin din ng pag-aaral na makamtam ang mga sumusunod na


spisipikong layunin:
1.)Isa-isahin ang mga sanhi ng kakulangan ng guro sa Colegio de Calumpit
2.)Makapagtala ng mga maaaring gawin upang mas mapaunlad ang kalidad
ng pagtuturo sa Colegio de Calumpit.
3.)Maisa isa ang mga epekto ng bagong kurikulum sa mga guro at
estudyante sa Colegio de Calumpit.

4.)Mailahad ang epekto ng kakulangan sa guro at kalidad ng pagtuturo sa


Colegio de Calumpit.

5.)Mailahad ang mga gurong nagtuturo ng mga asignaturang hindi nila


dinalubhasa.
SAKLAW AT LIMITASYON
Ito ay nakatuon sa mga guro sa Colegio de Calumpit na
nagtuturo ng asignaturang hindi nila pinagkadalubhasaan.
Isasagawa ang pag-aaral na ito sa taong pampamunuan 2018-
2019.
Hinahangad na masuri ang mga pananaw at persepsyon ng mga
guro sa mga epektong dulot ng pagtuturo ng asignaturang hindi
angkop sa kanilang kadalubhasaan.
Ang mga respondente ay mga guro at mag-aaral na nagmula sa
departamento ng Senior High School.
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
Ang pananaliksik na ito ay magsisilbing gabay at makakatulong
sa mga sumusunod:
Para sa mga Guro - Makatutulong ito sa mga guro upang lalong
mapalawak ang kanilang kaalaman kung paano maging isang
mahusay na guro kaakibat ng pagtuturo ng asignaturang hindi
nila dinalubhasa.
Para sa mga Mag-aaral - Ito ay upang malaman nila ang mga
epekto kapag ang guro ay nagtuturo ng mga asignaturang hindi
nito dinalubhasa.
Para sa mga Magulang - Bilang unang guro ng kanilang mga
anak sapat sila ay nakasisigurado na ang kanilang anak ay may
nakukuhang sapat at tamang kaalaman sa kabila ng
pagkakaroon ng out-of-field teaching.
Para sa administrasyon ng Paaralan - Makakatulong ang
pananaliksik na ito upang magkaroon sila ng kaalaman kung
ano ang maaari nilang ibahagi o gawing aksyon upang
masolusyonan ang out-of-field teaching.
Para sa Institusyon - Mas mapapaganda ang imahe ng
institusyon dahil maisasaayos ang maling sistema nito.

Para sa mga mananaliksik sa hinaharap- Maaari nila itong


magamit at mapagbatayan para sa paggawa ng panibagong
pananaliksik.
KAHULUGAN NG MGA
TERMINOLOHIYA
 Asignatura - aralín sa paaralan na kailangang pagdaanan sa
loob ng isang semestre o isang taon.
 Akademiya - ito ay Institusyon kung saan may ispesipikong
tinuturo.
 Larangan - ito ay ang isang trabaho o gawaing napili na angkop
sa kaalaman at kakayahan ng isang indibidwal.
Mismatch Job - ito ay tumutukoy sa isang kalagayan sa
paggawa, kung saan ang isang indibidwal ay may trabaho ngunit
hindi tugma sa kakayanan o pinag-aralan nito.
Out-of-Akademiya - ito ay Institusyon kung saan may
ispesipikong tinuturo.
Field teaching - ang suliraning hatid ng out-of-field teaching o
pagtuturo ng isang guro ng asignaturang hindi niya napagtapusan
ay ang pagtuturo ng asignaturang hindi angkop sa kaniyang
dinalubhasang asignatura.
KABANATA II
MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL
LOKAL NA LITERATURA
KAKULANGAN SA GURO

• Ayon sa pag-aaral ng Alliance of Concerned Teachers (ACT),


ang mga pampublikong paaralan sa bansa ay nakakaranas ng
182,483 kakulangan sa mga guro, 97,685 kakulangan sa mga
silid-aralan, at 153,709 kakulangan sa palikuran. Naglaan
lamang ang Department of Budget Management ng P259.25 B
para sa 2013 gayong ang pangangailangan sa edukasyon ay
tinatayang aabot sa P338.20 B.
MABILIS NA PAG-USBONG NG BAGONG KURIKULUM

