You are on page 1of 6

SACRED HEART OF JESUS MONTESSORI SCHOOL

J.R. Borja Extension, Gusa, Cagayan de Oro City

Montessori-Based Learning
Learning Instructional Packets (LIPs)

OFFLINE-PICK-UP

Araling Panlipunan – 7 (3 hours/week)


Second Quarter
Sinaunang Kabihasnan sa Asya Hanggang sa Ika-16 na Siglo

Week- 8
Lesson-8
L1: KAHULUGAN NG KONSEPTO NG KABIHASNAN AT MGA KATANGIAN NITO

Teacher: Joniel P. Galindo


_________________________________________________

SACRED HEART OF JESUS MONTESSORI SCHOOL


J.R. Borja Extension, Gusa, Cagayan de Oro City
Montessori-Based Learning
Learning Instructional Packets (LIPs)
Araling Panlipunan-7
S.Y 2020-2021

Name: ________________________________________________ Date submitted: __________________


Grade & Section: ______________________________________ Teacher: _________________________
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Content Standard:
Ang mag-aaral ay… naipamamalas ng mag-aaral ang pagunawa sa mga kaisipang Asyano, pilosopiya at relihiyon na nagbigay-daan
sa paghubog ng sinaunang kabihasnan sa Asya at sa pagbuo ng pagkakakilanlang Asyano
Performance Standard:
Ang mag-aaral ay… kritikal na nakapagsusuri sa mga kaisipang Asyano, pilosopiya at relihiyon na nagbigaydaan sa paghubog ng
sinaunang kabihasnan sa Asya at sa pagbuo ng pagkakilanlang Asyano

Pangunahing Pang-unawa: Ang pagkakakilanlang Asyano ay nagawang mapaunlad ng sinaunang tao.

Pangunahing Tanong: Paano hinubog at nagawang mapaunlad ng sinaunang tao ang pagkakakilanlang Asyano?

I. LEARNING COMPETENCY
 Napapahalagahan ang mga kontribusyon ng mga sinaunang lipunan at komunidad sa Asya
Layunin:
Pagkatapos ng aralin, 100% na mag-aaral ay:
 Napapahalagahan ang mga kontribusyon ng mga sinaunang lipunan at komunidad sa asya
 Napahahalagahan ang mga kontribusyon ng mga sinaunang lipunan at komunidad sa Asya.  Nasusuri ang mga mahahalagang
pangyayari mula sa sinaunang kabihasnan hanggang sa ika16 na sa siglo sa: (a) pamahalaan, (b) kabuhayan, (c) teknolohiya, (d)
lipunan, (e) edukasyon, (f) paniniwala, (g) pagpapahalaga, at (h)sining at kultura.
 June fruits of normalization ( Friendliness) beatitude of the month blessed are the poor in spirit, for theirs is the kingdom of
heaven
Sariling Layunin: Kaya kong… ______________________________________________________________________________

II. LEARNING CONTENT


 Lesson 8: Kontribusyon ng Sinaunang lipunan at komunidad sa Asya

Materials:

References:
1. K to 12 Curriculum Guide
2. MELCs
3. www.youtube.com/watch?v=pF1j22x-yU8

III. LESSON PRESENTATION

Concept Map
Umusbong ang mga unang sibilisasyon san mundo sa kontinenteng Asya. Kaakibat nang pag usbong ng sibilisasyon ang pagbuo ng
Asyanong kasarinlan. Paano nga ba nabuo ang mga sinaunang kabihasnan sa Asya? Naniniwala ka ba na ang pilosopiya, relihiyon at
kaisipang Asyano ay may kinalaman sa pagusbong at pag-unlad ng Kabihasnang Asyano?
Sa modyul na ito, inaasahan ka na kritikal na makapagsusuri sa mga pilosopiya, relihiyon at kaisipang Asyano na nagbibigay daan sa
paghubog ng sinaunang kabihasnan at sa pagbuo ng pagkakilanlang Asyano. Gayundin, mapahahalagahan mo ito sa kasalukuyang
panahon. Higit sa lahat, malalaman mo ang sagot sa tanong na ito: Paano nakaimpluwensiya ang pilosopiya, relihiyon at kaisipang
Asyano sa paghubog ng kabihasnang Asyano

