You are on page 1of 7

St. Augustine’s Academy of Patnongon, Inc.

Real St.,Poblacion, Patnongon, 5702 Antique, Philippines

Grade 8

ARALING PANLIPUNAN

Quarter 1
MODULE 1

HEOGRAPIYA NG DAIGDIG

Mr. Jerrald D. Estaris, LPT


Subject Teacher

NOTE: PLEASE USE PAD PAPERS WHEN ANSWERING THE ACTIVITIES.DO NOT WRITE ANYTHING ON THIS MODULE
Lesson 1: Ang Heograpiya ng Daigdig
Bilang ng Linggo/Araw: Isang Linggo

Panimula

Saklaw:

Ito ay tumatalakay tungkol sa daigdig na nagsisilbing tahanan ng mga tao.


Bahagi rin nito ang pagtatalakay sa mga sinaunang kabihasnang nabuo ng mga
tao na nakaimpluwensiya sa mga sumusunod na salinlahi.
Maunawaan at mabigyang halaga ang nagawa ng mga naunang tao at makaisip
ng sariling paraan kung paano paunlarin ang daigdaig.
Layunin:

Masusuri ang heograpiyang pisikal ng daigdig.


Maipaliliwanag ang katangian pisikal ng daigdig.
Napahalagahan ang natatanging kultura ng mga rehiyon, bansa at mamamayan
sa daigdig.
Target output:
Ang mag-aaral ay nakabubuo ng panukalang proyektong nagsusulong sa
pangangalaga at preserbasyon ng mga pamana ng mga sinaunang kabihasnan
sa daigdig para sa kasalukuyan at sa susunod na henerasyon.

Subukin
(Paunang Pagtataya)

KWL-(Know,Want,Learn)
Sa hanay ng Know, ilagay ang mga impormasyong alam mo na: sa hanay ng Want,
ilagay ang mga nais mo pang matutuhan: at sa hanay ng Learn, inaasahang mailalagay
mo ang iyong mga natutuhan.

Know Want Learn


1. Heograpiya
2. Klima
3. Pisikal na
Heograpiya
4. Kultura na
heograpiya
5. Sinaunang tao
6. Sinaunang
Kabihasnan

Mahusay!
Ngayon ay tutungo na tayo sa ating paksa sa araw na ito.

Ang Heograpiya ay ang pag-aaral sa pisikal na katangian ng mundo at ang


interaksiyon ng tao sa kanyang kapaligiran.
Ang salitang Heograpiya sa (Griyego) ay nahati sa dalawang salita, ang (geo) ibig
sabihin ay lupa,at ang (graphein) ibig sabihin ay pagsusulat.
Upang maipakita ang ugnayan ng kasaysayan at heograpiya kinilala ng mga heograpo
ang limang tema na maaring magamit upang masuri ang papel na ginagampanan ng
heograpiya.

“Mga Tema sa Pag-aaral ng Heograpiya”


