You are on page 1of 5

MGA

KONTROBERSYA
SA KASAYSAYAN

Andrei Josh D. Garcia


BSBA FM 1B
Mr. Daniel Ortega
Kumbensyon sa Tejeros
Noong 22 Marso 1897, nagkaroon ng
pagpupulong sa Tejeros, isang baryo sa San
Francisco de Malabon, Cavite, ang dalawang
paksiyon ng Katipunan sa lalawigan—ang
Magdíwang na pinamumunuan ni Mariano
Alvarez, tiyuhin ni Andres Bonifacio, at ang
Magdaló na pinan- gungunahan ni
Baldomero Aguinaldo, pinsan Heneral Emilio
Aguinaldo. Ito ang tinatawag ngayong
Kumben siyóng Tejéros (Te·hé·ros).

Layunin ng kumbensiyong ito na bumuo ng


mga plano at pagkilos upang palakasin
ang depensa sa Cavite. Gayunman, sa
halip na talakayin ang nasabing dahilan
ng pagpupulong, nagdesisyon ang mga
lider ng Katipunan sa naturang probinsiya
na magtatag ng bagong
rebolusyonaryong gobyerno kapalit ng
Katipunan at maghalal ng mga opisyal
para dito.

Tinutulan ni Bonifacio ang inisyatibang ito


at ipinuntong may konstitusyon at
gobyernong kasalukuyang umiiral—ito ay
ang Katipunan. Gayunman, nanaig ang
kagustuhan ng mga Kabitenyong
Magdalo. Bagama’t atubili, pinanguluhan
ni Bonifacio ang eleksiyon sa garantiyang
igagalang ng nakararami kung anuman
ang maging resulta nitó.

Gayunman, buo na ang loob ng mga


Kabitenyong Magdalo at itinuloy ang
pagpapairal sa halalan sa Tejeros.
Mabilisang pinanumpa si Aguinaldo
bilang bagong pinunò. Pagkaraan,
itinuring na hadlang si Bonifacio sa
bagong gobyernong rebolusyonaryo kayâ
ipinadakip bago makalabas ng Cavite,
nilitis, at hinatulan ng kamatayan.

Ang aking komento ukol sa pangyayaring ito ay, para sa akin wala
namang masama sa pagpapahayag ng iyong opinyon at mali na
ipinadakip at hinatulan ng kamatayan si Bonifacio dahil lamang
dito. Tunay ngang hindi napapahalagahan ang karapatang
pantao noon. Mali rin na taliwas sa dapat talakayin ang pulong na
kanilang ginawa

https://philippineculturaleducation.com.ph/kumbensiyong-tejeros/
UNANG SIGAW NG
HIMAGSIKAN

Ang “Únang Sigáw” ang simbolikong unang pagtatagpo ng


mga Katipunero upang ipahayag ang Himagsikang 1896
laban sa España. Maitutulad ito sa El Grito ng himagsikan sa
Mexico. Isang kontrobersiya hanggang ngayon kung kailan
at kung saan naganap ang Unang Sigaw. May panahong
ipinagdiriwang ang Unang Sigaw sa Balintawak tuwing
Agosto 26. Ngunit binago ito ng saliksik ni Teodoro A.
Agoncillo (1956), na nagtakdang naganap ito sa Pugadlawin
noong 23 Agosto 1896.

Nang malantad ang Katipunan noong 19 Agosto 1896 ay


tumakas patungong Kalookan sina Andres Bonifacio,
Emilio Jacinto, Procopio Bonifacio, at ilang pinunò
kasabay ang isang pagpapatawag ng pangkalahatang
pulong upang pag-usapan ang mga dapat gawin.
Itinakda niya ang pulong sa Balintawak sa Agosto 24.
Dumating sina Bonifacio sa Balintawak sa hatinggabi ng
Agosto 19. Dumating kinabukasan, Agosto 20, si Pio
Valenzuela. Noong hápon ng Agosto 21, umalis ang
umaabot sa 500 Katipunero, kasáma nina Bonifacio,
patungong Kangkong at natulog sa bakuran ni Apolonio
Samson. Umalis sila ng Kangkong sa hapon ng Agosto 22
at dumating kinagabihan sa Pugadlawin sa bakuran ni
Juan A. Ramos, anak ni Melchora Aquino.

Kinabukasan, Agosto 23, doon nilá idinaos ang pulong na


nagpasiyang simulan ang himagsikan laban sa España
sa Agosto 29. Sa pulong na iyon, tumindig si Bonifacio sa
isang plataporma at nagpahayag: “Mga kapatid,
nagkaisa táyong ituloy ang himagsikan. Sumusumpa ba
kayóng itakwil ang pamahalaang umaapi sa atin?”
Sabay-sabay na sumigaw ng “Opo!” ang mga
Katipunero. “Kung ganoon,” patuloy ni Bonifacio, “ilabas
ang inyong mga sedula at punitin upang patunayan ang
ating pasiyang humawak ng sandata!” Inilabas ng mga
Katipunero ang mga sedula at pinagpunit-punit.
Pagkatapos, naluluha siláng sumigaw: “Mabuhay ang
Filipinas! Mabuhay ang Katipunan!”