• Ayon sa pahayagang Sun Star Pampanga (2017), Ang


pagusbong ng makabagong kurikulum ay isang malaking
hamon para sa administrasyon,guro,magulang at mag-
aaral. Ito ay nangangalaingan ng mahabang panahon ng
preparasyon upang ito ay maisagawa ng maayos.
Maraming guro sa bansa ang hindi pa handa sa bagong
kurikulum kaya’t maari itong magdulot ng masamang
epekto sa mga estudyante.
BILANG NG MGA MAG-AARAL
• Ayon kay Briones (2018 May, 2) isang sekretarya sa
Department of Education (DepEd) na nasa 29 na milyong
estudyante ang papasok sa taong pampanuruang 2018-2019.
Aniya, inaasahan din nila ang nasa 1.5 million Senior High
School students na papasok ngayong taon at sa pagbubukas ng
panibagong academic year, milyu-milyong estudyante mula sa
pribado at pampublikong paaralan ang magbabalik klase".
LOKAL NA PAG-AARAL
KAKULANGAN SA GURO
• Ayon sa pag-aaral mula sa pamahalaan ng DepEd sa Cordillera
Administrative Region (CAR) ang unang pangkat ng mga mag-aaral ng
Senior High School ay hindi nabigyan ng mga pangunahing
pangangailangan para sa kanilang pag-aaral. Ang mga suliraning ito ay
kakulangan sa mga silid aralan at mga gurong magtuturo sa mga mag-
aaral. Ipinaliwanag din ng isa sa mga opisyal ng DepEd sa Cordillera ang
suliranin sa mga guro. Sinabi na ang mga gurong magtuturo ay dapat na
may malawig na kaalaman at espesiyalidad na tinapos sa mga kursong
Accountancy, Engineering, Mathematics upang matugunan ang mga
makabagong paraan ng pagtuturo na ginagamitan ng matematika.
MABILIS NA PAG-USBONG NG KURIKULUM

• Ayon kina Brush at Hew (2006) isinasaad ng pag-aaral na ito


na isa ito sa mga maaaring maging sanhi kung bakit
nagkakaroon ng Out of Field Teaching sa isang paaralan.
Karamihan sa mga guro ay hindi pamilyar sa tamang pag gamit
ng teknolohiya, kaya nananatili sila sa makalumang paraan ng
pagtuturo ng isang guro. Gumagamit sila o naka base ang
kanilang mga impormasyon sa mga libro na kanilang kailangan.
DAYUHANG PAG-AARAL
KAKULANGAN SA GURO
• Ayon naman kay Ingersoll (1998) mula sa National Association
of State Boards of Education (NASBE) isa sa malaking sanhi
ng kakulangan sa guro ay ang pagtaas ng bilang ng mga mag
aaral na pumasok sa mga paaralan noong unang taon na
naipatupad ang pagkakaroon ng Senior High School. Dahil dito
hindi naging handa ang pamahalaan at sektor ng edukasyon na
maihanda ang mga gurong magtuturo sa Senior High School.
KABANATA III
PAMAMARAANG GINAMIT SA PANANALIKSIK
PAMAMARAANG GINAMIT SA PANANALIKSIK

Tinalakay sa kabanatang ito ang metodolohiya at mga teknik na


ginamit sa pag-aaral. Nakalahad sa bahaging ito ang
populasyon ng mga kalahok, mga instrumento at mga hakbang
sa paglalagom ng istatistika na isinaalang-alang sa pananaliksik
na ito.
URI NG PANANALIKSIK
 Upang maisagawa ang pag-aaral na ito, ang mga mananaliksik ay gagamit ng
pamamaraang palarawan o deskriptib upang bigyang larawan ang penomena na
umiiral sa paaralan ng Colegio de Calumpit.
 Ang pagpapakahulugan sa datos na mga nakalap ay pinaghalong kwaliteytiv at
kwantiteytiv dahil importante ang bilang at ang nilalaman ng bawat datos na
makakalap para sa pag-aaral na isinasagawa.
 Gagamit ang mga mananaliksik ng sarbey dahil mas madali at mas mabilis
maisasagawa ang mga ito at naniniwala ang mga mananaliksik na matibay ang
datos na kanilang makakalap sa pamamaraang gagamitin. Napili ng mga
mananaliksik na gamitin ang pamamaraang ito dahil naniniwala ang mga
mananaliksik na angkop ang metodolohiyang ito para sa paksa sapagkat mas
madali ang pangangalap ng datos mula sa maraming respondente.
MGA KALAHOK AT LOKASYON NG PAG-AARAL
 Isinagawa ang pag-aaral sa Colegio de Calumpit na matatagpuan sa Bayan ng
Calumpit sa Lalawigan ng Bulacan. Gumamit ang aming grupo ng random na
pamamaraan ng sampling upang makuha ang bilang ng mga respondenteng mag-
aaral sa pamamagitan ng palabunutan o lottery teknik. Gumamit naman ng Sensus
ang aming grupo upang malaman ang pansariling pananaw ng bawat guro.