1. Lugar
2. Lokasyon
3. Rehiyon
4. Interaksyon ng Tao at Kapaligiran
5. Paggalaw ng Tao
1. Lugar- Tumutukoy sa katangiang pisikal at sa mga taong naninirahan sa isang pook.
Hinuhubog ng mga anyong lupa, anyong tubig, klima, at likas na yaman ang isang lugar.
2. Lokasyon- ito ay paraan ng pagtukoy sa isang lugar. Ang pagtukoy ay maaring gawin sa
dalawang paraan. Ang ABSOLUTO/TIYAK at RELATIBO. Ang tiyak na paraan ay ginagamitan
ng longhitud at latitude samantalang ang relatibo ay ang pagtukoy sa mga lugar na nakapaligid
dito.
Sa paraang absoluto/tiyak, ginagamit ang mga imaginary line sa mga pagtukoy ng isang lugar.
Ang imaginary line ang makikita sa mapa/globo. Ang imahinasyong guhit/linya na bamabagtas
mula hilagang polo patungong timog na polo ay tinatawag na meridian. (Prime Meridian/0⁰
longhitud at international Dateline ay mga pangunahing kunwa-kunwaring guhit na humahati sa
mundo sa silangan at kanluran. Ang prime meridian ay ginagamit na batayan sa pagtukoy ng
oras at ang International Dateline naman ang ginagamit na batayan sa pagtukoy ng araw. Ang
mga pahalang naman na imahinasyong linya ay tinatawag na parallel. Ito ang mga linya na
bumabagtas mula silangan pa kanluran ng mundo. Ang pangunahing latitud ay ang ekwador na
nasa 0⁰ latitude. Hinahati nito ang mundo sa hilagang hemisphere at timog hemisphere.
3. Rehiyon- ang rehiyon ay binubuo ng mga lugar na may magkakatulad na katangian.
Ilan sa mga salik sa pagbuo ng rehiyon ay ang klima, mga anyong lupa at anyong tubig,
at ilang katangiang pangkultura tulad ng wika at relihiyon.
4. Interaksyon ng Tao at Kapaligiran- sa karanasan sa kasaysayan, ang tao ay
nagbabago at binabago ng kapaligiran kaya’t kinailangan ng tao ang kalikasan upang
mabuhay. Maaring iayon niya ang kanyang pamumuhay batay sa kanyang kalikasan o
kaya ay baguhin ito batay sa kanyang mga pangangailangan.
5. Paggalaw ng tao- tumutukoy ito sa pagkilos ng tao, produkto, o kaisipan mula sa
isang lugar patungo sa ibang lugar. Ang tao ay nagpalipat-lipat ng lugar sa paghahanap
ng ikabubuhay simula pa noong sinaunang panahon. Sa tulong ng kalakalan, naikalat
ang bagong kaisipan at lumago ang mga kultura ng tao.

TOPOGRAPIYA- ito ay ang salitang naglalarawan sa mga pag-aaral sa ibabaw ng lupa.


Binubuo ito ng mga pagbabago sa mga kabundukan at mga lambak at maging sa mga
katangian ng mga ilog at mga daan.
Ang mga anyong tubig lalo na ang dagat ay nakaaapekto sa klima.
Malaki ang epekto ng topograpiya sa isang rehiyon/lugar. Ang mga kabundukan ay
nagsisilbing panangalang na nakapagbabago sa takbo ng hangin.

Task
Paggawa ng isang Survival Plan upang kayo ay mabuhay doon batay sa sumusunod:
uri ng tirahan, uri ng pananamit, at ang paraan ng pagkuha ng pagkain at inumin.
Ilarawan ito sa pamamagitan ng: Sketch o Guhit
Rubric sa Gawain
Pamantayan Napakahusay Mahusay Katamtaman Kailangan
4 3 2 pang
magsanay
1
Paglalahad Maikli ngunit Maikli ngunit Mahaba at Hindi malinaw
napakalinaw ng may isang maraming ang
pagkakalahad ng bahagi na bahagi ang pagkakalahad
mga impormasyon hindi malinaw hindi malinaw ng mga
ang ang impormasyon.
pagkakalahad pagkakalahad
ng mga ng mga
impormasyon impormasyon
Kabuluhan Napakamakabuluhan Makabuluhan May ilang Hindi
ng mensahe ang mensahe makabuluhang makabuluhan
mensahe ang mensahe
Kawastuhan Wasto ang lahat ng May dalawang May apat na Hindi wasto
impormasyon hindi wastong hindi wastong ang lahat ng
impormasyon impormasyon impormasyon
Pagkakagawa Sa kabuuan, Sa kabuuan, Sa kabuuan, Sa kabuuan,
napakahusay ang mahusay ang hindi gaanong hindi mahusay
pagkakagawas pagkakagawa mahusay ang ang
pagkakagawa pagkakagawa

