You are on page 1of 28

10

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 2:
Mga Isyu sa Kasarian at Lipunan
Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 2: Mga Isyu sa Kasarian at Lipunan
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V
Ronelo Al K. Firmo, PhD, CESO V
Librada M. Rubio, PhD

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Celeste
CelesteAnnAnnS.S.Abesamis
Abesamis
Editor: Rubilita L.
Rubilita L. San
San Pedro
Pedro
Tagasuri ng Nilalaman: Angelica
AngelicaM. M.Burayag,
Burayag,PhD
PhD//Elena
ElenaV.V.Almario
Almario
Bernadette G. Paraiso / Marie Claire M. Estabillo
Bernadette G. Paraiso / Marie Claire M. Estabillo
Lorna G.
Lorna G. Capinpin
Capinpin
Tagasuri ng Wika: Donna
DonnaErfeErfeA.A.Aspiras
Aspiras//Bernadeth
BernadethD. D.Magat
Magat
Tagasuri sa ADM Format: Kristian
KristianMarquez
Marquez
Tagasuri ng Pagguhit/Paglapat: Donna
Donna Oliveros
Oliveros // Bryan
Bryan Balintec
Balintec
Glehn Mark
Glehn Mark A.
A. Jarlego
Jarlego
Tagaguhit: Jeiyl
Jeiyl Carl
Carl G.
G. Perucho
Perucho
Tagalapat: Katrina
KatrinaM.M.Matias
Matias

Tagapamahala: Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V


Librada M. Rubio, PhD
Angelica M. Burayag, PhD
Ma. Editha R. Caparas, EdD
Nestor P. Nuesca, EdD
Marie Ann C. Ligsay, PhD
Salome P. Manuel, PhD
Rubilita L. San Pedro
Marie Claire M. Estabillo
Melvin S. Lazaro
Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III
Office Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando
(P) Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
10

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 2:
Mga Isyu sa Kasarian at Lipunan
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating
mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na
naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang
o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-
kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng
mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan.
May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa
paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay. Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa
kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin
at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,
umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

ii
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyong kapakinabangan. Ito


ay upang matulungan kang unawain ang mga araling tinatalakay sa Araling
Panlipunan Baitang 10.
Ang modyul na ito ay naglalayong masuri ang diskriminasyon at karahasan
sa mga kalalakihan, kababaihan, at Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, Queer,
Intersex, at Asexual (LGBTQIA+) (AP10IKL-IIIe-f-7). Ano ba ang kahulugan ng
diskriminasyon at karahasan? Ano-ano ang diskriminasyon at karahasan na
naranasan ng mga kalalakihan, kababaihan, at LGBTQIA+ sa Pilipinas at sa ibang
panig ng mundo.

Pagkatapos mong aralin at isagawa ang mga gawain sa modyul na ito, ikaw
ay inaasahang:
1. nakapagpapaliwanag ng kahulugan ng diskriminasyon at karahasan;
2. natutukoy ang diskriminasyon at karahasan sa kalalakihan, kababaihan,
at LGBTQIA+; at
3. nakapagpapahayag ng paggalang sa karapatan ng mga mamamayan sa
pagpili ng kasarian at seksuwalidad.

Subukin

Panuto: Basahin nang may pang-unawa ang sumusunod na katanungan. Isulat sa


sagutang papel ang letra ng tamang kasagutan.

1. Ito ay tumutukoy sa anumang pag-uuri, eksklusyon, o restriksyon batay sa


kasarian na naglalayon o nagiging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang, at
pagtamasa ng lahat ng kasarian ng kanilang mga karapatan o kalayaan.
A. diskriminasyon C. karahasan
B. gender roles D. Magna Carta
2. Ano ang tawag sa proseso ng pagbabayo o pagmamasahe ng dibdib ng batang
nagdadalaga sa pamamagitan ng bato, martilyo o spatula na pinainit sa apoy?
A. breast ironing C. Female Genital Mutilation
B. foot binding D. suttee

