You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

CAMARINES NORTE STATE COLLEGE


F. Pimentel Avenue, Brgy. 2, Daet, Camarines Norte – 4600, Philippines

KATITIKAN NG UNANG PAGPUPULONG NG D'NATURED CLUB

Setyembre 25, 2019


10:50 hanggang 11:03 ng umaga
Sa Silid Blg. 202, Kolehiyo ng Inhenyeriya, Camarines Norte State College Main Campus

MGA DUMALO
Bb. Gichelle C. Bacer Kasapi
G. Gerard L. Dela Cruz Kasapi
G. Huge Vince V. Benitez Kasapi
Bb. Antonette E. Hernandez Kasapi
Bb. Melanie D. Semeniano Kasapi
Bb. Maricar Minette B. Orit Kasapi
Bb. Angelyn F. Marantal Kasapi
G. Ven Marc M. Pavino Kasapi
Bb. Abegail M. Yatco Kasapi

PANUKALANG ADYENDA
1. Paghahalal ng mga Opisyal

I. Pagsisimula ng Pulong
Ang pagpupulong ay itinayo ni Bb. Gichelle C. Bacer, isang kasapi ng D'natured
Club at nagsilbing pansamantalang pinuno nito, sa ganap na 10:45 ng umaga at ito ay
pinasimulan sa pamamagitan ng pagtawag sa mga kasapi ng organisasyon.

II. Pagpapatibay ng Panukalang Adyenda


Nagpatuloy ang pagpupulong sa pagbukas ni Bb. Gichelle C. Bacer ng natatanging
panukalang adyenda sa araw na iyon at ito ay ang paghahalal ng mga opisyal. Nagtanong
siya sa mga kasapi kung sino ang may nais maging pansamantalang kalihim ngunit wala ni
isa sa mga kasapi ang may nais.

Sinimulan na ang paghahalal at binuksan na ni Bb. Gichelle C. Bacer ang mesa sa


pagmumungkahi para sa pagkapangulo. Bilang siya ay ang nagsisilbing pansamantalang
pangulo ng pagkakataon na iyon, siya ay ang unang iminungkahi sa posisyong iyon.
Iminungkahi rin sa posisyong iyon si Bb. Maricar Minette B. Orit ngunit si Bb. Gichelle C.
Bacer pa rin ang nagwagi sa huli. Pagkatapos, bilang siya na ang totoong pangulo ng
organisasyon, binuksan na niya ang mesa sa pagmumungkahi ng kaniyang magiging
pangalawang pangulo. Iminungkahi ng mga kasapi si G. Gerard L. Dela Cruz. Walang ibang
iminungkahi ang mga kasapi kaya siya na ang naging pangalawang pangulo. Sumunod,
binuksan na ang mesa sa pagmumungkahi para sa pagkakalihim. Iminungkahi ng mga
kasapi sina G. Huge Vince V. Benitez at Bb. Antonette E. Hernandez. Noong, una ayaw pa
Republic of the Philippines
CAMARINES NORTE STATE COLLEGE
F. Pimentel Avenue, Brgy. 2, Daet, Camarines Norte – 4600, Philippines

ni Bb. Antonette E. Hernandez ang mamungkahi sa posisyong ito ngunit sumang-ayon na


rin siya sa dulo. Sa kabila nito, si G. Huge Vince V. Benitez pa rin ang nagwagi sa
pagkakalihim. Pagkatapos ay sinimulan na ang pagmumungkahi sa posisyon ng ingat-
yaman. Iminungkahi ni G. Huge Vince V. Benitez si Bb. Melanie D. Semeniano sa posisyon.
Sumang-ayon naman ang ibang mga kasapi dito at hindi na nagmungkahi pa kaya naman
siya na ang nagwagi sa posisyon. Pagkatapos, binuksan na ni Bb. Gichelle C. Bacer ang
mesa sa pagmumungkahi sa posisyon ng tagasuri. Walang ibang iminungkahi ang lahat
maliban kay Bb. Angelyn F. Marantal dahil nakitaan nila ito ng kakayahan sa gagampanang
posisyon kaya naman ito na rin ang nagwagi dito. Apat na lamang ang siyam na kasapi ang
walang posisyon. Siyam lamang ang binigyan ng pagkakataong tumakbo dahil ang
kasaping si Bb. Lorraine T. De Leon ang magsisilbing tagapagsalita ng grupo at ang
magiging panauhing pandangal sa gaganaping seminar. At isa na lamang din ang posisyon
na bakante at ito ang posisyon ng tagapamanihala. Kaya naman napagdesisyunan na
magtalaga na lamang ng dalawang kasapi bilang mga tagapamanihala mula sa apat na
natitirang kasapi na walang posisyon. At ito ay sina G. Ven Marc M. Pavino at Bb. Abegail
M. Yatco. Upang ang lahat ay maging opisyal, nagkaroon ng kaunting pagbabago sa
listahan ng mga posisyon. Ang kalihim ay hinati sa dalawa, ang panlabas at panloob na
kalihim. Ang nanalong kalihim na si G. Huge Vince V. Benitez ang itinalagang panlabas na
kalihim. Habang ang kalaban naman nito sa pagkakalihim na si Bb. Antonette E.
Hernandez ang naging panloob na kalihim. Ganito rin ang ginawa sa posisyon ng ingat-
yaman. Ang nanalong ingat-yaman na si Bb. Melanie D. Semeniano ang naging panlabas
na ingat-yaman at ang natitirang kasapi na walang posisyon na si Bb. Maricar Minette B.
Orit ang naging panloob na ingat-yaman.

Narito ang listahan ng mga naitalagang posisyon sa mga kasapi ng organisasyon:


 Pangulo: Bb. Gichelle C. Bacer
 Pangalawang Pangulo: G. Gerard L. Dela Cruz
 Panlabas na Kalihim: G. Huge Vince V. Benitez
 Panloob na Kalihim: Bb. Antonette E. Hernandez
 Panlabas na Ingat-Yaman: Bb. Melanie D. Semeniano
 Panloob na Ingat-Yaman: Bb. Maricar Minette B. Orit
 Tagasuri: Bb. Angelyn F. Marantal
 Mga Tagapamanihala:
1. G. Ven Marc M. Pavino
2. Bb. Abegail M. Yatco
 Tagapagsalita/Panauhing Pandangal: Bb. Lorraine T. De Leon

III. Pagtatapos ng Pagpupulong


Ang pagpupulong ay tinapos ni Bb. Gichelle C. Bacer, ang nahalal na Pangulo ng
D'natured Club, sa ganap na 11:03 ng umaga at ito ay tinapos sa pamamagitan ng
pamamaalam at pasasalamat.
Republic of the Philippines
CAMARINES NORTE STATE COLLEGE
F. Pimentel Avenue, Brgy. 2, Daet, Camarines Norte – 4600, Philippines

PAGTITIBAY
Pinatutunayan ko na ang lahat ng nakasaad sa katitikang ito ay wasto at walang halong
kasinungalingan.

G. HUGE VINCE V. BENITEZ BB. ANTONETTE E. HERNANDEZ


Panlabas na Kalihim Panloob na Kalihim

Pinansin:

G. GERARD L. DELA CRUZ


Pangalawang Pangulo

Pinagtibay:

BB. GICHELLE C. BACER


Pangulo

You might also like