You are on page 1of 6

SACRED HEART OF JESUS MONTESSORI SCHOOL

J.R. Borja Extension, Gusa, Cagayan de Oro City

Montessori-Based Learning
Learning Instructional Packets (LIPs)

OFFLINE-PICK-UP

Araling Panlipunan – 8 (3 hours/week)


First Quarter
Ang heograpiya ng Daigdig at ang mga Sinaunang Kabihasnan

Week-2-3
Lesson-2
Lesson 2: Heograpiyang Pantao ( Human Geography )
a. wika,
b. relihiyon,
c. lahi, at
d. pangkat-etniko sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.

Teacher: Joniel P. Galindo


_________________________________________________
SACRED HEART OF JESUS MONTESSORI SCHOOL
J.R. Borja Extension, Gusa, Cagayan de Oro City

Montessori-Based Learning
Learning Instructional Packets (LIPs)
Araling Panlipunan-8
S.Y 2020-2021

Name: ________________________________________________ Date submitted: ________________


Grade & Section: ______________________________________ Teacher: _______________________

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Content Standard:
Ang mag-aaral ay… Naipamamalas ang pag-unawa sa interaksiyon ng tao sa kaniyang kapaligiran na nagbigay-daan sa pag-usbong
ng mga Sinaunang kabihasnan na nag kaloob ng mga pamanang humubog sa pamumuhay ng kasalukuyang panahon.
Performance Standard:
Ang mag-aaral ay… Nakabubuo ng panukalang proyektong nagsusulong sa pangangalaga at preserbasyon ng mga pamana ng mga
sinaunang kabihasnan sa Daigdig para sa kasalukuyan at sa susunod na henerasyon
Pangunahing Pang-unawa: Malaki ang papel na ginampanan ng heograpiya sa pagsulong ng sinaunang kabihasanan.

Pangunahing Tanong: Paano naimpluwensiyahan ng heograpiya ang pag-unlad ng sinaunang kabihasnan sa daigdig?

I. LEARNING COMPETENCY
 Napahahalagahan ang natatanging kultura ng mga rehiyon, bansa at mamamayan sa daigdig (lahi, pangkatetnolingguwistiko, at
relihiyon sa daigdig)

Layunin:
 Napahahalagahan ang natatanging kultura ng mga rehiyon, bansa at mamamayan sa daigdig (lahi, pangkatetnolingguwistiko, at
relihiyon sa daigdig)
 Nasusuri ang kahulugan ng Heograpiyang Pantao
 Nasusuri at mapag-aralan ang mga saklaw ng Heograpiyang Pantao
 Pagkatapos ng aralin inaasahang makakakuha ng 100% na matutuhan ang mag mag-aaral.
 JUNE fruits of normalization (FRIENDLINESS) Beatitude ( blessed are the poor in spirit, for theirs is the kingdom of heaven

Sariling Layunin : I can… __________________________________________________________________________


II. LEARNING CONTENT
Lesson 1: Heograpiyang Pantao, Saklaw ang
a. Wika
b. Relihiyon
c. Lahi
d. Pangkat-etniko sa ibat ibang bahagi ng daigdig
e. Mabibigyang kahulugan ang heograpiyang panatao
Materials:

References:
1. K to 12 Curriculum Guide
2. MELCs
3. (Kayaman Kasaysayan ng Daigdig Page 13-16 )

