You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
Division of Nueva Ecija
PEÑARANDA NATIONAL HIGH SCHOOL
Peñaranda, Nueva Ecija

Mga Gawaing Pampagkatuto


ARALING PANLIPUNAN 10
Ikatlong Markahan
SUMMATIVE TEST

Pangalan:______________________________________________ _____ Petsa:____________


Seksyon:_____________________________________ Iskor:____________

Panuto: Basahin nang may pang-unawa ang mga sumusunod na katanungan. Isulat sa sagutang papel ang letra ng
tamang kasagutan.

1. Ito ay tumutukoy sa iyong kakayahan na magkaroon ng atraksyong pisikal, kung siya ay lalaki o
babae o pareho. A. heterosexual C. oryentasyong seksuwal
B. homosexual D. pagkakakilanlang pangkasarian

2. Ano ang tawag sa mga taong hindi sang-ayon na mapasailalim sa anumang uring pangkasarian?
A. asexual C. intersex
B. bisexual D. queer

3. Kinikilala ito bilang malalim na damdamin at personal na karanasang pangkasarian ng isang


tao, na maaaring nakatugma o hindi nakatugma sa sex niya nang siya’y ipanganak.
A. heterosexual C. oryentasyong seksuwal
B. homosexual D. pagkakakilanlang pangkasarian

4. Siya ang tinaguriang prinsesa ng isang katutubong pangkat sa isla ng Panay at itinuturing na
itinagong paborito at pinakamagandang anak ng datu.
A. Asog C. Binukot
B. Babaylan D. Lakambini

5. Ito ay isang proseso ng pagbabago sa ari ng kababaihan (bata o matanda) nang walang anumang
benepisyong medikal.
A. breast flattening C. Female Genital Mutilation (FGM)
B. breast ironing D. foot binding
6. Ano ang tawag sa taong nakararamdam na siya ay nabubuhay sa maling katawan, at ang
kaniyang pag-iisip at pangangatawan ay hindi magkatugma?
A. asexual C. heterosexual
B. bisexual D. transgender
7. Sa panahong ito nagkaroon ng pagbabago sa mga gampanin ng kababaihan sa lipunan gaya ng
paglahok sa pagboto at karapatang makapag-aral.
A. Panahon ng Amerikano C. Panahon ng Hapones
B. Panahon ng Espanyol D. Panahong Pre-Kolonyal
8. Bago pa dumating ang mga Kastila sa Pilipinas ang mga lalaki ay pinapayagang magkaroon ng
maraming asawa, subalit maaring patawan ng parusang kamatayan ang asawang babae sa
sandaling makita niya itong may kasamang ibang lalaki. Ano ang ipinahihiwatig nito?
A. May pantay na karapatan ang lalaki at babae.
B. Ang babae ay maaari lamang mag-asawa ng isa.
C. Ang lalaki ay maaaring magkaroon ng maraming asawa.
D. Mas malawak ang karapatang tinatamasa ng kalalakihan noon kaysa sa kababaihan.
9. Bakit may mga insidente ng gang rape sa mga tomboy o lesbian sa mga bansa sa South Africa?
A. Sila ay maituturing na babae rin.
B. Ito ay bahagi ng kanilang panlipunang kultural.
C. Mababa ang pagtingin sa kanilang lipunan sa mga lesbian.
D. Pinaniniwalaang mababago ang kanilang oryentasyon matapos gahasain.
10. Alin sa sumusunod ang pangunahing layunin ng pagsasagawa ng FGM?
A. upang maging malinis ang mga kababaihan
B. upang hindi mag-asawa ang mga kababaihan
C. upang makasunod sa kanilang kultura at paniniwala
D. upang mapanatiling walang bahid dungis ang babae hanggang siya ay maikasal

11. Ito ay tumutukoy sa anumang pag-uuri, eksklusyon, o restriksyon batay sa kasarian na


naglalayon o nagiging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang, at pagtamasa ng lahat ng kasarian ng
kanilang mga karapatan o kalayaan.
A. diskriminasyon C. karahasan
B. gender roles D. Magna Carta
12. Ano ang tawag sa proseso ng pagbabayo o pagmamasahe ng dibdib ng batang nagdadalaga sa
pamamagitan ng bato, martilyo o spatula na pinainit sa apoy?
A. breast ironing C. Female Genital Mutilation
B. foot binding D. suttee

