Professional Documents
Culture Documents
Montessori-Based Learning
Learning Instructional Packets (LIPs)
OFFLINE-PICK-UP
Week-2-3
Lesson-2
Lesson 2:
a. Iba't Ibang Uri ng Kalamidad sa Komunidad at Bansa: Pagbagyo, Pagbaha, at Storm Surge
b. Mga suliraning pangkapaligiran at mga sakunang pangkalikasan ng mundo, ng bansa at ng
pamayanan
Montessori-Based Learning
Learning Instructional Packets (LIPs)
Araling Panlipunan-10
S.Y 2020-2021
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Content Standard:
Ang mag-aaral ay… Ay may pag- unawa sa mga sanhi at implikasyon ng mga Hamong Pangkapaligiran upang maging bahagi ng
pagtugon na makapagpapabuti sa pamumuhay ng tao.
Performance Standard:
Ang mag-aaral ay… Nakabubuo ng angkop na plano sa pagtugon sa hamong pangkapaligiran tungo sa pagpapabuti ng pamumuhay
ng tao.
Pangunahing Pang-unawa: Mahalagang maging mulat tayo sa mga kontemporaryong isyu sa ating lipunan, sa bansa, at sa
buong mundo.
Pangunahing Tanong: Paano natin matimbang ang mga pahayag tungkol sa mga kontemporaryong isyu sa ating bansa at sa
buong mundo?
I. LEARNING COMPETENCY
Natatalakay ang kalagayan, suliranin at pagtugon sa isyung pangkapaligiran ng Pilipinas 2 & 3 week
Layunin:
Materials:
References:
1. K to 12 Curriculum Guide
2. MELCs
3. (Kayaman kontemporaryong Isyu page 8-20
Ang Pilipinas ay nasa Pacific Ring of Fire kaya nakararanas ang bansa ng palagiang seismic and volcanic activities. Nangyayari ang
maraming mahihinang paglindol dahil sa pagtatagpo ng mga pangunahing tectonic plates sa rehiyon.
Ang bulkan ay isang puwang o siwang sa ibabaw ng lupa, karaniwang nasa anyong bundok o burol. Ang puwang o bunganga
(crater) ay nagsisilbing daanan ng iniluluwang materyales tulad ng abo at lava na nagmumula sa ilalim ng lupa.
Maaaring maging tahimik ang bulkan sa mahabang panahon ngunit hindi nangangahulugang payapa ito. Sasabog ang bulkan kapag
nagsimula nang gumalaw ang lupa malapit dito. Makaririnig ng dumadagundong na ingay mula sa ilalim ng lupa at makakikita ng
maitim na usok galing sa bunganga ng bulkan.
Ang pagputok ng bulkan ay nagaganap kapag ang magma (nagbabagang tunaw na mga bato at iba pang materyales) na
nagmumula sa ilalim ng lupa ay umaangat patungo sa bunganga ng bulkan dahil na rin sa pagkapal nito at sa pressure sa ilalim ng
lupa.
Ang pinakamalakas na pagputok ng bulkan na naranasan sa Pilipinas ay ang pagputok ng Bulkang Pinatubo noong 1991. Ang
Bulkang Pinatubo ay isang aktibong stratovolcano na matatagpuan sa Kabundukang Cabusilan sa Luzon, malapit sa Zambales, Tarlac,
at Pampanga.
Naging labis na mapaminsala ang pagputok ng bulkang ito. Nagbuga ito ng sulfur dioxide, isang nakalalasong kemikal. Nagdulot
din ito ng ash fall o pagulan ng abo na umabot sa iba’t ibang parte ng Pilipinas. Umagos din ang lahar (volcanic mudflow).
Malawak ang inabot na pinsala ng pagputok ng Bulkang Pinatubo. Tinatayang umabot sa 800 ang namatay habang 100,000 katao
naman ang nawalan ng tirahan at kabuhayan sa Gitnang Luzon.
