Professional Documents
Culture Documents
3rd Grading Long Quiz
3rd Grading Long Quiz
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon III
SANGAY NG NUEVA ECIJA
PAMBANSANG MATAAS NA PAARALAN NG PENARANDA
Penaranda, Nueva Ecija
ARALING PANLIPUNAN
(Mga Kontemporaryong Isyu)
Set B
Long Quiz
I. Basahin at ibigay ang hinihingi sa sumusunod na pangungusap. Isulat ang sagot sa patlang bago ang
bilang.
_________________1. Ito ay tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na katangian na nagtatakda
ng pagkakaiba ng babae sa lalaki.
_________________9. Kung ang isang tao ay nakararamdam na siya ay nabubuhay sa maling katawan,
ang kaniyang pag-iisip at ang pangangatawan ay hindi magkatugma, siya ay maaaring tawaging
_____________________.
_________________10. Sila ang mga babae na ang kilos at damdamin ay panlalaki; mga babaeng may
pusong lalaki at umiibig sa kapwa babae.
IV. Basahin at ibigay ang hinihingi sa sumusunod na pangungusap. Isulat ang PPK kung ang tinutukoy ay
Panahong Pre-Kolonyal, PK kung ang tinutukoy ay Panahon ng Kastila, PA kung ang tinutukoy ay Panahon ng
Amerikano at PH kung ang tinutukoy ay Panahon ng Hapon. (2 puntos kada bilang)
______21. Nabuksan ang isipan ng kababaihan na hindi lamang dapat bahay at simbahan ang mundong kanilang
ginagalawan.
______22. Parehas na lumaban ang mga kalalakihan at kababaihan noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
______23. “Reared and trained primarily for motherhood or for the religious life, her education principally
undertaken under the supervision of priests and nuns.”
______24. Ayon sa Boxer Codex, ang mga lalaki ay pinapayagang magkaroon ng maraming asawa subalit
maaaring patayin ng lalaki ang kaniyang asawang babae sa sandaling makita niya itong kasama ng ibang
lalaki.
______25. Kung gustong hiwalayan ng lalaki ang kaniyang asawa, maaari niya itong gawin sa pamamagitan ng
pagbawi sa ari-ariang ibinigay niya sa panahon ng kanilang pagsasama.
______26. Nagkaroon ng mga binukot o prinsesa ang isang katutubong pangkat sa isla ng Panay at pagbibigay
ng tinatawag na bigay-kaya. Ang binukot ay itinuturing na itinagong paborito at pinakamagandang anak ng
datu. Hindi siya maaaring tumapak sa lupa at masilayan ng mga kalalakihan hanggang sa magdalaga.
______27. Ang kababaihan sa Pilipinas noon, maging sila man ay kabilang sa pinakamataas na uri o sa uring
timawa sa kanilang lipunan, ay pagmamay-ari ng mga lalaki.
______28. Isang espesyal na plebesito ang ginanap noong Abril 30, 1937, 90% ng mga bumoto ay pabor sa
pagbibigay-karapatan sa pagboto ng kababaihan.
______29. Ang mga kababaihan ay nananatili sa kanilang tahanan at inaasikaso ang bawat pangangailangan ng
kanilang asawa at mga anak.
Inihanda ni:
ALLIANA JOY D. ORTIZ
Guro II, Araling Panlipunan