You are on page 1of 2

SACRED HEART OF JESUS MONTESSORI SCHOOL

J.R. Borja Extension, Gusa, Cagayan de Oro City


FAPE Certified School

Learning Activity Sheet


CHECKLIST NG MGA GAWAIN
Name:______________________________________________ Date:_______________________________ Lagyan ng tsek (/) ang mga gawain na
Year & Section: _____________________________________ Score: ______________________________ natapos na.
Subject: ____________________________________________
Topic:  4nd Quarter Aralin # 14
 Ang nasyonalismo at paglaya ng mga bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya.  Gawain # 1

NASYONALISMO SA BURMA
Tulad ng China, nagsimulang mawala ang kalayaan ng Burma bunga ng pagkatalo nito sa digmaan sa mga British. Nilagdaan
ang Kasunduang Yandabo na naging dahilan ng tuluyang pagkontrol ng Great Britain sa teritoryo ng Burma. Isa sa mga hindi
matanggap ng mga Burmese ay nang gawing lalawigan lamang ng Indian ang Burma. Hinangad ng maraming Burmese na maihiwalay ang kanilang bansa mula sa India.
Magaganap lamang ito kung sila ay lalaya mula sa pananakop ng mga British. Ang paghahangad na lumaya ang nagtulak sa mga Burmese na ipahayag ang kanilang
damdamaing nasyonalismo.
Ang pagpapahayag ng damdaming nasyonalismo sa Burma ay nagsimula noong 1900s sa pamumuno ng mga edukadong Burmese na nakapag-aral sa loob at labas ng bansa.
Bagama’t binigyan ng pagkakataon ng mga British na maging bahagi ng lehislatura ang mga Burmese, hindi ito naging sapat upang maisulong ang kapakanan ng Burma.
Nagpatuloy ang pakikibaka ng mga Burmese sa pamamagitan ng rebelyon at pagtatatag ng mga makabayang samahan.

Si Saya San ay isang monghe at physician na naghangad ng mas maayos na pamumuhay para sa kaniyang mga kababayan. Pinamunuan ni Saya San ang serye ng rebelyon
laban sa mga British mula noong 1930 hanggang 1932. Nagapi ng malakas na puwersa ng mga British ang Rebelyong Saya San.
Tulad ng Rebelyong Saya San hangad din ng All-Burma Students’ Union na makamit ang kalayaan ng Burma.
Tinatawag na Thankin ang mga miyembro ng samahang ito na ang ibig sabihin ay master. Isinulong nila ang
kanilang mga hangarin sa pamamagitan ng demonstrasyon at rally.
Nang sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nasakop ng Hapon ang Burma. Ang kaganapang ito ay
sinamantala ng mga Burmese at idineklara nila ang kanilang kalayaan mula sa Great Britain. Subalit sa kabila ng
paglaya mula sa mga British ay nananatili pa dn ang kaototohanan na sila ay sakop ng isang dayuhang bansa.
Muling nakipaglaban para sa kalayaan ang mga Burmese ngunit sa pagkakataon ito ay upang mapalayas ang mga
Hapones. Itinatag ni Aung San ang Anti-Facist People’s Freedom League. Nakipagtulungan ang samahan na ito
sa hukbo ng Allied Powers. Nagtagumpay ang samahan na mapatalsik ang mga Hapones. Dahil sa kaniyang
pamumuno, itinalaga si Aung San bilang punong ministro ng Burma noong 1947. Hindi nasilayan ni Aung San
ang bunga ng kaniyang pakikipaglaban para sa kalayaan dahil siya ay binawian ng buhay noong Hulyo 19, 1947,
bago ideklara ang kasarinlan ng Burma. Ang kaniyang kasamahan na si U Nu ang pumalit sa kaniya bilang
punong ministro. Noong 1951 nahalal si U Nu bilang pangulo ng bansa at naulit ito noong 1956.
Gabay na tanong:
1. Ano ang mga dahilan ng pag-usbong ng nasyonalismo sa Burma?
_______________________________________________________________________
2. Paano ipinamalas ng mga Burmese ang damdaming nasyonalismo?
_____________________________________________________________________
3. Bakit ninais ng mga Burmese na humiwalay sa bansang India? ___________________________________________________________________________
NASYONALISMO SA INDONESIA
Ang mga patakarang pang-ekonomiya na ipinatupad ng mga Dutch tulad ng culture system at pagkontrol sa mga sentro ng kalakalan ay nagkaroon ng negatibong epekto sa
kabuhayan ng mga Indones. Lahat ng kapakinabangan sa mga nabanggit na patakaran ay napunta sa mga mananakop na Kanluranin. Bagama’t hindi gaanong
pinanghimasukan ng mga Dutch ang kultura ng Indonesia, naapektuhan naman ng kapabayaan ng mga Dutch sa sistema ng edukasyon sa bansa ang kultura at antas ng
karunungan ng mga Indones.
Umunlad ang nasyonalismong Indones dahil sa paghahangad na matigil ang mga hindi makatarungang patakaran ng mga mananakop na Dutch. Nagsimula ang pakikibaka
ng mga Indones noong 1825. Sa taong ito ay pinamunuan ni Diponegoro ng Java ang isang malawakang pag-aalsa. Noong 1930 nalupig ng mas malakas na puwersa ng mga
Dtuch ang puwersa ni Diponegoro.
Nagpatuloy ang pakikibaka ng mga Indones para sa kalayaan noong ika-20 siglo. Isinagawa nila ito sa pamamagitan ng pagtatatag ng mga makabayang samahan.
Tunghayan ang talahanayan. Mga Makabayang Samahan sa Indonesia

Ang mga nabanggit na samahan ang nanguna sa


pagpapamalas ng nasyonalismong Indonesian.
Kinailangan nilang makipaglaban sa pamamagitan ng
paghihimagsik upang makamit ang kalayaan. Maraming
Indones ang namatay dahil na rin sa malakas na
puwersa ng mga Dutch. Ganap na nakamit ng mga
Indonesian ang kalayaan dahil sa isang matagumpay
na rebolusyon na kanilang inilunsad matapos ang
Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Nagpalabas si
Sukarno ng dekreto noong Agosto 17, 1945 na
nagdedeklara ng kasarinlan ng Indonesia.
Gabay na tanong:
1. Ano ang mga dahilan ng pag-usbong ng
nasyonalismo sa Indonesia?
2. Paano ipinamalas ng mga Indones ang damdaming nasyonalismo?
3. Makatarungan ba ang pagkamit ng rebolusyon upang makamit ang kalayaan? Pangatuwiranan.

Member: Association Montessori Internationale (AMI), Fund for Assistance to Private Education (FAPE), Association of Private Secondary Schools in Cagayan de Oro (APSSCO),
Cagayan de Oro Association of Private Elementary Schools (CAPES)
Member: Association Montessori Internationale (AMI), Fund for Assistance to Private Education (FAPE), Association of Private Secondary Schools in Cagayan de Oro (APSSCO),
Cagayan de Oro Association of Private Elementary Schools (CAPES)

You might also like