You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon III
SANGAY NG NUEVA ECIJA
PAMBANSANG MATAAS NA PAARALAN NG PENARANDA
Penaranda, Nueva Ecija

ARALING PANLIPUNAN
(Mga Kontemporaryong Isyu)

Long Quiz

Pangalan: _______________________________________________________ Petsa: ____________


Seksyon: _____________________________________ Iskor: ____________

I. Tukuyin ang mga sumusunod na logo sa ibaba.

1. 2. 3. 4.

5. 6. 7. 8.

9. 10.

II. Basahin at ibigay ang hinihingi sa sumusunod na pangungusap. Isulat ang PPK kung ang tinutukoy ay
Panahong Pre-Kolonyal, PK kung ang tinutukoy ay Panahon ng Kastila, PA kung ang tinutukoy ay Panahon ng
Amerikano at PH kung ang tinutukoy ay Panahon ng Hapon. (2 puntos kada bilang)

______11. Nabuksan ang isipan ng kababaihan na hindi lamang dapat bahay at simbahan ang mundong kanilang
ginagalawan.

______12. Parehas na lumaban ang mga kalalakihan at kababaihan noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

______13. “Reared and trained primarily for motherhood or for the religious life, her education principally
undertaken under the supervision of priests and nuns.”
______14. Ayon sa Boxer Codex, ang mga lalaki ay pinapayagang magkaroon ng maraming asawa subalit
maaaring patayin ng lalaki ang kaniyang asawang babae sa sandaling makita niya itong kasama ng ibang
lalaki.

______15. Kung gustong hiwalayan ng lalaki ang kaniyang asawa, maaari niya itong gawin sa pamamagitan ng
pagbawi sa ari-ariang ibinigay niya sa panahon ng kanilang pagsasama.

______16. Nagkaroon ng mga binukot o prinsesa ang isang katutubong pangkat sa isla ng Panay at pagbibigay
ng tinatawag na bigay-kaya. Ang binukot ay itinuturing na itinagong paborito at pinakamagandang anak ng
datu. Hindi siya maaaring tumapak sa lupa at masilayan ng mga kalalakihan hanggang sa magdalaga.

______17. Ang kababaihan sa Pilipinas noon, maging sila man ay kabilang sa pinakamataas na uri o sa uring
timawa sa kanilang lipunan, ay pagmamay-ari ng mga lalaki.

______18. Isang espesyal na plebesito ang ginanap noong Abril 30, 1937, 90% ng mga bumoto ay pabor sa
pagbibigay-karapatan sa pagboto ng kababaihan.

______19. Ang mga kababaihan ay nananatili sa kanilang tahanan at inaasikaso ang bawat pangangailangan ng
kanilang asawa at mga anak.

______20. Sa pagsisimula ng pampublikong paaralan na bukas para sa kababaihan at kalalakihan, mahirap o


mayaman, maraming kababaihan ang nakapag-aral.

III. Basahin at ibigay ang hinihingi sa mga sumusunod na bilang.

21-22 Dalawang uri ng oryentasyong sekswal


23-24 Katangian ng Sex
25-26 Katangian ng Gender
IV. Basahin at ibigay ang hinihingi sa sumusunod na pangungusap. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.

_________________27. Ito ay kinikilala bilang malalim na damdamin at personal na karanasang


pangkasarian ng isang tao, na maaaring nakatugma o hindi nakatugma sa sex niya nang siya’y
ipanganak, kabilang ang personal na pagtuturing niya sa sariling katawan.

_________________28. Ito ay tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim na


atraksiyong apeksyonal, emosyonal, sekswal.

_________________29. Mga nagkakaroon ng seksuwal na pagnanasa sa mga taong nabibilang sa


katulad na kasarian, mga lalaking mas gustong lalaki ang makakatalik at mga babaeng mas gusto ang
babae bilang sekswal na kapareha.

_________________30. Mga taong nagkakanasang seksuwal sa miyembro ng kabilang kasarian, mga


lalaki na ang gustong makatalik ay babae at mga babaeng gusto naman ay lalaki.

“Ang totoong nagmamahal ay parang matinong estudyanteng nag-eexam. HINDI TUMITINGIN SA


IBA KAHIT NAHIHIRAPAN NA.” GOODLUCK ! 😊

Inihanda ni:
ALLIANA JOY D. ORTIZ
Guro II, Araling Panlipunan

You might also like