MGA KONTRIBUSYON NG MGA SINAUNANG LIPUNAN AT KOMUNIDAD SA ASIA

Mga Kontribusyon ng mga Sinaunang Lipunan at Komunidad sa Asia


Noh Play - Pambansang Teatro ng Japan
Joruri Play - Isang Teatrong ginaganap sa pamamagitan ng paggalaw ng mga manikang kasing laki ng tao.
Kabuki Play - Ito ay ang pinaka makatotohanan sa tatlo dahil sa kahindik-hindik na pag arte ng mga
tagapalabas
SINING AT PANITIKAN
Landscape gardening - imitates natural scenery
Ikebana - sining ng hapones ng paga-ayos ng mga bulaklak.
Nakilala rin ang mga Hapones sa kanilang mga naisulat na nobela, at kwentong nagbibigay buhay sa kanilang mayamang kultura at
kasaysayan.
EAST ASIA
CHINA
Kagamitang Tsino
JAPAN
PILOSOPIYA
ARKITEKTURA
Maliban sa kinilala ang China bilang isa sa lundayan ng mga sinaunang sibilisasyon sa mundo, kinatatampukan din ito ng samo't
saring kontribusyon sa ating kasaysayan. Ang telang sedang ay sinimulan ng Dinastiyang Shang. Sinasabing sa China din galing ang
kauna-unahang kalendaryo at papel, ang produksiyon ng mga chinaware o pinggan, ang sining ng kaligrapiya, at ang kaalaman
tungkol sa pag-iimprenta o paglilimbag. Bukod dito, sa China din nanggaling ang kaalaman ng paggamit ng gun powder at
firecrackers o fireworks. Dito din nanggaling ang payong, saranggola, at ang abacus.
Umusbong ang Confucianism at Taoism sa panahon ng Dinastiyang Zhou sa China. Ang panahon ng Zhou ay kinilala bilang
“Panahon ng Nagdidigmaang Estado.” Hati ang China sa iba’t ibang estadong pinaghaharian ng mga may-ari ng lupa. May 200 taon
ding nag lalabanan ang iba’t ibang nagmamay-ari ng lupa. Walang pagkakaisa at sentralisadong pamahalaan ang China kung kaya’t
panahon ito ng kaguluhan, maraming Tsino ang naghahanap ng solusyon sa problemang ito. Maraming pilosopo ang nagpatanyag
kung kaya’t tinawag din ang Zhou bilang “Panahong ng mga Dakilang Pilosopo.”
Bagama't sinabing ang kultura nalinang ng mga Hapones ay base sa mga impluwensiyang Tsino, kinakitaan ito ng kakaibang
katangiang naglalarawan ng kanilang kultura.
Naging modelo ng mga Hapones ang mga templo ng China sa pagbuo ng sarili nilang arkitektura, tulad ng templong Shinto.
SINING AT ARKITEKTUTA
ang mahalagang bahagi ng maluningning na sibilisasyon ng Tsina ang may bukod-tanging arkitektura ng Tsina. Itinuturing na tatlong
pangunahing arkitektura sa daigdig ang arkitekturang Tsino, kanluranin at Islamiko.
Kaisa-isa sa daigdig ang arkitektura ng Tsina na ang pangunahing gamit sa estruktura ay kahoy. Lubusan itong sumasalamin sa
konsepto ng ethic, pagtingin sa kagandahan, pagtingin sa kahalagahan at pagtingin sa kaliksan.
Sinasabing ang kabuoan ng kultura ng Southeast Asia ay nabahiran ng impluwensiyang India at China.
SOUTHEAST ASIA
MGA ARABE
MGA PHOENICIAN
Ang alpabeto ay ang pinakamahalagang ambag ng mga Phoenician sa kasaysayan ng mundo.
Ang relihiyong Islam ay ang pinakamahalagang ambag ng mga Arabe sa kabihsnan ng mundo at sa ngayon, ito ay pangalawa sa
pinakamalaking relihiyon sa buong mundo.
WEST ASIA
MGA HITTITE
MGA AKKADIAN AT BABYLONIAN
Ang mga Hittite ay ang sumunod na sumakop sa imperyo ng Babylon. Sa kasaysayan, sila ang kauna-unahang mga taong nagtunaw ng
bakal at nakabuo ng sandata na maaaring gamitin sa pakikipagdigmaan. Ito ay itinuturing na pinakamahalagang kontribusyon nila sa
kasaysayan ng mundo.
Sinasabing sa pagsakop ng mga Akkaidian sa Mesopotamia, marami pa rin ang nagtangkang masakop ito. Subalit nagkaisa ang mga
Akkadian at Sumerian na magsanib at magkasamang labanan ang mga gustong sumakop dito. Ang pagsasanib na o ang naging dahilan
ng pagtatag ng siyudad ng Babylon, na siyang naging kapital ng imperyo ni Haring Hammurabi, ang kinilalang hari ng Babylonia
SUMERIAN
Ayon sa kasaysayan, Ang sibilisasyon ng mga sumerian ang itinuturing na pinakamatandang kabihasnan sa buong mundo. Sila rin ang
sinasabing nagsimulang magtatag ng mga pamayanan sa dalawan ilog na tinatawag na Tigris at Euphrates na matatagpuan sa
Mesopotamia.

