You are on page 1of 6

SACRED HEART OF JESUS MONTESSORI SCHOOL

J.R. Borja Extension, Gusa, Cagayan de Oro City

Montessori-Based Learning
Learning Instructional Packets (LIPs)

OFFLINE-PICK-UP

Araling Panlipunan – 8 (3 hours/week)


First Quarter

Ang heograpiya ng Daigdig at ang mga Sinaunang Kabihasnan

Week- 4
Lesson-3
Lesson 3: ANG PAGSISIMULA NG MGA KABIHASNAN SA DAIGDIG

Teacher: Joniel P. Galindo


_________________________________________________

SACRED HEART OF JESUS MONTESSORI SCHOOL


J.R. Borja Extension, Gusa, Cagayan de Oro City
Montessori-Based Learning
Learning Instructional Packets (LIPs)
Araling Panlipunan-8
S.Y 2020-2021

Name: ________________________________________________ Date submitted: ________________


Grade & Section: ______________________________________ Teacher: _______________________

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Content Standard:
Ang mag-aaral ay… Naipamamalas ang pag-unawa sa interaksiyon ng tao sa kaniyang kapaligiran na nagbigay-daan sa pag-usbong
ng mga Sinaunang kabihasnan na nag kaloob ng mga pamanang humubog sa pamumuhay ng kasalukuyang panahon.
Performance Standard:
Ang mag-aaral ay… Nakabubuo ng panukalang proyektong nagsusulong sa pangangalaga at preserbasyon ng mga pamana ng mga
sinaunang kabihasnan sa Daigdig para sa kasalukuyan at sa susunod na henerasyon
Pangunahing Pang-unawa: Malaki ang papel na ginampanan ng heograpiya sa pagsulong ng sinaunang kabihasanan.

Pangunahing Tanong: Paano naimpluwensiyahan ng heograpiya ang pag-unlad ng sinaunang kabihasnan sa daigdig?

I. LEARNING COMPETENCY
 Nasusuri ang yugto ng pag-unlad ng kultura sa panahong prehistoriko

Layunin:
 Nasusuri ang kondisyong heograpikal sa panahon ng mga unang tao sa daigdig 
 Naipaliliwanag ang uri ng pamumuhay ng mga unang tao sa daigdig 
 Nasusuri ang yugto ng pag-unlad ng kultura sa panahong prehistoriko
 Pagkatapos ng aralin inaasahang makakakuha ng 100% na matutuhan ang mag mag-aaral.
 JUNE fruits of normalization (FRIENDLINESS) Beatitude ( blessed are the poor in spirit, for theirs is the kingdom of heaven
Sariling Layunin : I can… ___________________________________________________________________________________
II. LEARNING CONTENT

Lesson 3: Ang mga Yugto ng pag-unlad


a. Kondisyong Heograpikal sa Panahon ng mga Unang Tao sa Daigdig
b.  Pamumuhay ng mga Unang Tao sa Daigdig
c.  Mga Yugto sa Pag-unlad ng Kultura sa Panahong Prehistoriko

Materials:

References:
1. K to 12 Curriculum Guide
2. MELCs
3. (Kayaman Kasaysayan ng Daigdig( Page 38-47)