1
3. Alin sa sumusunod ang kahulugan ng karahasan sa kababaihan?
A. anumang uri ng karahasang nagaganap sa isang relasyon
B. anumang paggamit ng pisikal na puwersa o kapangyarihan, pagbabanta o
aktwal, laban sa sarili, ibang tao, o laban sa isang grupo o pamayanan, na
may mataas na posibilidad na magresulta sa pinsala, kamatayan, at
sikolohikal na pinsala
C. anumang karahasang nauugat sa kasarian na humahantong sa pisikal,
sexual o mental na pananakit o pagpapahirap sa kababaihan, kasama na
ang mga pagbabanta at pagsikil sa kanilang kalayaan
D. anumang pag-uuri, eksklusyon, o restriksyon batay sa kasarian na
naglalayon o nagiging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang, at pagtamasa ng
lahat ng kasarian ng kanilang mga karapatan o kalayaan
4. Si Mae ay nakaranas ng domestic violence. Alin sa sumusunod ang naglalarawan
ng kaniyang naging karanasan?
A. Hindi nalilimutan ng kaniyang asawa ang kanilang anibersaryo.
B. Laging sinusubaybayan ng kaniyang asawa ang kaniyang social media
account.
C. Laging may nakahandang sorpresa ang kaniyang asawa sa kaniyang
kaarawan.
D. Madalas siyang tinatawagan ng kaniyang asawa upang alamin ang
kaniyang kalagayan.
5. Ang sumusunod ay halimbawa ng domestic violence maliban sa isa.
A. Pinipigilan ka sa pagpasok sa trabaho o paaralan.
B. Sinasabi sa iyo na ang mga lalaki ay natural na bayolente.
C. Pinipigilan kang makipagkita sa iyong pamilya o mga kaibigan.
D. Sinisipa, sinasampal, sinasakal o sinasaktan ang iyong mga anak o mga
alagang hayop.
6. Ayon sa istatistika ng karahasan sa mga kababaihan, ilang porsyento ng mga
babaeng may edad 15-49 ang nakararanas ng seksuwal na pananakit?
A. 2% C. 4%
B. 3% D. 5%
7. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng diskriminasyon?
A. pagbawal na makipagkita sa mga kaibigan
B. pagpigil na pumasok sa paaralan o trabaho
C. pag-insulto at pagbigay ng nakatatawang alyas o bansag
D. kawalan ng oportunidad sa trabaho dahil sa kapansanan
8. Ang sumusunod ay dahilan ng pagsasagawa ng breast ironing maliban sa isa.
A. pagkagahasa C. paghinto sa pag-aaral
B. maagang pag-aasawa D. maagang pagbubuntis
9. Ito ay isang samahan sa Pilipinas na laban sa iba’t ibang anyo ng karahasan sa
mga kababaihan.
A. GABRIELA C. USAID
B. LADLAD D. UNDP

2
10. Kung si Edna ay biktima ng domestic violence, alin sa mga sumusunod ang
maaari niyang naranasan?
A. Pinagbantaan siya ng karahasan.
B. Sinabihan siya na ang mga lalaki ay natural na bayolente.
C. Tinawag siya sa ibang pangalang hindi maganda (name calling).
D. Humingi sa kaniya ng tawad ang taong may sala at nangakong magbabago.
11. Ito ay ang mahabang proseso ng pagbabali ng arko ng paa ng mga babae upang
hindi ito lumaki nang normal.
A. breast ironing C. Female Genital Mutilation
B. foot binding D. suttee
12. Ang sumusunod ay halimbawa ng karahasan sa mga kababaihan maliban sa
isa.
A. berbal C. pisikal
B. biyolohikal D. seksuwal
13. Ito ay batas na ipinatupad sa bansang Uganda na nagsasaad na ang same-sex
relations at marriages ay maaaring parusahan ng panghabangbuhay na
pagkakabilanggo.
A. Humanity Act C. Magna Carta for Women
B. Anti-Homosexuality Act D. Violence Against Women
14. Ilan sa bawat babaeng may edad 15-49 ang nakararanas ng pisikal, seksuwal,
at emosyonal na pananakit mula sa kanilang asawa o partner?
A. isa sa bawat tatlong babae
B. isa sa bawat apat na babae
C. dalawa sa bawat tatlong babae
D. dalawa sa bawat apat na babae
15. Alin sa sumusunod ang hindi halimbawa ng Seven Deadly Sins Against Women?
A. pananakit C. pananakot
B. exploitation D. prostitusyon

3
Aralin
Mga Isyu sa Kasarian at
1 Lipunan
Naunawaan mo sa Modyul 1 ang kasarian sa iba’t ibang lipunan.
Natunghayan mo rin ang mga pagbabago sa gampanin ng kalalakihan, kababaihan,
at LGBTQIA+ sa paglipas ng panahon.

Balikan

Panuto: Basahin ang komik istrip at sagutan sa isang papel ang sumusunod na
katanungan.

Oo nga pare. Hindi Pwede rin para sa mga


ba pambabae ang lalaki ang ganoong
Pare, alam mo
kaniyang trabaho? posisyon. Basta ang
bang CEO na ng
isang sikat na mahalaga, alam niya
online fashion ang kaniyang
retailer si Leo? ginagawa at mga
responsibilidad.

4
Hindi ba mahirap Oo, isa na akong
para sa isang ganap na
Kamusta ka na?
babae ang maging sundalo. Kaya ko
Totoo ba na
sundalo? ang mga gawain
isang sundalo ka
at alam ko ang
na sa US Navy?
aking mga
tungkulin.

1. Ano ang mensaheng nais ipabatid ng komik istrip?


2. Sa iyong palagay, paano maipapakita ang paggalang sa mga babaeng
nagtatrabaho ng mga gawaing panlalaki? Mga lalaking may trabahong
pambabae?
3. Maaari bang makaranas ng diskriminasyon ang isang indibiduwal na ang
trabaho ay hindi angkop sa kaniyang kasarian? Pagtibayin ang iyong sagot.