 Sa limang istrand ng Senior High School sa Colegio de Calumpit. Ang aming grupo
ay kumuha ng tig-pipitong (7) mag-aaral kada isang pangkat upang maging kalahok.
Ang aming sarbey ay nakatuon sa mga Guro at Mag-aaral ng Senior High School na
kung saan ang mga mananaliksik ay naniniwalang makatutulong ang mga ito sa
pagtukoy ng mga sanhi kung bakit may mga gurong nagtuturo ng asignaturang hindi
nito dinalubhasa at ano ang maaaring epekto nito sa mga mag-aaral.
INSTRUMENTONG GAMIT SA PAG-AARAL

Lumikha ng dalawang talatanungan ang mga mananaliksik.


Binubuo ito ng mga maaring dahilan ng pagkakaroon ng out-of-
field teaching sa Colegio de Calumpit Inc. Ginamitan ito ng
pamamaraang Kwestyoner sa pagkalap ng datos upang
masagot ang layunin ng aming pag-aaral. Sa kabuoan,
mayroong sampung (10) tanong na sasagutin ang mga
respondenteng estudyante at anim (6) na tanong para sa mga
guro.
Mayroong kategorya na inilahad ang mga mananalikisk upang
masagot ang tanong. Ito ay mga tanong na ginagamitan ng
multiple choice at mayroon din namang ginamitan ng
pamamaraang pasanaysay o essay type. Ang mga tanong na
nasa talatanungan ay ginawaran ng validasyon ng isang guro sa
araling Filipino.
Ang nilikhang talatanungan ng aming grupo ay para sa mga
mag-aaral samantala ang isa naman ay para sa mga guro ng
Senior High School.
HAKBANG SA PAGKALAP NG DATOS
 Sa aming pag-aaral ang mga katanungan ay nabuo sa pamamagitan pagbase sa aming mga layunin na
maaring makatukoy sa mga sanhi kung bakit may mga gurong nagtuturo ng asignaturang hindi nila
dinalubhasa.
 Ang mga mananaliksik ay lumikha ng talatanungan para sa mga guro at mag-aaral. Ito ay nabuo upang
makuha ang sariling pananaw ng mga mag-aaral at guro tungkol sa naturang pag-aaral. Sa paggawa ng
mga ito kami ay naka buo ng sampung (10) katanungan para sa mga estudyante kabilang na ang mga
karagdagang tanong at para naman sa guro ay mayroong anim (6) na katanungan. Isasagawa ang
pagsasarbey sa araw at oras kung saan hindi makaka istorbo sa klase ng mga mag-aaral. Nangako ang
aming grupo na ang makakalap na datos mula sa mga respondente ay magiging kompidensiyal.
 Ang mga datos na nalikom ng aming grupo ay maingat na susuriin at aaralin upang makabuo ng
kaisipan at masagot ang mga katanungan na nais makamtan ng aming grupo. Ang mga sagot ay
ilalapat sa mga layunin na nais makamtan ng mga mananaliksik upang makakuha ng isang sapat at
matibay na kasagutan
ISTATISTIKA
Ang pag-aaral na ito ay ginamitan ng pagbabahagdan, pagkuha ng datos mula sa ginawang Sarbey, at
pagsusuma ng dalas o frequency at pagtukoy sa percentage score.
Upang matukoy ang porsyento ng mga kalahok batay sa kanilang mga datos na naibigay mula sa sarbey
gamit ang pormula na :

f
P  100%
n
Kung saan ang: P = bahagdan o percentage
f = dami o frequency
n = bilang ng mga kalahok