Gawain # 1PAUNANG PAGTATAYA

Gawain A: Tukuyin ang mga sumusunod. Piliin sa ibaba ang tamang sagot.

1. Ang tawag sa pagdarasal ng mga Muslim ng 5 beses sa isang araw na nakaharap sa Mecca. ________________
2. Ang paglilipat-lipat ng kaluluwa sa iba’t ibang anyo. ____________________
3. Ang tawag sa Ganap na Kaluwalhatian. ______________________________
4. Tawag sa Bagong Taon ng mga Hudyo. _____________________________
5. Ang bibliya ng Taoismo. __________________________________________

(Samsana, Nirvana, Rash Hashona, Tao Te Ching, Zakah, Salat)

Gawain B: Hanapin ang mga relihiyong nagmula sa Asya sa pamamagitan ng pagbilog sa mga titIk upang mabuo ang mga pangalan
nito sa ibaba:

Ang mga dakilang relihiyon sa mundo ay maaring hatiin sa tatlong grupo ng tatlo. Ang una ay ang relihiyong nag-ugat sa
India, ito ay ang Hinduismo, Buddhismo, at Jainismo. Ang ikalawang grupo ay nagmula naman sa Tsina o Japan, ito ay ang
Confucianismo, Taoismo, at Shintoismo. Ang ikatlong grupo ay ang mga relihiyong nagmula sa Gitnang Silangan, ito ay ang
Hudaismo, Kristiyanismo at Islam. Idagdag pa rito ang iba pang mga pananampalataya, yong iba makaluma at yong iba bagong sibol,
na amlgamasyon ng Hinduismo at Islam, ng Buddhismo at Kristiyanismo, ng Buddhismo at Confucianismo at marami pang
kumbinasyon ng mga prinsipal na grupo. Nang lumipas na tatlong siglo, ang mga pananampalataya at sekta
9
ay dumami. Sa kasalukuyang panahon ang mga sekta at pananampalatayang ito ay nagsasamasama kaysa sa naghihiwalay-
walay sa iba’t-ibang sekta. Ang Hinduismo ay walang kinikilalang iisang indibidwal na tagapagtatag, samantalang si Sidharta
Gautama o Buddha ang nagtatag ng Buddhismo at si Mahavira naman ang nagtatag sa Jainismo. Si Abraham ang kinikilalang
tagapagtatag ng Hudaismo, samantalang si Hesu-Kristo ang nagtatag sa Kristyanismo at si Kutam Mohammed naman ang nagtatag sa
Islam. Ang Confucianismo ay itinatag ni Kung Fu Tsu o Confucius at si Lao Tzu naman ang nagtatag ng Taoismo at wala namang
kinikilalang tagapagtatag ang Shintoismo. Ang mga relihiyon na nagmula sa India ay may karakter na pilosopikal, panloob at
sumasaliksik sa natura ng realidad. Ang mga relihiyon namang nagmula sa Gitnang Silangan ay may pagka moralista; at naniniwala sa
relasyong tao at Diyos, sa kaligtasan at pagiging optimistiko. Ang prinsipal na relihiyon sa Asya ay Hinduismo, Islam at Buddhismo,
samantalang ang ibang relihiyon o sektang di-gaanong laganap ay ang Sikhs, Parsis at Jains sa India. Ang Islam ay ang pangunahing
relihiyon sa Timog Silangang Asya, Indonesia, Pakistan, Bangladesh, Malaysia at Afghanistan. Ang Hinduismo naman ay laganap sa
India samantalang ang Buddhismo ay laganap naman sa Burma, Thailand, Laos, Cambodia, Sri Lanka at Japan. Sa Tibet at Bhutan ay
laganap ang sektang Tibetang Buddhismo. May minoridad na Islam naman sa Pilipinas, India at Gitnang Asya. Laganap ang Taoismo
at Confucianismo sa China. Ang iba pang relihiyon sa Asya ay Shintoismo, isang tradisyonal na pagsamba sa kalikasan sa Japan;
Protestantismo at Katoliko Romano sa Pilipinas
Gawain # 2 Kaalaman mo palalimin mo!
Panuto: Itapat ang Hanay A sa Hanay B. titik lamang ang isulat
Gawain A.

