You are on page 1of 3

DEPARTMENT OF EDUCATION

Region VIII
Division of Southern Leyte
Macrohon District
AGUINALDO ELEMENTARY MG SCHOOL

Pangalan: ____________________________________Baitang: ___________Iskor: _____


7th Summative Test in Araling Panlipunan 6
1st Quarter
S.Y. 2022-2023
I. Panuto: Piliin mula sa Hanay B ang kaisipang tinutukoy sa bawat bilang sa Hanay A. Isulat sa puwang
ang titik ng tamang sagot.

Hanay A Hanay B
___ 1. Pagbabago ng isang lipunan mula sa mga pinapahalagahang pang- a. Paring Sekular
relihiyon patungo sa mga pinapahalagahang hindi pang-relihiyon at mga
sekular na institusyon. Masasabi din na ito ay ang pagsasa-Filipino ng mga
parokya.
___ 2. Paring nagsasanay sa seminaryo upang mangasiwa sa mga parokya sa b. Paring regular
Pilipinas. Sila ay nasa ilalim ng pamamahala ng mga obispo at walang
kinabibilangang orden kumpara sa mga paring regular.
___ 3. Sila ay mga paring misyonero na naglalakbay sa iba’t-ibang lugar c. Sekularisasyon
upang magpalaganap ng Kristiyanismo hal. Agustino, Heswita, at
Dominikano.
___ 4. Ang naging dahilan sa pagbitay sa garote sa tatlong paring martir na d. Kilusang Propaganda
sina Mariano Gomez, José Burgos, at Jacinto Zamora, o mas kilala bilang
GomBurZa.
___ 5. Pangunahing layunin ng kilusang ito ang bigyan ng kalutasan ang mga e. LA SOLIDARIDAD
kamalian sa sistemang kolonyal ng mga Kastila sa Pilipinas sa paraang
panulat.
___ 6. Ito ang opisyal na pahayagan ng Kilusang Propaganda f. Cavite Mutiny (January
20, 1872)
___ 7. Si Rizal ay tinuligsa dahil sa dalawang akda na ito na kanyang isinulat. g. LA LIGA FILIPINA
Inilahad sa mga akda na ito ang kasamaan ng mga prayle at kabulukan ng
sistema ng pamahalaan ng mga Español.
___ 8. Samahang itinatag ni Rizal noong Hulyo 3, 1892 matapos makabalik h. NOLI ME TANGERE
sa Pilipinas. Layunin ng samahan na magkaisa ang lahat ng Filipino sa (1887) AT EL
paghingi ng reporma sa mapayapang paraan FILIBUSTERISMO (1891)
___ 9. Siya ang nanguna sa pagkakatatag ng “Kataastaasan, Kagalanggalangan i. ‘Unang Sigaw’
na Katipunan ng mga Anak ng Bayan” (K.K.K. ng mga A.N.B.), o ang
Katipunan.
___ 10. Nagsimula ang rebolusyon sa tinatawag na _______. Ayon sa opisyal j. Andres Bonifacio
na panandang pangkasaysayan, naganap ito noong Agosto 23, 1896 sa Pugad
Lawin sa dating Kalookan na ngayo’y Lungsod Quezon,

II. Panuto: Isulat sa puwang sa unahan ng bilang ang TAMA kung wasto ang saad na kaisipan sa
pangungusap;MALI naman kung hindi wasto.

________ 1. Ang Sigaw sa Pugad Lawin na naganap noong ika-23 ng Agosto ay simula ng himagsikan ni Gat
Andres Bonifacio, ang ama ng Katipunan, at ng iba pang rebolusyonaryo laban sa mga mapanupil na Kastila.

________ 2. Ang pagpunit ng cedula ng mga Katipunero ay sumisimbolo sa hindi na pagkilala ng mga ito sa
kapangyarihan ng mga Amerikano sa Pilipinas.
________ 3. Naging matagumpay ang unang labanang naganap sa bayan ng San Juan del Monte noong Agosto
30, 1896 dahil nalipol ng mga Katipunero ang mga pwersang Kastila.

________ 4. Nagkaroon ng Kumbensiyon sa Imus noong Disyembre 31, 1896 na naglayon na pagkasunduin
ang dalawan pangkat ng mga Katipunerong Magdalo at Magdiwang, at ito ay naging matagumpay.

________ 5. Dahil sa hindi nagustuhan ang pagtutol ni Tirona, isang araw matapos ang halalan na ginanap sa
Kumbensiyon sa Tejeros, ay dineklara ni Bonifacio na walang bisa ang naganap na halalan.

________ 6. Sa dokumentong “Naik Military Agreement” na nilagdaan ni Supremo Andres Bonifacio, muli
niyang sinasabi tulad ng ginawa niya sa Acta de Tejeros noong March 23, 1897 na siya pa rin ang Pangulo ng
Pamahalaang Mapanghimagsik sa kabila ng pag-angkin din sa puwesto ni Heneral Emilio Aguinaldo.

________ 7. Hinatulan ng kamatayan ng Consejo de Guerra ang magkapatid na Andres at Procopio Bonifacio
dahil sa pagtataksil sa bayan at tangkang pagpatay sa bagong pangulong Heneral Emilio Aguinaldo.

________ 8. Napilitan si Aguinaldo na ipapatay si Bonifacio alang-alang sa kapanatagan ng bayan.

________ 9. Ang kinikilalang kauna-unahang republikang naitatag sa Pilipinas, ang Republika ng Biak-na-
Bato, ay nagtagal lamang ng ilang buwan dahil sa naganap na kasunduan sa Biak-na-Bato sa pagitan ni
Aguinaldo at ng mga mananakop noong Disyembre 15, 1897.

________ 10. Lumisan tungong Hong Kong sina Aguinaldo noong Disyembre 24, 1897 kung saan nagtatag sila
ng Junta, isang pagpapatuloy ng kanilang rebolusyon at pagkilos para sa kalayaan mula sa mga Español.

III. PAGPAPALIWANAG (5-Punto)

Batay sa Naic Military Agreement, Si Bonifacio ay tumiwalag sa pamahalaan ni Aguinaldo. Ang mga
sumunod na pangyayari pagkatapos nito ay nagbunga ng hatol na kamatayan sa magkapatid na Bonifacio.

Makatarungan ba ang ginawang kaparusahan sa magkapatid na Bonifacio? Bakit?

___________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_______________
Key:

Test I

1. c
2. a
3. b
4. f
5. d
6. e
7. h
8. g
9. j
10. i

Test II
1. Tama
2. Mali
3. Mali
4. Mali
5. Tama
6. Tama
7. Tama
8. Tama
9. Tama
10 Tama

You might also like