Mga Tala para sa Guro

Ang sumusunod na aralin ay may kinalaman sa mga isyu sa


kasarian at lipunan. Mainam na gabayan ang mag-aaral sa pagtalakay
ng aralin, sa mga gawaing nakapaloob sa modyul, at itala ang kanilang
nakamit na pag-unlad. Hayaan ang mag-aaral na tuklasin at
pamahalaan ang sariling pagkatuto.

5
Tuklasin

Panuto: Suriin ang larawan. Sagutan ang mga katanungan tungkol dito sa isang
papel.

Pamprosesong tanong:
1. Ano ang nais ipahiwatig ng larawan?
2. Sa iyong palagay, ano ang ugat ng ganitong gawain sa mga kalalakihan,
kababaihan, at LGBTQIA+?
3. Paano maiiwasan ang ganitong pangyayari?
4. Nagaganap ba sa tunay na buhay ang ipinakikita sa larawan? Magbigay ng
patunay.
5. Ikaw bilang babae/lalaki, nakaranas ka na ba ng diskriminasyon? Paano mo
ito nalampasan?

6
Suriin

Diskriminasyon sa mga Kalalakihan, Kababaihan, at LGBTQIA+


Bago natin talakayin ang ating paksa, nais kong makilala mo ang ilang
mga personalidad na kilala sa iba’t ibang larangan sa ating bansa. Maaari ka
ring magsaliksik ng mga karagdagang impormasyon tungkol sa kanila upang
mas makilala mo ang kanilang buhay bilang miyembro ng ating lipunan.

PABLO ‘Chef Boy’ LOGRO (Lalaki)


Siya ay isang Filipino Celebrity Chef na nakilala
sa kaniyang mga palabas sa pagluluto tulad ng Idol sa
Kusina at Chef Boy Logro: Kusina Master. Maraming
kalalakihan na rin sa kasalukuyan ang nalilinya sa
larangan ng pagluluto.

GLORIA M. ARROYO (Babae)


Nahalal siyang Senador ng bansa noong 1992-
1998. Sa loob ng dalawang taon, siya ay naging
Pangalawang Pangulo ng Administrasyong Estrada.
Noong Enero 20, 2001 siya ang humalili sa pagka-
Pangulo at nahalal sa buong anim na taong termino mula
2004
2004 hanggang 2010. hanggang
Nagsilbi siyang2010.
kinatawan ng 2nd District ng Pampanga
noong 2010 at naging Speaker of the House of Representatives mula 2018
hanggang 2019. Siya ang ikalawang babae na naging Pangulo ng bansa.

GERALDINE B. ROMAN (Transgender)


Isa siyang mamamahayag at politiko na
nagsisilbing kinatawan ng 1st District ng Bataan mula
noong 2016. Siya ang unang transgender woman na
naluklok bilang kinatawan ng Kongreso. Sa kabila ng
kaniyang kasarian, hindi ito naging hadlang upang
maglingkod sa kaniyang mamamayan.

7
DEXTER “Teri Onor” DOMINGUEZ (Gay)
Isang aktor at komedyante na nahalal bilang Vice-
Mayor ng Abucay, Bataan mula 2007-2010 at naging
Board Member ng 1st District ng Bataan. Siya ay isang
halimbawa na sa kasalukuyang panahon, may puwang
na ang LGBTQIA+ sa larangan ng pulitika sa Pilipinas.

JAKE ZYRUS (Lesbian)


Isang mang-aawit na nakilala hindi lamang sa
bansa kundi sa ibang panig ng mundo. Tinawag ni Oprah
Winfrey na “The Most Talented Girl in the World”. Isa sa
sumikat na awit niya ay ang pinamagatang, Pyramid.

Sino-sino pa ang kilala mong babaeng matagumpay sa larangang itinuturing


na para lamang sa lalaki? Lalaking matagumpay sa larangang para lamang sa
babae? O kaya LGBTQIA+ na matagumpay sa larangang kanilang pinili?

Ano ang diskriminasyon?

Ang diskriminasyon ay tumutukoy sa anumang pag-uuri, eksklusyon, o


restriksyon batay sa kasarian na naglalayon o nagiging sanhi ng hindi
pagkilala, paggalang, at pagtamasa ng lahat ng kasarian ng kanilang mga
karapatan o kalayaan.

Diskriminasyon sa Kalalakihan

Marahil ang Pilipinas ay isang patriyarkal na bansa kaya mataas ang


pagtingin sa kalalakihan sa lipunan. Subalit may mga pagkakataon ding sila
ay nakararanas ng diskriminasyon. Ginagawang paksang biro ang pagtawag
ng ‘House husband’ sa mga kalalakihan na naiiwan at gumaganap ng mga
gawaing pantahanan.

Diskriminasyon sa Kababaihan
Ang Labor Force Participation Rate (LFPR) ng mga kababaihan ay
nanatiling mas mababa kaysa sa mga kalalakihan na maaaring maiugnay sa
paglaganap ng diskriminasyon batay sa kasarian sa lugar ng trabaho
partikular na ang diskriminasyon sa pagpasok sa trabaho, pagpapanatili at
pagsulong ng mga manggagawang kababaihan, sexual harassment, agwat sa
sahod at limitadong kakayahang umangkop sa trabaho.

