You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

COMMISSION ON HIGHER EDUCATION


Region VI- Western Visayas
VICENTE A. JAVIER MEMORIAL COMMUNITY COLLEGE
Formerly Culasi Community College
Centro Norte, Culasi, Antique
E-mail Address: vicenteajavier1975@yahoo.com

Panimulang Pagsusulit
sa
Panitikan 1

Pangalan: Taon at Pangkat: Petsa:

I. Kilalanin ang sumusunod


1. __________ ay isang pagpapahayag ng kaisipan o damdamin hinggil sa mga bagay-bagay sa daigdig, sa lipunan o
pamahalaan, pamumuhay o pansariling emosyon.
2. __________ ito ay kathang maikli ang kaanyuan na ang mga pangyayari ay inilalahad sa isang mabilis na galaw.
3. __________ ito ay isang mahabang pagsasalaysay ng mga pangyayari sa buhay ng mga tauhan.
4. __________ isang akdang tuluyan na nagpapahayag ng pansariling kuro-kuro o opinyon hinggil sa isang bagay o
pangyayari.
5. __________ isang akdang tuluyan na may layuning itanghal sa isang tanghalan na kapupulutan ng magagandang
aral.
6. __________ pagsasalaysay ng buhay ng isang tao.
7. __________ akdang nagbibigkas sa harap ng publiko.
8. __________ isinisiwalat dito ang mga tunay na pangyayaring nagaganap sa pamahalaan, lipunan o kapuluan,
kapaligiran at iba pa.
9. __________ tumutukoy sa pagsasalaysay ng mga kwento ng mga kwento ng mga hayop at ng mga bata.
10. __________ isang uri tuluyang ang mga pangyayari ay di totoo at likhang isip o hayop lamang ng mga
pangyayaring isinasalaysay ng pinagmulan ng isang bagay, pook, katawagan, kalagayan at iba pa.
11. __________ ang epiko ng mga iloco.
12. __________ mga sinaunang tula noong bago sumapit ang mga kastila.
13. __________ ang unang aklat na nalimbag sa Pilipinas.
14. __________ patulang pagsasalaysay ng buhay ni Kristo.
15. __________ ang isang uri ng dula na nagbuhat pa sa Espanya. Inilalarawan dito ang paglalaban ng mga Muslim
at mga Kristiyano.
16. __________ isang larong patula na tinatanghal o ginagawa bilang pang-ilaw sa mga tao na nakikipaglamay sa
isang namatayan.
17. __________ isang laro sa paraang patula. Ang mga sumasali dito ay tinatawag na duplero.
18. __________ pinakatampok na akda ni Francisco Balagtas.
19. __________ ito ang naging inspirasyon ni Dr. Jose P. Rizal upang maisulat at mabuo ang kanyang dalawang
obra-maestra, ang “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo”.
20. __________ ito ang naging batayan ng sangka Kristiyanuhan.

II. Sagutin ang mga sumusunod.


1-2 Dalawang anyo ng Akdang Pampanitikan
3-6 Aat na uri ng tula
7-12 Mga elementong lumilikha ng mga Akdang Pampanitikan
13-24 12 Akdang Pampanitikan ng iba’t ibang panahon
25-33 9 na kasangkapang pampanitikan na nagbibigay anyo sa akda
34-35 2 uri ng sentido ng tao

III. Pagpapaliwanag
1. Dulog Bayograpikal (5pts.)

Inihanda ni: Pinagtibay ni:

SEVILLA A. JAVIER VICTORTIA L. BAUTISTA Ph. D. C. Ed. M. Div.


Instructor-Med College Adminidtrator

You might also like