III. LESSON PRESENTATION

CONCEPT MAP NG ARALING ITO


Naitanong mo na ba kung paano nabuhay ang sinaunang tao
noon? Kung bibigyan ka ng pagkakataon, ano kaya ang una
mong gagawin? Kaya mo kaya ang mga pamamaraan ng
kanilang pamumuhay? Ito’y ilan lamang sa mga naglalarong
tanong sa ilang mga tao na naghahanap ng mga kongkretong
sagot sa pagkat walang makapagsasabi talaga kung paano
namuhay ang unang tao sa daigdig. Anumang nalalaman natin
ay batay lamang sa mga kagamitang naiwan at nahukay ng ating
mga ninuno na tinatawag nating artifacts at higit sa lahat ay sa
pamamagitan ng mga hayto. Bilang tao, nais mo bang palawakin
ang iyong mga kaalaman sa ating mga ninuno? Handa ka na
bang malaman ang kanilang mga pinagdaanan upang mabuo ang
makabagong kabihasnang iyong nakagisnan?
Kung oo ang iyong sagot, samahan mo akong tuklasin ang iba’t ibang mga pagbabago at yugto na pinagdaanan ng unang tao sa
daigdig upang masagot ang tanong na: Paano hinubog ng mga sinaunang tao ang kanilang kapaligiran upang mabuo at
umunlad ang kabihasnan?
Matutuklasan at matutunghayan mo sa modyul na ito ang mga pagbabagong pisikal at bayolohikal na pinagdaanan ng tao bilang tugon
sa kanyang pangangailangan at manatiling buhay sa kabila ng iba’t ibang pagsubok na kanilang pinagdaanan. Mamangha ka sa
kakayahan at talino ng tao na siyang magpapatunay na siya ang pinakamatalino at pinakamataas na uri ng hayop.
Matatanto mo ang halaga ng bawat kontribusyon at imbensiyon ng unang tao na siyang magtutulak sa iyo na pahalagahan ito at kung
anumang buhay na mayroon ka sa pangkasalukuyan. Handa ka na bang tuklasin ang hiwaga sa eboluyon ng tao at ng kanyang kultura
upang maliwanagan ka sa anumang agam-agam? Kung oo, magpatuloy tayo!
Malalaman din natin ang katangian ng sinaunang panahon ayon sa mga uri ng kagamitan, sistema ng pamumuhay at ang pag-unlad
nito sa iba't ibang yugto ng sinaunang panahon mula Lumang Bato, Bagong Bato at Panahon ng metal

Gawain 1: Kung Ikaw Kaya?

Panuto: Isiping isa ka sa mga taong nabuhay sa daigdig noong sinaunang panahon. Pumili sa mga kahon ng tatlong bagay na sa
tingin mo’y makatutulong sa iyong pang arw-araw na pamumuhay. Mahalagang maipaliwanag mo ang Dahilan ng iyong pagpili.
Pamprosesong Tanong
1. Alin ang iyong mga pinili ?
2. Bakit ang mga bagay na ito ang iyong pinili?
3. Kaya mo bang mabuhay sa sinaunang panahong kung taglay mo ang
bagay na pinili? Ipaliwanag ang sagot.

___________________________________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________________

Gawain 2 : I-R-F (Initial-Refined-Final Idea) Chart

Panuto : Isulat sa unang kolum ng chart ang sariling sagot sa tanong.


Paano umunlad ang pamumuhay ng tao noong sinaunang panahon?
Alam Ko Ngayon Nadagdag Kong Kaalaman Ito Na Ang Alam Ko

Ebolusyon ng Tao

Nahati sa ibat ibang panahon ang kasaysayan ng mga naunang tao batay sa pag-unlad sa pamumuhay at sa kanilang mga kagamitan.
Ang una rito ay ang panahon ng Lumang Bato o Paleotiko na tumagal mula 500,000 hanggang 8000 B.K. Panahon ng bagong bato o
Neolitiko ang humalili rito. Tumagal mula 8000 hanggang 4000 B.K. Matapos ito, dumating naman ang panahon ng Metal na
nagsimula ng 4000 B.K.