III. LESSON PRESENTATION

CONCEPT MAP NG ARALING ITO


Relihiyon
Mabibigyang-kahulugan ang relihiyon bilang kalipunan ng mga paniniwala at rituwal ng isang pangkat ng mga taong tungkol sa
isang kinikilalang makapangyarihang nilalang o Diyos. Nagmula ito sa salitang religare na nangangahulugang “buuin ang mga
bahagi para maging magkakaugnay ang kabuuan nito.” Dahil sa mga paniniwalang nakapaloob sa sistema ng isang relihiyon, ay
nagiging batayan ito ng pagkilos ng tao sa kaniyang pang-araw-araw na pamumuhay. Kahit ang ating mga ninuno ay mayroon nang
sistema ng mga paniniwala na nagsisilbing-gabay sa kanilang pamumuhay. Ngunit hindi ito katulad ng mga relihiyon sa kasalukuyan
na may organisado at sistematikong mga doktrina. Sa kasaysayan ng daigdig, naging malaki ang bahaging ginampanan ng relihiyon
sa buhay ng tao, bilang indibidwal at kasapi ng isang lipunan. Naging malaking salik ito sa pagtatag at pagbagsak ng mga kaharian, at
pagkasawi ng maraming buhay. Dahilan din ito ng pag-unlad at pag-iral ng mga kultura. Hanggang sa kasalukuyan, nananatiling
malaking bahagi ng buhay ng tao ang relihiyon. Makikita sa pie graph ang mga pangunahing relihiyon sa daigdig at ang bahagdan ng
dami ng tagasunod ng mga ito.
Lahi/Pangkat-Etniko
Tila isang malaking mosaic ang daigdig dahil na rin sa maraming natatanging paglalarawan at katangian ng mga naninirahan dito.
Isang batayan nito ang race o lahi na tumutukoy sa pagkakakilanlan ng isang pangkat ng mga tao, gayondin ang pisikal o bayolohikal
na katangian ng pangkat.Maraming eksperto ang bumuo ng ibat ibang klasipikasyon ng mga tao sa daigdig, ngunit marami rin ang
nagsabing nagdulot ito ng kontrobersiya sapagkat maaaring magpakita rin ito ng maraming diskriminasyon..
Sa kabilang banda, ang salitang “etniko” ay nagmula sa salitang Greek na ethnos na nangangahulugang “mamamayan.” Ang mga
miyembro ng pangkat-etniko ay pinag-uugnay ng magkakatulad na kultura, pinagmulan, wika, at relihiyon kaya naman sinasabing
maliwanag ang kanilang sariling pagkakakilanlan.

Gawain 1: KWL CHART

Panuto: Sagutan mo muna ang KWL Chart, at unahin mong sagutan ang K.
K W L
K ( Know )- Ano ang iyon nalalaman W ( Want to know )- Ano ang iyong L ( What you Learn ) - Ano ang iyong
tungkol sa Paksa nais matutunan sa paksa natutunan tungkol sa Paksa

Gawain 2: Pag-isipan Mo!

Panuto: Bago tayo magsimula, mag-isip muna tayo. Sa pamamagitan ng isang graphic organizer, Sagutin ang mga tanong.
1. Ano ang ibig sabihin ng heograpiyang pantao? Ano ang pagkakaiba nito sa pisikal na heograpiya?
____________________________________________________________________________________________________________
2. Ano-ano ang saklaw ng heograpiyang pantao? Ipaliwanag ang bawat isa.
____________________________________________________________________________________________________________
3. Bakit mahalagang pag-aralan ang heograpiyang pantao? _______________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________
4. Paano nakaaapekto ang heograpiyang pantao sa pagkakakilanlan ng indibiduwal o isang pangkat ng tao?
____________________________________________________________________________________________________________
5. Paano magiging instrumento ang heograpiyang pantao sa pagkakaisa ng mga tao sa daigdig?
____________________________________________________________________________________________________________

Gawain 3: Crossword Puzzle

Panuto : Buuin ang puzzle tungkol sa heograpiyang pantao sa pamamagitan ng pagtukoy sa inilalarawan ng bawat bilang.
Gawain 4: Community Profile

Panuto : Mahalagang malaman at maunawaan mo ang heograpiya ng komunidad na iyong kinabibilangan. Kaugnay nito, gagawa ka
ng Community Profile. Sundin ang sumusunod na hakbang sa paggawa nito:

1. Gumuhit ng mapa ng inyong barangay o bayan, lagyan ng palatandaan ang sumusunod:


a. magagandang tanawin
b. makasaysayang pook
c. sentro ng hanapbuhay/ anong wika nila. Lahi, kultura, relihiyon
2. Lagyan ng maikling deskripsiyon ang mga natukoy na lugar.tulad ng Wika, Mga Lahi, mga nakagawian
3. Tukuyin ang kanilang kasalukuyang kalagayan. Halimbawa: kung ito ba ay nasa maaayos na kalagayan o nanganganib na masira o
mawala.
4. Lagyan din ng palatandaan sa mapa kung ano ang mga lugar na may mataas na kaso ng kalamidad o trahedya.

Class Directory

Name Contact number


1.
2.
3.
4.

Teacher: Joniel Patriana Galindo 0997-206-6128

You might also like