Binabantayan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang aktibidad ng lahat ng bulkan sa Pilipinas. Ito
ang nagbibigay ng mga babala kung may napapansin silang kakaibang aktibidad sa paligid o sa ilalim ng bulkan. Kapag naglabas na
ng babala ang PHIVOLCS, dapat itong sundin. Kung pinalilikas, lumikas na.
Sa paglikas, magdala lamang ng mahahalagang kagamitan. Huwag kalimutang magdala ng tubig, flashlight, at radyo. Kung kakayanin
pa, isama ang mga alagang hayop. Sundin ang lahat ng paalala at babala ng mga kinauukulan upang hindi malagay sa panganib ang
buhay.
Kahit pa tapos na ang pagputok ng bulkan ay maaari pa rin itong sundan ng mahihinang pagsabog pati na rin ng paglindol. Huwag
piliting bumalik sa lugar hanggat hindi nasisiguro ang kaligtasan.
Mga Epekto ng Pagputok ng Bulkan
Ang pagsabog ng bulkan ay dulot ng kalikasan. Maraming tao ang naliligalig dahil sa nakapipinsalang epekto nito. Gayunpaman,
nagdudulot rin ito ilang kabutihan.
Mabubuting Epekto
Ang mga abo at pyroclastic na materyal mula sa bulkan ay nakapagpapataba ng lupa, mainam ito sa produksiyon ng mga pananim.
Ginagamit sa mga industriya ang mga materyal na galing sa bulkan tulad ng perlite, pumice, at scoria pati na rin ang ibang mineral
tulad ng borax at sulfur. Kapag hindi na aktibo ang bulkan, nakukulong ang init upang makapagbigay ng geothermal steam para sa
produksiyon ng elektrisidad.
Pagbagsak ng abo (ash fall), Pagdaloy ng mga pyroclastic material, Pagsabog sanhi ng singaw (phreatic explosion), Pangalawang
pagsabog at mga kasunod pa, Paglindol, Pagragasa ng lahar
Pagnilayan
Ang El Ni 隳 ay tumutukoy sa abnormal na pag-init ng temperatura sa ibabaw ng dagat na nagdudulot ng kakaunting pag-ulan sa
rehiyon. Ang pagtama ng El Ni 隳 sa Pasipiko ay tuwing ikalawa hanggang ikasiyam na taon. Karaniwang nag-uumpisa ito sa
pagitan ng Disyembre hanggang Pebrero.
Ang La Ni 鎙 ay kabaliktaran ng sitwasyon o kondisyon ng El Ni 隳 . Sa Pilipinas, laging kakambal nito ang malalakas na
pagbagyo, pag-ulan, at pagbaha.
Hindi gaya ng ibang natural na kalamidad gaya ng pagbagyo, paglindol, o pagputok ng bulkan, mas nababantayan at
napaghahandaan ang pagdating ng El Ni 隳 at La Ni 鎙 at mas malilimitahan ang pinsalang maaari idulot.
Malaki ang maaaring maging epekto ng El Ni 隳 at La Nina sa buong mundo. Sa Pilipinas, nagdudulot ang mga ito ng matitinding
pag-init, tagtuyot, pagbayo, at pagbaha na tumatagal ng ilang buwan.
Ang climate change ay tumutukoy sa pagbabago ng klima sa buong mundo.
Ang pagbabago ay naramdaman noong kalagitnaan ng ika-20 siglo at nagpapatuloy. Iniuugnay ito sa paggamit ng fossil fuels.
Ang patuloy na paggamit ng fossil fuels ay naghahatid ng carbon dioxide at iba pang greenhouse gases sa atmospera.
Ilan sa mga epekto ng climate change ay ang malubhang tagtuyot, matitinding pagbagyo, pag-ulan, pagbaha, wildfires, heat waves,
at iba pa.
Mahahalagang Kaalaman
Nakararanas ang Pilipinas ng iba't ibang uri ng kalamidad gaya ng pagbagyo, pagbaha, abnormal na pagtaas ng tubig (storm
surge), paglindol, tsunami, pagputok ng bulkan, El Niño, at La Niña.