8
Ang limitado at hindi pantay na pakikilahok ng mga kababaihan sa
gawaing pang-ekonomiya ay may direktang epekto sa paglago at pag-unlad ng
ekonomiya ng bansa. Ang Labor Force Participation Rate ng mga kababaihan ay
halos 48% habang ang mga kalalakihan ay humigit-kumulang na 77% na mas
mababa sa 29% kaysa sa mga kalalakihan.

Diskriminasyon sa LGBTQIA+
Ayon sa pag-aaral na inilabas ng United Nations Development
Programme (UNDP) at ng United States Agency for International Development
(USAID) na may titulong Being LGBT in Asia: The Philippines Country Report,
ang mga LGBTQIA+ ay may kakaunting oportunidad sa trabaho, bias sa
serbisyong medikal, pabahay at maging sa edukasyon. Ilan sa mga halimbawa
nito ay may mga kurso, propesyon, at hanapbuhay na para lamang sa babae o
lalaki.

Karahasan sa Kalalakihan, Kababaihan at LGBTQIA+

Karahasan sa Kalalakihan
Maging ang kalalakihan ay biktima rin ng karahasan. Maaaring
magsimula ito sa kanilang pamilya at maging sa trabaho. Wala itong pinipiling
edad, maging bata man o matanda. Ang pang-aabuso sa kalalakihan ay hindi
kinakailangang maging pisikal, ngunit maaaring emosyonal at seksuwal.
Marami pa ring mga lalaking biktima ng karahasan ang nahihiyang lumantad
at magbahagi ng kanilang karanasan kaya walang malinaw na bilang kung ilan
sa kanila ang naging biktima ng pang-aabuso.
May kalalakihang nakararanas ng seksuwal na pang-aabuso mula sa
kanilang pamilya o mga taong pinagkakatiwalaan nila na maaaring
makaapekto sa kanilang damdamin o emosyon. May mga pagkakataon na sila
rin ay biktima ng pisikal na pananakit mula sa kanilang asawa o partner.

Karahasan sa Kababaihan
Ayon sa United Nations (UN), ang karahasan sa kababaihan (violence
against women) ay anumang karahasang nauugat sa kasarian na
humahantong sa pisikal, seksuwal o mental na pananakit o pagpapahirap sa
kababaihan, kasama na ang mga pagbabanta at pagsikil sa kanilang kalayaan.
Hindi lamang limitado sa pisikal na pang-aabuso ang violence against women.
Maaari rin itong sa paraang berbal, seksuwal, sikolohikal, at ekonomikal.
Maraming paraan ang mga kalalakihan upang maipamalas ang kanilang
kapangyarihan sa mga kababaihan. Ang pananakit na pisikal ay isang
halimbawa nito. Mula sa berbal na pang-aabuso ay nauuwi sa abusong pisikal.
Ang lahat ng kababaihang nakaranas ng pisikal na pananakit ay biktima rin
ng iba pang anyo ng pang-aabuso.

9
Ang General Assembly Binding Women for Reforms, Integrity, Equality,
Leadership, and Action (GABRIELA), ay isang samahan sa Pilipinas na laban sa
iba’t ibang anyo ng karahasang nararanasan ng kababaihan na tinagurian
nilang Seven Deadly Sins Against Women. Ang mga ito ay ang:
1. pambubugbog/pananakit,
2. panggagahasa,
3. incest at iba pang seksuwal na pang-aabuso,
4. sexual harassment,
5. sexual discrimination at exploitation,
6. limitadong access sa reproductive health, at
7. sex trafficking at prostitusyon.

Istatistika ng Karahasan sa Kababaihan


2017 National Demographic and Health Survey (NDHS)
A. Isa sa bawat apat (26%) na babaeng may edad 15-49 ang nakaranas ng
pananakit na pisikal, seksuwal, at emosyonal. Karamihan sa mga
nananakit ay ang mga kasalukuyang asawang lalaki o partner.
B. Limang porsyento (5%) na babae ang nakaranas ng seksuwal na
pananakit.
C. Labing-apat na porsyento (14%) na mga babae ang nakaranas ng pisikal
na pananakit.
D. Isa sa bawat lima (20%) na babaeng may-asawa ang nakaranas ng
emosyonal na pananakit mula sa kanilang mga asawa o partner.

