You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

CITY OF CABUYAO
Province of Laguna

CITY SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT OFFICE

PULO DAY CARE CENTER

PARENTS ORIENTATION
ika-8 ng Oktubre 2020

Kaayusan ng Pagpupulong
Tinawag ang kaayusan at inumpisahan ang pagpupulong sa ganap ng 9:00 ng umaga.
Sinundan ito ng maikling panalangin na pinangunahan ni Gng. Maria Cleofas L. Buot, Day Care
Teacher ng Pulo Day Center.

Nagpakilala si Gng. Buot bilang magiging guro ng kanilang mga anak, ipinaliwanag kung ano ba
ang Day Care Service, ipinaliwanag din kung anu-ano na ang serbisyong ibinibigay ng City
Social welfare Development Office. Ang Pulo Day Care Center ay walang face to face, sa
kadahilanan na tayo ay may pandemya, nabanggit na modular ang gagawin pagtuturo.
Nabanggit din na mag set-up ng parang nasa school din sila o day care center para sa
pagsasagot ng module, nabanggit din importansya ng paggising ng maaga, pakainin paliguin at
pag suotin ng maayos na damit na parang nasa day care center din sila. Nabanggit din ang
paraan ng pagkukuha at pagbabalik ng module gayun din kung kailan ito maaring kuhain tuwing
Lunes sa Ganap na 9:00 – 12:00 pm. Nabanggit din na mag uumpisa ang pagkuha ng module
nang December. Binanggit din ang mga gamit na kakailanganin. Mag dala ng plastic envelope,
composition notebook at drawing notebook. Nabanggit din na gumawa ng group chat para doon
nalang mag uusap-usap at mag aanounce ng mga usapin sa daycare. Binigyang importansya
rin na basahing Mabuti ang mga mensahe sa group chat o mag backread. Pinaliwanag din na
sundin at basahin mabuti ang module sa kadahilanan na kaming mga magulang ay magiging
taga pagturo ng aming mga anak.
Binanggit din sa pagpupulong na kapag pupunta sa Daycare ay magsuot ng facemask at
faceshield at 3-5 lamang ang papasok sa loob ng Daycare Center. Sinabi din na mag alcohol,
mag lagay ng sanitizer at i-check ng temperature bago pumasok sa loob ng Day care Center.
Iminungkahi ng isang magulang na kung maari ba na magpakuha ng module na lamang kung
waking maiiwanan ang bata sa kadahilanang bawal lumabas ang bata. Sinang-ayunan naman
ito ng kapulungan na makikisuyo sa immediate family o sa magulang din na nag-papasa sa
Daycare Center. Natapos ang pag pupulong sa ganap na 10:30 am.

Prepared by:
Lilybeth Hernandez

You might also like