You are on page 1of 1

KONTRATA NG PAGKATUTO

Ako si__ ____mag-aaral ng Batsilyer ng Edukasyong Sekondarya na nagpakadalubhasa sa


Filipino, kasalukuyang kumukuha sa kursong SPEC 109 F-Introduksyon sa Pagsasalin.
Nanunumpang sundin ang mga tuntunin at kondisyon ng Jose Rizal Memorial State University
sa pag-implementa ng makabagong pamamaraan ng pagkatutu.

Nanunumpa ako na susundin ang mga sumusunod:


1.Susundin ko ang mga gabay na ipapatupad ng unibersidad na may kinalaman sa pagsugpo
ng COVID,gaya ng pananatili sa bahay,susundin ang tuntunin sa distansyang pisikal at ang
paggamit ng “face masks” kapag nakikipaghalubilo sa kapwa.
2. Uunahin ko ang aking kalusugan at kaligtasan habang nagsasagawa ako sa mga
pangangailangan ng kurso.
3.Gagawin ko ang lahat ng nakaatas na gawain para sa kursong ito sa abot ng aking
kakayahan upang matamo ang nakasaad sa inaasahang bunga ng pagkatuto.
4. Sumasang-ayon ako na kung sakaling hindi ko magawa ang mga nakasaad na gawain sa
nakatakdang panahon, maaring ako ay bumagsak o kung kulang ang maipasang
pangangailangan ng kurso, ako ay magtamo ng markang INC/ NO GRADE/ Deferred.
5.Bilang responsableng mag-aaral, tungkulin ko na humanap ng mga paraan upang malinang
ang malalim na pag-unawa sa paksa sa kabila ng mga limitasyong maaaring maranasan
habang isinasagawa ang mga gawain.
6.Higit pa rito, pagsisikapan kong maisagawa nang maayos at mailapat ang mga
teorya,praktika at simulain ng pagsasalin at maipasa ito sa naktakdang araw.
7.Gagawa ako ng sariling inisyatibo sa pagbibigay pidbak sa aking guro isa o dalawang beses
bawat dalawang lingo.
8.Nanunumpa ako na hindi magrereprodyus o maglathala ng kahit na anong bahagi ng
nilalaman ng modyul .
9.At hindi ako gagawa ng iba’t ibang anyo ng pladyarismo sa mga pangangailangan ng kurso.

Sa pagpapatunay ng aking pagsang-ayon sa mga nakasaad sa itaas, ipakita ko ang aking lagda
ngayong _ika- 22 Setyembre, 2020 sa 1:39 Martes ng Hapon _.

_____
Pangalan at lagda ng mag-aaral Pangalan at lagda ng magulang/ Tagapag-alaga

__
Pangalan at Lagda ng guro

You might also like