May ilang kaugalian din sa ibang lipunan na nagpapakita ng paglabag


sa karapatan ng kababaihan. Subalit ang nakalulungkot dito, ang
pagsasagawa nito ay nag-uugat sa maling paniniwala, tulad na lamang ng
isinasagawang breast ironing o breast flattening sa Africa at foot binding sa
China.
Ang breast ironing o breast flattening ay isang kaugalian sa bansang
Cameroon sa kontinente ng Africa. Ito ay ang pagbabayo o pagmamasahe ng
dibdib ng batang nagdadalaga sa pamamagitan ng bato, martilyo o spatula na
pinainit sa apoy. May pananaliksik noong 2006 na nagsasabing 24% ng mga
batang babaeng may edad siyam ay apektado nito. Ipinaliliwanag ng ina sa
anak na ang pagsasagawa nito ay normal lamang at ang mga dahilan nito ay
upang maiwasan ang: (1) maagang pagbubuntis ng anak, (2) paghinto sa pag-
aaral, at (3) pagkagahasa. Ang maaaring maging epekto nito sa kalusugan ng
mga biktima — mga cyst, cancer sa suso, at mga isyu sa pagpapasuso.
Ang foot binding ay isinasagawa sa mga babae noong sinaunang
panahon sa China. Ito ay ang mahabang proseso ng pagbabali ng arko ng paa
ng mga babae upang hindi ito lumaki nang normal. Ang kanilang mga paa ay
mahigpit na nakagapos gamit ang pagbalot ng isang pirasong bakal o bubog sa
talampakan. Ang perpektong paa ng babaeng may sapat na gulang ay tatlo
hanggang apat na pulgada ang haba.

10
Ang mga deformed feet ay kilala bilang ‘lotus feet o lily feet’. Ang
pagkakaroon ng ganitong klase ng paa sa simula ay kinikilala bilang simbolo
ng yaman, ganda, at pagiging karapat-dapat sa pagpapakasal. Subalit dahil sa
ang kababaihang ito ay may bound feet, nalimitahan ang kanilang pagkilos,
pakikilahok sa politika, at ang kanilang pakikisalamuha. Noong 1911, sa
pamumuno ni Sun Yat Sen tinanggal ang ganitong sistema sa China.

Karahasan sa LGBTQIA+
Patuloy ang pagpatay sa mga miyembro ng LGBTQIA+ sa kabila ng
panawagan sa pagkakapantay- pantay at kalayaan sa lahat ng uri ng
diskriminasyon at pang-aabuso. Ayon sa ulat ng Transgender Europe noong
2015 mahigit 1,700 LGBTQIA+ ang biktima ng pagpatay mula 2008-2015.
Ang United Nations Human Rights Council ay nagkaroon ng ulat noong
2011 tungkol sa mga ebidensya at kaso ng mga diskriminasiyon at karahasan
laban sa mga LGBTQIA+. Ang bansang Uganda ay nagpasa ng batas na Anti-
Homosexuality Act of 2014 na nagsasaad na ang same-sex relations at
marriages ay maaaring parusahan ng panghabambuhay na pagkabilanggo.
Hindi lamang kababaihan ang biktima ng karahasang nagaganap sa
isang relasyon o ang tinatawag na domestic violence, maging ang kalalakihan
ay biktima rin. Ang ganitong uri ng karahasan sa mga kalalakihan ay hindi
madaling makita o kilalanin. Ang karahasan ay may iba’t ibang uri: emosyonal,
seksuwal, pisikal, at banta ng pang-aabuso. Ito ay maaari ring maganap sa
heterosexual at homosexual na relasyon.

Ikaw ay nakararanas ng domestic violence kung ang iyong kapareha ay:


1. tinatawag ka sa ibang pangalang hindi maganda (name calling) para sa iyo
at sa ibang tao, iniinsulto ka;
2. pinipigilan ka sa pagpasok sa trabaho o paaralan;
3. pinipigilan kang makipagkita sa iyong pamilya o mga kaibigan, sinusubukan
kang kontrolin sa paggastos sa pera, saan ka pupunta at kung ano ang iyong
mga isusuot;
4. nagseselos at palagi kang pinagdududahan na nanloloko;
5. nagagalit kung umiinom ng alak, o gumagamit ng droga;
6. pinagbabantaan ka na sasaktan;
7. sinisipa, sinasampal, sinasakal o sinasaktan ang iyong mga anak o mga
alagang hayop;
8. pinipilit kang makipagtalik kahit labag sa iyong kalooban; at
9. sinisisi ka sa kaniyang pananakit o sinasabi na nararapat lamang ang
ginawa sa iyo.

11
Ito naman ay para sa mga gay, bisexual at transgender:
1. pinagbabantaan kang sasabihin sa iyong pamilya, mga kaibigan, at mga
kakilala ang iyong oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang
pangkasarian;
2. sinasabi sa iyo na hindi tutulungan ng pamahalaan ang mga gay, bisexual
at transgender; at
3. sinasabi sa iyo na ang mga lalaki ay natural na bayolente.

Maari mong malamang inaabuso ka na kung napapansin mo ang ganitong


pangyayari:
1. pinagbabantaan ka ng karahasan;
2. sinasaktan ka na (emosyonal o pisikal);
3. humihingi ng tawad, nangangakong magbabago, at nagbibigay ng suhol;
4. paulit-ulit ang ganitong pangyayari; at
5. mas dumadalas ang pananakit at karahasan at mas tumitindi sa paglipas
ng panahon.

Pagyamanin

A. You Complete Me
Panuto: Punan ng letra ang bawat kahon upang mabuo ang salita/grupo ng mga
salitang binibigyang-kahulugan sa bawat pangungusap. Isulat sa sagutang papel.