Panahon ng Lumang Bato (Paleolithic)

Ang Panahon ng Lumang Bato o “Paleolithic Age” ay nakilala dahil sa mga kagamitan ng mga tao noon na magagaspang na bato.
Sinasabing maaaring natuklasan nila ang paggamit ng bato nang ipukol nila ito sa ilang hayop at nakita nila ang epekto nito. Ang
mga tao noon ay nahahanap at nangangalap lamang ng pagkain na karaniwan ay mga ligaw na halaman. Bukod dito, sila ay
nangangaso ng mailap na mga hayop na ito ay kanilang ginagawang damit na nagsisilbing sanggalang sa labis na lamig. Yungib ang
karaniwan nilang tinitirahan na naging pananggalang nila laban sa mababangis na hayop. Sa may bandang huling bahagi ng panahong
ito, natuklasan ang pag-gamit ng apoy, nang minsang tamaan ng kidlat ang isang puno. Natuklasan nila ang init na galing sa
nagbabagang sanga ay magaling na proteksyon sa lamig. Natuklasan din nila na higit na masarap ang mga pagkaing luto sa apoy.

Noong 1891, si Dr. Eugene Dubois, isang Olandes, ay nakahukay ng bungo at mga ngipin sa may Java, Indonesia. Ayon sa pagsusuri,
ito ay nagmula sa isang tao na nabuhay noong lumang bato. Pinangalanan itong Taong Java, subalit ang siyentipikong ngalan nito ay
Pithecanthropus Erectus. Ang taong Java ay may taas na 1.7 metro at mayroong napakaliit na utak. Nakayuko ito kung maglakad,
parang bakulaw.

Sa isang yungib naman sa Peking (Beijing ngayon) Tsina ay natuklasan ng siyentipikong Tsino na si W.C Fei ang labi ng mga
kagamitang gawa sa magagaspang na bato. Tinawag niya ang nahukay na labi na taong Peking o Sinanthropus Peking. Ang taong
Peking ay higit na tuwid ang paglalakad at mas malaking utak kaysa sa Taong Java. Sa yungib ng kanilang tinitirahan ay natuklasan
ang kanyang kaalaman sa paggamit ng apoy.

 Tinatawag ding “Panahon ng Lumang Bato” (Old Stone Age) Nagmula ang Paleolitiko sa mga katagang paleos o matanda at
lithos o bato Pinakamahabang yugto sa kasaysayan ng sangkatauhan Maiuugat sa pagsisimula ng paggamit ng kasangkapang
bato ng mga hominid Unang gumamit ng apoy at nangaso ang mga sinaunang tao
 Lower Paleolithic Period Nagwakas dakong 120,000 taon na ang nakararaan, Pinakamaagang pananatili ng tao sa daigdig Hindi
pa lumilikha ng mga kasangkapan Ang Homo habilis ay nangangahulugang able man o handy man dahil sila ang unang species
ng hominidna marunong gumawa ng kagamitang bato Sinundan ng mga Homo erectus nang higit na may kakayahan sa paggawa
ng kagamitang bato
 Middle Paleolithic Period Dakong 120,000 – 40,000 taon ang nakararaanPaglitaw ng makabagong tao noong 100,000 taon ang
nakalilipas Umusbong ang pagiging artistiko ng mga tao sa pagpipinta sa katawan at pagguhit sa bato Nabuhay ang taong
Neanderthal na natuklasan sa Germany ang mga labi
 Upper Paleolithic Period Dakong 40,000 – 8500 taon ang nakararaan Nagkaroon na ng mga unang pamayanan sa anyong mga
campsite na kadalasang matatagpuan sa mga lambak Ang mga Taong Neanderthal ay nawala sa panahong ito at napalitan ng mga
Taong Cro- Magnon Lumitaw ang mga komplikadong pagpapangkat sa lipunan.

Panahon ng Bagong Bato (Neolithic)

Sa pagdaan ng panahon, natuklasan ng tao ang higit na mahusay na paggawa ng mga kagamitang yari sa bato. Ang pinakamahalagang
pagbabago sa pamumuhay sa panahong ito ay ang pagkatuklas ng pag-sasaka. Sa pagkakatuklas ng pagsasaka, naiba ang pamumuhay
ng mga tao. Naging magsasaka at hindi lamang mangangalap ng pagkain ang mga tao. Kasabay sa pagtuklas ng pagsasaka ay ang
paggawa ng palayok buhat sa luwad. Maliban sa mga nabanggit, isa pang pagbabagong naganap sa panahong ito ay ang pag-aalaga
ng hayop. Naging palagiang pinagkukunan nila ito ng karne at gatas.

