You are on page 1of 3

UNANG LAGUMANG PAGSUBOK SA ARALING PANLIPUNAN-6

KWARTER-1

I. Panuto: Piliin mula sa Hanay B ang kaisipang tinutukoy sa bawat bilang sa Hanay A. Isulat sa puwang ang titik ng
tamang sagot.

Hanay A Hanay B
___ 1. Pagbabago ng isang lipunan mula sa mga pinapahalagahang pang- a. Paring Sekular
relihiyon patungo sa mga pinapahalagahang hindi pang-relihiyon at mga sekular
na institusyon. Masasabi din na ito ay ang pagsasa-Filipino ng mga parokya.
___ 2. Paring nagsasanay sa seminaryo upang mangasiwa sa mga parokya sa b. Paring regular
Pilipinas. Sila ay nasa ilalim ng pamamahala ng mga obispo at walang
kinabibilangang orden kumpara sa mga paring regular.
___ 3. Sila ay mga paring misyonero na naglalakbay sa iba’t-ibang lugar upang c. Sekularisasyon
magpalaganap ng Kristiyanismo hal. Agustino, Heswita, at Dominikano.
GomBurZa
___ 4. Ang naging dahilan sa pagbitay sa garote sa tatlong paring martir na sina d. Kilusang Propaganda
Mariano Gomez, José Burgos, at Jacinto Zamora, o mas kilala bilang GomBurZa.
___ 5. Pangunahing layunin ng kilusang ito ang bigyan ng kalutasan ang mga e. LA SOLIDARIDAD
kamalian sa sistemang kolonyal ng mga Kastila sa Pilipinas sa paraang panulat.
___ 6. Ito ang opisyal na pahayagan ng Kilusang Propaganda f. Cavite Mutiny (January
20, 1872)
___ 7. Si Rizal ay tinuligsa dahil sa dalawang akda na ito na kanyang isinulat. g. LA LIGA FILIPINA
Inilahad sa mga akda na ito ang kasamaan ng mga prayle at kabulukan ng
sistema ng pamahalaan ng mga Español.
___ 8. Samahang itinatag ni Rizal noong Hulyo 3, 1892 matapos makabalik sa h. NOLI ME TANGERE (1887)
Pilipinas. Layunin ng samahan na magkaisa ang lahat ng Filipino sa paghingi ng AT EL FILIBUSTERISMO
reporma sa mapayapang paraan (1891)
___ 9. Siya ang naguna sa pagkakatatag ng “Kataastaasan, Kagalanggalangan na i. ‘Unang Sigaw’
Katipunan ng mga Anak ng Bayan” (K.K.K. ng mga A.N.B.), o ang Katipunan.
___ 10. Nagsimula ang rebolusyon sa tinatawag na _______. Ayon sa opisyal na j. Andres Bonifacio
panandang pangkasaysayan, naganap ito noong Agosto 23, 1896 sa Pugad Lawin
sa dating Kalookan na ngayo’y Lungsod Quezon,

II. Panuto: Isulat sa puwang sa unahan ng bilang ang TAMA kung wasto ang saad na kaisipan sa pangungusap;
MALI naman kung hindi wasto.

________ 1. Ang Sigaw sa Pugad Lawin na naganap noong ika-23 ng Agosto ay simula ng himagsikan ni Gat
Andres Bonoifacio, ang ama ng Katipunan, at ng iba pang rebolusyonaryo laban sa mga mapanupil na Kastila.

________ 2. Ang pagpunit ng cedula ng mga Katipunero ay sumisimbolo sa hindi na pagkilala ng mga ito sa
kapangyarihan ng mga Amerikano sa Pilipinas.

________ 3. Naging matagumpay ang unang labanang naganap sa bayan ng San Juan del Monte noong Agosto
30, 1896 dahil nalipol ng mga Katipunero ang mga pwersang Kastila.

________ 4. Nagkaroon ng Kumbensiyon sa Imus noong Disyembre 31, 1896 na naglayon na pagkasunduin ang
dalawan pangkat ng mga Katipunerong Magdalo at Magdiwang, at ito ay naging matagumpay.

________ 5. Dahil sa hindi nagustuhan ang pagtutol ni Tirona, isang araw matapos ang halalan na ginanap sa
Kumbensiyon sa Tejeros, ay dineklara ni Bonifacio na walang bisa ang naganap na halalan.

________ 6. Sa dokumentong “Naik Military Agreement” na nilagdaan ni Supremo Andres Bonifacio, muli niyang
sinasabi tulad ng ginawa niya sa Acta de Tejeros noong March 23, 1897 na siya pa rin ang Pangulo ng
Pamahalaang Mapanghimagsik sa kabila ng pag-angkin din sa puwesto ni Heneral Emilio Aguinaldo.

________ 7. Hinatulan ng kamatayan ng Consejo de Guerra ang magkapatid na Andres at Procopio Bonifacio
dahil sa pagtataksil sa bayan at tangkang pagpatay sa bagong pangulong Heneral Emilio Aguinaldo.
________ 8. Napilitan si Aguinaldo na ipapatay si Bonifacio alang-alang sa kapanatagan ng bayan.

________ 9. Ang kinikilalang kauna-unahang republikang naitatag sa Pilipinas, ang Republika ng Biak-na-Bato, ay
nagtagal lamang ng ilang buwan dahil sa naganap na kasunduan sa Biak-na-Bato sa pagitan ni Aguinaldo at ng
mga mananakop noong Disyembre 15, 1897.

________ 10. Lumisan tungong Hong Kong sina Aguinaldo noong Disyembre 24, 1897 kung saan nagtatag sila ng
Junta, isang pagpapatuloy ng kanilang rebolusyon at pagkilos para sa kalayaan mula sa mga Español.

III. PAGPAPALIWANAG (5-Punto)

Batay sa Naic Military Agreement, Si Bonifacio ay tumiwalag sa pamahalaan ni Aguinaldo. Ang mga
sumunod na pangyayari pagkatapos nito ay nagbunga ng hatol na kamatayan sa magkapatid na Bonifacio.

Makatarungan ba ang ginawang kaparusahan sa magkapatid na Bonifacio? Bakit?

______________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
Key:

Test I

1. c
2. a
3. b
4. f
5. d
6. e
7. h
8. g
9. j
10. i

Test II
1. Tama
2. Mali
3. Mali
4. Mali
5. Tama
6. Tama
7. Tama
8. Tama
9. Tama
10 Tama

You might also like