Ang bilang ng dalas o frequency (f) ang hinahanap sa pagpapaliwanag ng datos na mula sa sarbey.
Makukuha ito sa pamamagitan ng f = n, kung saan ang f ay ang dalas at ang n ay ang pinagsama-samang
bilang ng mga kalahok na pumili ng isang partikular na salik (Andale, 2001).
KABANATA IV
PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT PAGBIBIGAY-
INTERPRETASYON NG MGA DATOS
Nilalaman ng bahaging ito ng pananaliksik ang masusuing pagsusuri sa mga
ilalahad na datos na nakalap sa mga metodolohiyang isinagawa.

Figura 1.1: Sanhi ng kakulangan ng guro sa Senior High School


Pinatunayan ng aming datos na nakalap na ang Asignaturang ituturo
ng guro at bilang ng mga mag-aaral na tuturuan ay isa sa mga sanhi ng
kakulangan ng guro, Ito ay maaaring makaapekto sa bilang ng mag-aaral na
tuturuan lalo na’t kung marami ang mga ito sa kadahilanang hindi gano’ng
matututukan ng ibang guro ang dami ng bilang ng mga mag-aaral kung
kulang ang mga ito. Maaari rin itong may kaugnayan sa mabilis na pag-
usbong ng kurikulum dahil maraming mga core subjects ang naturang
kurikulum na nag sisilbing malaking hamon para sa mga guro para ito ay
maituro (Escalante 2016). Sa kabuuan ang nakalap na datos ay
makaaapekto sa ibang baryabol ng mga mananaliksik tulad ng mabilis na
pag-usbong ng bagong kurikulum at mataas na bilang ng mga mag-aaral.
Figura 2.1 : Ano sa tingin mo ang maaaring gawin upang mapaunlad ang kalidad ng
pagtuturo sa ating paaralan?
Ang pinakamataas na bahagdan ay nagpapatunay ng pagsangayon
kay Escalante (2016), kung saan ang mga mass training na nagaganap para
sa mga guro upang mapag-aralan ang bagong kurikulum ay hindi sapat
upang lubos itong maunawaan. Gayunpaman, may mga guro na nag-aaral
ng ibang asignatura upang maituro nila sa mga estudyante kahit na hindi
sila dumalo sa mga naturang training. Napatunayan na maaaring
magsagawa ng training para sa mga guro upang mas mapaunlad ang
kalidad ng kanilang pagtuturo.Masasabing ang training na ito ay
makapagdudulot ng magandang epekto sa guro, mga mag-aaral, maging sa
administrasyon. Makadudulot rin ito ng magandang epekto para sa mabilis
na pag-usbong ng kurikulum dahil magkakaroon ng sapat na kaalaman ang
mga guro sa naturang training ukol sa bagong kurikulum.
Figura 3.1: Epekto ng bagong kurikulum
Pinatunayan ng aming datos na nakalap na bumababa ang kalidad ng
kaalaman kung hindi maituturo ng isang guro ang asignatura na maaaring
bunga ng bagong kurikulum, dahil nahihirapan ang mga guro na unawain
ang bagong kurikulum na nakaaapekto sa kanilang pagtuturo. Bagama’t ito
ay nagpapababa ng kalidad ng kaalaman kung hindi ito maituturo ng
maayos, ito naman ay maaaring makadagdagdag sa kalinangan ng
kaalaman para sa mga mag-aaral. Ang bagong kurikulum ay
nangangailangan ng mahabang panahon ng preparasyon upang maunawaan
ito ng lubos. Masasabing kahit na patuloy na nagbabago ang kurikulum ay