• Ngayong natutuhan mo na ang ugnayan ng heograpiya at likas na yaman


sa paghubog ng sinaunang kabihasnan, bumuo ng isang panawagan na
humihikayat sa bawat isang mamamayan na tumulong sa pangangalaga
sa kapaligiran. Pumili ng isang paraan upang ikaw ay makahikayat sa
ibang tao na alagaan ang kapaligiran. Maaring sa paraan ng paggawa ng
mga pangungusap/sayings, pwede rin ang mga pictures na nagpapakita
ng mga paraan kung paano makatulong sa kapaligiran.
 Bookmark
 Post sa Facebook account
 Poster o Slogan

Evaluation Activities
Maikiling Pagsusulit
I. Multiple Choice. Bago pumili ng sagot intindihing mabuti ang bawat
pangungusap. Bilugan ang tamang titik.
1. Ang pag-aaral sa pisikal na katangian ng mundo at ang interaksiyon ng
tao sa kanyang kapaligiran.
a. Heograpiya b. Topograpiya c. Lugar d. Lokasyon
2. Isang salitang naglalarawan sa mga pag-aaral sa ibabaw ng lupa.
a. Rehiyon b. Lokasyon c. Heograpiya d. Topograpiya
3. Tumutukoy sa katangiang pisikal at sa mga taong naninirahan sa isang
pook.
a. Topograpiya b. Lugar c. Rehiyon d. Heograpiya
4. Ito ay paraan ng pagtukoy sa isang lugar.
a. Lugar b. Lokasyon c. Rehiyon d. Topograpiya
5. Binubuo ng mga lugar na may magkakatulad na katangian..
a. Lokasyon b. Lugar c. Heograpiya d. Rehiyon

II. Identification. Basahin at intindihing Mabuti ang bawat pangungusap


1. Iniayon ng tao ang kanyang pamumuhay batay sa kanyang kalikasan.
2. Ano ang tawag sa imahinasyong guhit/linya na bamabagtas mula hilagang polo
patungong timog na polo.

3. Ang paglipat-lipat ng tao ng lugar sa paghahanap ng ikabubuhay.


4. Ang pagtukoy sa mga lugar na nakapaligid dito.
5. Ginagamitan ng longhitud at latitude.
References
KAYAMANAN KASAYSAYAN NG DAIGDIG
(Cella D. Soriano, et al)

This module was prepared and reviewed by the teachers of St. Augustine’s
Academy of Patnongon, Inc. We are encouraging the parents to cooperate with us to
successfully deliver learning to their children. We encourage the parents to help us by
giving feedback, comments and recommendations to staapi50@gmail.com or contact the
following for individual concerns:
Grade 7 Advisers Grade 8 Advisers
09167735045- Miss Chenny L. Magbanua 09269323314- Mrs. Marlyn I. Alvaniz
09554672066- Mr. Danimar Mateo 09062643084- Mr. Norielle S. Oberio
09066293078- Mr. Rio Z. Protacio 09067824564- Mr. Glennford N. Quinto

Grade 9 Advisers Grade 10 Advisers


09751067140- Miss Zyna Lyn Mondido 09266829343- Mr. Mark Joseph T. Reyes
09753066859- Miss Locsin Joy Saturno 09284321181- Mr. Ronie M. Antiza
09164751533- Mr. Ricardo S. Pancubila 09263146051- Mr. Danny C. Francisco

Grade 11 Advisers Grade 12 Advisers


09955629145- Mr. Jerrald D. Estaris 09950345737- Mr. Darrel A. Fadrillan
09263146051- Miss Darlene Joy Mena 09164610168/09171372250- Mr. Gaudencio J. Lacaba

09186839578- Mr. Matthew Bangiban 09177237938- Mr. Robert N. Acuisa, M.Ed.-Principal

We appreciate your feedback and comments.


Answer keys
I.

1. a
2. d
3. b
4. b
5. d

II.
1. Interaksiyon ng Tao at kapaligiran
2. Meridian
3. Paggalaw ng Tao
4. Relatibo
5. Absoluto/Tiyak

You might also like