You are on page 1of 5

Kabisaan ng Lokalisadong Digitized Booklet bilang Interbensyong

kagamitan sa Kalinangan ng Pagkatuto sa Araling Panggramatikang


Ingklitik ng mga Piling mga Mag-aaral
Chapter 1 Draft

Introduksyon

Ang tamang paggamit ng wastong salita ay isa sa mahalagang paraan nating mga Pilipino upang
magkaroon ng tamang pagkakaunawaan, mas mahalaga natin itong matutunan pagdating sa pasulat na
pakikipagkomunikasyon. Sapagkat, alinmang mali na gamit ng isang salita ay magkakaroon ng ibang
kahulugan ng pangungusap. Binanggit ni Jasper Lomtong, isang guro ng Filipino mula sa Senior High
School Department ng Colegio de San Juan de Letran, na ang paggamit o pagiging maalam sa ating wika
bilang Pilipino ay malaking bagay upang makaapekto sa ating pakikipag-ugnayan. “Bago natin pag-aralan
o bago natin lubusang tanggapin ang dayuhang wika, dapat alam natin o napag-aralan nang maigi kung
ano talaga ang wikang Filipino.”

Isa sa mga sanhi ng pagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan ay dahil sa maling paggamit natin ng mga
salita. Lahat ng mga salita na ating ginagamit sa araw-araw na pagsulat at pakikipag-usap ay mayroong
tiyak na mensahe at ibig sabihin. Dahil sa maling paggamit natin ng mga salita, nagkakaroon ng hindi
pagkakaunawaan at kalituhan sa isang pangungusap. Sapagkat, sa maling gamit ng isang salita, ay
magkakaroon ng ibang pagpapakahulugan ang isang pahayag. Iba pang mga pagkakamali na madalas
natin nagagawa ay ang maling paggamit ng mga salita o pagkakapalitan ng mga gamit pagdating sa isang
pangungusap. Ayon kay Lucas, Madalas tayong nabibiktima ng maling paggamit ng balarila lalo na sa
paggamit ng nang at ng. Dito pa lang sa mga katagang ito, marami sa ating mga Pilipino ang hirap at hindi
lubos nauunawaan ang tamang paggamit ng nang at ng pagdating sa pagsulat ng pangungusap o kaya
nama’y sa paggawa ng isang talata.

Hindi maikakailang mas bihasa pa tayong mga Pilipino sa paggamit ng wika at mga kataga sa Ingles kaysa
sa mga katagang Filipino. Dahil ayon kay Jerome Lucas, isang mag-aaral ng Master of Arts in Philippine
Studies mula sa Unibersidad ng Pilipinas, ang dalawang dahilan kung bakit malaki pa ang natitirang
espasyo ng pag-unlad sa ating wika, una ang pagtanggap natin ng maraming salita na kalaunan ay naging
bahagi ng ating talasalitaan at patuloy na pagtangkilik sa wikang banyaga. Paliwanag niya, “Kung walang
direksyon ang paggamit ng wikang Filipino, mawawalan tayo ng disiplina sa pagsusulat at pagbabasa.
Mawawalan tayo hindi lang ng identidad bilang Plipino kundi mawawalan ng porma at antas ang ating
wika.” Karamihan sa atin ay nahihirapan o hindi nauunawaan nang mabuti ang wastong paggamit ng mga
salita. Isa sa mabisang paraan upang magkaroon tayo ng kaalaman sa paggamit ng mga salita sa Filipino
ay ang pag-aralan nang mabuti ang bawat bahagi ng mga pananalita para mas magkaroon tayo ng
tamang kaalaman. Kung alam na natin ang tamang paggamit ng isang salita o kataga, mas mapapadali
ang ating pagkakaintindi sa mga tamang paggamit ng ibang mga salita tulad nalang sa paggamit ng “Raw
at Daw.”
Naging bahagi ng pag-usbong ng wikang Pambansa ang salitang Filipino at paggamit natin ng mga
Ingklitik. Ngunit, sa panahong moderno at makabago, nagmamadali na tayo sa pagggamit ng mga salita
kaya’t nawawalan tayo ng oras lalo na ang mga kabataan upang aralin at unawain ang wastong paggamit
ng mga salita at wikang Filipino. Malaking papel nating mga Pilipino ang mapag-aralan ang ating wika,
sapagkat nagsisilbi natin itong identidad bilang mga Pilipino. Ito rin ang nagpapakilala at kaluluwa ng
ating bansa, bilang mga Pilipino na naninirahan sa bansang Pilipinas. Nararapat na matutunan nating
mga Pilipino ang tamang paggamit ng mga salita at wastong paggamit nito pagdating sa pangungusap
lalo na ang ingklitik. Mahalaga ito lalo na sa ating mga kabataan, sapagkat ayon kay Dr. Jose Rizal, “Ang
kabataan ang pag-asa ng bayan.” Ito ang aming dahilan kung bakit namin nais pag-aralan at bigyang
saliksik ang tungkol sa Kabisaan ng Lokalisadong Digitized Booklet bilang interbensyong kagamitan
pagdating sa pagkatuto sa araling panggramatikang ingklitik ng mga Piling mga mag-aaral.