Ang mga pagbabagong ito ang naging dahilan upang manatili sila sa isang lugar at masubaybayan ang paglaki ng kanilang tanim.
Nangamba silang ang kanilang tanim ay kakainin ng mga hayop kaya dapat nila itong bantayan. Sa kanilang pananatili sa isang lugar
nagsimula ang pagtatag ng pamayanan.

 Ang huling bahagi ng Panahong Bato ay tinatawag na Panahong Neolitiko (Neolithic Period) o Panahon ng Bagong Bato (New
Stone Age) na hango sa mga salitang Greek na neos o “bago” at lithos o “bato.”
 Ang terminong neolitiko ay ginagamit sa arkeolohiya at antropolohiya upang italaga ang isang antas ng ebolusyong
pangkalinangan o pagbabago sa pamumuhay at teknolohiya.
 Catal Huyuk – Isang pamayanang Neolitikong matatagpuan sa kapatagan ng Konya ng gitnang Anatolia
 Kilala ang panahong ito sa paggamit ng makikinis na kasangkapang bato, permanenteng paninirahan sa pamayanan, pagtatanim,
paggawa ng palayok at paghahabi. Naganap sa panahong ito ang Rebolusyong Neolitiko o sistematikong pagtatanim. Isa itong
rebolusyong agrikultural sapagkat natustusan na ang pangangailangan sa pagkain. Ito rin ang nagbigay-daan sa permanenteng
paninirahan sa isang lugar upang alagaan ang mga pananim
 May populasyong mula 3000 – 6000 katao Magkakadikit ang mga dingding ng kabahayan at ang tabing pasukan ng isang bahay
ay mula sa bubungan pababa sa hagdan Inililibing ang mga yumao loob ng kanilang bahay May paghahabi, paggawa ng mga
alahas, salamin, at kutsilyo
Panahon ng Metal (Age of Metal)

Ang panahon ng Metal ay nahahati sa tatlong yugto batay sa uri ng metal na malawakang ginamit ng mga tao. Noong 4000 B.K. ang
tanso ang malawakang metal na ginamit. Karamihan sa mga kagamitan at palamuti noong panahong iyon ay yari sa tanso. Sa
pagkakatuklas na ito, ang mga kagamitang yari sa bato ay unti-unting napalitan ng mga kagamitang tanso. Subalit dahil sa malambot
na metal ang tanso, hindi nagtatagal ay bumabaluktot at pumurol ang kagamitan. Sinasabing noong 2000 B.K ang tanso ay unti-unting
napalitan ng bronse bilang malawakang metal na ginagamit. Magmula noon, bronse na ang ginagamit nila sa paggawa ng kagamitan at
palamuti. Subalit sa katagalan, pumurol din ang mga kagamitan na yari sa bronse. Bukod dito, ang bronse ay mahirap makuha kaya
sadyang kaunti lamang ang kagamitang nagawa buhat dito.

Noong 1000 B.K ay bakal ay sinisimulang gamitin. Bagaman mas marami ang bakal kaysa bronse, naunang natuklasan ang huli dahil
sa higit na masalimuot ang pagtunaw sa bakal. Gayunpaman, sa pagkakatuklas ng bakal, ang kagamitang yari sa bronse ay napalitan
ng kagamitang yari sa bakal. Gayunpaman, sa pagkakatuklas ng bakal ang mga kagamitang yari sa bronse ay napalitan ng gamit na
yari sa bakal.

Ang malawakang paggamit ng bakal ay sinimulan ng mga Hittites, isang paladigmang grupo buhat sa Asya Minor. Bakal ang kanilang
ginamit sa paggawa ng iba’t ibang kagamitang sandata.