makatutulong parin ito at nagagawang makatugon sa mga pangangailangan
ng bawat estudyante kaugnay ng pagkatuto (Mendoza 2008).
Figura 4.1: Epekto ng kakulangan ng guro sa ating Figura 4.1.1: Epekto ng kakulangan ng
paaralan guro sa ating paaralan
Ang resulta ng epekto ng kakulangan ng guro sa paaralan ay maaaring
magkaroon ng Out-of-field teaching at masasabing ito ay maaaring makaapekto sa
kaalaman ng mga estudyante dahil sa hindi naaral ng mga guro ang kanilang mga
itinuturong asignatura. Gayunpaman, ang mabilis na pag usbong ng bagong
kurikulum ay isa sa mga epekto kung bakit may mga gurong nagtuturo ng mga
assignaturang hindi nila dinalubhasa, dahil sa pagpapatupad nito dumami ang
asignaturang kailangan ituro na isa ring epekto ng paglaganap ng out-of-field
teaching (Sun Star Pampanga 2017). Ayon sa pag-aaral mula sa pamahalaan ng
DepEd sa Cordillera Administrative Region (CAR) sinasabing kinakailangan ng mas
malawig at espesiyalidad na tinapos na kurso ang mga guro upang matugunan ang
mga makabagong paraan ng pagtuturo, ngunit dahil hindi sapat ang kaalaman at
kakayahan ng ibang mga guro upang maituro ang mga makabagong asignatura
nagkakaroon ng kakulangan na nagiging dahilan ng pagtuturo ng di dinalubhasang
asignatura. Sa pananaliksik na ito at pagkakalap ng datos napagtibayan sa
pamamagitan ng mga respondente na ang epekto ng kakulangan ng guro sa
paaralan ay maaaring magkaroon ng out-of-field teaching na maaaring makaapekto
sa pagkatuto ng mga mag-aaral.
Figura 5.1: Ano ang epekto ng kakulangan ng guro sa kalidad ng pagtuturo sa ating paaralan?
Pinatunayan ng aming datos na napakalaki nang papel ng guro sa
proseso ng pagtuturo-pagkatuto (Hendricks 1998) at kuntento na rin ang
mga mag-aaral sa binibigay na kalidad ng edukasyon para sa mga ito.
Masasabing ang kakulangan sa pagkatuto ng mga estudyante ay maaaring
maging epekto sa kakulangan ng guro dahil ang ang antas ng kahusayan ng
alinmang paaralan ay nakasalalay sa pagganap ng mga guro sa pagtuturo at
ang susi sa lahat ng suliranin sa mabisang pagtuturo ay ang mga guro
(Brain 1996).
Figura 6.1: Ano ang asignaturang iyong itinuturo?
Teachers Asignaturang itinuturo Baitang na tinuturuan
Teacher (1) English 9,11,12
Teacher (2) Research 12
Teacher (3) English, Practical Research 7,11
Teacher (4) Science 10,11
Teacher (5) Araling Panlipunan 7,8
Teacher (6) Science, Chemistry 9,12
Teacher (7) Ap, Personal Development 9,12
Teacher (8) Practical Research,Creative Writing 11
Teacher (9) Mathematics 10,11
Teacher (10) Araling Panlipunan, Personal D. 9,12
Teacher (11) Filipino 9,11
Teacher (12) English, RWS, FPL 10,11
Teacher (13) English 11
Teacher (14) Biology 7,11
Teacher (15) English 10,11
Teacher (16) MAPEH 9,11
Teacher (17) Understanding Culture Society & Politics 12
Applied Economics
Teacher (18) FABM,OM,BF 11,12
Teacher (19) Filipino 9,11