13. Alin sa sumusunod ang kahulugan ng karahasan sa kababaihan?


A. anumang uri ng karahasang nagaganap sa isang relasyon
B. anumang paggamit ng pisikal na puwersa o kapangyarihan, pagbabanta o aktwal, laban sa
sarili, ibang tao, o laban sa isang grupo o pamayanan, na may mataas na posibilidad na magresulta
sa pinsala, kamatayan, at sikolohikal na pinsala
C. anumang karahasang nauugat sa kasarian na humahantong sa pisikal, sexual o mental na
pananakit o pagpapahirap sa kababaihan, kasama na ang mga pagbabanta at pagsikil sa kanilang
kalayaan
D. anumang pag-uuri, eksklusyon, o restriksyon batay sa kasarian na naglalayon o nagiging sanhi
ng hindi pagkilala, paggalang, at pagtamasa ng lahat ng kasarian ng kanilang mga karapatan o
kalayaan
14. Si Mae ay nakaranas ng domestic violence. Alin sa sumusunod ang naglalarawan ng kaniyang
naging karanasan?
A. Hindi nalilimutan ng kaniyang asawa ang kanilang anibersaryo.
B. Laging sinusubaybayan ng kaniyang asawa ang kaniyang social media account.
C. Laging may nakahandang sorpresa ang kaniyang asawa sa kaniyang kaarawan.
D. Madalas siyang tinatawagan ng kaniyang asawa upang alamin ang kaniyang kalagayan.
15. Ang sumusunod ay halimbawa ng domestic violence maliban sa isa.
A. Pinipigilan ka sa pagpasok sa trabaho o paaralan.
B. Sinasabi sa iyo na ang mga lalaki ay natural na bayolente.
C. Pinipigilan kang makipagkita sa iyong pamilya o mga kaibigan.
D. Sinisipa, sinasampal, sinasakal o sinasaktan ang iyong mga anak o mga alagang hayop.
16. Ayon sa istatistika ng karahasan sa mga kababaihan, ilang porsyento ng mga babaeng may
edad 15-49 ang nakararanas ng seksuwal na pananakit?
A. 2% C. 4%
B. 3% D. 5%
17. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng diskriminasyon?
A. pagbawal na makipagkita sa mga kaibigan
B. pagpigil na pumasok sa paaralan o trabaho
C. pag-insulto at pagbigay ng nakatatawang alyas o bansag
D. kawalan ng oportunidad sa trabaho dahil sa kapansanan
18. Ang sumusunod ay dahilan ng pagsasagawa ng breast ironing maliban sa isa.
A. pagkagahasa C. paghinto sa pag-aaral
B. maagang pag-aasawa D. maagang pagbubuntis
19. Ito ay isang samahan sa Pilipinas na laban sa iba’t ibang anyo ng karahasan sa mga
kababaihan.
A. GABRIELA C. USAID
B. LADLAD D. UNDP

20. Kung si Edna ay biktima ng domestic violence, alin sa mga sumusunod ang maaari niyang
naranasan?
A. Pinagbantaan siya ng karahasan.
B. Sinabihan siya na ang mga lalaki ay natural na bayolente.
C. Tinawag siya sa ibang pangalang hindi maganda (name calling).
D. Humingi sa kaniya ng tawad ang taong may sala at nangakong magbabago.

21. Ito ay batas na nagsasaad ng mga karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga anak,
nagbibigay lunas at proteksiyon sa mga biktima nito at nagtatalaga ng kaukulang parusa sa
lumalabag nito. A. Women and Children Act
B. Anti-Children and Women Act Bill
C. Act for Women and Children in Discrimination
D. Anti-Violence Against Women and Their Children Act

22. Sila ang mga babaeng mahirap o nasa di-panatag na kalagayan ayon sa Magna Carta for
Women.
A. Samahang Gabriela
B. Marginalized Women
C. Powerful Women of the Society
D. Women in Especially Difficult Circumstances
23. Ito ang itinalaga ng Magna Carta for Women bilang pangunahing tagapagpatupad o primary
duty bearer ng komprehensibong batas na ito.
A. paaralan C. senado
B. pamahalaan D. simbahan
24. Sila ang mga babaeng nasa mapanganib na kalagayan o masikip na katayuan tulad ng biktima
ng pang-aabuso, karahasan at armadong sigalot, biktima ng prostitusyon at mga babaeng
nakakulong.
A. Women of the Society
B. Able Women of the Society
C. Especial Women in Difficult Circumstances
D. Women in Especially Difficult Circumstances
25. Layunin ng batas na ito na itaguyod ang husay at galing ng bawat babae at ang potensiyal nila
bilang alagad ng pagbabago at pag-unlad at makilala na ang karapatan ng kababaihan ay
karapatang pantao.
A. Magna Carta for Women
B. Women Discrimination Bill
C. Women for Magna Carta Act
D. Act Against Women Discrimination

You might also like