You are on page 1of 2

Ang Pananakop Ng mga Espanyol

Huwebes, Oktubre 17, 2013

Ang Rebolusyong Pilipino

Ang Rebolusyong Pilipino ay Isa sa mga dahilan kung bakit tayo natatamasa ng Kalayaan ngayon.Kaya
Dapat nating ipagmalaki ang mga bayaning nakipaghimagsik sa mga kolonyalistang Espanyol na sumakop
sa ating minanahal na bansa, ang bansang Pilipinas. Ang mga dakilang bayani na ito ay isa sa mga namuno
sa mga paghihimagsik na isinagawa para makamit ang ating kalayaan.

''Mga Paghihimagsik Na Isinagawa ng mga Pilipino''

''Ang Sigaw Sa Pugadlawi''

Ang Sigaw sa Pugad Lawin ay naganap noong Agosto 23, 1896 sa Lungsod ng Qeuzon, Pilipinas. Dito
ipinahayag ng Katipunan ang simula ng pakikipaglaban sa mga Kastila upang makamit ang kalayaan ng
bansa. Pinunit ng mga Katipunero, sa pamumuno ni Andres Bonifacio ang kanilang mga sedula. Ang
pagpupunit ng kanilang mga sedula ay tanda ng kanilang pagtutol sa batas na Tributo o Cedula Personal.
sila ay tumutol sa di makataong pamamalakad ng mga kolonyalistang Espanyol. Ito ay ginanap sa bahay ng
anak ni Melchora Aquino na isa rin sa ating mga magigiting na bayani.Napakahalaga ng pangyayaring ito
sa ating kasaysayan. Ito ang opisyal na pagsisimula ng himagsikang Pilipino Laban sa mga Espanyol.
Ipinakita ng mga kasapi nito ang kanilang kahandaan na magbuwis ng buhay upang mgakamit lamang na
ating bansa ang Kalayaan mula sa mga koloyalistang Espanyol kahit na sila ay kulang sa mga armas na
pandigma. Ipinakita rin nila ang kanilang kakayahang magkaisa bilang isang bansa para sa mga kapakanan
ng Pilipinas.

''Mga Pangyaari sa Kumbesyong Tejeros''

Ang Kumbensyon sa Tejeros (mga kapalit na pangalan ay ang Kapulungan ng Tejeros at Kongreso ng
Tejeros) ay isang pagpupulong na ginanap sa pagitan ng hating Magdiwang at Magdalo ng Katipunan sa
San Francisco de Malabon sa Kabite noong Marso 22, 1897. Ito ang kauna-unahang pampanguluhan at
pang-ikalawang panguluhang halalan sa kasaysayan ng Pilipinas kahit na ang mga Katipunero (mga kasapi
ng Katipunan) at hindi ang pangkalahatang populasyon ang nakapaghalal.
Dagdag pa sa pagsabi ni Bonifacio na hindi katanggap-tanggap ang kinalabasan ang bunga ng halalang ito
ay kahina-hinala na may mga paratang na ang mga balot na ipinamahagi ay sinulatan na ng halal at ang
mga halal ay hindi ginawa mismo ng mga manghahalal.

VS.

''Mga Pangyayari Sa Biak-Na-Bato''

Ang Republika ng Biak-na-Bato (Kastila: República de Biac-na-Bató), opisyal na tinutukoy ng saligang


batas nito bilang ang Republik ng Filipinas (Kastila: República de Filipinas) ay ang kauna-unahang
republikang naitatag sa Pilipinas ng manghihimagsik na si Emilio Aguinaldo at ang kanyang mga kapwa
kasapi sa Katipunan. Sa kabila ng tagumpay nito gata ng pagkakatatag ng kauna-unahang Saligang Batas
ng Pilipinas, ang republika ay nagtagal lamang ng ilang buwan. Isang kasunduang pangkapayapaan ang
nilagdaan ni Aguinaldo (sa pagitan ng mga Katipunero at sa Kastilang Gobernador Heneral Fernando
Primo de Rivera) ang nagtapos ng republika at pinatapon si Emilio Aguinaldo sa Hong Kong.

''Ang Proklamasyon ng Kalayaan sa Kawit, Cavite''

Noong ika-5 ng Hunyo, 1898, nagpalabas si E. Aguinaldo ng isang dekreto na nagtatakda sa ika-12 ng
Hunyo bilang araw ng pagpapahayag ng kalayaan ng Pilipinas bilang isang nagsasariling bansa. Ang
layunin ng nasabing pagpapahayag ay upang maging inspirasyon ng mga Pilipino na ipagpatuloy and
pakikipaglaban sa mga Kastilang mananakop at upang ipaalam sa buong mundo na ang Pilipinas ay isa
nang ganap na malayang bansa.
Para sa nasabing okasyon, kinomisyon ni Aguinaldo si Julian Felipe, isang tanyag na kompositor sa Cavite,
na lumikha ng magiging pambansang awit ng Pilipinas. Noong ika-11 ng Hunyo, natapos ni Felipe ang
komposisyon at pinamagatan niya itong "Marcha Nacional Filipina".
Noong ika-12 ng Hunyo, 1898, ipinahayag ni Aguinaldo ang kalayaan ng Pilipinas sa Cavite el Viejo
(ngayon Kawit). Sa kauna-unahang pagkakataon, sa araw ring iyon, ang pambansang watawat, na ginawa
pa ni Marcela Agoncillo sa tulong nina Lorenza Agoncillo at Josefina Herboza de Natividad, ay
iwinagayway habang pinatutunog sa publiko ang panmbansang awit ng Pilipinas

''Ang Kongreso at Saligang-batas ng Malolos''

Ang Saligang Batasng Pilipinas o Konstitusyon ng Pilipinas (Ingles: Constitution of the Philippines) ang
kataas-taasang batas ng Pilipinas. Ang kasalukuyang Saligang Batas ay ipinagtibay noong ika-2 ng Pebrero
1987 sa isang plebisito kung saang higit sa 3/4 o 76.37% ng mga humalál (17,059,495 ) ang sumang-ayon
dito, laban sa 22.65% (5,058,714) na bumoto tutol sa pagpapatibay nito.

Ang Saligang Batas ng Malolos ang unang republikanong saligang batas sa Asya. Ito ay naghayag ang
soberanya ay eksklusibong tumatahan sa mga tao, nagsaad ng mga pangunahing karapatang pantao,
naghiwalay ng simbahan at estado at tumawag para sa pagkakalikha ng Kapulungan ng mga Representatibo
na umasal bilang katawang lehislatibo. Ito ay tumawag rin para sa isang anyong presidensiyal ng
pamahalaan na ang pangulo ay inihahalal ng mayoridad ng kapulungan para sa isang termino ng apat na
taon. Ito ay pinamagatang "Constitución política" at isinulat sa Kastila kaunod ng kalayaan mula sa
Espanya at pinroklama noong Enero 20, 1899. Ito ay isinabatas at pinagtibay ng Kongresong Malolos na
isinagawa sa Malolos, Bulacan.

Sa huli, tuluyan nang nakamit na sa wakas ng mga Pilipino ang kalayaan. Sa tulong ng ating mga
magigiting na mga bayani na binuwis ang kanilang buhay upang makamit lang ang kalayaan ng ating
minamahal na bansa. kaya dapat natin silang ipagmalaki sapagkat kundi dahil sa kanila, hindinatin
makakamit ang kalayaang natatamasa natin ngayon

You might also like