Theoretical na Balangkas
Konseptwal na Balangkas

Ang Pananaliksik na ito ay may pamagat na” Kabisaan ng Lokalisadong Digitized Booklet bilang
Interbensyong kagamitan sa Kalinangan ng Pagkatuto sa Araling Panggramatikang Ingklitik ng mga Piling
mga Mag-aaral.” Aming binibigyang diin balangkas konseptwal ang aming pananaliksik upang higit na
mas maintindihan at malaman ang magiging daloy ng pag-aaral na ito.

Panimulang Pagtataya
Pagsusuri sa nagamit (16)
(Pre-Test) Pagbuo ng isang
at tamang paggamit ng INTERBENSYON
pangungusap gamit ang
ingklitik.
ingklitik.

(Post-Test) Pagbuo ng
Pag-aaral ng mga lumahok
pangungusap at pagtukoy
sa Interbensyon na
sa tamang paggamit ng Resulta
Ibinigay ng mga
ingklitik. (Nakapaloob sa
Mananaliksik.
Digitized Booket)

Kongklusyon

Ilustrasyon 2. Konseptuwal na Balangkas

Ang ilustrasyon 2 ay nagpapakita ng magiging daloy ng pananaliksik. Dito, matutukoy ang kaalaman at
kakayahan ng mga mag-aaral sa paggamit ng ingklitik sa pamamagitan ng panimula (Pre-Test) at panapos
(Post-Test) na pagtataya na nakatuon sa tamang paggamit at pagbibigay kahulugan sa pangungusap
gamit ang ingklitik. Sa ganitong paraan, masusuri ng mga mananaliksik ang kalinangan ng mga mag-aaral
pagdating sa paggamit ng ingklitik sa pangungusap. Ito ay magsisilbing tulay upang malaman ang
mungkahing rekomendasyon sa pagpapayabong ng mga mag-aaral pagdating sa paggamit ng ingklitik sa
isang pahayag o pangungusap.

Paglalahad ng Suliranin
Ang panananaliksik na ito ay nakatuon sa paggamit ng wastong salita o mga ingklitik at kung paano nila
gamitin ang mga ito bilang isang pangungusap. Ang layunin ng pagsasagawa ng pag aaral na ito ay upang
masagot ang ilang katanungan.

1. Ano ang kakayahan ng mga mag-aaral pagdating sa paggamit ng ingklitik sa pangungusap.


1.1 Wastong paggamit ng ingklitik
1.2 Wastong gamit ng ingklitik sa isang pangungusap
1.3 Nagagamit ang ingklitik sa pagpapalawak ng pangungusap
1.4 Nabibigyang kahulugan ang isang pangungusap gamit ang ingklitik
1.5 Nauuri ng maayos ang mga ingklitik
2. Paano makikita ang kakayahan ng mga mag-aaral sa paggamit ng ingklitik
1.1 Wastong gamit ng ingklitik sa isang pangungusap
1.2 Nauuri nang maayos ang mga ingklitik
1.3 Napapalawak ang mga pangungusap gamit ang ingklitik
1.4 Nahahanapan ng gamit o nabibigyang kahulugan ang isang pangungusap gamit ang ingklitik
1.5 Angkop na paggamit ng ingklitik sa pangungusap

3. Mayroon bang sapat na kaalaman ang mga mag-aaral pagdating sa paggamit ng ingklitik sa
pangungusap ayon sa resulta ng:
a. Pre-Test o panimulang pagtataya at unang panapos na pagtataya ng mga mag-aaral.
b. Post-Test o ikalawang pagtataya at ikalawang panapos na pagtataya ng mga mag-aaral.

4. Ano ang magiging rekomendasyon sa pagpapaunlad ng mga mag-aaral sa paggamit ng ingklitik?

Hypothesis

Definition of Terms
Kahalagahan ng Pag-aaral

Mahalaga ang pag-aaral na ito para sa lahat ng mag-aaral at mga guro. Sapagkat maaari itong gawing
gabay sa kaalaman ng pag-aaral, dahil ang mga nakapaloob na impormasyon sa pananaliksik na ito ay
makakatulong upang mas maunawaan ang tamang paggamit ng ingklitik sa pangungusap. Ang
pananaliksik na ito ay magsisilbing kapaki-pakinabang sa mga sumusunod:

Sa mga mag-aaral: Ang pag-aaral na ito ay magsisilbing patnubay at gabay na makakatulong upang
makakalap ng mga impormasyon hinggil sa paggamit ng ingklitik. Makakatulong din ito upang malinang
ang mga mag-aaral sa tamang paggamit ng ingklitik.

Sa mga guro: Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito, matutulungan ang mga guro, lalong-lalo na ang
mga guro sa wika at panitikang Filipino na malinang at madagdagan pa ang kanilang kaalaman hinggil sa
paggamit ng ingklitik. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, mas magkakaroon sila ng kaalaman at
impormasyon upang makatulong sa kanilang pagtuturo.

Sa mananaliksik: Magiging kapaki-pakinabang ang pag-aaral na ito para sa mga mananaliksik sa


hinaharap. Sapagkat, maari nila itong gawing gabay sa kanilang pag-aaral upang mas magkaroon ng
pundasyon ang kanilang gagawing pananaliksik

You might also like