 Naging mabilis ang pag-unlad ng tao dahil sa tanso subalit patuloy pa rin ang paggamit sa kagamitang yari sa bato.
 Nagsimulang gamitin ang tanso noong 4000 B.C. sa ilang lugar sa Asya, at 2000 B.C.E. sa Europe at 1500 B.C.E. naman sa
Egypt alinang na mabuti ang paggawa at pagpapanday ng mga kagamitang yari sa tanso.
 Naging malawakan na noon ang paggamit ng bronse nang matuklasan ang panibagong paraan ng pagpapatigas dito Pinaghalo
ang tanso at lata (tin) upang makagawa ng higit na matigas na bagay
 Iba’t ibang kagamitan at armas ang nagagawa mula sa tanso tulad ng espada, palakol, kutsilyo, punyal, martilyo, pana, at sibat Sa
panahong ito natutong makipagkalakalan ang mga tao sa mga karatig-pook

 Panahon ng Bakal Natuklasan ang bakal ng mga Hittite, isang pangkat ng Indo- Europeo na nanirahan sa Kanlurang Asya
dakong 1500 B.C.E. Natutuhan nilang magtunaw at magpanday ng bakal. Matagal nilang pinanatiling lihim ang pagtutunaw at
pagpapanday ng bakal. Nang lumaon, lumaganap ang paggamit ng bakal sa iba pang kaharian.

Gawain 3 : K-W-L Chart

Panuto : Alamin natin ang iyong mga nalalaman tungkol sa prehistorikong panahon sa pamamagitan ng pagsagot sa K-W-L
Chart sa ibaba. Sagutan lamang ang una at ikalawang kolum ng tsart ng iyong nalalaman sa sinaunang pamumuhay ng tao.
K-W-L CHART
Ano ang iyong nalalaman? Ano ang gusto mong malaman? Ano ang iyong natutuhan?

Pamprosesong Tanong

1. Ano ang alam mo tungkol sa pamumuhay ng tao? _______________________________________________________


___________________________________________________________________________________________________________
2. Saan tumira ang unang tao? Ipaliwanag. ________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________________
3. Ilarawan ang itsura ng unang tao. ________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________
4. Paano nakaapekto ang heograpiya sa buhay ng mga Asyano?
____________________________________________________________________________________________________________
5. Paano nakaaapekto ang mga pagbabago sa teknolohiya sa pamumuhay ng unang tao at sa pag-usbong ng sinaunang kabihasnan?
_________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________

Gawain 4 : Pagpapalalim ng Kaalaman


Panuto: Piliin sa kahon ang mga katangian ng sinaunang panahon ayon sa uri ng mga kagamitan at sistema ng pamumuhay
ng tao. Isulat ang bawat isa sa angkop na hanay kung ito ay sa Panahon ng Lumang Bato, Bagong Bato o Metal.

• Gamit ang magagaspang na bato • Natuklasan ang paggamit ng apoy


• Gamit ang tanso para sa karaniwang kagamitan at mga palamuti • Pag-aalaga ng hayop
• May gamit na bakal para sa iba't ibang kagamitang sandata • Pagkakatuklas ng pagsasaka o pagtatanim
• May gamit na makikinis at masining na bato • Palipat lipat ng tirahan tulad ng sa yungib o kweba
• Nangangalap ng pagkain at nangangaso • Pananatili sa isang lugar upang masubaybayan ang kanilang
mga tanim

Panahon ng Lumang Bato Panahon ng Bagong Bato Panahon ng Metal


(Paleolithic) (Neolithic) (Age of Metal)

Gawain 5 : Ano ang Iba Dito?

Paano : Suriin ang mga larawan sa ibaba at paghambingin ang buhay sa pagitan ng paleolitiko at neolitikong panahon. Isulat
ang pagkakaiba at pagkakatulad sa venn diagram.
PANAHONG PALEOLITIKO

PANAHONG NEOLITIKO

Class Directory
Name Contact number
1.
2.
3.
4.

Teacher: Joniel Patriana Galindo 0997-206-6128

You might also like