You are on page 1of 2

SONSHINE CHRISTIAN LEARNING ACADEMY

Apostadero Street, Macamot Binangonan , Rizal


Module __ sa Araling Panlipunan 2

Pangalan:_________________________________________ Puntos:______

Iba-ibang Uri ng Sining sa Komunidad

1.Panitikan
“Mga Halimbawa ng panitikan”
1.Alamat 4.Palaisipan 7.Salawikain
2.Epiko 5.Bulong
3.Bugtong 6.Kwentong-Bayan

Alamat
-ito ay nagsasalaysay ng pinagmulan ng isang bagay, lugar, pangyayari, o
katawagan.

Epiko
-ito ay tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan at pakikipaglaban ng
pangunahing tauhan laban sa mga kaaway.
Hal.
1.Biag ni Lam-ang – epikong Ilocano
2.Ibalon - epikong Bicolano
3.Bantugan - epikong Mindanao
4.Indarapatra at Sulayman - epikong Mindanao
5.Hudhud at Alim - epikong Ifugao

Bugtong
-ito ay isang palaisipan o talinghaga na may nakatagong
kahulugan upang masanay sa mabilis na pag-iisip ang mga tao.
Palaisipan
-ito ay nakapupukaw at nanghahamon ng isipan ng tao dahil
nangangailangan ito ng talas ng isipan.

Bulong
-ito ay isang matandang katawagan sa orasyon na anyong padasal nang mga
sinaunang tao.
Kwentong -bayan
-ito ay isang salaysay o kuwento na pawang likhang isip lamang ang
mga tauhan.

Salawikain
-ito ay isang matandang kasabihan na kapupulutan ng aral.

“Mga Pilipinong Kilala sa Larangan ng Panitikan”

1.Dr. Jose Rizal


*Noli Me Tangere
*El Filibusterismo

2. Francisco “Balagtas” Baltazar ( Ama ng Panitikan )


*Florante at Laura

I. Lagyan ng tsek ( / ) kung ito ay mga halimbawa ng Panitikan at ekis ( x )


kung hindi.
____1.Alamat ____6.Palaisipan
____2.Epiko ____7.Bulong
____3.Bugtong ____8.Katatakutan
____4.Kwentong Pag-ibig ____9.Kwentong-Bayan
____5.Salawikain ____10.Komedya

II. Ano ang tinutukoy sa bawat bilang? Piliin sa itaas ang titik ng tamang sagot.
A. Palaisipan B. Alamat C. Salawikain
D. Bugtong E. Kwentong-Bayan
______11.Ito ay isang matandang kasabihan na kapupulutan ng aral.
______12.Ito ay isang salaysay o kuwento na pawang likhang isip lamang ang
mga tauhan.
______13.Ito ay nakapupukaw at nanghahamon ng isipan ng tao dahil
nangangailangan ito ng talas ng isipan.
______14.Ito ay isang palaisipan o talinghaga na may nakatagong kahulugan
upang masanay sa mabilis na pag-iisip ang mga tao.
______15.Ito ay nagsasalaysay ng pinagmulan ng isang bagay , lugar ,
pangyayari , o katawagan.

You might also like