You are on page 1of 1

IKALAWANG LAGUMANG PAGSUBOK SA ARALING PANLIPUNAN VI

PANGALAN: ________________________________________ ISKOR: _________

I. Panuto: Piliin ang kahulugan ng mga salitang nasa Hanay B na nasa Hanay A. isulat lamang ang titik ng
tamang sagot sa nakalaang patlang.

Hanay A Hanay B
___ 1. Ito ang opisyal na pahayagan ng Kilusang Propaganda A. La Solidaridad
___ 2. Sila ay mga paring misyonero na naglalakbay sa iba’t-ibang lugar upang B. Paring regular
magpalaganap ng Kristiyanismo hal. Agustino, Heswita, at Dominikano.
GomBurZa
___ 3. Paring nagsasanay sa seminaryo upang mangasiwa sa mga parokya sa Pilipinas. C. Sekularisasyon
Sila ay nasa ilalim ng pamamahala ng mga obispo at walang kinabibilangang orden
kumpara sa mga paring regular.
___ 4. Ang naging dahilan sa pagbitay sa garote sa tatlong paring martir na sina Mariano D. Kilusang Propaganda
Gomez, José Burgos, at Jacinto Zamora, o mas kilala bilang GomBurZa.
___ 5. Pangunahing layunin ng kilusang ito ang bigyan ng kalutasan ang mga kamalian
sa sistemang kolonyal ng mga Kastila sa Pilipinas sa paraang panulat. E. Paring Sekular
___6. . Pagbabago ng isang lipunan mula sa mga pinapahalagahang pang-relihiyon F. Cavite Mutiny
patungo sa mga pinapahalagahang hindi pang-relihiyon at mga sekular na institusyon. (January 20, 1872)
Masasabi din na ito ay ang pagsasa-Filipino ng mga parokya.
___ 7. Si Rizal ay tinuligsa dahil sa dalawang akda na ito na kanyang isinulat. Inilahad sa G. LA LIGA FILIPINA
mga akda na ito ang kasamaan ng mga prayle at kabulukan ng sistema ng pamahalaan ng
mga Español.
___ 8. Samahang itinatag ni Rizal noong Hulyo 3, 1892 matapos makabalik sa Pilipinas. H. NOLI ME
Layunin ng samahan na magkaisa ang lahat ng Filipino sa paghingi ng reporma sa TANGERE (1887) AT
mapayapang paraan EL FILIBUSTERISMO
(1891)
___ 9. Siya ang naguna sa pagkakatatag ng “Kataastaasan, Kagalanggalangan na I. ‘Unang Sigaw’
Katipunan ng mga Anak ng Bayan” (K.K.K. ng mga A.N.B.), o ang Katipunan.
___ 10. Nagsimula ang rebolusyon sa tinatawag na _______. Ayon sa opisyal na J. Andres Bonifacio
panandang pangkasaysayan, naganap ito noong Agosto 23, 1896 sa Pugad Lawin sa
dating Kalookan na ngayo’y Lungsod Quezon,

II. Panuto: Isulat sa patlang ang TAMA kung ang pangungusap ay wasto, at MALI kung di-wasto.

________ 1. Nagkaroon ng Kumbensiyon sa Imus noong Disyembre 31, 1896 na naglayon na pagkasunduin ang
dalawang pangkat ng mga Katipunerong Magdalo at Magdiwang, at ito ay naging matagumpay.
________ 2. Dahil sa hindi nagustuhan ang pagtutol ni Tirona, isang araw matapos ang halalan na ginanap sa
Kumbensiyon sa Tejeros, ay dineklara ni Bonifacio na walang bisa ang naganap na halalan.
________ 3. Naging matagumpay ang unang labanang naganap sa bayan ng San Juan del Monte noong Agosto 30,
1896 dahil nalipol ng mga Katipunero ang mga pwersang Kastila.
________ 4. Ang Sigaw sa Pugad Lawin na naganap noong ika-23 ng Agosto ay simula ng himagsikan ni Gat Andres
Bonoifacio, ang ama ng Katipunan, at ng iba pang rebolusyonaryo laban sa mga mapanupil na Kastila.
________ 5. Ang pagpunit ng cedula ng mga Katipunero ay sumisimbolo sa hindi na pagkilala ng mga ito sa
kapangyarihan ng mga Amerikano sa Pilipinas.
________ 6. Napilitan si Aguinaldo na ipapatay si Bonifacio alang-alang sa kapanatagan ng bayan.
________ 7. Hinatulan ng kamatayan ng Consejo de Guerra ang magkapatid na Andres at Procopio Bonifacio dahil sa
pagtataksil sa bayan at tangkang pagpatay sa bagong pangulong Heneral Emilio Aguinaldo.
________ 8. Sa dokumentong “Naik Military Agreement” na nilagdaan ni Supremo Andres Bonifacio, muli niyang
sinasabi tulad ng ginawa niya sa Acta de Tejeros noong March 23, 1897 na siya pa rin ang Pangulo ng Pamahalaang
Mapanghimagsik sa kabila ng pag-angkin din sa puwesto ni Heneral Emilio Aguinaldo.
________ 9. Lumisan tungong Hong Kong sina Aguinaldo noong Disyembre 24, 1897 kung saan nagtatag sila ng Junta,
isang pagpapatuloy ng kanilang rebolusyon at pagkilos para sa kalayaan mula sa mga Español.
________ 10. Ang kinikilalang kauna-unahang republikang naitatag sa Pilipinas, ang Republika ng Biak-na-Bato, ay
nagtagal lamang ng ilang buwan dahil sa naganap na kasunduan sa Biak-na-Bato sa pagitan ni Aguinaldo at ng mga
mananakop noong Disyembre 15, 1897.

You might also like