A B
1 Hudaismo a. Confucius
2 Taoismo b. Siddharta Gautama
3 Kristiyanismo c. Lao Tzu
4 Buddhismo d. Hesukristo
5 Islam e. Abraham
f. Muhammad

Gawain B: Ilagay sa patlang ang mga bansa sa Asya kung saan matatagpuan ang mga sinasaad na relihiyon

Buddhismo Islam

Tandaan Mo!

 Ang prinsipal na relihiyon sa Asya ay Hinduismo, Islam at Buddhismo, samantalang ang ibang relihiyon o
sektang di-gaanong laganap ay ang Sikhs, Parsis at Jains sa India. Ang Kristiyanismo naman ay laganap sa
Pilipinas.
 Ang Hinduismo ay walang kinikilalang iisang indibidwal na tagapagtatag, samantalang si Sidharta Gautama o Buddha ang
nagtatag ng Buddhismo at si Mahavira naman ang nagtatag sa Jainismo.
 Si Abraham ang kinikilalang tagapagtatag ng Hudaismo, samantalang si Hesu-Kristo ang nagtatag sa Kristyanismo at si
Kutam Mohammed naman ang nagtatag sa Islam.
 Ang Confucianismo ay nagmula sa turo ni Kung Fu Tsu o Confucius si Lao Tzu naman ang sinimulan ng Taoismo. Ang
Shintoismo ay nagmula sa paggalang ng mga hapon sa kalikasan
 Ang mga relihiyon na nagmula sa India ay may karakter na pilosopikal, panloob at sumasaliksik sa natura ng realidad.
 Ang mga relihiyon namang nagmula sa Gitnang Silangan ay may pagka moralista; at naniniwala sa relasyong tao at Diyos, sa
kaligtasan at pagiging optimistiko.

Gawain 3: Paglalapat ng Kaalaman

Gawain A: Isulat kung ang mga sumusunod ay may kaugnayan sa Hinduismo, Buddhismo, Islam, Kristiyanismo, Taoismo, o
Confucianismo
1. Apat na Katotohanan ng Buhay
2. Vedas
3. Ramadan
4. Gintong Aral
5. Tipitaka
6. Synagogue
7. 10 utos ng Diyos
8. Wu Wei
9. Shahadah
10. Yum Kippur

Gawain B: Isulat ang tatlong pakinabang ng tao sa pagkakaroon ng relihiyon 1.______________________________________


2.______________________________________
3.______________________________________
Class Directory

Name Contact number


1.
2.
3.
4.

Teacher: Joniel Patriana Galindo 0997-206-6128

You might also like