1. Ito ay hindi lamang limitado sa pisikal na pang-aabuso sa kababaihan, maaari rin


itong sa paraang berbal, seksuwal, sikolohikal, at ekonomikal.

2. May pananaliksik noong 2006 na nagsasabing 24% ng mga batang babae sa


Cameroon, Africa na may edad siyam ay sumasailalim sa prosesong ito.

3. Ito ay tumutukoy sa anumang pag-uuri, eksklusyon, o restriksyon batay sa


kasarian na naglalayon o nagiging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang, at
pagtamasa ng lahat ng kasarian ng kanilang mga karapatan o kalayaan.

12
4. Sa prosesong ito, mahigpit na itinatali ang paa ng batang babae gamit ang
pagbalot ng isang pirasong bakal o bubog sa talampakan.

5. Isang samahan sa Pilipinas na laban sa iba’t ibang anyo ng karahasang


nararanasan ng mga kababaihan.

B. Hanapin Mo Ako
Panuto: Hanapin sa loob ng kahon ang limang anyo ng karahasan sa kababaihan.
Isulat sa sagutang papel.

D A M D A M I N K O

E N S E K S W A L S

E O I W I S E S A I

R M N A N A H A H K

B A O N D N P N T O

E K O N O M I K A L

R A B G N O S A S O

B N A A Y N I B A H

A G T B A O K A B I

L K A A T N A K U K

E A L S A I L I L A

A S O I S M S T O L

P I N A N S I Y A L

13
C. Karahasan o Diskriminasyon?
Panuto: Suriin ang mga pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang K kung ang
sitwasyon ay naglalarawan ng karahasan at D kung diskriminasyon.
_____ 1. Ang sapilitang pagtatalik o pamimilit sa isang tao na gumawa ng mga sexual
na kilos.
_____ 2. Sinusubukan kang kontrolin sa paggastos sa pera at kung saan ka
pupunta.
_____ 3. Laganap pa rin ang pagbibigay ng trabaho ayon sa kasarian o pananaw na
trabaho ng babae at lalaki.
_____ 4. Ang hindi pagbibigay ng paid maternity leave para sa mga nagdadalang-tao
at paternal leave para sa mga ama.
_____ 5. Ang pagsusubaybay sa bawat kilos ng isang tao sa pamamagitan ng social
media.

D. Statistics Says
Panuto: Balikan ang bahagi ng Suriin sa istatistika ng karahasan sa kababaihan
ayon sa 2017 National Demographic and Health Survey (NDHS). Isa-isahin ang mga
istatistika ng karahasan sa kababaihan at ibigay ang pananaw kung bakit sa kabila
ng mga batas na nagbibigay-proteksyon sa kababaihan ay laganap pa rin ang
karahasan. Isulat sa sagutang papel.

14
E. Kasalanan Ko Ba?
Panuto: Isa-isahin ang mga diskriminasyong nararanasan ng LGBTQIA+. Ipaliwanag
kung bakit patuloy pa rin ang ganitong sitwasyon sa kabila ng kanilang panawagan
ng pagkakapantay-pantay. Isulat sa sagutang papel.

F. Sanhi at Bunga
Panuto: Magbigay ng tig-isang halimbawa ng diskriminasyon at karahasan na
nangyayari sa kasalukuyan sa mga kalalakihan, kababaihan, at LGBTQIA+. Ibigay
ang mga sanhi at bunga ng ganitong pangyayari. Isulat sa sagutang papel.

DISKRIMINASYON
SANHI BUNGA
1. Lalaki ____________________ ______________________
2. Babae ____________________ ______________________
3. LGBTQIA+ ____________________ ______________________

KARAHASAN

SANHI BUNGA
1. Lalaki _____________________ ______________________
2. Babae ____________________ ______________________
3. LGBTQIA+ ____________________ ______________________

15
Isaisip

Panuto: Isulat sa sagutang papel ang iyong natutuhan mula sa paksang tinalakay
gamit ang reflective journal.

Ang aking natutuhan mula sa aralin:


_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

Mga saloobin ko tungkol dito:


_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

Mga kaisipan na naunawaan ko:


_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

16
Isagawa

Panuto: Ipahayag mo ang iyong paggalang sa karapatan ng bawat indibiduwal


anuman ang kasarian at seksuwalidad sa pamamagitan ng pagsulat ng isang spoken
poetry. Isulat sa sagutang papel.

Rubrik sa Pagsulat ng Spoken Poetry

KAILANGAN
NAKUHANG
PAMANTAYAN MAHUSAY KATAMTAMAN PANG
PUNTOS
PAGHUSAYAN
5 3 1
Nilalaman Makahulugan Di-gaanong Mababaw ang
at malalim ang makabuluhan nilalaman ng
nilalaman ng at malalim ang spoken poetry .
spoken poetry . nilalaman ng
spoken poetry .
Mensahe Angkop ang Hindi gaanong Hindi naging
mensahe na malinaw ang malinaw ang
nabuo sa nabuong nabuong
spoken poetry . mensahe ng mensahe ng
spoken poetry . spoken poetry .
Pagkamalikhain Ang kabuuan Hindi gaanong Walang nakitang
ng spoken natatangi ang pagkamalikhain
poetry ay mga salitang sa spoken
natatangi at ginamit sa poetry .
masining. spoken poerty.
KABUUAN

17
Tayahin

Panuto: Basahin nang may pang-unawa ang sumusunod na katanungan. Isulat sa


sagutang papel ang letra ng tamang kasagutan.