Figura 6.1.1: Ano ang asignaturang iyong itinuturo?


Ipinipakita ng nakalap na datos na karamihan sa mga guro ng Senior
High School sa Colegio de Calumpit ay nagtuturo ng kanilang major o
asignaturang kanilang pinag-aralan o dinalubhasa. Patunay ito na ang mga
guro ay dumaranas ng isang krisis kung saan sila ay nagtuturo ng isa o higit
pang mga asignaturang hindi naman nila dinalubhasa. Ito ay nagiging sanhi
ng mas malaki pang suliranin sa paaralan at sa mga mag-aaral (House of
Commons Education Committee, 2017). Sa labing siyam na respondente
isa sa mga ito ay hindi naglagay kung ang asignaturang kaniyang tinuturo
ay kaniyang major, minor, may kaugnayan sa major at minor, at di alam/di
dinalubhasa, marahil hindi nito nais na ibigay ang impormasyong ito sa
kadahilanang ito ay maselan o kompidensiyal.
KABANATA V
BUOD, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON
BUOD
Isang katotohanan na isang malaking hamon para sa mga guro ang pagtuturo ng
asignaturang hindi nila dinalubhasa. Inalam ng pananaliksik na ito kung ano ang mga sanhi ng
pagtuturo ng mga guro sa mga asignaturang hindi angkop sa kanilang kadalubhasaan,
gayundin ang maaring maging epekto nito sa mga mag-aaral na kanilang tinuturuan.Isinagawa
ang pag-aaral batay sa pamamaraang deskriptiv at gumamit ng metodong random sampling,
kung saan ito kung saan ito ay gumamit ng pinaghalong kwalitatibo at kwalitatibong
pamamaraan upang makalap ang datos at magamit sa pagtatala ng interpretasyon. Upang
matukoy ang mga sanhi at epekto ng pagtuturo ng guro ng asignaturang hindi niya dinalubhasa,
ang mga mananaliksik ay naghanda ng isang talatanungan o survey questionnaire para sa mga
estudyante at mga guro sa senior high. Ang mga datos na nakalap ay siniguradong inanalisa
nang mabuti upang malaman ang mga maaaring sanhi ng pagkakaroon ng mga guro na
nagtuturo ng asignaturang hindi nila dinalubhasa. Ang mga datos na ito ay nakatulong nang
lubusan sa mga mananaliksik upang masagot ang kanilang minimithing kasagutan. Nabatid sa
pananaliksik na mahirap ang mga asignaturang ituturo at ang mataas na bilang ng mag-aaral
ay isa sa mga sanhi ng kakulangan ng guro. Ang kakulangan ng guro ay maaaring magdulot ng
Out-of-Field Teaching na maaaring makapagpababa ng kalidad ng pagkatuto sa mga mag-
aaral. Kaugnay nito, napatunayan din na may ga gurong nagtuturo ng asignaturang hindi nila
dinalubhasa kasabay ng pagtuturo ng asignaturang kanilang dinalubhasa.
KONGKLUSYON
Nabatid ng mga mananaliksik na bagama’t may mga gurong nagtuturo ng asignaturang
kanilang dinalubhasa ay nagtuturo pa rin ang mga ito ng ibang asignaturang hindi
angkop sa kanilang kadalubhasaan kasabay ng kanilang pagtuturo sa asignaturang
walang kaugnayan sa kanilang dinalubhasa. Sapagkat lumabas na may kaugnayan ang
bilang ng mga mag-aaral upang magdulot ng kakulangan ng guro. Batay sa isinagawang
hakbangin, ang mga guro ay nararapat na sumailalim sa mga training na maaaring
makadagdag sa kanilang kaalaman ukol sa makabagong kurikulum. Naitala din ang mga
epekto ng kakulangan ng guro sa mga mag-aaral, ang mabilis na pag-usbong ng
makabagong kurikulum sa mga guro at mag-aaral at ang bilang ng mga mag-aaral sa
mga guro. Sa kabuuan, ang pagharap ng mga guro sa ibang asignaturang kanilang
itinuturo ay epekto ng bagong kurikulum at bilang ng mga mag-aaral na nagsasanhi
upang magdulot ito ng kakulangan ng guro sa paaralan.
REKOMENDASYON
Para sa mga Guro:
Maglaan ng sapat na oras upang mapag-aralan ang mga bagong paraan na
makatutugon sa pangangailangan sa pagtuturo.
Mas palawakin ang mga kaalamang tinataglay sa mga asignaturang
nakaatas na ituturo.
Para sa Administrasyon:
Magsagawa ng training para sa mga guro upang lubos nilang
maunawaan ang bagong kurikulum.
Mas dagdagan ang mga guro sa paaralan.
Para sa mga susunod na mananaliksik:
Mas palawakin ang mga kaalaman na may kaugnayan sa ginagawang
pananaliksik.
Maglaan ng sapat na oras at panahon upang makakalap ng datos at
siguraduhing mapagkakatiwalaan at may pinagbasehan ang mga ito.
Maaaring gamitin ng mga susunod na mananaliksik ang mga naharap na
problema at maging basehan ito upang mapalawak ang pagtalakay sa
isinagawang pag-aaral.
Paggamit ng iba pang paraan ng pagkalap ng datos upang makakuha ng
mas
eksaktong resulta.

You might also like