Ako ay namangha sa ipinamalas na tapang ng ating


mga kababayan at mga bayani. Napakahalaga na
maging kritiko sa isang pamahalaan lalo na kung ang
kanilang ginagawa ay hindi tama at naabuso na ang
kanilang kapangyarihan. Tunay na Mabuhay ang
Pilipinas

https://philippineculturaleducation.com.ph/unang-sigaw/
RETRAKSIYON
NI RIZAL

Ilang oras bago siya barilin, ay pinirmahan daw ni


Rizal ang isang dokumento na nagsasabing siya
raw ay isang Katoliko at binabawi niya lahat ng
kanyang mga sinulat laban sa simbahan. Nakilala
ang dokumento bilangang retraktasyon, “The
Retraction.”

Kahit natagpuan ang sinasabing dokumento ng


retraktasyon noong 1935,patuloy ang
pagdududa. Lalo na sa itinuturing na
natatanging eyewitness account ng pangyayari
—ang isinulat ng Heswitang si Padre Vicente
Balaguer.

Si Padre Balaguer ang isa sa mga paring


bumisita kay Rizal sa mga hulingoras ng kanyang
buhay sa piitan sa Fort Santiago. Taong 1917, sa
kanyangpagbabalik sa Espanya, sinabi niyang
sya ang nag-udyok kay Rizal upanggawin ang
retraksyon at sya ring nagkasal kay Rizal at
Josephine Bracken.

At iba pang mga patunay tulad ng testimonya ng


Cuerpo de Vigilancia, Ang sinulat ni Rizal sa
kopya ng “Imitations of Christ”, at Ang
paglalagay ng “krus” sa kanyang mga huling
sulatin

Mangyaring totoo o hindi,


naipakita pa rin ng ating
pambansang bayani sa kaniyang
naisulat ang pagpuna sa maling
gawain ng katolikong simbahan
noon.

https://www.coursehero.com/file/43424109/RETRAKSYON-NI-RIZAL-AYON-KAY-BALAGUERdocx/
https://www.gmanetwork.com/news/lifestyle/artandculture/594027/retraction-ni-jose-rizal-
mga-bagong-dokumento-at-pananaw/story/?
utm_source=GMANews&utm_medium=Facebook&utm_campaign=lifestyle&fbclid=IwAR2Vnz5evkvi
sgdSNpQd67sRQkK2L2vpjH6HkXch5TrVZ54lVS4gYDQEMco
BATAS MILITAR
Ang batás militár ay pagpapataw ng
kapangyarihang militar sa isang lugar
dulot ng pangangailangan.
Ipinatutupad ito kapag ang
pamahalaang sibilyan ay hindi
nakagaganap sa tungkuling gaya ng
pagpapanatili ng kaayusan ng lugar,
hindi makontrol ang kaguluhan at
protesta, nagkaroon ng malawakang
paglabag sa batas, o may giyera at
pananakop.

Karaniwan sa sitwasyong ito na ang


militar na may pinakamataas na
ranggo ang nagiging pangulo ng
pamahalaang militar at nagtataglay
ng kapang- yarihang ehekutibo,
lehislatibo, at hudisyal. Maaari rin
namang ang pangulong sibilyan ang
magdeklara at mangasiwa nitó sa
tulong ng hukbong militar. Sa
panahong ito naghihigpit ng curfew,
nabubuwag ang batas at karapatang
sibil at habeas corpus, at ginagamit
ang batas militar sa mga sibilyan
gaya ng paghaharap sa kanila sa
tribunal na pangmilitar.

Ika-21 din ng Setyembre ng 1972 nang


ideklara ni Ferdinand Marcos sa
pamamagitan ng Proclamation No. 1081
ang pagsasailalim ng Filipinas sa batas
militar. Tumagal ito ng siyam na taón
at natapos noong 17 Enero 1981, ang
pinakamatagal na pagsasailalim sa
batas militar sa kasaysayan ng bansa.

Para sa aking ang batas militar ay isinasagawa lamang


kung kinakailangan, ang pagiging protestante at kritiko
sa pamahalaan ay hindi mali, ang mali ay ang alisin ang
karapatang pantao, ikunsinti ang pang-aabuso, pang
totorture at pang reredtag.

https://philippineculturaleducation.com.ph/batas-militar/

You might also like