1. Alin sa sumusunod ang kahulugan ng diskriminasyon?


A. anumang uri ng karahasang nagaganap sa isang relasyon
B. anumang paggamit ng pisikal na puwersa o kapangyarihan, pagbabanta o
aktwal, laban sa sarili, ibang tao, o laban sa isang grupo o pamayanan, na
may mataas na posibilidad na magresulta sa pinsala, kamatayan, at
sikolohikal na pinsala
C. anumang karahasang nauugat sa kasarian na humahantong sa pisikal,
sexual o mental na pananakit o pagpapahirap sa kababaihan, kasama na ang
mga pagbabanta at pagsikil sa kanilang kalayaan
D. anumang pag-uuri, eksklusyon, o restriksyon batay sa kasarian na
naglalayon o nagiging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang, at pagtamasa ng
lahat ng kasarian ng kanilang mga karapatan o kalayaan
2. Alin sa sumusunod ang halimbawa ng domestic violence?
A. pinagbabantaan ka ng karahasan
B. sinasaktan ka na (emosyonal o pisikal)
C. humihingi ng tawad, nangangakong magbabago, at nagbibigay ng suhol
D. sinisisi ka sa kaniyang pananakit o sinasabi na nararapat lamang ang
ginawa sa iyo
3. Alin sa sumusunod ang naglalarawan ng karahasan na maaaring maranasan?
A. laging may nakahandang sorpresa ang kaniyang asawa.
B. ibinibigay sa kaniya ang lahat ng kaniyang pangangailangan.
C. pinipigilan siyang makipagkita sa kaniyang pamilya at kaibigan.
D. madalas siyang nakatatanggap ng tsokolate mula sa kaniyang asawa.
4. Ano ang tawag sa mahabang proseso ng pagbabali ng arko ng paa ng mga babae
upang hindi ito lumaki nang normal?
A. breast ironing C. Female Genital Mutilation
B. foot binding D. suttee
5. Anong batas ang nagsasaad na ang same-sex relations at marriages ay maaaring
parusahan ng panghabambuhay na pagkabilanggo?
A. Humanity Act
B. Anti-Homosexuality Act
C. Magna Carta for Women
D. Violence Against Women and Children

18
6. Ang sumusunod ay halimbawa ng Seven Deadly Sins Against Women maliban sa
isa.
A. incest C. pangangaliwa
B. pambubugbog D. panggagahasa
7. Alin sa sumusunod na pangungusap ang higit na nagpapaliwanag sa domestic
violence?
A. Ito ay karahasan para sa babae lamang.
B. Ito ay karahasan laban sa mga kalalakihan.
C. Ito ay karahasan laban sa miyembro ng ikatlong kasarian.
D. Ito ay karahasang nagaganap sa isang relasyon; heterosexual at homosexual
na relasyon.
8. Alin sa sumusunod na bansa ang nagpatupad ng Anti-Homosexuality Act of 2014?
A. England C. Uganda
B. France D. Zimbabwe
9. Ang sumusunod ay dahilan ng pagsasagawa ng breast ironing maliban sa isa.
A. pagkagahasa
B. maagang pag-aasawa
C. paghinto sa pag-aaral
D. maagang pagbubuntis
10. Ang sumusunod ay halimbawa ng karahasan sa mga kababaihan maliban sa isa.
A. berbal C. pisikal
B. biyolohikal D. seksuwal
11. Ano ang kahulugan ng karahasan sa kababaihan?
A. anumang uri ng karahasang nagaganap sa isang relasyon
B. anumang paggamit ng pisikal na puwersa o kapangyarihan, pagbabanta o
aktwal, laban sa sarili, ibang tao, o laban sa isang grupo o pamayanan, na
may mataas na posibilidad na magresulta sa pinsala, kamatayan, at
sikolohikal na pinsala
C. anumang karahasang nauugat sa kasarian na humahantong sa pisikal,
sexual o mental na pananakit o pagpapahirap sa kababaihan, kasama na
ang mga pagbabanta at pagsikil sa kanilang kalayaan
D. anumang pag-uuri, eksklusyon, o restriksyon batay sa kasarian na
naglalayon o nagiging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang, at pagtamasa ng
lahat ng kasarian ng kanilang mga karapatan o kalayaan
12. Ayon sa istatistika ng karahasan sa mga kababaihan, ilang porsyento ng mga
babaeng may edad 15-49 ang nakaranas ng pananakit na pisikal?
A. 10% C. 14%
B. 12% D. 16%