May mga kagawaran/ahensiya ng pamahalaan na responsable sa kaligtasan ng mga mamamayan tulad ng:
Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA),
Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS),
National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC),
Department of Transportation and Communications (DOTC),
Department of Science and Technology (DOST),
Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP),
Philippine Coast Guard (PCG),
Philippine Information Agency (PIA),
National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), at
Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Mahalaga ang kooperasyon at disiplina ng mga mamamayan bago, tuwing, at pagkatapos ng kalamidad upang mapanatili ang
kaligtasan at mapadali ang pagpapatupad ng mga plano.
Sa panahon ng kalamidad, maging kalmado at alerto. Manatiling may alam at laging handa sa mga nangyayari sa paligid. Laging
tumutok o makipag-ugnayan sa mga ahensiya ng gobyerno.
Suliraning Pangkapaligiran
Ang suliraning pangkapaligiran ay tumutukoy sa anumang pangyayari, kalagayan, o problemang may kinalaman sa pagkasira ng
kapaligiran at sa balanseng ekolohikal. Mahalagang matukoy kaagad ang mga suliraning ito upang masolusyonan omaagapan sapagkat
sa kalaunan ay maaaring ikasira ng pamayanan. Dahil sa patuloy na pag-unlad, kasabay ng pag-usbong ng malalaking industriya at ng
hindi mapigilang pag-unlad ng ekonomiya, patuloy na nasisira ang biodiversity o ang pagkakaiba-iba at pagiging katangi-tangi ng
lahat ng anyo ng buhay na bumubuo sa kalikasan.
Mga halimbawa ng suliraning pangkapaligiran:
waste management mining quarrying deforestation flash flood
Panuto: Suriin ang mapa ng Pilipinas na nasa ibaba at sagutan ang mga gabay na katanungan batay dito. Makikita rin ang
kopya ng mapang ito sa http://www.maps.com/ref_map.aspx?pid=12302.
___________________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
Panuto : Ang mapa ng pagbabagong konseptuwal ay madalas na gamitin upang mabantayan ang pag-iiba sa pagkaalam at
pagkaunawa ng isang mag-aaral sa isang aralin. Binabantayan nito ang panimulang pagkakaalam at pagkakaunawa, ang pagbabago ng
pagkakaalam at pagkakaunawa at ang katapusang pagkakaalam at pagkakaunawa ng mag-aaral sa isang aralin. Kaya nga, sa bahaging
ito, sagutan mo ang nasa ibabang mapa ng pagbabagong konseptuwal. Tiyaking ang masasagot lamang ay ang bahagi ng tsart na
nagpapakita ng panimulang pagkakaalam at pagkakaunawa.
aspetong pulitikal sa mga ginagawa ng pamahalaan halimbawa na ay ang pagpapatupad ng batas (iyon nga lamang, may mga batas na
tungkol sa pulitika, ekonomiya, kalagayang pansosyal at kultura) habang
ang aspetong ekonomikal naman ay may kinalaman sa mga ginagawa ng tao para kumita ng pera halimbawa na ay ang mga trabaho,
industriya at iba pa at
ang aspetong kultural ay tungkol sa mga tradisyon, paniniwala at pang-araw-araw na gawain ng tao halimbawa na ay mga sayaw,
relihiyon, literatura at pamahiin. Sa kabilang dako,
ang aspetong sosyal ay mga usaping nagpapakita nang higit sa isang aspeto o na nagpapakita ng magkasamang mga aspeto. Isang
halimbawa sa usaping sosyal ay kahirapan na nagpapakita hindi lamang ng aspetong ekonomikal (pera) subalit nagpapakita rin ng
pulitikal (halimbawa na ay kawalan ng ginagawa ng pamahalaan upang mabawasan ang kahirapan) at kultural (baka may ginagawa
ang isang pamilya o tao kaya sila/siya mahirap). Batay sa mga pagpapaliwanag na ito, uriin ang mga sanhi ng mga suliraning
pangkapaligiran ng Pilipinas na nailagay mo sa fishbone diagram sa itaas sa mga aspetong ito gamit ang tsart sa ibaba.
Class Directory