19
13. Ilan sa bawat babaeng may edad 15-49 ang nakararanas ng pisikal, seksuwal,
at emosyonal na pananakit mula sa kanilang asawa o partner?
A. isa sa bawat tatlong babae
B. isa sa bawat apat na babae
C. dalawa sa bawat tatlong babae
D. dalawa sa bawat apat na babae
14. Ilang porsyento ng mga babae ang nakaranas ng pisikal na pananakit mula sa
kanilang asawa o partner?
A. 12% C. 16%
B. 14% D. 18%
15. Ilang porsyento ng mga babaeng may-asawa ang nakararanas ng emosyonal na
pananakit mula sa kanilang mga asawa o partner.
A. 18% C. 22%
B. 20% D. 24%

20
Karagdagang Gawain

Panuto: Gumuhit ng poster na nagpapahayag ng paggalang at pagkakapantay-


pantay ng bawat indibiduwal sa lipunan.

Rubrik sa Pagmamarka sa Poster


Dapat pang
Napakahusay Mahusay Nakuhang
Pamantayan linangin
5 3 Puntos
1
Kawastuan ng Naipakita nang Di-gaanong Hindi naipakita
mensahe maayos ang maayos na ang ugnayan ng
ugnayan ng naipakita ang konsepto sa
konsepto sa ugnayan ng poster.
poster. konsepto sa
poster.
Kalinisan ng Malinis ang Di-gaanong Marumi ang
pagkakagawa pagkakaguhit malinis ang pagkakaguhit ng
ng poster. pagkakaguhit poster.
ng poster.

Pagkamalikhain Maganda ang Katamtaman Hindi maganda


kombinasyon ang ganda ng ang mga kulay
ng mga kulay kulay na na ginamit.
na ginamit. ginamit.

Kabuuan

21
22
Subukin Pagyamanin D.
A 1. Isa sa bawat limang babae na
1. A
1. Violence against women may edad 15-49 ang
2. A
2. Breast ironing nakaranas ng pananakit na
3. C
3. Diskriminasyon pisikal mula sa edad na 15.
4. B
4. Foot binding 2. Karamihan sa mga nananakit
5. B
5. GABRIELA na pisikal ay ang mga
6. D
kasalukuyang asawang lalaki.
7. D
B 3. Isa sa bawat labing-anim
8. B
1. pisikal (6.3%) na babae na may edad
9. C
2. berbal 15-49 ang nakaranas ng
10. C
3. seksuwal seksuwal na pananakit.
11. B
4. ekonomiks 4. 4% ng mga babaeng
12. B
5. sikolohikal nagbuntis ang nakaranas ng
13. B
pisikal na pananakit habang
14. B
C. sila ay nagdadalang-tao.
15. C
1. K 5. 22% ng mga babaeng may-
2. K asawa ang nakaranas ng
3. D emosyonal na pananakit mula
4. D sa kanilang mga asawa o
5. K partner (spousal violence).
E. Tayahin
1. Pagtawag ng bakla, tomboy at imoral
1. D
2. Bias na serbisyong medikal 2. D
3. Kakaunting oportunidad sa trabaho 3. C
4. Pabahay 4. B
5. edukasyon 5. B
Ipaliwanag ng mga mag-aaral bakit patuloy pa ring 6. C
nakararanas ng diskriminasyon ang mga LGBT sa kabila ng 7. D
8. C
panawagan nila sa pagkakapantay-pantay.
9. B
10. B
11. C
F.
12. C
Magbibigay ang mag-aaral ng halimbawa ng kasalukuyang 13. B
diskriminasyon at karahasan na nararanasan ng mga 14. B
kalalakihan, kababaihan, at LGBT. 15. B
Isaisip
Magbigay ang mag-aarla ng kaniyang mga natuklasan,
natutuhan, at napulot na aral mula sa araling tinalakay.
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
“BM Dexter B. Dominguez.” 1Bataan Team. Accessed November 9, 2013.
https://1bataan.com/bm-dexter-b-dominguez/?fbclid

Department of Education. Kontemporaryong Isyu - Module para sa mga Mag-aaral


Baitang 10, pp. 284-309.

“Gloria Macapagal-Arroyo.” Malacañang Palace, Presendential Museum and Library.


http://malacanang.gov.ph/gloria-macapagal-arroyo/?fbclid

“K to 12 Most Essential Learning Competencies with Corresponding CG Codes.”


DepEd Commons. https://commons.deped.gov.ph/melc

“Labor and Employment.” Philippine Commission on Women.


https://pcw.gov.ph/formal-labor-and-employment/?fbclid

“One in Four Women Have Ever Experienced Spousal Violence (Preliminary results
from the 2017 National Demographic and Health Survey)”. Philippine Statistic
Authority. Released March 26, 2018. https://psa.gov.ph/content/one-four-
women-have-ever-experienced-spousal-violence-preliminary-results-2017-
national

23
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education Region III - Learning Resources Management


Section (DepEd Region III - LRMS)

Office Address: Matalino St., D.M. Government Center


Maimpis, City of San Fernando (P)
Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph

24

You might also like